You are on page 1of 5

TALUMPATI

NI

FLORENCE ROS M. FRENILA

IPINASA KAY: ​AISA P. MIRO

GURO SA FILIPINO
Talumpati sa Pagtatapos 2019

Ni: Florence Ros M. Frenila

Noong bata pa ako, pinangarap kong maging isang tao. Isang taong may

determinasyon sa buhay. Pinangarap ko din na nakatayo sa harap ng mga kaklase

kong nagsasalita para sa kanila sa isang okasyon tulad nito sa araw ng ating

pagtatapos. Ngunit ngayon, ang aking puso ay napuno ng kagalakan at kasiyahan.

Gising ako, hindi lang ito panaginip at nawala. Ito ay panaginip na natupad.

Sa ating mga bisita, sa ating panauhing pandangal Dr. Allan G. Farnazo, sa ating

punong guro Ginoong Elmer B. Billanes, sa mga guro ng paaralang ito, sa mga

magulang, sa aking mga kamag-aral, magandang araw po sa ating lahat. Nais kong

ibahagi sa inyong lahat ang aking karanasan bago ako nakatungtong sa aking

kinatatayuan ngayon. Sabi nga nila ang High School ang pinakamasayang level ng

pag-aaral. Ito ang level na may mga iba’t ibang masasayang karanasan. Unang

tungtong at pasok ko sa buhay high school akala ko mahirap, tama nga mahirap talaga

pero sa una lang dahil sa hindi pa ako nasasanay sa bagong paaralang pinasok ko, sa

mga taong nakakasalamuha ko, sa mga bagong guro at mga bagong uri ng kaklase na

aking pakikisamahan. Unang taon ko dito sa Norala National High School madaming

pagbabago ang aking hinarap. Isa na dito ang pag-aaral ko dahil sa mga bagong

subject na kailangan kong pag-aralan. Sa mga bagong guro na naging pangalawang

magulang ko na rin at gagabay sa pang araw-araw na gawain ko sa loob ng paaralan.

Sila din ang tutulong sa paghubog ng aking kaalaman sa pag-aaral. Ang mga bagong

kaibigan na pakikisamahan ko sa bawat araw sa loob ng paaralan na magiging bahagi

ng buhay ko at makakasama ko sa kasiyahan, kalungkutan ng buhay ko at

makakaramay mo sa oras na may problema ka. Dumaan ang mga araw na hindi ko

namamalayan na masaya na pala ako sa mga ginagawa ko at unti-unti akong naka

adjust sa section na meron ako at dito nagsimula na parte na ako nang “CHARITEAM”
ito ang section na una kong minahal simula ng pagpasok ko dito, nang dahil sa kanila

madami akong natutunan at mas nakilala ko ang tunay na ako.

Ako bilang estudyante dalawang taon akong namalagi dito at ang iba naman ay

mas matagal kung saan anim na taong namalagi dito. Ngunit hindi ito nasusukat sa

tagal ng pamamalagi kundi sa mga kaalamang ibinahagi sa atin ng ating mga guro.

Tayo ang ikatlong batch na magtatapos bilang produkto ng K-12 . Tayo ang ikatlong

magpapatunay sa tema ng ating pagtatapos na “Kabataan mula k-12, tagapagdala ng

kaunlaran sa Pilipinas”. Bakit nga ba tayo ang sinasabing tagapagdala ng kaunlaran sa

ating bansa? tulad nga ng sabi ng ating pambansang bayani, “Ang Kabataan ang

siyang pag-asa ng ating bayan”. Ibig sabihin tayo mismo ang magbibigay kaunlaran sa

ating bayang sinilangan.

Ngayon, minarkahan ang unang pinakamahalaga at pinaka hindi malilimutang

sandali ng ating buhay bilang isang mag-aaral sa high school. Ito ang sandali ng

katotohanan. Malapit na tayong umakyat sa susunod na antas ng ating edukasyon. Ang

buhay kolehiyo. Ngunit tandaan pa natin na magkakaroon pa tayo ng marami pang taon

upang sa wakas ay makapagtapos at magkaroon ng isang napakagandang trabaho.

Ako bilang isang grade 12 student, tinahak ko ang STEM Strand o tinatawag na

Science Technology Engineering and Mathematics Strand. Marami akong

napagdaanang hirap pero hindi ito papantay sa kasiyahang naramdaman ko sa aking

pag-aaral. Baliwala ang mga ito dahil alam ko sa sarili ko na ako ay natuto at higit sa

lahat inspirasyon ko ang aking ina. Hindi bihira ang trabaho at paghihirap ng aking ina

upang kami ay maitataguyod. Siya’y guro sa umaga at ina at nagsilbi ding ama sa amin

simula nong pumanaw ang aking ama. Mahirap lumaking kulang ang pamilya, kaya ako

nandito sa inyong harapan at nais kong sabihin na mahalin at pahalagahan nyo ang

inyong mga magulang habang sila’y buhay pa dahil kapag dumating ang mga araw at

oras na sila ay mawala, ang mga panahong iyon di na mababalik pa.

Hindi kami magpapaalam sa lahat ngunit sabihing Salamat sa halip. Ito na ang

ating tamang oras upang maipahayag ang ating taos pusong pasasalamat. Una sa

ating pinakamalakas na ama sa langit sa pagbibigay ng buhay at karunungan at


lalong-lalo na sa pagbibigay kakayahan at talento sa ating lahat. Nandiyan siya sa lahat

ng oras at panahon na patuloy na gumagabay sa atin. Pangalawa, sa lahat ng mga

magulang lalo na sa aking mga magulang, at mga kapatid na palaging nasa tabi ko sa

lahat ng aking pag-asa, mapalad ako dahil sa inyo. Sa aking mga guro, ang aking mga

tagapayo na nagturo sa amin ng sapat na pag-aaral at mas mahusay na mga

pagpapahalaga, kayo ay mga modelo naming lahat. Saludo ako sa inyo maam/sir. Sa

punong guro ng institusyong ito, panatilihin ang pinakamahusay na mga kasanayan na

ipinataw mo na lagi naming sinusunod. Mahal naming kayo. Sa Chariteam family, sila

ang unang pamilyang bumukod sa akin noong ako’y grade 11 pa lamang. Maraming

Salamat sa pagdamay at pagpapasaya sa akin araw-araw. Sa Moonstone family,

hinding-hindi ko makakalimutan ang mga ala-alang tumulak sa akin upang Makita ang

tunay na kaligayahan sa bawat isa. Maraming Salamat at pagpalain sana kayo ng ating

poong maykapal. Lagi kong pahahalagahan ang mga alaala na mayroon tayo. Tiyak na

hindi ko makakalimutan at para sa ating mahal na Alma Mater ang Norala National High

School.

Bago ko tapusin ang aking talumpati, may hamon ako sa ating lahat. Lagi

manatiling matatag sa iyong sarili, huwag tumigil sa pangarap. Ang buhay ay parang

isang karera, matututo tayong tumayo sa sarili nating mga paa at matuto tayong

bumangon sa ating mga pagkakadapa. “Life is a race with ups and downs at all, all you

have to win is rise each time you fall”. Nawa’y ang ating hangarin na ituloy at makamit

ang ating pinapangarap. Lagi natin tandaan na tayo ang kabataan. Tayo ang pag-asa.

Ang susi ng pagbabago. Tayo ang solusyon. Tayo ang kaunlaran dahil tayo ang

kabataang pag-asa ng ating bayan. Maraming Salamat.

You might also like