You are on page 1of 1

Ako po ay lubos na nalulugod at ako ay nagkaroon ng opurtunidad upang magsalita

sa harapan po ninyong lahat. Hindi po lingid sa ating kaalaman na ang pag-aaral ay


mahirap, ngunit kung ano ang hirap ng estudyante upang mag-aral ay siya ring
hirap ng mga guro sa pagtuturo lalo na sa mga estudyanteng laging late o absent.
Madalas sa ating mga estudyante ay kina-iinisan naten ang mga gurong laging
pumupuna ng ating mga marka at pag-uugali, ngunit ito ay ilan lamang sa mga
patotoo na ang ating mga guro ay hindi lamang guro sa propesyon, kundi guro din
sa kanilang mga puso bagkus ang tunay na guro ay nagmamahal ng kanyang mga
estudyante. Kaya sa aming mga guro, maraming maraming salamat po sa walang
sawang pagga-gabay sa amin sa tamang daan.

Marami ang nagsasabi na ang buhay high school ay siyang pinaka-masayang


bahagi ng buhay estudyante. Ako ay naniniwala sa kasabihang ito dahil lubod akong
nagalak sa apat na taon kong pag-aaral sa high school. Anjan ang aking mga
kaklase na walong oras ko nakakasama limang beses sa isang linggo. Bagamat
maghihiwa-hiwalay na tayo ng landas, dapat tayong matuwa dahil may babalik-
balikan tayong masasayang alaala sa ating buhay high school. Isa kayo sa mga
tumulong sa akin upang mahubog ang aking personalidad. Sa pagtungtong ko ng
kolehiyo, tiyak na hindi na ako mahihirapang makisama sa aking mga bagong
makikilala bagkus tinulungan niyo akong mahubog ang aking kagalingang
panlipunan. Naway magtagumpay tayo sa anumang landas na ating tatahakin.

Sa aming mga magulang at pamilya na laging nariyan, maraming maraming


salamat po. Kayo ang siyang gumagabay sa amin sa tamang landas. Sa aking mga
magulang at pamilya, nais kong magpasalamat sa lahat ng sakripisiyo at
pagmamahal na ibinigay niyo sa akin. Ang mabigyan ng pagkakatong upang mag-
aral ay isa sa mga pinakakananais ng bawat Pilipino, at ako ay nabigyan ng
pagkakataon upang matupad ko ang aking mga pangarap. Alam kong,
responsibilidad ng isang magulang ang mapag-aral ang kanyang mga anak, ngunit
naniniwala akong ito ay mas higit pa sa responsibilidad, ito ay pagmamahal nila sa
atin. Pagmamahal na higit pa sa ating inaasahan. Kaya sa mga estudyanteng
katulad ko, wag po natin ipa-sa walang bahala ang pag-aaral na ibinibigay ng ating
mga magulang.

At sa akin, sa ating pagtatapos, nawa’y wag nating kalimutan ang lahat ng ating
natutunan. Sa pagtatapos nating ito, isang pinto naman ang magbubukas para sa
ating hinaharap ngunit hindi ibig sabihin nito na dapat nating madaliin lahat sa
ating buhay. Kung ano man ang nais natin sa buhay, hindi importanteng makuha o
makamit natin agad ito, ang importante ay matutunan nating magsumikap upang
makamit ang mga ito. Muli maraming maraming salamat po. Mabuhay tayong lahat.

You might also like