You are on page 1of 20

ANG MGA

LATHALAIN
Macy Cartero
Ihler Dave Buyag
Jay Michael Domingo
NATATANGING LATHALAIN
Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang mga tungkulin ng tanging lathalain at ang
mga halimbawa nito.
Tulad ng balita, ang lathalin ay hindi lamang nakasulat para sa impormasyon ngunit
nagpapalawak din ng balita sa pamamagitan ng mga interessing na pamamaraan. Ang dyaryo
ay nagdaragdag at binibigyang diin ang kulay at buhay.
Samakatuwid ang kanyang istilo ay nakasalalay sa malikhaing pag-iisip ng manunulat. Batay
sa misteryo ng pamamahayag, isang kaganapan na nagbibigay inspirasyon sa atin na
sumasalamin sa ating sariling buhay na tinawag na interes ng tao.
Kapag ang mga mahahalagang kaganapan ay sakop sa artikulo ng balita, ang mga kagiliw-
giliw na bagay ay tinalakay. Ang Sanaysay na nagtatanghal at sumusulat sa mga kagiliw-giliw
na paraan makatotohanang mga kaganapan batay sa mga karanasan, obserbasyon, pag-aaral,
pagsisiyasat o panayam ay isa ring halimbawa nito.
MGA HALIMBAWA NG TANGING
LATHALAIN
LATHALAING NAGPAPABATID
(DUGAY, LAILAH M.)
 Benepisyo ng Dark Chocolate sa Utak ng tao

Marami sa atin ang naniniwala sa mabuting dulot ng tsokolate sa ating katawan.


Para sa mga estudyante, ang tsokolate ay nakapagpabuti ng memorya kaya ito
ang karaniwang kinakain tuwing pagsusulit.
Sa pananaliksik ni Deane Alban, ang tsokolate ay nakatutulong sa pagpapalakas
ng kalooban, pinoprotektahan ang utak mula sa pinsala, nagpapabuti ng
memorya at konsentrasyon, binabawasan ang stress at marami pang iba. Alamin
natin ang ilan pang mabuting dulot ng tsokolate.
 Ang dark chocolate ay nakapagpasaya.

Ang dark chocolate ay nagpapalakas ng produksyon ng magandang pakiramdam na tinatawag na


Endorphins. Ang endorphins ay may kasamang opiyum receptors sa utak na humahantong sa mga
damdamin na makaramdam ng sobtrang tuwa( euphoria). Nakababawas din ng sakit at mabawasan
ang negatibong epekto ng stress.

 Ang dark chocolate ay nagpapabuti sa daloy ng dugo sa utak

Ang bumubuo sa tsokolate ay nakapagpapalakas ng kalooban, attention span, reaction time, at


kasanayan sa paglutas ng problema sa pamamagitan ng pagtaas ng daloy ng duo sa utak. Ang
flavonoids sa tskololate ay ipinapakita upang mapabuti ang daloy ng dugo sa utak ng mga bata at
matanda. Sa isang pag-aaral sa Harvard Medical School, nalaman na ang pag-inom ng dalawang tasa
ng mainit na tsokolate ay nadadagdagan ang daloy ng dugo sa utak sa 2-3 na oras. Ito ay
nakatutulong sa panandaliang memorya at maiwasan ang mental decline ng may edad.
 Ang dark chocolate ay pinoprotektahan ang utak laban sa free radical damage.

Ang utak ay gumagamit ng maraming oxygen, humigat-kumulang sa 20%ng kabuuang


paggamit ng katawan. Ang free radicals ay unattached oxygen molecules na maaaring na
nakapipinsala sa cells.

 Ang dark chocolate ay nakapagpapabuti sa pag-aaral, memorya, at konsentrasyon.

Ang tsokolate ay naglalaman ng flavonoids na nakapagpapabuti sa standardized cognitive


test scores. Ito rin ay naglalaman ng ilang kapeina,isang kilalang brain booster na sa
mababang dosis ay nakapagabubuti ng memorya at konsentrasyon.
 Ang dark chocolate ay maaaring makatulong sa pagpapaginhawa ng stress.

Ang Magnesium ay mabuti at nakatutulong sa pagrelaks na tinatawag na “original chill pill”. Ito ay
higit na nawawala sa ating mga diets ngunit ang tsokolate ay naglalaman ng malaking halaga ng
mga ito.

 Ang dark chocolate ay nakapagpatalino

Sa isang pag-aaral, ang bansang pinakamaraming nakaubos ng tsokolate ay mas maraming Nobel
Prize na matatanggap. Nagpapakita na ang tsokolate ay neuroprotective at nakapagpapahusay ng
brain plasticity.

Ang pag-aaral na ito ay nakapagpapatunay na malaki ang tulong ng tsokolate sa utak at walang
negatibong dulot nito sa katawan ng tao.
LATHALAING PANSARILING KARANASAN
(DUGAY, LAILAH M.)
 Paaralan. Bahay. . . Paaralan. Bahay. . .
Ganito ako nabuhay simula noong ako’y elementarya hanggang sekondarya, hindi
marunong makahalubilo sa iba. Kaya nga tawag nila sa akin “taong bahay” at sa paaralan
kalimitan akong nakikitang tahimik at nag-iisa. Pero hindi talaga ako ganoon. Isa akong
madaldal at bungangerang tao. Kaya maraming nagtataka kung bakit minsan tahimik ako
kasi nga hindi ko sila kilala. Nakakatawa nga kung minsan, hindi ako kilala ng tao lalo ang
aming mga kamag-anak pero minsan masakit din sa aking kalooban na pakinggan ang mga
iyon. Sa totoo lang, sa aming magkakapatid ako lang ang hindi kakilala ng aming mga
kamag-anak at hindi ko rin sila kilala. Minsan nga, maraming tumatawag ng “insan” sa
akin pero hindi ko sila pinapansin kasi hindi ko naman sila kilala. Tama, mayroon man
kaming reunion, kasal at kaarawan subalit hindi ako sumasama sa aking mga magulang.
Pero simula nang ako’y naihiwalay sa aking mga magulang at nagpatuloy ng pag-aaral dito
sa lungsod ng Baguio, marami akong natutuhan at nalaman sa aking sarili.
Natuto akong mabuhay mag-isa at makisama sa ibang mga kultura kahit kung minsan mahirap
silang pakisamahan. Ang dating nag-iisa, marami ng kaibigang nasasandalan at nagbibigay
kasiyahan sa oras ng lumbay. Talaga namang “No man is an island”. Ang dating hindi kilalang
tao, marami nang pumapansin. Ang pagiging masayahin kong tao ay naibabahagi ko na sa iba,
isang daan upang magkaroon pa ng maraming kaibigan. Minsan nga, hindi ko na pinapansin
ang dating mga kaibigan kung sila’y nagmessage sa facebook pero nagpapasalamat ako sa
kanila dahil hanggang ngayon andyan pa rin sila. Pero dito mo masusukat ang tunay na
kaibigan.

Napakahalaga pala ang presensya ng iba dahil sila humuhubog ang iyong pagkatao. Dito mo
malalaman kung sino kang tao. Kung ano ang halaga mo sa kanila at halaga nila sa iyo.
LATHALAING
PANGKASAYSAYAN (BAUTISTA, KB MAR)
 Ang pagdedeklara kay Donald Trump bilang bagong pangulo ng Estados
Unidos.

Matapos ang walong taon ay muling pumili ang bansang Estados Unidos ng
bagong pinuno na magbibigay ng panibagong karanasan at kasaysayan ng
daigdig. Bagong pinuno, bagong pamumuno at pamamalakad. May mga
natutuwa, sumusuporta at mayroon ding nagagalit, nadidismaya, at nalulungkot
sa pagkapanalo niya. Maraming hindi magandang komento ang naririning at
nababasa sa maraming pahayagan tungkol sa kanyang pagkatao ngunit marami
rin ang umaasa sa pagbabago, pag-unlad at patuloy na pag-angat ng Estados
Unidos sa tulong ng kanyang pamumuno. Ang pagkakapanalo ni Trump ay
maaaring maging hudyat ng kasarinlan o di kaya’y maging hudyat ng
himagsikan ng iba’t ibang bansa.
LATHALAING PABALITA
(NATHALIE K. ROMAN)
Pagpropropose sa gitna ng daan, nakakakilig o nakakainis?
Lahat naman tayo kahit hindi natin aminin ay kinikilig kapag may namamataan tayong
nagpropose sa harap ng maraming tao. Sa Park, sa coffee shop, sa foodcourt at sa restaurant. Pero
nakarinig ka na ba ng isang marriage proposal sa gitna ng daan?
Sa isang kalsada sa Maynila ay natunghayan ng marami ang pagtigil ng isang magkasintahan sa
gitna ng kalsada dahil umano’y naubusan sila ng gasolina. May lumapit na dalawang MMDA traffic
enforcer at habang nakikipag usap ang lalaki sa MMDA traffic enforcer ay bigla na lamang silang
pinalibutan ng mga lalaking nakamotorsiklo at patuloy llamabg sila sa pag-ikot hanggang sa bigla
na lamang lumuhod ang lalaki sa gitna kaharap ang kanyang kasintahan. Iyon ang nagging senyales
upang mabatid ng babae na inaalok na siya ng kasal ng kanyang kasintahan. Agad naman siyang
pumayag at sa labis na tuwa ay nagyakapan ang dalawa kasabay ng palakpalan ng mga taong
nakapanood at pagbusina ng mga motorsiklong pumalibot sa kanila bago sila umalis. Marami ang
kinilig sa kanila dahil gumawa pa ng pakulo ang lalaki at kinausap niya pa ang mga MMDA traffic
enforcer para doon niya alukin ng kasal ang kasintahan ngunit kasabay nito ay marami rin ang
nainis. Nainis sila dahil nagdulot lamang ng traffic ang ginawa ng lalaki. Maraming mga motorist
rin ang nagsabing naabala lamang sila sa ginawa ng lalaki.
Patunay lamang ito na hindi sa lahat ng oras ay aayon ang mga bagay bagay para maging
perpekto ang lahat para sa ganitong gawain. Suhestyon ng iba ay sa ibang lugar na lang sana
nila dinaos ang ganitong kaganapan upang hindi sila nakakaabala. Ayon sa magkasintahan
ay wala silang pakialam sa mga egatibong komento sa kanila ng iba, ang sa lalaki lang ay
iyon ang naisip niyang paraan upang ipaalam sa mundo na mahal na mahal niya ang
kanyang kasintahan.
PANGKATAUHANG
LATHALAING DAGLIT
(NATHALIE
 Walang Himala!
K. ROMAN)

“Walang Himala, ang himala ay nasa puso ng tao.” Ito ay isang tanyag na pahayag mula sa
pelikulang pinagbidahan ni Nora Aunor. Sa pelikulang ito ay isa siyang faith healer na
pinaniniwalaang nakagagamot ng iba’t ibang uri ng sakit. Sa umpisa ng pelikula ay magiliw sa
pagtanggap ng mga gagamutin ang bida (Nora Aunor), ngunit ng nagtagal ay naisipan niyang
hindi tama ang kanyang ginagawa. Naniniwala siyang isang paraan ng panloloko lamang ang
kanyang ginagawa kung kaya’t nasambit niya ang ma pahayag na yaon. Nais lamang niyang
ipabatid sa lahat na ang paniniwalang gagaling ay kailangan ngunit hindi sapat ito upang
gumaling ng lubusan sa sakit. Kailangan pa rin na magpatingin sa doktor. Hindi sapat ang
paghingi ng awa sa Diyos upang gumaling, kailangan pa rin nating mag-isip at kumilos para sa
ating ikagagaling dahil nariyan lamang ang Diyos upang gabayan tayo.
LATHALAING NAGPAPABATID
(MAYAMES, VALLERY)
Ang global warming o pag-iinit ng ating mundo ay isang isyung dapat nating pagtuunan ng
pansin kung mahal natin ang ating daigdig. Kung mahal natin ang ating bansa, at higit sa lahat,
kung mahal natin ang ating sarili.

Hindi lamang mga lider ng bansa ang dapat na humarap sa mabigat na problemang ito, kundi
ang bawat isa sa atin ay inaasahang tutulong sa paghanap ng kalutasan. Lahat tayo ay apektado
ng pagpapabaya ng bawat isa.

Suriin ang iyong sarili. Itanong mo kung ano ang iyong magagawa. Simulan mo ang pagkilos.
Huwag mo nang hintayin ang iba. Sige na, hanggat may oras pa. Halina at sama-sama tayong
kumilos para sa ikaliligtas ng ating nag-iisang daigdig.
OBITWARYO
Ang mga obitwaryo ay mga anunsyo ng libing, na may iba’t ibang haba, na nakalathala sa mga
pahayagan at magazine. Kasama ng mga ito ang pagkakakilanlan ng yumao, ang oras at petsa ng
pagkamatay, at ang mga pangalan ng mga taong nagpalagay ng anunsyo. Sa lungsod ng Milan ang
paglalathala ng mga abiso sa pagkamatay sa mga pambansang pahayagan ay napakakaraniwan,
dahil hindi pinapahintulutan sa ngayon ng lungsod ang pagpapaskil ng mga abiso sa pagkamatay
sa mga pampublikong lansangan, katulad ng nakaugalian sa maraming Italian na lungsod.

Maaaring isulat ang obitwaryo ng mga kamag-anak ng yumao. Inilalathala ito upang ipagbigay-
alam ang pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay sa pinakamaraming posibleng tao nang mabilis
hangga’t maaari, at upang ipaalam sa kanila kung kailan at saan gaganapin ang serbisyo sa libing.

Pati na rin ang kapamilya ng yumao, kaibigan at kakilala ay maaaring maglagay ng mga obitwaryo
sa mga pahayagan. Sa kaso ng huli, ang layunin ng obitwaryo ay upang ipahayag ang pakikiramay
sa mga naulila. Pareho ang tungkulin na ginagampanan ng obitwaryo sa isang liham ng
pakikiramay, habang isang pampublikong pagpapahayag ng kanilang pagmamahal para sa yumao
at kanilang pag-agapay para sa naulilang pamilya.
Maaaring bayaran ang obitwaryo nang direkta ng pamilya ng yumao. Nag-aalok ang karamihan sa mga pambansang
pahayagan ng binabayarang serbisyo sa obitwaryo, at makapagbibigay ng impormasyon sa pagdedetalye kung paano
makakabili ng espasyo at kung magkano ang halaga ng serbisyo. Kung hindi naman, ang proseso ng paglalagay sa
obitwaryo para sa Milan at sa karatig na lugar ay maaaring ipagkatiwala sa aming kumpanya. Sa kaso ng huli, sisingilin lang
ng Nebulonghi ang halaga ng pagbili sa espasyo sa pahayagan, tulad ng nakasulat sa invoice na ibinigay ng pahayagan kung
saan nailathala ang obitwaryo.
Para sa lungsod ng Milan, ang pahayagan na pinakamadalas na ginagamit para sa mga serbisyo sa obitwaryo ay ang Corriere
della Sera. Ang nakadetalyeng impormasyon patungkol sa mga paraan ng pagbabayad at mga kapaki-pakinabang na contact
ay matatagpuan sa http://necrologi.corriere.it/. Kasama sa iba pang mga pambansang pahayagan na naglalathala ng mga
obitwaryo ay ang La Repubblica at La Stampa.

Ang mga pamamaraan na dapat sundin para sa pagbili at paglathala ng isang obitwaryo sa Milan at sa karatig na lugar ay
maaaring magkakaiba depende sa pahayagan at sa serbisyo na isinasaalang-alang. Sa pangkalahatan, ang obitwaryo ay
binibili bago ang 6:00 pm dalawang araw bago ang petsa ng libing. Halimbawa, kung ang libing ay gaganapin sa ika-4 ng
Oktubre dapat mabili ang obitwaryo bago ang 6:00 pm sa ika-2 ng Oktubre, para sa pagkakalathala sa seksyon ng obitwaryo
ng pahayagang iyon sa ika-3 ng Oktubre. Ang mismong obitwaryo ay dapat maisulat nang may karapat-dapat na ingat at
atensyon, na pumapabor sa isang malumanay na tono (na hindi nagiging malamig o malayo, dahil sa personal na katangian
nito at sa mensahe ng pagkawala nito) na sumasalamin sa personalidad at paniniwala ng yumao.
ALIWANG PAHINA
Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga balita na
naghahatid ng aliw sa mga mambabasa. Mababasa dito ang
mga balita tungkol sa mga kaganapan sa showbiz, mga
tampok na palabas sa pelikula at telebisyon, at iba pang
maiuugnay sa sining. Naglalaman din ito ng mga laro na
nakakakuha ng interes ng mga mambabasa.
ANUNSIYO KLASIPIKADO
Dito mababasa ang mga patalastas tungkol sa mga bagay
na ipinagbibili o pinapaupahan at mga taong naghahanap ng
trabaho na pwedeng pag-aplayan.

You might also like