You are on page 1of 2

Nasaan ang Pagbabago?

Isinulat ni: Yasmin Claire T. Navarro

Paghihiganti, ito ang siyang pangunahing layunin ng pangunahing tauhan sa obra


maestrang El Filibusterismo. Marahil ikaw ay napapaisip at nagtataka, bakit paghihiganti?
Hindi ba’t ito ay masama at hindi karapat-dapat? Tayo’y tinuruan ng mga nakatatanda na
maging mapagpatawad at anumang kamalian ang nagawa ng ating kapwa sa atin, ang
pagpatol dito ay isa lamang kamalian. Oo nga naman, tunay na hindi mainam ang
paghihiganti ngunit sa nobelang El Filibusterismo, hindi isang simpleng “magpakumbaba-at-
ibaon” lamang ang sitwasyon. Ngunit bakit nga ba nagbunga ang lahat sa paghihiganti?
Daan-daang taon, labis-labis na panahon ang nasayang, libo-libo ang nagdusa, at maging
kalayaan ng mga Pilipino ay nawaglit. Ang mga Pilipino ay naging alipin sa kanilang sariling
tahanan, ang mga Pilipino ay pinagkaitan ng karapatan, at ang mga Pilipino ay tila naging
bilanggo ng kanilang sariling bayan. Bilang Pilipino, magagawa mo bang patuloy na
mamuhay sa ganoong sitwasyon? Matitiis mo ba ang iyak at pagdadalamhati ng mga naaapi?
Iyon ang dahilan ng paghihiganti, ang paghihiganti laban sa kasamaan, ang paghihiganti para
sa kalayaan. Ngunit sa kasalukuyan, hindi mo ba napapansin na ang mga dahilan ng
paghihiganting ito ay patuloy pa ring nangyayari? Ang pagkakaiba lamang, hindi na
Espanyol kundi kapwa Pilipino na natin ang siyang nang-aabuso.

Paghihiganti, ang paghihiganti laban sa hindi makatarungang pamumuno ng mga


nakakataas. Mula sa mga tinalakay nating mga kabanata, masasalamin natin ang mga
patakarang mapagsamantala sa kahinaan at kahirapan ng ilang mga mamamayan tulad na
lamang ng eksena na matatagpuan sa ika-apat na kabanata. Ito ang kabanata kung saan ay
pinipilit si Kabesang Tales na magbayad ng napakalaking buwis na higit sa karapat-dapat
nitong bayaran. Masasalamin ito sa sistemang “anti-poor” sa kasalukuyan, ito ang sistema
kung saan ang mga mayayaman at ang mga may kapangyarihan sa lipunan ay lagi na lamang
nabibigyan ng pribilehiyo ngunit kung isang hamak na mahirap na mamamayan ka lamang
ay hindi ka halos bigyan ng pansin sapagkat wala ka namang maibibigay na kapalit. Sa aking
palagay, ito ay isang sakit na matagal ng dahilan ng pagdurusa ng mga Pilipino. Dahil sa
sistemang ito, marami ang hindi nabibigyan ng hustisya gayundin, marami ang nakakawala
mula sa parusang marapat lamang nilang matanggap. Ang sistema na ito ay ang siyang
dahilan kung bakit ang mga mahihirap ay nananatiling nasa ibaba at mga mayayaman ay
patuloy lamang na itinataas. Paano nga ba natin ito maiwawaksi kung ang siyang mismong
nasa itaas ay siya ring nang-aabuso?

Paghihiganti, ang paghihiganti mula sa maling pamumuno ng pamahalaan at sa maling


paggamit nito ng kaban ng bayan. Noon pa man o sa kasalukuyan, matagal ng problema ng
Pilipinas ang pag-unlad dahil sa kakulangan ng salapi, ito rin ay nabanggit sa nobelang El
Filibusterismo. Korapsyon ang karaniwang itinuturong salarin ng suliraning ito mula pa
noon. Dahil sa kasakiman ng mga nakakataas, ang mga mamamayang Pilipino ay naiipit sa
sitwasyong hindi nararapat para sa kanila. Dahil sa ilang mga makasariling tagapagsilbi ng
gobyerno, ang mga Pilipino ay napagkakaitan ng isang maunlad at masaganang buhay.
Marami ang nagsasabi, “Hindi naman kasalanan ng pamahalaan ang lahat, minsa’y marami
lamang talaga ang hindi sumusunod kaya’t kailangan natin silang intindihan”. Sila’y itinalaga
upang maituwid tayo, sila ang mas nakakaalam ng mga dapat nating gawin, at oinangako at
responsibilidad nila na tayo ay pasunurin. Kung marami ang hindi sumusunod, ibig sabihin
ay may pagkukulang sila, kung hindi tamang sila’y sisihin , hindi rin tamang tayo’y kanilang
pabayaan. Sa halip na magsilbi ay tila ang mga nasa posisyon na ang siyang pinagsisilbihan,
kaya tunay nga bang napalaya na ang mga mamamayang Pilipino? Noon, ang mga Pilipino’y
bilanggo ng kanilang sariling bayan ngunit ngayon, tayo’y bilanggo na ng ating sariling
kababayan. 

Paghihiganti, sa nobelang El Filibusterismo ay ito ang  ginawa ng pangunahing tauhan


ngunit sa totoong buhay noon, ito ay tinawag ng mga Pilipino na pakikipaglaban. Kung
nakikita man ng ating mga ninuno ang Pilipinas ngayon, tiyak na sila’y mabibigo. Ilang taon
sillang nakipaglaban para sa kalayaan ng kanilang sinilangan ngunit ang Pilipinas naman
ngayo’y kinakain at sinasakop na ng kasakiman. Mula sa mga kabanatang ating tinalakay,
nasubaybayan natin na kahit na ang nobelang El Filibusterismo ay isinulat pa noon,
nagagawa pa rin natin itong iugnay sa kasalukuyan. Ito’y patunay lamang na hindi pa natin
nakakamit ang pagbabagong hinahangad pa ng mga Pilipino simula noong unang panahon.
Hindi pa natin nababayaran ang pagsasakripisyo ng ating mga ninuno o mababayaran pa
kaya natin ang paghihiganti at pakikipaglaban na kanilang ginawa? 

You might also like