PABULA
Bakit Laging Nag-Aaway ang Aso, Pusa At Daga
Noong unang panahon, ang mga hayop ay nakapagsasalita at nagkakaintindihan. Sila ay
magkakaibigan. Ang daigdig ay napakapayapa at animo'y isang paraiso. Ang mga aso, pusa
at daga ay mabubuting magkakaibigan. Sama-sama silang kumakain. Lagi silang
nagbibigayan at nagtutulungan sa kanikanilang mga suliranin. Subali't ang lahat ng ito ay
nasira dahil lamang sa isang pangyayari.
Isang araw, umuwi ang aso na may dala-dalang buto para pagsaluhan nila ng kaniyang mga
kaibigang pusa at daga. Wala doon sina pusa at daga dahil naghahanap pa rin ang mga ito
ng pagkain. Nakarinig ng ingay ang aso sa pintuan ng bahay. Inilapag ng aso ang buto at
tumakbo sa labas upang tingnan kung ligtas ang kaniyang amo.
Sa oras naman na iyon ay dumating ang daga. Malungkot siya dahil wala siyang nakuhang
pagkain. Nakita niya ang buto. Kinuha niya ito at dinala sa bubungan ng bahay.
"Mamayang gabi ay may pagsasaluhan kami ng aking mga kaibigang aso at pusa." bulong ng
daga sa sarili.
Pagbalik ng aso sa bahay ay nagulat ito ng makitang walana ang iniwang buto. Naghanap
nang naghanap ang aso subalit hindi rin niya makita ang buto. Dumating ang pusa na wala
ring dalang pagkain. Tinulungan niya ang asc sa paghahanap ng buto. Nakarating sila sa
itaas ng bahay hanggang sa kinaroroonan ng daga. Nagulat ang aso at pusa. Akala nila ay
sadyang kinuha ng daga ang buto para masolo niya ito.
Mabilis na lumapit ang pusa sa daga at pinagalitan ito. Nagpaliwanag ang daga nguni't hindi
rin siya pinakinggan ng pusa. Nag-away silang dalawa kaya't ang buto ay nalaglag. Nasalo
ito ng aso at dali-daling tumakbo hanggang sa likods ng bahay.
"Hah..hah.. hihintayin ko na lang sila ditl. Siguro mamaya ay magkakasundo na rin sila at
masaya naming pagsasaluhan itong buto." bulong ng asong humihingal. Dahil sa pagod at
matagal-tagal ding paghihintay sa pagdating ng dalawang kaibigan, kinain na ng aso ang
ikatlong bahagi ng buto. Itinira niya ang parte ng daga at ng pusa.
Mainit pa ang ulo ng pusa dahil sagalit nang ito ay dumating sa kinaroroonan ng aso.
Inabutan niya ang aso na kumakai ng mag-isa. Bigla niyang inangilan ang aso.
Nagkasagutan silang dalawa hanggang sa sila ay magkasakitan ng katawan. Narinig ng mayari ng bahay ang ingay na dulot ng pag-aaway ng aso at pusa. Inawat silang dalawa at
pinaghiwalay. Naghiwalay ang aso at pusa na kapwa may tanim na galit sa isa't isa. Iyon na
ang simula ng kanilang pagiging magkaaway.
Magmula noon, sa tuwing makikita ng asc ang pusa ay kinakahulan niya ito. Ang pusa
naman ay di padadaig, lagi siyang sumasagot at lumalaban sa aso. At sa tuwi namang
makikita ng pusa ang daga ay hinahabol niya ito. Dahil naman sa takot ang daga ay
pumapasok sa isang maliit na lungga at lumalabas lamang doon kapag wala na ang pusa.