You are on page 1of 11

Isang magandang umaga po sa lahat

ng guro at panauhin.

Mas magandang umaga po para sa

mga magulang at kamag-anak ng mga

graduating students na naririto

ngayon.

At pinakamagandang umaga naman

para sa mga nakaupo ngayong mga

graduating student sa harap ko.

Bago ko po ang lahat, gusto ko lang

pong magpasalamat sa mga teachers

ng Arena Blanco East Elementary School

para sa pag-imbita sa akin bilang

panauhing pandangal sa graduation

natin ngayon. Natutuwa po talaga na

ako ay na naimbita nyo. At

nakakatuwang isipin na narito pa rin

ang mga teachers sa Arena Blanco East Elementary School na

naabutan ko noong ako po ay

elementary pa.
Sa mga mag-aaral na magtatapos sa araw na ito, kamusta kayo? Anong pakiramdam

nyo ngayon? Ok lang? Masaya? Noong

graduation ko nung grade 6,

napakasaya ko noon. Hindi dahil

honor ako. Kundi dahil nalampasan ko

na ang anim na taon ng assignments,

periodic tests, projects at mga exercises na

walang sawang ibinibigay ng mga

teachers ko noon. Ganyang ganyan din

ako dati. Walang pinagkaiba sa inyo.

Nakaupo sa kinalulugaran nyo ngayon.

Nakikinig sa kung ano mang meron sa

program ng graduation ceremony.

Tatanggap ng diploma. Tatanggap ng

pagpapatunay mula sa DepEd .

Pagkatapos ng graduation na ito?

Anong susunod? Bakasyon! Pwede.

Damahin nyo ang pagiging elementary

graduate nyo. Kasi pagdating ng June

maghi-highschool naman kayo.

Sasabihin nyo another assignments,

projects at tests na naman? Kahit

ganoon na pahirap ng pahirap ang mga

inaaral, sana wag kayong magpabaya.


Huwag nyo susukuan ang mga taong

dadating pa para mag-aral kayo. Wag

nyong sasayangin ang pagkakataon na

makapag-aral dahil hindi lahat ng mga

kabataan na katulad nyo ay

nakakaranas pumasok sa paaralan.

Gusto kong magtanong sa isa sa

batang nasa unahan kung ano ang

pangarap nyang maging (ask first the

student in front). Sino yung first honor

natin, gusto ko lang din malaman kung

ano ang pangarap nyang maging (ask

the first honor)

(comments about sa sagot

nila)

Ang pagtatapos nyong ito at bahagi ng

unti-unti nyong pag-abot sa pangarap

na iyon. Ang teachers nyo, ang

principal, ang mga district supervisors

sa Zamboanga City, nagelementary yan. Ang

may-ari ng KCC, ang mga doctors, kahit

ang presidente ng Pilipinas, nag-

elementary ang mga yan. Bakit sila

nakarating sa kinalalagyan nila

ngayon? Dahil hindi sila nagpabaya.


Dahil nagsikap sila. Dahil may

pangarap sila sa buhay. Hindi lang sa

graduation na ito nagtatapos ang

lahat. Dahil pagtapos nito, may mga

susunod pa kayong pagsubok sa pag-

aaral at sa buhay.

Ako dati sa totoo lang, noong

elementary pa ako, hindi ko alam ang

gusto kong maging. Ang alam ko lang

noon, papasok ako sa school. Hindi

pwedeng hindi. Kapag may mga assignment at projects

ako, hindi pwedeng wala akong masubmit.

Kapag may test ako, kailangan

maipasa ko. Nung grade 1 ako, wala

akong alam sa mga honor-honor na

ganyan, hindi ko iniisip na dapat honor

ako. Basta ang ginagawa ko lang at

yung the best na magagawa ko. Isa pa,

honor ka man o hindi, hindi yun

basehan sa kung maaabot mo ang

pangarap mo. Madami akong kakilala,

hindi sila naging honor students mula

elementary pero naaabot na nila ang

gusto nila sa buhay. Accountants.

Engineers. Nasa pagsisikap ang lahat


ng yon.

Para po sa mga magulang,

binabati ko kayo dahil napagtapos nyo

na ng elementarya ang mga batang ito.

Mahabang panahon ang anim na taon

para pagsikapan. Araw-araw gigising

ng maaga. Magbibigay ng baon para sa

kanila. At gagastos para sa mga

pangangailangan nila. Hindi madali

humanap ng pera lalo na't hindi

naman lahat tayo ay angat sa buhay.

Salamat po sa inyo.

Makwento ko lang po. Lima kaming

magkakapatid , nag-iisalamang lalake ang panganay namin, pangatlo po ako at lahat kami

graduate dito sa Arena Blanco East Elementary School . Lahat po

kami ay nag high school sa Arena Blanco National High School . Yung bunso na lang

ngayon ang nag-aaral pa sa High School

. Lumaki po kaming magkakapatid ng malayo sa aming ama, paminsan minsan lang po sya makauwi dahil
sya ay nakadistino sa Basilan. Kinakaya po ng aming mga magulang na mapalayo sa isa't isa para lang
makapagtapos kami .

Sa araw-araw naming gastusin sa High School at

sa kagustuhan niyang makapagtapos kami sa pag-aaral nagtrabaho ang nanay ko sa Factory ng Sardinas
(Aquatic Mariko Sardines Factory) . Bihirang

magpahinga yon. Gabi-gabi talaga, night shift kasi sila.


Kilala na nga siya ng mga guards sa

gate. Noong 4th year High School na po ako nagsimula akong sumama sa nanay ko na magtrabaho sa
Sardine's Factory. Hanggang sa makapagtapos ako sa Kolehiyo at makapasa Sa LET Exam at kalahunan ay
nakapagturo sa Don Gregorio Evangelista Memorial School saka palang po ako nakatigil sa pag trabaho
sa Factory.

Hindi ako makakapasok sa Western Mindanao State University at hindi ako

magiging scholar ng CHED kung hindi

dahil sa kanila. Napakaraming papeles

at requirements na hinihingi para

makapasa sa Western Mindanao State University at

CHED Scholarship . Lahat ng papeles na kailangan

nagawan nila ng paraan. Walang

kulang. May backup pa silang itinago.

Kung hindi po dahil sa kanila, hindi

ako makakarating sa kung anong

meron ako ngayon. Ang meron ako

ngayon ay hindi lang dahil sa pag-

sisikap ko kundi dahil na rin sa kanila.

Malaking bahagi sila.

Mga magulang, hindi po

magtatagumpay sa buhay ang mga

batang ito kung hindi nyo po sila

matutulungan pa sa mga haharapin

nila. Hindi ko po sinasabi na maghatid

din kayo ng binalot araw-araw sa mga

anak nyo, nangyari lang po kasi na

malapit lang sa school ang bahay


namin. Naniniwala po ako na hindi

talaga nila kakayanin mag-isa kahit pa

sabihing may sarili na silang desisyon

sa buhay ilang taon mula ngayon.

Kung naging sakit ng ulo nyo po sila sa

anim na taon sa elementarya, pasensya

na po pero sana po maging mas

pasensyoso pa rin po kayo sa kanila sa

dadating pang mga taon.

Pamilyar na po siguro sa inyo ang K to 12 Program na inilunsad

ng DepEd. Ito po ay dagdag na

dalawang taon bago makagraduate ng

highschool. Naiintindihan ko po na

hindi madali ang magpaaral lalo na't

madadagdagan pa ng dalawang taon

ang magiging lakbayin ng bawat mag-

aaral. Pero ako po ay naniniwala na

Di na rin magtatagal, at malaki ang maitutulong sa inyo

ng mga anak nyo. Kahit

po Senior high school lang ang matapos nila at

hindi makapagtapos ng college ay

magiging mas handa po sila para

magkaroon ng mga trabaho.


Naniniwala po ako na hindi naman

malala ang kakapusan ng trabaho sa

ating bansa. Ang nangyayari lang po

ay hindi akma at hindi handa ang

kakayahan ng mga bata sa mga

trabahong maaaring mapasukan sana

nila.

Wag po sana kayo panghihinaan ng

loob sa pag papaaral sa mga anak

nyo. Sana po ay maging matatag kayo.

Dahil sa inyo po sila huhugot ng lakas

ng loob para harapin ang mga

pagsubok na dadating sa kanila.

Kayo namang mga estudyante,

makiramdam din kayo sa magulang

nyo. Kung nahihirapan sila, tulungan

nyo. Hindi habang buhay, nandyan sila

para sa atin.

Ang pag-buo ng iyong kinabukasan ay

hindi iisang teknik lang. Madaming

paraan para gawin yon. Pero sa dinami

dami ng mga paraang iyon, hindi mo

magagawa ang gusto mo sa buhay

kapag hindi mo ginawa kauna


unahang hakbang. Ang mangarap.

Para sa akin, ang hindi pagkakaroon

ng pangarap ay nakakatakot. Kapag

ganoon, parang sinabi mo na wala

kang plano sa buhay na umangat at

umunlad. Kahit bata pa lang kayo,

pwede nyo nang isipin ang mga bagay

bagay na gusto nyong maging paglaki

nyo. Isipin nyo kung nasan ka at ano

nga nila, libre ang mangarap. Sa

pangarap nagsisikmula lahat. Yun ang

plano sa gusto mong maging. Kapag

may naiisip ka na gusto mong

mangyari sa buhay mo, isunod mo ang

pagsisikap at pagtityaga. Ang

pangarap ay mananatiling pangarap

kung wala kayong gagawin para

maabot ang mga ito. Sa anu mang

bagay na ginagawa nyo, wag nyo

kakalimutang idasal sa Diyos na

patnubayan kayo.

At kapag dumating ang panahon na

naabot nyo na ang mga gusto nyong


marating sa buhay, huwag nyong

kalimutan na magbalik tanaw at

magpasalamat sa mga taong naging

bahagi ng inyong tagumpay katulad ng

mga the teachers, mga kaibigan,

syempre sa mga magulang at sa

Diyos.. Wag nyong kalilimutan ang

mga taong tumulong sayo. Maging

mapagkumbaba kayo. Maging mabuti

kayong mamamayan ng ating bayan.

Tumulong kayo sa pag-unlad ng ating

bansa.

Magtatapos kayo ng elementary. Pero

ang pagtatapos na ito ay siyang simula

ng mas madami pang hamon.

Madaming madami pa kayong

haharapin. Pero eto ang sigurado.

Sana pakatandaan nyo. Kapag

nagtyaga kayo, naging masipag at

hindi nagpabaya, masabik kayo sa

kaya nyong gawin. Kahit ano kaya

nyong maging

Maraming salamat po sa inyo. At


binabati ko kayong lahat.

Ang sarap lang sa pakiramdam. Kahit

papano na-touch ko ang buhay ng mga

batang hindi ko naman kilala (talaga? na-

touch?) Sa loob-loob ko, napapaisip ako na

You might also like