You are on page 1of 34

PAK NA PAK

Strategic Intervention
Material
Sa Filipino 5

FELICITAS T. JUNIO
Teacher III
Manuel Luis Quezon
Elementary School

1
Magandang
araw! Nais ko
munang ipakilala
ang aking sarili. Ako
si PAK. Marami
akong naipon na
mga babasahing
mga talata.
Halinang magbasa
at lalapatan
222mo ng
angkop na PAKSA
ang bawat talatang
naibigan mo.
Maraming talata sa
susunod na islayd.
2
Halina’t
basahin mo ang
mga naipon kong
mga talata. Alam
kong kayang-kaya
mo itong lagyan
ng angkop na
PAKSA.
Kapupulutan
mo ito ng siksik at
liglig na kaalaman.
Handa ka na bang
magbasa?

Kard ng Patnubay
Kard ng Gawain
Kard ng Pagtataya
Kard ng
Pagpapayaman
Kard ng Sanggunian
Kard ng Kasagutan

3
Alam kong
nasasabik ka nang
magbasa!. Tulad mo rin
akong nasa ikalimang
baitang. Nais kong
ibigay muna sa’yo ang
aking mga layunin bago
mo simulan ang
pagbabasa ng iba’t
ibang talata.

4
Basahin mo ang mga
sumusunod na layunin upang lubos
mong maunawaan ang nilalaman
ng bawat talata.

A. Naibibigay ang paksa ng isang


talata
B. Naisusulat ang paksa ng
talatang nabasa
C. Nakikilala ang paksa sa
talatang nabasa

5
Basahin ang
mga talata.
Salungguhitan
ang paksang
pangungusap.

1. 1. Ang isa o dalawang anak


ay sapat na sa isang mag-
anak. Mabibigyan ng
magandang kinabukasan
ang mga anak kung kaunti
lamang sila. Matutugunan
din ang mga
pangangailangan sa buhay
ng isang maliit na mag-
anak. tunay na mahalaga
ang pagpaplano ng
pamilya.
6
2. Ang pagiging matipid ay
likas na katangian ng mga
Ilokano. Ang kanilang mga
pera ay ginagamit nila sa
mahahalagang bagay.
Ang bawat perang
kanilang kinikita’y kanilang
pinahahalagahan.
Madalas na sila’y
mapagkamalang kuripot
dahil sa kanilang labis na
katipiran.

7
3. May dalawang uri ng pag-
uugali ang tao. Ang una ay
maganda. Ayaw niyang
makasakit ng damdamin ng
kapwa. Ang ikalawa ay ang
masamang pag-uugali.
Wala siyang pakialaman
makasakit man ng
damdamin ng kapwa. Ang
mahalaga sa kanya ay
masunod ang lahat ng
kanyang gusto.
8
4. Ang droga ay isang lasong
sumisira sa katawan at utak ng
tao. Ito rin ay nagdudulot ng
suliranin sa pamilya. Kapag
ikaw ay nalulong sa droga,
mahihiarapan ka nang
makawala rito. Masisira hindi
lamang ang iyong sarili kundi
pati ang iyong kinabukasan.

9
5. Tuwang-tuwa ang mag-
anak na Junio. Lilipat sila sa
kanilang bagong bahay sa
Bulacan. Ito ay bahay na
bagama’t hindi gaanong
kalakihan ay nasa isang
subdibisyon. Sarili na nila ang
bahay na ito. Sampung taong
pinag-ipunan ng mag-anak
ang pagpapatayo nito.

10
Salunguhitan mo
ang pamaksang
pangungusap.

1. Si Lapu-Lapu ang unang


bayaning Pilipino. Nang
matuklasan ni Magellan ang
Pilipinas, gusto niyang kilalanin ng
mga katutubo ang hari ng
Espanya. Tinutulan ito ni Lapu-Lapu
at naganap ang digmaan sa
pagitan ng mga Espanyol at
Pilipino. Tinalo ni Lapu-Lapu si
Magellan na naging sanhi ng
pagkasawi nito sa labanan.

11
2. Ang Bundok
Apo, na
matatagpuan sa
Mindanao, ang
pinakamataas na
bundok sa
Pilipinas.

May taas itong 3,143 metro. Iba’t


ibang uri ng mga pananim at
hayop ang makikita rito. Sa bundok
ding ito makikita ang ating
pambansang ibon, ang Philippine
Eagle. Sa paanan naman nito
naninirahan ang ilan sa ating mga
katutubong Pilipino. Taong 1936
nang ideklara ito bilang
pambansang parke.
12
3. Isa ang Boracay sa mga pulo ng
Pilipinas na kinagigiliwang
puntahan ng mga turista.
Matatagpuan ito sa lalawigan ng
Aklan. Tinaguriang paraiso ang
pulong ito dahil sa pino at puting
buhangin ng dalampasigang nito
at malakristal na kulay asul na
tubig-dagat. Taon-taon, maraming
turistang dayuhan at mga
kababayan nating mga Pilipino
ang dumarayo rito upang maligo
at mamasyal.

13
4. Taon-taon, ipinagdiriwang ng
mga taga Baguio ang Pista ng mga
Bulaklak o Flower Festival.
Nagsimula ito noong 1995 at nang
sumunod na taon, tinawag na itong
“Panagbenga,” isang salitang
kankanaey na ang ibig sabihin ay
“panahon ng pamumulaklak.”
Karaniwang idinaraos ang
Panagbenga tuwing patapos na
ang buwan ng Pebrero.
Isinasagawa rito ang isang parada
ng iba’t ibang uri ng mga bulaklak
sa Baguio, mga exhibit, at iba pang
palabas.
14
5. Ang niyog (cocos nucifera)
ay may karaniwang taas na 32-100
metro. Maaaring humaba ang
mga dahon nito na hanggang
anim na metro.

Natatangi sa lahat ng puno


ang niyog sapagkat bawat bahagi
nito ay maaaring
mapakinabangan. Ang langis nito
ay ginagamit sa pagluluto at
maaari ring sangkap sa paggawa
ng sabon, shampoo, at iba pa.
15
1. Maraming gamit ang puno ng
niyog na nagdudulot ng malaking
kapakinabangan sa ekonomiya ng
ating bansa. Ginagawa rin itong
kopra. Ginagawa namang
panggatong ang bao nito at iba
pa tulad ng bunot sa sahig, o
panlinis. Ang ubod naman ng
niyog ay masarap gawing lumpia.
Masarap namang pamatid-uhaw
ang sabaw nitong bukod sa
masustansiya na, ay gamot pa sa
sakit sa bato.
16
2. Kapit-bisig, ano ba ang ayos ano
ba ang ayos nito? Para saan ang
kapit-bisig? Hindi ba’t kung
gustong magkaisa ang mga tao ay
nagkakapit-bisig upang maging
matatag at malakas ang
samahan? Nagkakaisa ang
kanilang mga prisinpyo at
nagkakaugnay-ugnay ang
kanilang mga adhikain.

Katulad ng mga pangyayari sa EDSA


REVOLUTION, madaling nakamit ang
kagustuhan ng tao dahil sa kapit-bisig.
Lahat ng tao ay nagkaisa kaya
malakas ang pwersa at di-nagtagal,
nakamit ang adhikain na
ipinaglalaban ng masa.
17
3. Ang sampagita bilang
pambansang bulaklak ng Pilipipinas
ay sagisag ng ating pagka-Pilipino.
Ito ang simbolo ng mga
magagandang kaugalian natin.
Kumakatawan ito ito sa isang bukod-
tanging katangian, tulad ng
kahinhinan at kalinisan ng puso ng
isang dalagang Pilipina. Putting-puti
at may mahinhing bango. Ito ay
nagsisilbing isa sa mga bagay na
nagpapasigla sa mga Pilipino,
upang laging naisin na makagawa
ng mararangal na gawain para sa
kanilang bayang tinubuan.
18
4. Ang tambak-tambak na basura
sa mga lungsod ay lumalaking
problema. Ang mga basura ay
hindi kaagad nahahakot ng mga
basurero dahil sa kawalan ng
mapagtatapunan. Ang
pagkakaroon ng gabundok na
basura sa mga kalsada ay dahilan
na rin sa kawalan ng disiplina ng
tao sa pagtatapon ng basura.
Kailangan ang maayos na
pakikitungo sa mga basurero.
19
5. Malaki ang pinsalang
idinudulot ng bagyo sa mga ari-
arian at buhay ng tao.
Maraming bahay ang
lumulubog sa baha sanhi ng
malakas na ulan na dulot ng
bagyo. Nasisira rin ang mga
pananim dahil sa malakas na
hangin. Kumikitil din ito ng
buhay dahil umaapaw ang mga
ilog at inaanod ang mga
naninirahan sa gilid ng ilog.
Ipagdasal natin ang mga
naging biktima ng kalamidad.

20
Basahin at unawain ang
teksto. Piliin ang angkop na
paksa sa bawat
pangungusap.

1. Isang paraan sa ekspresyong


pasalita ang komunikasyon.
Lubhang mahalaga ang
komunikasyon sa pamilya.
Maiiwasan ang kagalitan at
samaan ng loob ng
magkakasambahay sa
pamamagitan ng mabisang
komunikasyon.

21
2. Bawat miyembro ng pamilya
ay dapat maging magalang.
Ang paggalang ng isang tao sa
karapatan ng nakababata sa
kanya ay hindi nangangahulugan
ng pagbaba ng kanyang
pagkatao. Ito ay nagpapakilala
ng kagandahang asal.

22
3. Dapat nating ugaliin ang
wastong pakikipag-usap sa
tahanan, sa paaralan, at sa iba
pang pook. Ang wastong
pakikipag-usap ay nagsisimula sa
tahanan. Nababakas ang uri ng
pamilyang pinanggalingan ng
isang tao sa kanyang pakikipag-
usap sa ibang tao sa labas ng
kanilang tahanan. Lagi nating
isaisip na kung tayo ay lumabag
sa kagandahang-asal, hindi
lamang tayo ang mapipintasan
kundi pati ang ating mga
magulang.

23
4. Maraming pagsubok ang buhay.
Ang mga pagsubok na ito ang
nagbibigay-kulay sa ating buhay. Dahil
sa mga pagsubok, nagiging
makabuluhan ang buhay. Natutuklasan
ng tao kung hanggang saan ang
kanyang kakayahan. Ang tao ay tulad
din ng mga punongkahoy, ang tao ay
nananatiling matatag. Laging may
pag-asa upang makapagsimulang muli,
anumang pinsala ang natamo.
Nalagas man ang mga dahon, o
nabali ang mga sanga, mayroo’t,
mayroong sisibol na bagong buhay.
Laging may pagsisikap na mabuhay
upang matamo ang mga biyaya. Kung
marating man ng tao ang huling
hantungan ng kanyang buhay,
masasabi niyang siya ay nagtagumpay
sa pagtahak sa masalimuot na landas
ng buhay.
24
• 5. Bawat isa sa atin ay may pangarap
sa buhay. Ngunit kung minsan sa
kabila ng ating pagsisikap may mga
pangyayari na mahirap maunawaan.
Maraming humahadlang upang
makamit natin ang ating mga
pangarap. Pinanghihinaan tayo ng
loob. Ayaw na nating sumubok dahil
takot tayong mabigo. Kadalasan ang
gusto natin, magandang bagay lang
ang dumarating sa ating buhay.
Ngunit kung minsan, kailangan nating
maranasan ang mabigo dahil ito ang
tagapagpaalala sa mga bagay na
nakaligtaaan na natin. Ang mga
suliranin din sa buhay ang nagbibigay-
kulay sa ating pag-iiral sa mundo dahil
sinusubok nito ang ating kakayahan
bilanag tao.

25
Isulat sa loob ng biluhaba
ang paksa ng talatang
nabasa. Salungguhitan ang
pangungusap na walang
kaugnayan sa talata.

1. Ang ina ang tinaguriang ilaw


ng tahanan. Siya ang
gabay ng bawat kasapi ng
isang pamilya lalung-lalo na
ang mga anak. Ang nanay
ni Nene ay naglalaba. Hindi
niya alintana ang hirap
upang mapagsibihan ang
kanyang mga mahal sa
buhay.

26
2. Ang ama ay siyang haligi ng
tahanan. Siya ay
naghahanapbuhay para sa
pamilya. Lahat ng hirap ay
kanyang titiisin upang
mapag-aral ang kanyang
mga anak. Si Mang Kardo,
ang tatay ni Mario, ay
naaksidente.

27
3. Ang anak ay siyang inspirasyon
ng kanyang mga magulang. Si
Maila ay umalis ng bahay nang
walang paalam. Kaya
nagpapakahirap ang kanilang mga
magulang dahil nais nilang
mabigyan ng magandang
kinabukasan ang kanilng anak.
Bilang anak, nararapat lamng
na mahalin at igalang ang
mga magulang sa lahat ng
pagkakataon.

28
4. Isa ring ugaling malaganap sa
tahanang Pilipino ang
pagdarasal nang sama-sama.
Ang ugaling ito ang
nagpapatibay sa
pagmamahalang bumubuklod sa
isang pamilya. May pamilya ka
ba? Dahil dito, naghahari ang
pagkakaisa sa bawat pamilya.

29
5. Ang paghalik sa kamay sa mga
magulang ay isa sa matatandang
kaugaliang mayroon tayo. Humalik sa
pisngi ng nanay si Felicitas. Matapos
ang pagdarasal ng mag-anak, ang
mga bata ay lumalapit sa mga
nakatatanda upang humalik sa
kamay ng mga ito. Gayundin
naman, humahalik sila sa kamay
bago umalis ng bahay at kapag
dumarating na ng bahay. Malaking
kahulugan ang nakapaloob sa
ugaling ito.

30
 Cabrera, Jocelyn P., et.al.; KISLAP 5
Aklat sa Wika at Pagbasa d. 69, 81; 1425
J. Fajardo St.,Sampaloc, Manila;
Magallanes Publishing House; 2006

 Limson, Teresa S. et.al; FILIPINO 5 Wika at


Pagbasa Ikalawang Edisyon
d. 101, 133, 157; 2005

 Belen, Lydia S. ,et.al.; FILIPINO 5 Sa


Makabagong Siglo Wika at Pagbasa ;
d. 47, 117, 245, 254; 1253
GregoriolAraneta Ave. ; 264 A Pablo
Ocampo Sr., Ave.
Makati City: The Bookmark Inc.
2003

 Garcia, Hilda N., et.al.;CANAO


Integratibong Aklat sa Filipino I Yaman ng
Diwa Garcia, Hilda N., et.al ; d. 54, 102,
276; 1253 GregoriolAraneta Ave. ; Vibal
Publishing House Inc.; 2006 31
32
33
34

You might also like