You are on page 1of 7

Dinet Elementary School

S.Y. 2020-2021

Graduation Speech for Batch 2021

Sa mga magigiting na Guro na bumubuo sa mababang paaralan ng Dinet, sa pamumuno


ng masipag at patuloy na nagtitiyaga at tumataguyod sa paaralang ito, Ginoong Novy Chavez, na
minsan ko narin na naging kasama sa paaralang ito.

Sa ating dating ama ng bayan na sa puso natin ay nakatatak parin, Kagalang-galang


Romy L. Salvame. Ang inyong tulong at suporta sa paaralang ito ay kailanman ay hindi
malilimutan. Maraming Salamat po!

Sa pamunuan ng barangay casian, na hindi nagsasawa na sumubaybay upang tumulong


dito sa paaralan, sa pangunguna ng butihing punong barangay, kagalang-galang Norbert V. Lim
at sa kanyang mga kasamahang mga kagawad at opisyales.

Sa bumubuo ng PTA Officials sa pamumuno ng masipag na PTA President, Ginoong


Orly Fernandez na minsan naring kinilala sa ipinakitang kabayanihan noon sa pagsagip sa ating
dalawang guro.

Gayon din sa ating mga senior citizens, Save palawan seas foundation and Terramar
Aquatic Resources Incorporation na walang sawang magbigay suporta sa mga Gawain dito sa
paaralan, mga dating opisyal at naging miyembro ng PTA ng paaralan, nais ko po kayong
gustong bigyan ng pagpupugay.

Sa ating mga magulang na siyang naging kasangga natin upang maipagpatuloy at


maitawid ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Sa ating mga mag-aaral na naging dahilan at sentro ng ating adhikaing maipagpatuloy


ang edukasyon sa gitna ng pandemyang ating nararanasan ngayon.

At syempre sa ating Panginoon na siyang gumagabay, nagpapala at nagbigay sa atin ng


pagkakataon upang ipagdiwang ang araw na ito.
Isang mapagpala at masayang pagdiriwang ng pagtatapos sa inyo!

Ako’y nagagalak na maging bahagi ng inyong pagdiriwang ngayon.

Ang araw na ito ay magiging bahagi na maitatala sa kasaysayan ng paaralan, Dinet


Elementary School, na tanda ng tagumpay ng bawat isa lalo na sa ating mga nagsipagtapos na
mag-aaral, mga magulang at mga guro. Mga panibagong hamon na sa ati’y naghihintay sa di
pihong panahon.

Ang ngiti at saya ay tanda ng inyong tagumpay upang unti-unti ninyong makamit ang
inyong mga pangarap sa buhay.

Tulad ninyo ako rin ay nangarap. Nangarap para hindi lamang sa aking sarili kundi pati
narin sa aking pamilya.

Ang pangarap na aking binuo kasama ang aking mga magulang at kapatid, mga guro,
kaklase, mga kaibigan at sa Panginoong Maykapal na naging sandigan ng aking pagsisikap.

Ako ay panganay na anak sa limang magkakapatid. Pitong taong gulang pa lamang ako
ay ulila na sa ama. Ngunit bago sumakabilang buhay ang aming ama ay nauna nang pumanaw
ang dalawa kong mga kapatid. Ang aming ina ang nagtaguyod upang kami ay buhayin at pag-
aralin.

Katuwang ni nanay ang kanyang ate upang makadagdag-bigay para sa aming pang-araw-
araw na mga pangangailangan.

Noong tumuntong ako sa High school ay nawalay na kina nanay, tumira at natutong
makitungo sa aking mga tiyahin at mga pinsan sa ibang liminangcong. Tumutulong sa mga
gawaing bahay upang sa ganon ay masuklian ko ang kanilang tulong para sa aking pag-aaral.

Naalala ko pa noong panahong iyon ng high school, tuwing byernes at sabado ay


nagbebenta kami ni nanay ng gulay sa mga isla, liminangcong, tumbod, san jose o pirates, bulalo
at iba pang isla na mapuntahan ng bangka para mabentahan at kumita..

Ditto namulat ako sa paghihirap ni nanay sa paghahanap-buhay.. dahil pagkauwi nya


galling ng liminangcong ay babalik naman siya sa bukid sa Talog para balikan ang iba kung mga
kapatid. Doon ay may sinasaka siyang palayan na nasa walong ektarya. Siya ang namamahala
nito. Mag-araro, magtanim ng palay at kung ano-ano pang mga Gawain na sana ay lalaki ang
gumagawa. Maliban pa rito ay may obligasyon din siya sa barangay dahil isa siyang barangay
microscopist. Hindi ko alam kung paano niyang nagagawang paghati-hatiin ang kayang panahon
at oras upang magampanan niya ang kanyang responsebilidad.

Noong college ay niyaya ako ng aking pinsan sa maynila upang mag-aral. Di ko pa alam
kung anong kurso ang aking iinrol. Kaya naman gumaya na lamang ako sa aking pinsan na mag-
enrol ng nursing.

First year college lamang ang kinaya ng aking katawan na mamalagi sa maynila.
Nanirahan din ako sa isa ko pang tiyahin at tumulong naman sa kanyang tindahan sa palengke.
Dito ay marami ding makabuluhang karanasan upang hamunin ang aking katatagan kahit malayo
sa magulang.

Matapos ang isang taong pag-aaral sa maynila ay bumalik ako ditto sa palawan. Isang
taong pansamantalang tumigil sap ag-aaral upang hanapin ang sarili. Pakiramdam ko kasi ay di
ako nababagay sa kursong nursing. Baka di namin kayanin ang gastos.

Kaya kalahating taon akong nagtinda sa mga fiestahan. Kumita ng pera at nakapag ipon.
Hanggang sa dumating ang isang pagkakataon na naghahanap ng volunteer bilang kinder teacher
sa aming barangay. Sa una, may pag-aalinlangan ako dahil d ko alam kung paano magturo lalo
na sa mga batang maliliit. Ngunit sa huli ay pinili ko ring subukan para narin sa bagong
karanasan. Kaya sa kalahating taon sa pagiging kinder teacher ay nakumbinsi akong kumuha ng
Elementary Education.

Nag-enrol ako sa Puerto para ituloy ang naudlot kung pag-aaral sa koliheyo. Nag working
student ako at naging aktibo sa School Government Organization. Dito ay mas nalinang ko ang
aking kaalaman, talento at pakikipagkapwa-tao.

Pagkagraduate ko ay ilang buwan lang ay tinawagan ako ng dalawang private school para
magtrabaho sa kanila. Kasabay nito ay kinausap din ako ni Sir Charly Lopez, dating Teacher In
charge upang maging para teacher sa paaralang ito.

Pinili ko dito, sitio dinet, upang maranasang manirahan at matutunan ang pamumuhay
dito. Makalipas ang 3 buwan na pagtuturo dito sa dinet ay sumunod na sumakabilang-buhay ang
aking Ina. Isang malaking hamon ito para sa akin upang itaguyod ang aking mga kapatid na
kasalukuyang nag-aaral parin. Umabot ng 3 taon bilang para teacher bago naisipang mag take ng
board exam. Awa ng diyos sa tulong ng aking pamilya at suporta ng mga magulang ng lugar na
ito, ako ay nakapasa sa Licensure examination for teachers.

Matapos na pumasa ay nakipagsapalaran akong mag-apply sa DEPED at sa kagandahang


palad ay nakapasok naman sa trabaho. pinili ko din ang Dinet Elementary School dahil
pakiramdam ko ay isang hakbang para mas lalo akong mag-improve bilang isang guro.

Isang taon na akoy naregular sa aking trabaho ay isang pinto ang nagbukas para sa akin
na akoy mabigyan ng pagkakataon na maging TIC ng paaralang ito. Hindi rin naging madali sa
akin ang obligasyon at responsebilidad dahil di parin naman ako ganon katagal sa serbisyo upang
gampanan ang mabigat na posisyon na pamunuan ang paaralan.

Ngunit dahil sa pakikipagtulungan ng mga magulang at suporta ng PTA Officials, Lokal


na Pamahalaan ng barangay at Munisipyo, mga sumuportang Pribadong sektor ay lubos akong
nagpapasalamat dahil naging bahagi ako ng inyong pangarap para sa paaralang ito.
Nakipagtulungan para sa ikauunlad ng paaralan at maiangat ang kalidad ng Edukasyon para sa
mga mag-aaral.

Ngunit sa di inaasahang pangyayari ako ay nadisgrasya at sa pag-aakalang di na muling


makakalakad pa. Akala ko ay sa wheelchair nalang ako uupo na sa dating bangka ang
sinasakyan. Akala ko d na ako makakapagturo pa at makukulong na lamang sa isang sulok ng
kwarto.

Ngunit binigyan parin ng pagkakataon ng Diyos na makabangon at maipagpatuloy ang


buhay. Ang buhay na kahit may kapansanan ay di nililimitahan ang sarili upang magawa ang
nais maabot sa buhay. Masaya mabuhay at masaya ang buhay.

Nooy naisip ko na nandahil sa aksidentey makukulong na lamang ang aking pangarap at


mga nais gawin pa sana ngunit nasa ating sarili kung itoy ating lilimitahan at tayoy
panghihinaan.
Tulad ngayong pandemya naway hindi lamang nagtatapos ang inyong mga pangarap
dahil natatakot na sa tuwinay maari tayong mahawaan o madapuan ang nakakahawang virus na
COVID-19.

Alam ko na naging mahirap para sa lahat ang epekto nitong pandemya.

Marami ang nahirapan lalo na sa pagsagot ng mga inaabot na mga modules sa atin ng
mga guro.

Marami ang nanibago sa tinatawag na New Normal na paraan ng pag-aaral at


pamumuhay.

Sana pakaisipin natin ang positibong pananaw para dito.

Naisip ko ba kung paanong malapit ako sa aking nanay o tatay sa pagsagot ng aking mga
aralin?

Naisip ko rin ba na magsumikap , pag-ibayuhin ang paglinang ng kasanayan at kaalaman


base sa nilalaman ng aking modules?

Naisip ko rin ba na kung nagtanong kaya ako kay teacher tungkol sa nilalaman ng
modules ko ay may natutunan din kaya ako?

Naisip ko rin ba na may natutunan din kaya ako kung sina mama, papa, ate o kuya ang
sumusagot ng modules ko habang ako, naglalaro.. abala sa ibang gawain?

May natutunan kaya ako ngayong taon?

Marami kaya akong sinayang na pagkakataon para matuto?

Naisip ko rin kaya na kakailanganin ang mga dapat matutuhan ko ngayong taon sa
susunod na pasukan?

Naisip ko ba kung sino ang may pagkukulang sa panahong ito ng pandemya na wala
akong natutuhan gayong pareho lang naman na ang mga guro, mag-aaral at magulang ay biktima
ng pandemyang ito? Sino ang aking sisisihin?

Alam ko na meron sa atin na may nanghinayang, may nalungkot at syempre may natuwa.
Nawa’y naisip natin ang malalim na nais iparating sa atin ng tema natin ngayong taong
panuruan 2020-2021: Kalidad ng Edukasyon Lalong Patatagin sa Gitna ng Pandemya.

Mga magulang, mga mag-aaral at mga guro. Ang bawat isa sa atin ay may kaakibat na
responsibilidad upang makamit natin ang kalidad na edukasyon.

Pilit na itinawid ng ating kagawaran ang edukasyon huwag lamang matigil sa pag-aaral
ang mga bata.

Ano kaya ang mga sangkap upang mas lalo natin itong patatagin upang makamit itong
kalidad na tinatawag.

Una, ugaliin natin ang pagtatanong. Magtanong sa may alam upang tayoy matulungan.

Ang ating mga guro ay handa tayong gabayan.

Ikalawa, tyaga. Bigyan natin ng oras ang ating mga Gawain. Mahirap man ay may
paraan.

At Ikatlo, mangarap. Walang bayad mangarap bastat may kaakibat na gawa at pagsisikap.

Simulan natin ang mga simpleng Gawaing ito. At ang simpleng gawaing ito ang syang
gagawa ng malaking pagbabago para sa atin mga sarili.

Ang tanong kalian natin sisimulan ito? Bukas? Sa susunod na pasukan? Hindi po!

Ngayon na!

Kaya sa pagkakataong ito, mga nagsipagtapos, lapitan ninyo ang inyong mga magulang.
Yakapin ninyo at sabihing maraming Salamat po! Pagbubutihan ko po para inyo akong
maipagmalaki.

Ang mga katagang yan ay magsisilbing pangako na sana balang araw ay makasalubong
kayo ng inyong mga guro na matutuwa at proud para sa inyo.

Isipin natin ang ating kinabukasan. Ang kasalukuyan ay ginagamit upang matamasa at
makamit natin ang maayos at magandang kinabukasan.

Kaya bigyan ng pagpapahalaga ang edukasyon upang makabuo ng magandang


pundasyon at ang kahirapan ng buhay ay malalampasan at maiaahon.
Gawin nating sentro ng ating buhay ang Diyos dahil sya mismo ang gagabay at gagamit
ng paraan upang tayo ay matulungan. Huwag mangamba manalig ka.

Kaya para sa inyo mga graduates Congratulations! Gayundin sa inyo mga magulang.

Huwag tayong makontento kung anong meron lang. nawa gawin natin ang ating
pinakakayang gawin. Alam kong kaya mo!

Manatili tayong ligtas at hindi tumigil na magtuklas!

Maraming Salamat! God bless and heal us all!

You might also like