Professional Documents
Culture Documents
Lindol ka ba?
(Baket?)
Nung nareceive ko ‘yung invitation para maging guest speaker ngayong araw na ‘to, inisip ko agad kung
anong sasabihin ko sa inyo. Pwede ko kasing i-kwento nalang ‘yung buhay ko para di na ko mahirapan.
Kaya lang, bukod sa hindi naman ako sikat na artista o milyonaryo para ma-inspire kayo ng sobra sa kung
anong nagawa ko na sa buhay ko, eh medyo gasgas na ‘yung ganung style.
Kaya naisip ko na i-share nalang sa inyo ‘yung alam kong mas magkakaroon ng silbi sa buhay ‘nyo. Dahil
ako mismo, ito ‘yung ginagawa ko. Kaya graduates, hihiramin ko ang ilang minuto ‘nyo para makinig ng
mabuti. At dahil nasa edad na kayo na nagsisimula na kayong mangarap, ano pa nga bang mas
magandang message ang pwede kong ibigay sa inyo kung hindi tungkol sa pagtupad sa mga pangarap?
Walang masama sa nangangarap. Kaya nga patuloy tayong nabubuhay ay para tuparin ‘yung mga
pangarap natin, di ba? Basta hindi dapat panay “nganga”, para hindi “ngawa” ang resulta. Mas maganda
kung “gagawa” ka, para ang resulta, “magara”.
Meron daw limang bagay na importante para matupad ang pangarap, iisa-isahin ko:
Number 1: Be specific
Kung mangagarap kayo, gawin ninyong detalyado ang pangarap ‘nyo. Hindi ‘yung parang nag-drawing
kayo sa tubig. Walang nabubuo. Ibig sabihin, kung gusto mong maging doktor, linawin mo: doktor ba ng
tao o doctor ng hayop? Kung gusto mong magka-kotse, anong klaseng kotse? Anong kulay? Anong
brand? Kung sariling negosyo naman, siguraduhin mong legal ‘yan.
“Hindi mo na lang sana pinagod ang sarili mo sa pagbuo ng mga pangarap kung hindi ka rin lang naman
pala gagalaw.” Dahil kung ganun rin lang, hiyang hiya naman ang utak mo sa sa katawan mo!
Tulad ngayon, isang step ang nakumpleto nyo -- ang makapagtapos ng elementarya. Marami pang
susunod na hakbang pagkatapos nito, pero sana, wag kayong tatamarin. Kasi kahit anong tumbling at
flip-top battle ang gawin natin, sa huli, ang pag-aaral pa rin talaga ang susi para matupad ninyo ang
inyong mga pangarap.
Huwag sana ninyong tularan ‘yung isang mama sa nabasa kong libro, na kung kelan sya tumanda at saka
sya nagsisisi. Nagrereklamo kasi sya dahil bukod sa mainit na, ang bigat pa ng pasan nyang papag. Yun
kasi ang trabaho nya, ang maglako ng mga papag.
Sabi nya, “kung alam ko lang na pwersado rin akong magtratrabaho nang ganito, nagsikap na lang sana
ako sa eskwelahan nung bata ako. Parehas lang naman palang nakakapagod. At least, pag nag aral ka,
may pag asa pang magkaroon ng magandang kinabukasan at makatulong sa iba.”*
Sabi rin ng author ng librong yon na si Bob Ong: “Humigit-kumulang sampung taon nalang kayo mag-
aaral. Kung hindi kayo magsisikap, mahigit 30 years ng kahirapan ang magiging kapalit. Sobrang lugi, di
ba? Pero ngayong alam nyo na yan, sana naman eh wala na sa inyo ang gugustuhing umiwas pa sa
eskwela.”*
Sa mga palakol naman ‘yung grades, wag kayong mag-alala. Dahil hindi lang naman sa grades nasusukat
ang pagkatao. Dahil kung grades lang ang batayan, edi sana lahat ng honor students na ang
pinakamayayaman at matagumpay sa Pilipinas ngayon.
Kaso hindi.
Lilinawin ko lang: walang masama sa pagiging honor student. Ipagpatuloy nyo yan. At tiyak na malayo
ang mararating ninyo. Para naman sa mga hindi katalinuhan, saludo pa rin ako sa inyo. Kaya sana, huwag
kayong papaapekto sa kung anu mang bansag sa inyo na mahina kayo.
Maniniwala ba kayo na sa isang research na ginawa, ‘yung mga napagiiwanan sa klase na yan, eh sila ang
magmamay-ari ng mga kumpanya kung saan nagta-trabaho ‘yung mga nasa with honors?
Kasi hindi na sila takot mabigo! Eh sa dami ba naman ng exam na binagsak nila eh, halos manhid na sila
sa pagbagsak. At dahil nga sa hindi sila ganun ka-galing, sa ibang bagay nila sinusubukang maging
matagumpay!
Kaya sa mga magulang na naririto, huwag po kayong masyadong maging grade conscious sa mga anak
ninyo. Kung may palakol man sa card, imbes na sermunan at pagalitan, dapat mas suportahan n'yo sila.
Higit sa talas ng memory na mangabisa, at bilis ng pagsagot sa flash cards, mas importante pa rin po ang
determinasyon at pagkukusa. “Dahil ang talino, bagamat mahalaga, ay hindi ang tanging panukat sa
tagumpay.”#
Ang kabalikat ng talino ay pagkatao. “‘yung katalinuhan, ituturo lang nyan sa atin kung ano ang dapat
gawin, pero ang pagkatao ang makakapagpagalaw sa atin.”+
“Kasi mabalikan mo man ang lugar, hindi mo naman mababalikan ang panahon at pagkakataon na
pinalampas mo para sa mga taong mahalaga sayo.”*
Kaya sa araw-araw na kasama ninyo ang inyong mga magulang, matuto kayong pahalagahan sila. Aanhin
mo ang katuparang ng pangarap mo kung wala ka namang kasamang mag-eenjoy sa lahat ng
pinaghirapan mo? Hindi sapat na naging honor student ka ngayon tapos sasabihin mo “para to kay
Mama at Papa” tapos kinabukasan mag-aasawa. Hindi dapat matapos dun ang pasasalamat sa kanila.
Ang trending kasi ngayon, pag naka-graduate na, o mas malala minsan, nag-aaral pa, nag-aasawa na.
Kaso kadalasan, sa hiwalayan din naman napupunta kasi ang babata pa para sa responsibilidad na mag-
kapamilya. Kaya ang nangyayari, hindi ka na nga nakatulong sa pamilya mo, naging pabigat ka pa.
“Huwag mag madali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang
pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si
Justin Bieber o kasing galing nyang mag-flip-top si Abra at si Righteous One. Totoong mas importante
ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa
eskwelahan ay magmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”*
Patuloy kayong mangarap, at siguraduhin na kasama ang buong pamilya, at ang kagustuhan na
makatulong sa iba - sa binubuo ninyong mga pangarap.
Pero bakit nga ba kailangan pang kasama ang mga magulang nyo sa pangarap ninyo?
Eh madalas naman pinapagalitan lang nila kayo. Malamang nga, may ilan sa inyo ngayon ang hindi
maipinta ang mukha kasi hindi bago ‘yung uniform kasi walang pambili si Nanay o si Tatay kaya
nagdadabog. Yan ang hirap sa maraming anak. ‘yung sigaw lang at sermon ng Nanay nyo ‘yung naririnig
nyo, ‘yung pagiging kuripot lang ng Tatay nyo ‘yung naaalala, ‘yung palo lang nila ‘yung nararamdaman.
Pero hindi ninyo nakikita ‘yung sakripisyo at paghihirap ng mga magulang nyo may makain lang kayo,
may maibaon, at mapagtapos kayo ngayon ng elementarya.
Tandaan po ninyo, wala sa eskwelahan yan, nasa kagustuhan na matuto at magsikap yan! “Dahil ang ating
mga desisyon, at hindi ang ating kondisyon, ang magpapasya ng ating kapalaran.”
Graduates, huwag ninyong alisan ng karapatan ang sarili ninyong mangarap! You become what you think.
Ngayon, kung ikaw mismo hindi mo kayang paniwalaan ang pangarap mo, wala talagang mangyayari, dahil
ikaw na mismo ang nag-alis ng pag-asa sa sarili mo. Kung ikaw mismo hindi naniniwala sa sarili mo, bakit
naman maniniwala sayo ang ibang tao?”
Wag nyong susukuan ang pangarap ninyo, Tandaan nyo na ang “pagsuko ay ang permanenteng solusyon
sa pansamantalang problema. Kaya tuparin nyo ang inyong mga pangarap. obligasyon nyo yan sa
sarili nyo!”*
At dahil sa nasimulan ko na rin lang sa pick-up line ang message ko sa inyo, hayaan nyong tapusin ko ito sa isa
pang pick-up line.
Biogesic ka ba?
(Baket?)