You are on page 1of 1

Isang mensahe sa mga makabagong kabataan.

Madalas, nakakabasa ako ng "your grades don't define you" or "wala sa grades yan!"
Let me enlighten you.
Yes! Wala sa grades kung magiging sino at ano ka pagdating ng araw. Pero narealize mo ba bakit
may marka ka sa bawat ginagawa mo sa eskwela? Malamang hindi.
Simple, hindi naman talaga grado ang mahalaga, pero mahalagang PUMASA KA! Bakit? Simple.
DISIPLINA.
Naisip mo ba bakit may deadline? Kasi gusto kang matuto na bawat desisyon sa buhay, hindi basta
basta at dapat umayon ka sa panahon at oras na meron ka.
Naisip mo ba bakit may passing grade? Hindi yan para pahirapan ka. May passing grade para
turuan kang magtyaga. Magtyaga na mag aral, magbasa, mag isip, magmemorya. Kung sa
simpleng mga bagay di ka marunong magtyaga, pano pa sa iba?
Naisip mo ba bakit may mga ginagawa na di mo naman specialty? Gaya ng pagguhit, essay, pag
arte, pag kanta, pagsayaw? Hindi yan para pagtripan at ipahiya ka. Para yan matuto kang mag
adjust sa buhay. Turuan ka na kahit palagay mong hindi mo kaya, kakayanin mo dapat kasi
kailangan.
Naisip mo ba bakit may masungit at strikto na guro? Hindi dahil trip ka nya. Para yan marealize mo
na sa buhay, hindi palaging puro masaya. Mas madami padin ang pagsubok na susukat ng tatag
mo. Pano na kung mabait ang lahat sa eskwela? Paglabas mo sa paaralan pano na ang mga taong
mapagsamantala? Ano? Magpapatawa nalang at papalagpasin ang kamalian ng iba?
Naisip mo ba bakit may grading system? Hindi yan para diktahan ka. Ginawa yan para masanay
tayo na sa buhay, may sinusundan na sistema ang bawat isa.
Naisip mo ba bakit may dress code? Rules and regulations? Hindi yan dahil KJ ang sistema. Para
yan turuan ka na ang buhay ay isang malaking sistema. Kailangang sumunod, umayon, at
makisayaw sa daloy ng buhay. Hindi naman pwede na mamimili ka lang kung ano ang susundin.
Dahil harapin natin ang katotohanan na pag di ka sumunod sa BATAS, may mabigat na parusa.
Pang huli, naisip mo ba bakit ka pumapasok sa eskwela? Hindi yan para magkapera ka o makakilala
ng oppa o omma. Pumapasok ka sa eskwela para mahubog ka bilang isang tao, hindi upang
patunayan gano katigas ang iyong ulo.
Ngayon sabihin mo sakin, hindi ka ba ilalarawan ng grado sa iyong report card? O ito ay simpleng
pruweba lamang na ikaw, ako o tayo ay nakahanda na sa totoong hamon ng buhay.
Wag puro reklamo, lahat yan may dahilan. Kung sa eskwela di ka makasunod sa agos ng sistema,
isipin mo, pano pa kaya after ng pag-aaral mo?
May mga bagay na tama lang na ipaglaban, pero mas madaming mga bagay na dapat iniintindi,
sinusunod at inaaral ang epekto sa buhay.
Sa dali ng mga pamamaraan upang humanap ng impormasyon ngayong makabagong panahon,
bakit mas hirap pa kayo ngayon?
Ano? Dota dota nalang? Ros, pubg? Wattpad? Fb, instagram, twitter? Tapos pag sa pag-aaral rant
nalang ng rant? Pinapatay kayo? Walang time sa sarili nyo? Walang space? Walang consideration?
Isip isip naman. Aba!! Pano mo nasabe?!
Kabataan, mag isip ka naman! Sabi nga, alamin muna ang "square root" bago ka "humarot".

You might also like