You are on page 1of 1

My Salutatorian Speech

Sa mga panauhing pandangal G/Gng 1. _____________________ 2.


_______________________, ating minamahal na Punong guro Ginang
_______________________, sa aming mga guro, magulang, mga kapwa ko mag-
aaral at sa lahat po na naririto, isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat!

Narito po tayo ngayon upang saksihan ang napakahalagang pangyayari


sa aming buhay. Ngunit ito po ay hindi namin maabot kung wala ang mga taong
naging gabay at inspirasyon upang kami ay makatapos sa mababang paaralan.

Unang una na po ang aming mga magulang na nagsumikap at naghirap


upang kami ay mapag- aral, kayo po ang unang naghubog sa amin, nagturo na
maging isang mabuting bata sa loob at labas ng tahanan. Kay mommy at daddy
ko, sa mga tita, isang tito ko na walang sawang asarin ako, kay ate at kuya ko at
higit sa lahat sa pinakamamahal kong lola nene. Maraming salamat po sa
pagmamahal at pag-aaruga. Kayo po ang aking inspirasyon.

Sa aming mga guro at punong guro na walang sawang gumabay at


nagturo ng mga aralin kahit minsan kmi ay maiingay at makukulit, nariyan parin
kayo at handang tumulong upang kami ay matuto, maraming salamat po mula
sa aming puso!

Sa aking mga kaibigan at kamag-aral sa masasaya at sa malulungkot na


pinagdaanan. Lahat ng ito ay nakatatak sa aking isipan. Sana ay manatili ang
ating magandang samahan. Hangad ko ang ating tagumpay!

Salamat din po ating paaralan, na biyaya ng liwanag. Anuman ang aming


gagawin, saan man kami naroon ay buong giting kong itatahan ang dakilang
simulain ng paaralan, magiging matapat, pagtutulungan, matalinong pag iisip,
pakikipag kapwa, kakayahang tumanggap ng katalunan, at paka mabuting
mamamayan.

At higit sa lahat ako’y nagpapasalamat sa Panginoon na nagkaloob ng


buhay sa atin, sa talino, talento at malusog na pangangatawan. Salamat din po
sa pagbibigay sa amin ng aming mga magulang, mga kamag-anak, mga
kaibigan, mga guro, paaralan at isang pamayanan na tahimik at masaya na
ngayon ay ating kinabibilangan. Nawa po ay patuloy nyo kaming patnubayan
sa aming mga adhikain at gagwin pa sa buhay!
Muli ang aking taos pusong pasasalamat sa inyong lahat!

You might also like