You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
BAYBAYIN NATIONAL HIGH SCHOOL (GRADE 7-12)
Baybayin, Rosario, Batangas

PROYEKTONG KKKK
KAPAMILYA, KAMAG-AARAL, KAIBIGAN KAAGAPAY SA PAGBASA
Taong Panuruan 2021-2023
I. Introduksyon/ Rasyunal

Noong Nakaraang June 23, 2021 ipinagdiwang ang 123rd founding anniversary ng DepEd na may temang
“Bayanihan para sa Edukasyon”, na pinangunahan ng ating Kalihim Leonor Magtollis Briones, upang kilalanin ang
tungkulin na ginagamgapan ng mga guro, mga magulang, mga stakeholders at ang komunidad bilang kaagapay sa
patuloy na pg-usad ng edukasyon sa gitna ng pandemyang kinakaharap ng bawat isa. Ang pagbasa ang isa sa makrong
kasanayan na dapat malinang ng isang mag-aaral upang maging ganap na siya ay may pag-unlad sa kaniyang pag-aaral.

Bilang pakikiisa sa programa, sa pangunguna ng mga Guro ng asignaturang Filipino ng Baitang 7 ng Paaralang
Pambansa ng Baybayin ay naglunsad din ng proyekto na may kaugnayan sa pagbabayanihan ng bawat isa. Isang
makabuluhang programa para sa pagpapabasa na humikayat sa lahat upang matagumpay na maisakatuparan ito.

Isang malaking palaisipan sa pamunuan kung paano isasagawa ang pagbabasa sa mga mag-aaral sa panahong
ito ng pamdemya na kung saan walang “face to face” sa pagitan ng mga guro at mag-aaral. Kaya’t bilang bahagi ng
gampanin ng mga guro upang mapatuto ang mga mag-aaral sa pagbasa, ang panukalang proyekto na may pamagat
na “KKKK- Kapamilya, Kaibigan, Kamag-aaral Kaagapay sa Pagbasa”ay isinusulong ng mga Guro ng Baitang 7. Ang
nasabing simpleng inobasyon sa pagbasa ay nabuo sa tulong ng mga guro sa Filipino sa Baitang 7 ng Paaralang
Pambansa ng Baybayin upang matugunan ang suliranin sa pagbasa. Ginamit ng mga guro ang kanilang malikhaing
imahinasyon, determinasyon at kakayahan upang maisakatuparan ang nasabing Proyekto. Kaya’t sa tulong ng mga
guro, mag-aaral, magulang at ng mga K- kapamilya, K-amag-anak, K-amag-aaral, K-aibigan at K-apitbahay ay
naisakatuparan ang gawain ng pagpapabasa. Sapagkat mahalaga na kahit tayo ay nasa panahong new normal ay
patuloy na mataya, mahasa at mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral.

Ang proyektong ito ay sinimulan ng mga guro sa mga mag-aaral ng Baitang 7 ng taong Panuruan 2020-2021.
Naging bahagi ng pangwakas na gawain ng mga mag-aaral at guro ang pagbabasa bilang performance task nila . Ano
ang kinalabasan ng proyektong ito?

1. Napatunayan na hindi hadlang ang pandemya upang makita at masuri ng mga guro ang antas ng kakayahan
ng mga mag-aaral sa larangan ng pagbasa.
2. Napatunayan din ang pagiging malikhain at determinasyon ng mga guro upang isagawa ang gawain sa kabila
mga suliranin sa internet ng mga magulang at bata sa kanilang tahanan.
3. Malaking bahagi ang ginampanan ng mga magulang, kapamilya, kaibigan, kapitbahay na siyang naging
kaagapay ng mga guro upang maisakatuparan ang gawaing ito.

Baybayin, Rosario, Batangas


043 – 733 – 4530
baybayin_nhs@yahoo.com
@DepEdTayoBNHS301082
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
BAYBAYIN NATIONAL HIGH SCHOOL (GRADE 7-12)
Baybayin, Rosario, Batangas

4. Naging mabisa para sa mga guro na may kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang makabagong platform upang
matulungan din ang mga mag-aaral upang magawa nila at matutunan ang pagbasa sa simpleng mga
kaparaanan. Ginamit ng mga guro ang Fb messenger, chat room at google meet upang maabot ang mga batang
ito sa paraang “Distance Learning”.

Sa tulong ng proyektong ito nalaman ng guro na may ilang mga mag-aaral ang may suliranin sa pagbasa,
gayundin ay may mga mag-aaral at magulang na may malaking suliranin pagdating sa mga gawain na ginagamitan ng
internet. Ito ay nagpapatunay pa din na sa kabila ng lahat ng suliranin masasabing ang Edukasyon ay magpapatuloy,
sapagkat hindi ito naging hadlang upang hindi maisagawa ang nasabing proyekto.

Kaya’t kami na mga guro sa Filipino ay nagmumungkahi na maipagpatuloy ang gawain hindi lamang sa panahon
ng pandemya kundi hanggang sa mga susunod na Taong Panuruan. Sapagkat ang pag-unlad ng mga mag-aaral ay hindi
lamang malilinang sa tulong ng mga guro sa paaralan kundi sa pagkakaisa, pag-agapay at pagtutulungan ng lahat. Ito
ang tinatawag na Bayanihan sa Pagbasa, Bayanihan sa Paaralan, Bayanihan para sa Edukasyon.

II. Layunin
a. Matukoy at masukat ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng pagbasa.
b. Maipakita ng bawat isa ang kapatiran sa pagtutulungan para sa pagpapabasa sa mga mag-aaral.
c. Magkaroon ng iisang layunin at maipadama sa bawat isa ang malasakit para sa mga bata sa larangan
ng pagbasa.
d. Maging instrumento ang proyekto upang higit na mapaunlad ang pagbasa at patuloy na malinang
ang kakayahan ng mga mag-aaral.

III. Pamamaraan
1. Ang Proyektong “KKKK” – Kapamilya, Kamag-aaral, Kaibigan Kaagapay sa Pagbasa” ay isang inobasyon
sa pagbasa sa Ika-7 Baitang ng Paaralang Pambansa ng Baybayin.
2. Nagkaroon ng pagpupulong ang mga guro, magulang at mag-aaral upang ipabatid ang kahalagahan ng
pagbasa. Inilahad ng mga guro ang layunin ng nasabing gawain sa mga magulang at mga bata.
3. Ang mga guro ay maghahanda ng pyesa na nakatakdang basahin ng mga mag-aaral. Ang babasahing ito
ay magsisilbing batayan ng Panimula at Panapos na Pagtataya sa Pagbasa.

Pamamaraan sa panahon ng pandemya:

4. Habang nagbabasa ay isasagawa ang pagbibidyo. Matapos ibidyo, ipadadala ang nasabing output sa
guro sa pamamagitan ng personal messenger. Ang mga may kakayahan na mapabasa ng guro sa
pamamagitan ng video call ay naisakatuparan.
5. Sa mga walang kagamitan sa pagbibidyo tulad ng selpon, maaaring makisuyo sa kaibigan, o kapitbahay,
kung may kaklase na abot sa kaalaman ninyo na walang kagamitan, isang napakalaking tulong ang

Baybayin, Rosario, Batangas


043 – 733 – 4530
baybayin_nhs@yahoo.com
@DepEdTayoBNHS301082
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
BAYBAYIN NATIONAL HIGH SCHOOL (GRADE 7-12)
Baybayin, Rosario, Batangas

pagpapahiram para sa kanya upang maisagawa ng maayos ang proyekto sa tulong ng kanilang mga
kapamilya, kaibigan, kapitbahay o kaklase na may sapat na kakayahan upang makatulong.
6. Matapos na masuri ng mga guro ang bidyo ng pagbasa ng mga mag-aaral, isasagawa ng guro ang ikalawang
hakbang ito ay ang patuloy na follow up sa bata at magulang upang patuloy na magabayan ang bata at
mahasa ang kasanayan sa pagbasa.

Pamamaraan sa panahon ng Face to face:

7. Naging katuwang ng mga guro ang mga magulang, kapamilya, kaibigan, kapitbahay at kaklase upang
maisakatuparan ang nasabing pagpapabasa.
8. Ang mga kagamitan na gagamitin sa pagbasa ay ibibigay ng guro kung sakaling walang sapat na
kagamitan ang mga mag-aaral sa tahanan.
9. Sakaling magkaroon ng problema sa magulang na gagabay hahanap ang guro ng iba pa na maaaring
maging kaagapay sa pagbasa ng batang may suliranin.
10. Makiisa sa panahon ng Brigada Eskwela sa pamamagitan ng Brigada Pagbasa.
11. Ipagpapatuloy ang pagtuturo at pagsasanay sa pagbasa sa bakanteng oras ng mga bata o sa oras ng ICL.

Paraan ng Pagtataya ng Pagbasa ng mga Mag-aaral

PART A (Phil IRI-Form A1)

Kabuuang Oras ng Pagbasa: ____ minuto Rate ng Pagbasa: ______salita /minuto

Sagot sa mga Tanong: Marka: ______ %=_______ Comprehension Level: __________


1. ________ 2. ________ 3. ________ 4. ________

5. ________ 6. ________ 7. ________

PART B (Phil-IRI Form A2)

Word Reading (Pagbasa)

Pamagat ng Seleksyon ___________________________

Uri ng Mali Bilang ng Salitang mali ang basa

1. Maling Bigkas

2. Pagkakaltas

3. Pagpapalit

Baybayin, Rosario, Batangas


043 – 733 – 4530
baybayin_nhs@yahoo.com
@DepEdTayoBNHS301082
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
BAYBAYIN NATIONAL HIGH SCHOOL (GRADE 7-12)
Baybayin, Rosario, Batangas

4. Pagsisingit

5. Pag-uulit

6. Pagpapalit ng lugar

7. Paglilipat

Kabuuan

Bilang ng Salita

Bilang tamang sagot

Antas ng Pagbasa
Sipi mula sa PHIL IRI.

Puna sa Paraan ng Pagbabasa

Nagbabasa nang pa-isa isang salita

Walang damdamin; walang pagbabago ang tono

Hindi madaling marinig ang boses

Hindi pinanpansin ang mga bantas

Itinuturo ang bawat salita

Bahagya o walang paraan ng pagsusuri

Ibang Puna

Baybayin, Rosario, Batangas


043 – 733 – 4530
baybayin_nhs@yahoo.com
@DepEdTayoBNHS301082
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
BAYBAYIN NATIONAL HIGH SCHOOL (GRADE 7-12)
Baybayin, Rosario, Batangas

Sipi ng Babasahin
Karapatang Sibil

Kinikilala ng bayan ang mga karapatang sibil ng mga mamamayan. Ito ay sumasakop sa kalayaan nating makamit ang
kaginhawaan at makipag-ugnayan sa isa’t isa. Kabilang sa karapatang sibil ay karapatan sa pananalita at
pamamahayag, kalayaan sa relihiyon, paninirahan at paglalakbay, magkaroon ng ari-arian, maiwasan ang pagka-alipin,
at iba pa. May karapatan ang bawat isa, maging anuman ang katayuan nito sa lipunan, laban sa di-makatuwirang
pagdakip at lihim na pagpapabilanggo. Ang writ of habeas corpus ang kautusang mula sa hukuman na nagsisiguro sa
karapatang ito. Dagdag pa rito ang kautusang Miranda (Miranda Rule) na buod ng mga karapatan ng nasasakdal.
Itinadhana ang mga ito at ipinagtibay. Kabalikat ng karapatang ito ay ang prinsipyo ng isang nakasuhang
mananatiling inosente hanggang hindi napapatunayang nagkasala (innocent until proven guilty) at nang walang
pasubali (beyond reasonable doubt). Maipatutupad ito kung isasailalim sa isang mablis, hayagan, at patas na
paglilitis. Ang pagdadaos ng mabilis na paglilitis at pagkakaloob ng hustisya ay ayon na rin sa kasabihang “justice
delayed is justice denied.”
Bilang ng mga Salita: 166 (Pilipinas: Ugat ng Lahing Pilipino 6, Inocencio, et. Al (2006). Wizard Publishing Haws, Inc., Tarlac, Tarlac.)

Mga Tanong:

1. Alin sa sumusunod ang HINDI saklaw ng karapatang sibil? (Literal) HINDI saklaw ng karapatang sibil ang karapata_ .
a. na maipahayag ang saloobin
b. na makapagbiyahe saan man nais
c. na magpatayo ng titirhan saan man
d. sa malayang pagsamba at pananalig

2. Alin sa sumusunod ang sinasabi sa seleksyon? (Literal)


a. Ang karapatan ay ayon sa katayuan natin sa lipunan.
b. Kilala ang ating bayan sa pagpaptupad ng Miranda Rule.
c. Maraming mga karapatang sibil na kinikilala ang ating bayan.
d. Mahusay na naipatutupad ang karapatang sibil sa ating bayan.

3. Paano kaya ipinapakita ng ating bayan ang pagkilala sa karapatang sibil? (Inferntial)
a. Hindi ito nilalabag sa ating bansa.
b. Pinag-aaralan ang mga ito ng lahat ng mamamayan.
c. Inililimbag at ipinapaabot sa lahat ang tungkol dito.
d. May mga kautusang nagsisiguro sa pagkilala ng mga ito.

4. Ano ang panlaban natin sa di-makatuwirang pagdakip at lihim na pagpapabilanggo?


(Literal)

Baybayin, Rosario, Batangas


043 – 733 – 4530
baybayin_nhs@yahoo.com
@DepEdTayoBNHS301082
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
BAYBAYIN NATIONAL HIGH SCHOOL (GRADE 7-12)
Baybayin, Rosario, Batangas

a. Ito ay napapaloob sa Miranda Rule.


b. Lilitisin at ikukulong ang nagkasala.
c. Makatarungan na paglilitis ang kasunod nito.
d. Tamang panangga rito ang writ of habeas corpus.
5. Ano ang nasasaad sa writ of habeaus corpus? (Literal)
a. Laban ito para hindi masampahan ng kaso.
b. Ito ay panangga sa di-makatwirang pagkadakip.
c. Nakalahad dito ang karapatan laban sa paglilitis.
d. Ipinapahayag nito ang karapatan na madama ang kaginhawahan.

Kabalikat ng karapatang ito ay ang prinsipyo ng isang nakasuhang mananatiling inosente hanggang hindi
napapatunayang nagkasala
6. Ano ang kahulugan ng pangungusap sa loob ng kahon? (Paghinuha)
a. Tunay na inosente ang nasasakdal na may prinsipyo.
b. Kabalikat ng taong nakasuhan ang kanyang prinsipyo.
c. May kabalikat ang taong nakasuhan lalo kung inosente.
d. May proteksyon ang nasasakdal hangga't hindi nasisiguro ang sala.
7. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon? (Critical)
a. Hatid nito ang isang balita.
b. Gusto nitong magbigay ng aral.
c. Nais nitong magbigay ng kaalaman.
d. Hangad nitong magbigay ng pananaw.
8. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito? (Critical)
a. Binanggit ang pinagmulan ng paksa.
b. Nakasaad ang mga suliranin ng paksa.
c. Tinalakay ang sanhi at mga bunga ng paksa.
d. Nagbigay ng mga halimbawa tungkol sa paksa.
9. Saan matatagpuan ang pangunahing ideya ng seleksyon? (Critical)
Ito ay makikita sa ______________________ ng seleksyon.
a. gitna
b. simula
c. katapusan
d. simula at katapusan
10. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon?
(Critical)
a. Pagkilala sa Ating Karapatan
b. Mga Halimbawa ng Karapatan
c. Mga Dulot ng Sibil na Karapatan
d. Sibil na Karapatan sa Malayang Bansa

Baybayin, Rosario, Batangas


043 – 733 – 4530
baybayin_nhs@yahoo.com
@DepEdTayoBNHS301082
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
BAYBAYIN NATIONAL HIGH SCHOOL (GRADE 7-12)
Baybayin, Rosario, Batangas

IV. Talatakdaan: Taong Panuruan 2022-2023

Takdang-
Gawain Kasangkot Kagamitan
panahon

Mga guro sa Baitang 7, Liham


Filipino
1. Pagpupulong ng mga guro Google meet link para sa
sa Filipino, Baitang 7. Tagapag-ugnay sa FILIPINO pagpupulong

Punongguro

2. Paghahanda ng mga guro Sipi ng babasahin


para sa Paunang Phil IRI Form A1 at A2.
pagpapabasa sa mga mag-
aaral. Mga guro sa Baitang 7
-Pagbibigay ng pagsasanay
sa mga guro sa Baitang 7
para sa pagpapabasa.

Mga guro sa Baitang 7, mag- Sipi ng babasahin


aaral at magulang, tagapag-
Phil IRI Form A1 at A2.
alaga kapamilya, kaibigan o
kamag-aaral na may
kakayahan sa pagbasa.
3. Panimulang Pagtataya sa
Pagbasa sa mga mag-aaral (sa pamamagitan ng google
sa Baitang 7. meet, facebook chat room,
video call o pagrerecord
video ng pagbasa sa tulong ng
mga magulang at kapamilya
at ipapasa sa guro ang video)

Mga guro sa FILIPINO Phil IRI Form A1, A2 at


4. Pagsusuri at Pagtataya ng Form 4 (Talaan ng Indibidwal na
mga datos Pagbabasa (TIP) at Talaan ng mga
Puna Habang Nagbabasa)

Baybayin, Rosario, Batangas


043 – 733 – 4530
baybayin_nhs@yahoo.com
@DepEdTayoBNHS301082
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
BAYBAYIN NATIONAL HIGH SCHOOL (GRADE 7-12)
Baybayin, Rosario, Batangas

Guro sa FILIPINO Baitang 7, Form 4 at


5. Pagsusumite ng ulat ng Tagapag-ugnay at Punong-
Ulat ng Panimulang
panimulang pagbasa. guro
Pagbasa

Mga guro sa Filipino sa Sipi ng babasahin


Baitang 7.

6. Pag-follow up sa mga
batang nasa antas ng
Instruksyunal at Kabiguan
sa Pagkilala ng mga salita at
Pang-unawa.

Mga guro sa Baitang 7, mag- Sipi ng babasahin


aaral at magulang, tagapag-
Phil IRI Form A1 at A2.
alaga kapamilya, kaibigan o
kamag-aaral na may
kakayahan sa pagbasa.
7. Pangwakas na Pagtataya sa
(sa pamamagitan ng google
Pagbasa
meet, facebook chat room,
video call o pagrerecord
video ng pagbasa sa tulong ng
mga magulang at kapamilya
at ipapasa sa guro ang video)

Guro sa FILIPINO Baitang 7, Form 4 at


8. Pagsusumite ng ulat ng Tagapag-ugnay at Punong-
panapos na pagbasa. Ulat ng Panapos na Pagbasa
guro

Baybayin, Rosario, Batangas


043 – 733 – 4530
baybayin_nhs@yahoo.com
@DepEdTayoBNHS301082
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
BAYBAYIN NATIONAL HIGH SCHOOL (GRADE 7-12)
Baybayin, Rosario, Batangas

Baybayin, Rosario, Batangas


043 – 733 – 4530
baybayin_nhs@yahoo.com
@DepEdTayoBNHS301082
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
BAYBAYIN NATIONAL HIGH SCHOOL (GRADE 7-12)
Baybayin, Rosario, Batangas

Baybayin, Rosario, Batangas


043 – 733 – 4530
baybayin_nhs@yahoo.com
@DepEdTayoBNHS301082

You might also like