You are on page 1of 2

Si Noe

Si Noe ay may asawa at tatlong anak na lalaki. Ang pangalan ng kaniyang mga anak ay sina Sem, Ham
at Japet. Bawat isa sa mga anak na ito ay may asawa. Kaya walo silang lahat sa pamilya ni Noe.

Sinabi ngayon ng Diyos kay Noe na "Gumawa ka ng isang daong na gawa sa kahoy na gofer," Ito ang
utos ng Diyos kay Noah. "Doon mo isilid ang dalawa sa bawa't uri ng hayop sa mundo. Kapag umulan at
bumaha ay pumasok ka sa arko. Isama mo ang iyong angkan. Kayo ay aking ililigtas.".

Ang dang na ito ay kasinglaki ng barko, pero kagaya ito ng isang malaki at mahabang kahon.
Magkakaroon ito ng tatlong palapag. Magkakaroon ito ng mga kuwarto para kay Noe at sa pamilya niya,
para sa mga hayop at para sa kanilang pagkain.

Sinabi ng Diyos kay Noe: Magpapadala ako ng malaking baha para gunawin ang buong mundo. Lahat ng
nasa labas ng dang ay mamamatay.sapagkat umabot sa sukdulan ang kanilang kasamaaan.

Si Noe at ang kaniyang mga anak ay sumunod sa Diyos at inumpisahan nila ang pagtatayo. Pero
pinagtawanan lang sila ng mga tao. Hindi sila natakot. Sila ay hindi naging mabuti at Lalo silang.naging
masama. Walang naniwala kay Noe nang sabihin niya kung ano ang gagawin ng Diyos.

Pagkaraan ng maraming taon, natapos din ang dang. Sinabi ngayon ng Diyos kay Noe na ipasok na ang
mga hayop at ibon sa dang. Sinabi ng Diyos na may mga hayop na dadalhin niya nang daladalawa,
isang lalaki at isang babae. Pero may ibang hayop na dadalhin niya nang tigpipito. Sinunod ni Noe ang
sinabi ng Diyos. Lahat nito at ang kanyang pamilya ay lumulan sa arko.

Nang ang buong kapaligiran ay nangulimlim. Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Walang patid
ang patak ng malakas na ulan hanggang sa magbaha.Ang ulan ay nagtagal ng apatnapung araw.
Tumaas nang tumaas ang tubig. Nangalunod ang mga tao sa lupa. Ang buong kapaligiran ay
nagmistulang isang malaking dagat. Ang malaking arko na dating nakasayad sa lupa ay nakalutang na
ngayon sa tubig ulan si Noah at ang kanyang pamilya pati na ang mga hayop at halamang isinama niya.

Napalis lahat ang dumi sa mundo. Nais ng Diyos na linisin ang mundo. Alisin ang mga maruruming
gawain at mga makasalanang tao. Ang masasamang tao na noong una ay nagtawa lamang kay Noah ay
pawang nangalunod na. Wala nang makitang isang bagay sa mundo kundi tubig at ang daong ni Noah.

Nang huminto ang ulan at bumaba na ang tubig ay sumikat na ang araw. Tuwang-tuwa sina Noah.
Napakaganda ng sikat ng araw. Ito ay waring nag bibigay buhay sa kanila. Nag-awitan ang mga ibon at
nag-ingay ang mga hayop. Silang lahat ay nagalak.
Muling nagbalik sa dati ang kapaligiran maliban sa mga taong masasama. Lumitaw ang mga bundok at
ang mga halaman ay muling tumubo. Lumabas si Noah kasama ng kanyang pamilya at mga alagang
hayop. Nagkaroon muli ng buhay sa ibabaw ng lupa.

Sina Noah ay nagalak sapagkat niligtas sila ng Diyos kaya Siya at ang kaniyang Pamilya ay naghandog
at nagpasalamat sa Diyos.

You might also like