You are on page 1of 1

Integridad Panedukasyong, nasaan na?

Maagang gigising, pupuntang eskwelahan, at madaling araw nang matutulog, hindi na


nga nakakakuha ng sapat na tulog. Sa kakulangan ng oras at sa dami ng gawain, ang mga
estudyante’y gumagamit nalang ng Chat GPT, dahil dito’y nanganganib na mawala ang
Integridad Panedukasyon ng mga estudyante, pagboboses ni Patricia Ane Del Rosario, isang
guro ng DVOREF-SHS na naglahad ng saloobin niya tungkol sa paggamit ng Chat GPT.

Kasabay ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya ay ang pagkakaroon din ng iba’t-


ibang klase ng mga programa. Kung saan nakakatulong na ang mga ito sa paggawa ng iba’t-
ibang klase na mga pansulat, kung ito ba ay sanaysay, talambuhay, at iba pa, ito rin ay
nakakahanap na ng mga isyu sa teksto. Ang AI o Artificial Intelligence ay isang nakakatakot na
teknolohiya dahil sa kakayahan nitong gumawa ng makatotohanang mga sulatin.

Academic Integration o Integridad Panedukasyon, isang prinsipyong panedukasyon na


kung saan ang mga estudyante na tulad ko ay parte rin sa mga bumubuo nito. Ngunit saan na nga
ba natin ito mahahanap sa panahon ngayon? Kung saan hindi na natin nawawari kung ang gawa
ba ng kaklase natin ay mula alaga sa kanilang sariling kaisipan o nag mula na sa isang AI.

Ikinababahala na rin ito ng sektor panedukasyon ng bansa, sapagkat ang mga estudyante
ay hindi na tumutupad sa kanilang dapat na ipamalas bilang mga magaaral. Alam dapat natin sa
ating mga sarili na tayo ay mga estudyante pa lamang kung saan normal lang na magkamali at
makinig sa mga pagpuna ng mga mas nakaalam sa atin upang malaman din natin ang mali at
maiayos. 

Maraming estudyante ang kumakapit sa Academic Valedation kung saan ay binabase nila
ang halaga nila sa mga tagumpay sa akademiya. Sabi pa nga ni Bb. Del Rosario ay ang
importante ay may nalaman ka na madadala mo hanggang sa huli. Ako ay sumasang-ayon sa
kaniya, oo nakaktulong ang mga tagumpay natin bilang estudyante sa mga kredibilidad natin
bilang isang tao, ngunit ang kaalaman natin sa mga bagy-bagay ang hindi kailanman mananakaw
sa atin kung kaya ito ay ang dapat nating bigyang pansin.

Hindi dapat tayo napapalitan ng teknolohiya. Totoong maraming nahihirapang mga


estudyante sa dami ng mga gawain, ngunit tulad nga ng sabi ni Bb. Del Rosario mainam na kung
gagamit man ng Chat GPT ay magsilbing sanggunian nalang ito sa paggawa ng mga gawain. 

Huwag nating masamain ang pag hingi ng tulong, maski pa kung sa isang AI ito
nanggaling tulad ng Chat GPT , ngunit huwag din tayong dumedepende masyado sa mga
naggagawa ng mga programang AI. Bilang isang estudyante ay nararapat pa rin tayong maging
responsable sa mga gawain natin at huwag itong i-asa sa iba o sa teknolohiya. Sa huli ay ang
kaalaman at kakayahan pa rin naman natin ang makakatulong sa atin.

You might also like