You are on page 1of 113

Ang

Banghay
ng
Pagtuturo
ANG BANGHAY NG PAGTUTURO

“Masasalamin ang katauhan ng isang guro sa kaniyang maayos na


pagpaplano ng mga aralin”
- Ang banghay na pagtuturo ay isang balangkas ng
mga Layunin, Paksang-aralin, kagamitan, at mga
hakbang na sunod-sunod na isinasagawa upang
matamo ang inaasahang bunga.
• Ito ang nagsisilbing bibliya ng guro
• Ito ang nagsisilbing gabay nila upang ang Gawain ay maisagawa nang
masistematiko. Sa pamamagitan nito, ang guro ay:
1. Makatitipid ng panahon
2. Makatitipid ng lakas
3. Ang pagtuturo ay magiging maayos at masistematiko
4. Magkaroon ng hangganan ang pagtuturo
Maihanda ng guro ang angkop na kagamitan, teknik, mga tanong, pasilidad
at iba pang sanggunian sa isang tiyak na aralin.
KARANIWANG URI NG BANGHAY NG
PAGTUTURO
1. Masusi- nakatala ang tiyak na tanong ng guro at ang wastong isagit ng mga mag-aaral. Sa
pamamaraan, may dalawang kolum o hati kung saan isusulat ang gawaing-guro at ang gawaing
mag-aaral.
2. Mala-masusi- higit itong maikli kaysa sa masusi, sapagkat sa halip na may gawaing-guro at
gawaing mag-aaral, binabanggit na lamang ang sunod-sunod na gagawin at ng kilos.
3. Maikli- naiiba ang anyo ng banghay na ito sa bahaging pamamaraan. Dito, sapat nang
banggitin kung anong paraan ang gagamitin ng guro o kayay babanggutin sa sumusunod na
Gawain sa maikling pangungusap o parirala.
ANG KONTEKSTWALISASYON NG BANGHAY-
ARALIN

• Sa paghahanda at pagbuo ng banghay-aralin, ang guro ay


malayang magsasagawa ng anumang pagbabago ayon
mismo sa pangangailangan ng kanyang mga mag-aaral,
ayon sa kapaligirang kultural at saosyal, at kahandaan ng
mga kagamitang panturo.
MAARING ISAGAWA NG GURO ANG
SUMUSUNOD: (LEGASPE 2004)
a. Inobasyon o pagbabago – sinasabi nito na ang guro ay maaaring
magsasagawa ng mga bagong metodo o teknik na paglalahad ng mga aralin.
Siya ay malayang makapag eksperimento ng iba pang teknik na sa pagbigay
niya ay aksa sa kahandaan at pangangailangan ng kanyang mga tinuturuan.
b. Pagpapalit- walang isang tiyak na gamit o teksto sa bawat aralin. Ang
malikhaing guro ay Malaya ring gumamit ng anumang aklat na mapagkukunan ng
mga tekstong kailangan ng paksa. Maaari niyang gamitin ang mga nakahandang
materyales bukod pa sa dating batayang aklat na ginagamit niya.
MAARING ISAGAWA NG GURO ANG
SUMUSUNOD: (LEGASPE 2004)

• c. Modipikasyon(Modification)- Ito ang pagpapakinis sa mga Gawain at mga


pagsasanay na kailangan sa pagkaklase. Kung kinakailangang ayusin at
rebisahina ang mga nakagawiang Gawain at uri ng pagsasanay, Malaya ang
gurong gawin ito upang magjaroon ng baryasyon,
d. Adaptasyon( Adaptation) – ang paglalapat sa mga bagong ideya na nakalap ng
guro o kayay nasaliksik ay makatutulong sa guro upang lalong mapalawak ang
nilalaman at ustruktura ng aralin.
MAARING ISAGAWA NG GURO ANG
SUMUSUNOD: (LEGASPE 2004)
E. Paglilipat (Rearranged) – maaaring ibahin ng guro angpagkakasunod-sunod ng mga Gawain,
ginagawa ito upang maging natural at madulas ang dulog ng mga mag-aaral. Maaaring ilipat ang
hakbang ng isang metodo subalit hindi dapat nasisira ng lohika ng pagtururo.
F. Pagkakaltas (Deletion) – ang mahahaba, paulit-ulit, at pare-parehong Gawain ay dapat
tanggalin ng guro. Ito ay maisasagawa nang hindi naman mababawasan o masisira ang
kinakailangang kasanayan at kaalaman ng mag-aaral.
G. Kombinasyon (Combination) – Ang pagkakatulad na kasanayan at aralin ay dapat pag-isahin.
Isinasagawa ito upang mapaikli ang magkakaugnay na impormasyon, kasanayan at nilalaman ng
aralin.
MGA SIMULAIN SA PAGBUO NG BANGHAY
NG PAGTUTURO
May ibat ibang simulain nasa anyong tanong ang pumapatnubay sa suro sa
pagbuo ng banghay-aralin.
• Anong pagbabago ang mangyari sa mag-aaral?
• Anu-anong pangunahing kaisipan, kasanayan o kaalaman ang matatamo ng
mag-aaral?
• Paano ililipat o ikakapit ng mag-aaral ang kanyang matutuhan?
• Makapagbibigay ba ng paglalagom ng kanyang natutunan ang mag-aaral?
• Masusunod baa ng apat na hakbang na ito para sa mabisang pagtuturo?
RESPONSIBILIDAD NG GURO SA PAGBUO NG
BANGHAY-ARALIN
• Tukuyin ang layunin ayon sa pangangailangan, interes at kakayahan ng mga mag-aaral. Ang
layunin ay dapat na lagging nasa pananaw ng mag-aaral.
• Piliin ang mga kasanayang angkop at sapat sa pagkamit ng layunin.
• Isaayos ang mga Gawain upang magkaroon ng tuloy-tuloy, mahusay na kaayusan at kaisahan ng
mga Gawain.
• Sukatin kung gaano ang natamo sa layunin.
• Palaging isagawa an gang disiplina at pagganyak.
• Isama palagi sa pagtuturo ang paglinang sa pagpapahalaga ng mag-aaral.
MGA BAHAGI NG BANGHAY NA PAGTUTURO

I. Paksang-aralin
II. Mga layunin o Inaasahang bunga
III. Pamaraan o Istratehiya
IV. Takdang-aralin o Kasunduan
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA LIMANG
BATAYANG BAHAGI NG BANGHAY NA PAGTUTURO

1. Layuning matatamo (attainable objectives)


2. Sapat na paksang-aralin, at tiyak na sanggunian (adequate,
subject ratler and specific references)
- Ang layunin ng pagtuturo
3. Sa pagsulat ng layunin, kailangang makahayag sa
pangkagawiang kilos ( Behavioral terms)
APAT NA PANUKATAN NG LAYUNIN
• Tiyak (Specific)
• Namamasdan (Observable)
• Nakakamtan (attainable)
• Nasusukat (Measurable)
APAT NA PANUKATAN NG LAYUNIN
A. Tiyak- ano ba ang gagawin o matutuhan ng bata?
- Kailangang maglahad ng isang malinaw na larawan ng pagganap ang
layunin.
B. Namamasdan – makikita ba ang bunga ng kilos na ipinapagawa sa
klase?
- Sadyang may resulta o ebidensiya ang kilos ng mga mag-aaral at ang mga
itoy maaaring masukat.
C. Nakakamtan- maisasakatuparan kaya ng pag-aaral ang maaasahang
bunga?
3 DOMEYN NG LAYUNIN
1. Kognitibo/Domeyn Pangkabatiran- masasabing nasa kognitib ang layunin kapag itoy nakatuon sa
paglilipat ng kabatiran at kasanayan tulad ng kaalaman, pag-unawa, aplikasyon o paggamit, pagsusuri,
paglilinaw o interes at ebalwasyon.
2. Domeyn Pandamdamin:

5 Kategorya ng Layunin:
• Pagtanggap (receiving)
• Pagtugon (responding)
• Pagpapahalaga (valuing)
• Karakterisasyon (Characterization)

3. Domeyn Saykomotor – ito ay tungkol sa mga kasanayang-motor kung saan nalilinang ang kakayahang
pisikal mula sa batayang galaw ng katawan hanggang sa mga kilos at galaw na nangangailangan ng maraming
pagsasanay.
MGA HALIMBAWA NG
KINAGAWING
KATAWAGAN SA IBAT
IBANG DOMEYN NG
TAKSONOMIYA
1. COGNITIVE/PANGKABATIRAN
1. COGNITIVE/PANGKABATIRAN
A. Knowledge- kabatiran/kaalaman
• Names------------------ nakapangalan/napangangalangan
• Tells--------------------nakapagsasabi/nasasabi
• Points--------------------nakapagtuturo/naituturo
• Gives-------------------nakapagbibigay/naibibigay
• Repeats----------------nakauulit/nauulit
1. COGNITIVE/PANGKABATIRAN
B. COMPREHENSION –PAG-UNAWA
• Tells/expresses-------------nakapagsasabi/nasasabi
• Identifies------------nakakikilala/nakikilala
• Describes-----------------nakapaglalarawan/nailalarawan
• Distinguishes----------------nakasusuri/nasusuri
• Compare the importance of-------------nakapag-uugnay/naiuugnay
1. COGNITIVE/PANGKABATIRAN
C. APPLICATION- PAGALALAPAT
• Shows-----------------nakapagpapakita/naipapakikita
• Makes-------------------nakagagawa/nagagawa\
• Classifies--------------nakapagbubuklod-buklod
• Prepares---------------nakapaghahanda/naihahanda
• Presents----------------nakapagpapakita/naipakikita
1. COGNITIVE/PANGKABATIRAN
D. ANALYSIS-PAGSUSURI
• Points-out-------------------------nakapagtuturo/naituturo
• Selects--------------------nakapamimili/napipili
• Draw conclusion------nakapagpapasiya/napagpapasiyahan
• Deduces/infers-------------------nakapaghihinuha/nahihinuha
• Orders-------------------------------nakapaghahanay/naihahanay
1. COGNITIVE/PANGKABATIRAN
E. Synthesis-Pagbubuo
• Collects----------------nakapagtitipon/natitipon
• Tells---------------------------nakapagsasabi/nakasasabi
• Complies----------------------nakapagtatak/nakatatala
• Arranged-------------------------nakapagsasaayos/naisasaayos
• Assembles-----------------------nakapagbubuo/nabubuo
1. COGNITIVE/PANGKABATIRAN
F. EVALUATION- PAGPAPAHALAGA
• Select/chooses--------------nakapipili/napipili
• Describes---------------nakapaglalarawan/nailalarawan
• Evaluates------------nakapagpapahalaga/napahahalagahan
• Makes a decision------nakapagpapasiya/napagpapasyahan
• Appraises/assess------------------nakapagtataya/natataya
II. AFFECTIVE/PANDAMDAMIN
A. Receiving—pagtanggap
• Listens----------nakapakikinig/napakikinggan
• Watches-------------------nakapagmamasid/namamasid
• Locates----------------nakapaghahanap/nahahanap
• Uses-------------------------nakagagamit/nagagamit
• Follows---------------------nakasusunod/sunod
II. AFFECTIVE/PANDAMDAMIN
B. RESPONDING- PAGSAGOT
• Acknowledge-----------------------------nakatatanggap/natatanggap
• Answers------------------nakasasagot/nasasagot
• Recites--------------------nakabibigkas/nabibigkas
• Reads------------------nakababasa/nababasa
• Rejoices/resents-----------------------nakakikigalak-
nakatatanggi/nakagagalak/natatanggihan
II. AFFECTIVE/PANDAMDAMIN
C. Valuing- Pagpapahalaga
• Studies------------------nakapag-aral
• Differentiate-------------------------nakakikilala ng pagkakaiba/nakilala
ang pagkakaiba
• Reports----------------------nakapag-uulat/nauulat
• Favors----------------nakasasang-ayon/nasasang-ayunan
• Envites--------------------nakapag-aanyaya
II. AFFECTIVE/PANDAMDAMIN
D. Organizing-Pagbubuo
• Explains----------------nakapagpapaliwanag/naipapaliwanag
• Generalizes--------------najapaglalahat/nailalahat
• Adheres------------nakapaninindigan/napaninindigan
• Organizes------------------------nakapagbubuo/nabubuo
• Alters----------------------nakapagbabago/nababago
II. AFFECTIVE/PANDAMDAMIN
E. Characterizing-Pagkilala sa Kahalagahan
• Revise-----------nakapagwawasto/naiwawasto
• Verifies------------------nakapagpapatunay/napatutunayan
• Proposes------------nakapagmumungkahi/naimumungkahi
• Performs/acts--------------nakapagsasagawa/naisasagawa
• Solves-----------nakalulutas/nalulutas
III. PSYCHOMOTOR/PANGKASANAYAN

Perception-Pandama
• Color-------------------nakapagkukulay/nakakukulay
• Find-------------nakahahanap/nahahanap
• Look-----------------nakatitingin/natitingnan
• Note------------nakapagtatala/naitatala
• Observe------------nakapagmamasid.namamasid
III. PSYCHOMOTOR/PANGKASANAYAN

Set- Pagsisimula
• Construct--------------------nakagagawa/nagagawa
• Copy-------------nakokopya/nakokopya
• Create-------------------nakalilikha/nalilikha
• Execute---------------nakagaganap/nagagampanan
• Imitate----------------nakagagaya/nagagaya
III. PSYCHOMOTOR/PANGKASANAYAN

Guide response –Ginabayang mga katugunan


• Assemble----------------nakapagtitipon/natitipon
• Connect---------------------nakapagdurugtong/naidurogtong
• Convert---------------------nakapagpapalit/napapalitan
• Handle--------------------nakahahawak/nahahawakan
• Measure------------------nakasusukat/nasusukat
III. PSYCHOMOTOR/PANGKASANAYAN

Mechanism-kaparaanan
• Dense----------nakapagbabalangkas/naibabalangkas
• Install-------------nakapaglalagay/nailalagay
• Perform---------------nakatutupad/natutupad
• Spell-out--------------nakapagbabaybay/nababaybay
• Operate---------------nakapagpapaandar/napaaandar
III. PSYCHOMOTOR/PANGKASANAYAN

Complex overt Response


• Conduct----------------nakapagsasagwa/naisasagawa
• Connect----------------nakapagkakabit/naikakabit
• Convert-----------------nakagagawa/nagagawa
• Label--------------nakapaglalagay/nakapagmamarka
• Match-----------------nakapag-uugnay/naiuugnay
III. PSYCHOMOTOR/PANGKASANAYAN

Adaption-Pag-aangkop
• Change---------------nakapagbabago/nababago
• Move--------------nakapaggagalaw/napagagalaw
• Retine--------------nakalilinang/nalilinang
• Shift-----------------nakapaglilipat/nalilipat
• Sift---------------nakasusuri ng mabuti/nasusuri nang mabuti
III. PSYCHOMOTOR/PANGKASANAYAN

Origination- Paglikha
• Recite and recount-------------naisasalaysay at naiuulat
• Remember and apply--------nakagugunita at nakasasagawa
• Discard and substitute---------------nakapagwawaka at
• Recall and use-------------------- nakagugunita at nakagagamit
• Recapitulate--------------nakapaglalagom
Karaniwang Kagamitan
( sa Pang-araw-araw na Pagtuturo)
A. PANGUNAHING KAGAMITAN
• Pisara at Pambura – Mabilis na maisusulat ng guro ang nais niyang maipakita
sa buong klase sa isang kumbinyenteng paraan. Madaling mabubura ang
anumang isinulat at muli itong masususlatan na maaaring sumabay sa takbo ng
pagtatalakay ng guro.
• Tsok at iba pang panulat – Tsok para sa blackboard o whiteboard pen para
naman sa whiteboard.
• Notbuk- sinusulatan ng mga puna o anumang tala na kailangan ng guro.
B. BALANGKAS/ PLANO NG ARALIN
1. Layunin – Maaaring nasa anyong paturol ang layunin o kaya naman ay nasa anyong patanong.
Halimbawa: (Anyong Paturol)
• Naipaliliwanag o maipaliliwanag ang mga barayti ng wika.
- (Anyong Patanong)
• Ano-ano ang barayti ng wika?
• May ibat ibang paraan ng pagpapahayag ng mga layuning beheybyural. Ang mga ito ay;
• Pangkabatiran (cognitive)
• Pandamdamin ( affective)
• Saykomotor ( psychomotor)
B. BALANGKAS/ PLANO NG ARALIN

2. Tapik o Paksa – Ipinapahayag ng balangkas ang aralin sa


pamamagitan ng tapik/paksa o sub-tapik/paksa. Ito ang
pinakamakabuluhang salik dahil kung walang kaalaman ang
guro sa kung anu dapat ang ituro ay hindi ay hindi siya
makasusulat ng epektibong banghay-aralin.
B. BALANGKAS/ PLANO NG
ARALIN
3. Kagamitan – ay isang instruksyunal na gamit na kinakailangan upang matamo
ang layunin ng pagtuturo at pagkatuto.
• Ang basal (abstract) ay nagagawang tahas (concrete) at napupukaw rin ang
interes o kawilihan ng mga mag-aaral sa leksyon.
• Binubuo ito ng mga batayang aklat, sangguniang aklat (references), aklat-
sanayan (workbook), manwal, jornal, magazin, pahayagan, simulation, mga laro,
puzzle, pelikula, filmstrip, filmslide, computer, software, chalkboard, audio radio
cassette, telebisyon, overhead projector (OHP), opaque, projector/computer at
iba pa (Corpuz at Salandanan, 2003)
B. BALANGKAS/ PLANO NG ARALIN
4. Paraan – Dito isinaalang-alang ng guro kung paano talakayin ang
paksa o aralin. Dapa isinaalang-alang ang mga sumusunod na
katanungan
• Anong mga estratehiya ang gagamitin?
• Ano-anong mga katanungan ang ilalakip o ipapasagot?
• Ano-anong mga gawain at pagsasanay ang ibibigay sa mga mag-
aaral?
B. BALANGKAS/ PLANO NG ARALIN
5. Pagtaya/Evalwasyon- Pagkatapos ng sinundang salik ay ang sistesis o ang buod ng aralin. Para
kay Orlieh (1994) may limang pangunahing salik ang instruksyunal na pamamaraan;
• Motibasyon (motivation or focusing event)
• Mga pamamaraan ( teaching procedures) ng mga kinasasalalayang mga katanungan
• Pagtaya o pagtasa ng mga pamamaraan sa pagtuturo ( formative check)
• Ang partisipasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng ibat ibang aktibidad, pagsasanay at
gawain (activities)
• Buod o lagom ( closure, summary)
B. BALANGKAS/ PLANO NG ARALIN

6. Takdang-aralin- Panghuling layunin ng


kasanayan ay para sa higit na karagdagan at
kadalubhasaan ng pagkatuto
B. Pagsulat ng Layunin ng Aralin – Ang instruksyunal na mga
layunin ay tinatawag ding mga isyuning pagganao (performance
objectives) dahil ang tuon o empasis nito ay sa kung ano ang mga
namamalas na kinalabasan ng mag-aaral (student outcome)
batay sa kanilang paggawa (performance). Ang kasingkahulugan
ng mga layuning pagganap ay mga layuning pangkarunungan
(learner objective) , mga layuning pangkagawian (behavioral
objectives) at mga tiyak na layunin(specific objectives)
 
MAY MGA KAKAYAHAN O KATANGIAN DAPAT
TAGLAYIN ANG MGA LAYUNING PAGGANAP,
KILALA ITO SA AKRONIM NA SMART.
S – SPECIFIC O TIYAK

- Ilahad ang tiyak na dapat na magawa ng mga mag-aaral

M- MEASURABLE O NASUSUKAT

- Tiyaking maaari itong maobserbahan o makita

ATTAINABLE O NATATAMO

- Ang mga kasanayan ay nasa hangganan ng kayang magawa o matamo ng mga mag-aaral sa nakatakdang panahon o
sitwasyon.

R- RELEVANT O MAKABULUHAN

- Iangkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral

T- TIME-FRAMED O MAY TAKDANG PANAHON

- Naisasakatuparan sa isang takdang panahon 


Sa taksoniming pang-edukasyon (educational
taxonomy), ang pagkatuto ay nauri sa tatlong
domeyn
Pangkabatiran (Cognitive)
MGA LAYUNING PANGKABATIRAN
(KNOWLEDGE OBJECTIVE)
• Sa katapusan ng aralin, ang bata’y
• Makakikilala ng mga bagay-bagay, kaisipan, at paglalahat na
nauugnay sa ____________
• Makahihinuha na _________________
• Makakikilala na _________________
• Makapagsasabi ng pagkakaiba ng _________sa_________ 
MGA LAYUNIN UKOL SA PAGSISIYASAT AT KASANAYAN
(INQUIRY AND SKILL OBJECTIVES)

Ang bata’y dapat nang:


• Makapaglarawan at makapaghambing ng ________________
• Makapagpaliwanag kung paano _____________
• Makapagpakita ng paraan kung paano ___________________
• Makakilala ng pagkakaiba ng __________________
• Makapagsaalang-alang at makagamit ng_________________
• Makapagbalak na___________ mapagpanukalang mabuti_____________
PANDAMDAMIN
PANDAMDAMIN (MGA SALOOBIN, PAGPAPAHALAGA,MITHIIN
AT KAWILIHAN)(AFFECTIVE-ATTITUDES, APPRECIATIONS,
IDEALS, INTERESTS)

Sa katapusan ng unit, ang bata’y: 


• Makababalikat ng pananagutan sa__________________
• Makagagamit ng____________________nang matalino at mabisa
• Makapamamasid nang masusi_______________
• Makapakikinig nang masusi at may layunin_______________
Psychomotor
Saykomotor o Pagkakaugnay ng kaisipan at kilos
(Psychomotor)
Sa katapusan ng yunit, ang bata’y maaari nang: 
• Makayari (makabuo)___________________
• Makagawa (makapagtayo)_____________________
• Makagawa (Makaganap)__________________--
• Makagamit ng__________________
• Makasukat____________
Pormat o mga Anyo ng Banghay-
aralin
PORMAT O MGA ANYO NG BANGHAY-ARALIN
Ang banghay-aralin ay maaaring detalyado,hindi detalyado,pahapyaw o
maikling balangkas. Maaaring ito ay na sa anyong kolumnar o di-kolumnar.
Ang isang estudyanteng guro na nagsisimula pa lamang na magturo ay
kinakailangan talagang isulat ang kanyang mga binabalak o planadong gawain at
aktibidad o pagsasanay nang may kaakibat na paraan at proseso at pati na rin ang
inaasahang mga sagot at reaksyon ng mga mag-aaral.
PORMAT O MGA ANYO NG BANGHAY-ARALIN

• Ang isang average o katamtamang guro naman ay hindi na inaasahang


maghanda ng detalyadong balangkas kundi isa lamang mala-detalyadong
banghay-aralin.
• Ang pahapyaw o maiksing balangkas ay maaaring gamitin ng isang datihan o
beteranong guro (veteran teacher). Ang isang gurong may karanasan na sa
pagtuturo ay hindi na nangangailangang ilahad ang lahat ng gawain at sasabihin
sa detalyadong pamamaraan.
Nakalimbag na Kagamitan
1. BATAYANG AKLAT (TEXTBOOK)

-Aklat para sa isang tiyak na asignatura at


baitang. Inihahanda at ginagamit ito bilang
batayang kapwa ng guro at mag-aaral.
2. SANAYANG AKLAT (WORKBOOK)

-Aklat na naglalaman ng mga pagsasanay at


gawain na isinasagawa ng mga mag-aaral.
Mga mag-aaral ang gumagamit ng aklat na
ito.
3.MANWAL NG GURO
-Aklat na naglalaman ng balangkas ng aralin. Guro ang gumagamit ng
aklat na ito
- Kaugnay parin ng batayang aklat, inihahanda at ginagamit ng guro
ang manwal. Sa aklat na ito matatagpuan ang mga mungkahing
banghay ng aralin tulad ng mga layunin, pamaraan, estratehiya,
kagamitan, at iba pang gabay sa pagtuturo.
4. IBA PANG AKLAT
-Bukod sa mga aklat na nabanggit na, may napakalawak na koleksyon
pa ng mga aklat ang maaaring magamit ng guro bilang kagamitan tulad
ng sangguniang aklat (diksyonaryo at ensayklopedya), aklat tungkol sa
isang tiyak na paksa, koleksyon ng mga kwento, pabula at iba pa, at
napakarami pang iba.
5. IBA PANG NAKALIMBAG

-Hindi lamang aklat ang makatutulong sa guro kundi ang iba


pang nakalimbag na bagay tulad ng pahayagan, magazine,
brosyur, at iba pa. Kung magiging kapi-pakinabang ito sa
pagtuturo ng guro at pagkatuto ng mga mag-aaral,
maituturing na mabuti itong instruksyunal na mga kagamitan.
Maikling Banghay Aralin
Mala-masusing Banghay Aralin
Masusing Banghay Aralin
PAGSUSULIT
D. PAGSUSULIT
• Isa pang karaniwang kagamitan ng guro sa pang araw-araw na
pagtuturo ay ang pagsusulit. Ito ay instrumentong ginagamit upang
masukat ang kakayahan ng mga mag-aaral na natamo matapos ang
isang proseso ng pagtuturuan. Paraan ng pagtataya ng pagtuturo-
pagkatuto ang pagsusulit kaya mahalagang may malawak at mahusay
na kaalaman ang bawat guro sa paghahanda nito.
KATANGIAN NG GURO O GUMAGAWA NG
PAGSUSULIT
• May malawak na kaalaman sa paksang aralin na saklaw ng gagawan ng
pagsusulit.
• May malalim na pagkilala sa mga mag-aaral na kukuhanan ng pagsusulit.
• May mahusay na kasanayang pangkomunikatibo upang makagawa ng isang
malinaw at hindi nakakalitong pagsusulit.
• Malawak ang kaalaman sa iba’t-ibang teknik sa pagbuo ng aytem.
• Malikhain at nagagawang magkaroon ng kakaibang dating ang tradisyonal na
anyo ng pagsusulit.
URI NG PAGSUSULIT
AYON SA LAYON
1. Panuring pagsusulit o Diagnostic Test.
- May layuning malaman kung ano ang alam at hindi pa alam ng mga mag-aaral.
2. Pagsusulit sa Natamong Kabatiran o Acheivment Test.
- May layuning tukuyin kung natutunan ba ng mga mag-aaral ang itinurong aralin gayundin kung
sino ang may malawak na natutunan at sino ang nangangailangan pa ng pagtuturong muli.
3. Pagsusulit sa kahusayan o Proficiency Test.
- May layuning malaman ang lawak ng kakayahan sa isang tiyak na larangan
4. Pagsusulit sa kakayahan o Aptitude Test.
- May layuning malaman kung may kakayahan o interes ang kukuha ng pagsusulit sa isang
partikular na larangan.
 
AYON SA DAMI NG SINUSUKAT NA
KAKAYAHAN
• Pagsusulit na Discrete Point.
- Isang kakayahan lamang bawat aytem ang sinusubok ng ganitong uri
ng pagsusulit. Hal. Pagsusulit na may maraming pagpipilian.
• Pagsusulit na Integrative.
- Pangkalahatang kakayahan sa paggamit ng wika ang sinusubok ng
pagsusulit na ito. Hal.pagsubok na dictation,cloze test.
AYON SA PARAAN
Oral.
• Pasalitang sasagutin o gagawin ng mag-aaral ang pagsusulit na
maaaring nakasulat o pasalita ring ibibigay ng guro.
Pasulat.
• Ang pagsusulit ay maaaring pasalita o pasulat na ibibigay ng guro
subalit ang pagtugon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsulat.
AYON SA PORMAT  
Pagsusulit na obhektibo o Objective Test.
- may kahirapang gawin ang ganitong uri ng pagsusulit subalit nagiging mabalis lamang ang
pagwawasto at pagmamarka nito. Isang tiyak na sagot lamang itinuturing na tama sa bawat aytem
ng pagsusulit.
Tama o Mali
Simpleng Pag-alala
Maraming Pagpipilian
Pagtatapat-=tapat
Pagtukoy ng Mali
KATANGIAN NG
PAGSUSULIT
a. Balido
• Ang pagsusulit ay kailangang sumukat ng dapat
sukatin.
b. Mapanghahawakan
• Taglay ng pagsusulit ang katangiang ito kung
konsistent ang mag-aaral sa kanyang ranggo tuwing
bibigyan ng pagsusulit na may katulad na nilalaman.
c. May kakayahang magtangi
• Ang mabuting pagsusulit ay nagkapagsasabi kung sino ang mag-aaral
na natutong ganap at kung sino ang nangangailangan ng ibayong
pagtuturo.
4. Malinaw at madaling maunawaan
• Layunin ng pagsusulit na masukat ang kakayahang natamo ng mga
mag-aaral, ang magulo at nakalilitong panuto ay sumisira sa layuning
ito.
Hakbang sa Paghahanda ng
Pagsusulit
1. PAGPAPLANO NG PAGSUSULIT
• Ano ang mga layunin sa gagawing pagsusulit?
• Tiyakin ang sakop o saklaw ng pagsusulit. Maaring ito ay base sa balangkas ng
aralin, silabus, kurikulum o iba pa.
• Tukuyin ang mga uri o teknik ng gagawing pagsusulit at ang tiyak na bilang ng
aytem.
• Gumawa ng talahanayan ng ispesipikasyo o Table of Specification(TOS)
2. PAGBUO NG AYTEM SA
PAGSUSULIT
• Gawing gabay ang ginawang TOS
• Malayo pa ang takdang panahon ng pagsusulit ay nabuo na ang mga
aytem upang may panahon pang irebisa ito.
• Humingi ng opinyon mula sa ibang guro upang matiyak ang
katumpakan ng mga aytem.
• Isaayos ang mga aytem batay sa plano.
3. PAUNANG PAGSAGOT SA PAGSUSULIT O
PRE-TESTING
• Ang paunang pagsagot ay maaring gawin ng mismong guro o kaguro.
Sa hakbang na ito makikita ang maaring mga pagkukulang ng
nabuong pagsusulit bago aktwal na ibigay sa mga target na mag-
aaral.
• Isang paraan pa ng pagwawasto ng pagsusulit ay ang paggawa ng
susing sagot.
• Irebisa ang nabuong pagsusulit batay sa mga pagbabagong lumitaw.
4.PAGBUO NG ISKEMA SA PAGWAWASTO

• Sa obhektibong tipo ng padsusulit, madali lamang ang


iskema ng pagmamarka, maaaring gawing isang aytem isang
punto ang pagmamarka.
• Sa mga rubrik na pagbabantayan ng marka ng mga magiging
sagot ng mga mag-aaral.
Mga uri ng Tanong Alinsunod sa
Layunin
A. PAGTAYANG PANGKABATIRAN
• Ang layunin ng katanungang ito ay upang maditermina ang kaalaman
sa pag-unawa ng isang mag-aaral. Iniaangat nito ang pag-iisip ng
mga mag-aaral sa mataas na lebel o antas. Ito iyong mga tinatawag na
divergent ng mga katanungan at open-ended na tanong na
nangangailangan ng analisis at ebalwasyon.
• Hal. Ano ang mangyayari sa ozone layer ng papawirin o agay-ay
kung patuloy itong mapipinsala?
B. PAGPAPATOTOO/PAGPAPATUNAY

• Diniditermina ng layuning ito ang ganap na


kawastuan ng resulta ng isang aktibidad o pagganap.
Hal. Bakit unang nakikita ang kidlat bago marinig
dalugdog o dagundong ng kulog?
C. PARA SA MALIKHAING PAG-IISIP
• Kinakailangan dito ang orihinalidad.
• Hal. Gayahin o pakilosin mo ang iyong sarili na parang si Matsing at si Pagong.
Sasagutin ng mga mag-aaral ang tanong batay sa kanilang mga ideya at kuro-
kuro tungkol ditto o di kaya’y ibang paraan sa paggawa ng mga bagay.
• Ang mga tanong ditto ay dapat na makilinang ng malikhaing pag-iisip ng mga
tao. Hal. Bakit sinasabing ang alamat ay maaaring totoo o maaaring hindi totoo?
• Pangatwiranan nang may kaakibat na katunayan
D. PARA SAP AG-
EEVALWEYT/PAGTATASA
• Ang mga kataningan para rito ay kinapapalooban ng pagpapahalaga,pagpapasya
at pagpili(choice). Nagtatanong din ang layuning ito ng mga personal na opinyon
tunkol sa isang pangyayari, tungkol sa isang patakaran o isang tao.
• Hal. Maganda baa ng slide presentation ng iyong Guro?
May kaugnayan ba sa tunay na buhay ang napanood mong dula?
Bakit ninais na lamang ng mag-anak na mantili sa sariling bayan?
Bakit sa ganoong kalagayan winakasan ang kuwento?
E. MABUNGANG (PRODUCTIVE) PAGIISIPKASALI RITO
ANG PANGANGATWIRAN
• Pangkabatiran- Sinusuri nito ang katotohanan, kinikilala ang mga
desinyo, mga huwaran o pattern, mga kalakaran at hiningi rin ng mga
katanungan ang pag-alaala (memory) at ang panunumbalik ng gunita
(recall).
• Hal. Bakit matagumpay ang pang-apat nating Kalihim ng Kagawaran
ng Agrikultura sa pakikiapagpulong sa maliliit na panginoong may-
lupa (landlords)? Paano pagbubutihin ang Law of conservation of
Energy?
F. PARA SA PAGGANYAK
• Bago talakayin ang aralin, magbibigay ang Guro ng
maraming katanungan hinggil sa paksa nang sa ganoon ay
mapukaw ang interes ng mga mag-aaral. Hal. Alam ba ninyo
kung anoa ng mga layuning pangkabatiran, upang higit na
maunawaan ang mga behetbyural na layunin.
G. PARA SA PAGTATAGUBILIN
( FOR INSTRUCTING)
• Ginagawa ang pagtatanong para sa mahalagang kabatiran o
impormasyon. Ipinagbibigay alam, minamandihan,tinitiyak,
pinapatnubayan at pinapayuhan nito kung ano at paano gawin ang
isang aktibidad. Hal. Ano-ano ang mga proseso sa pagsasagawa ng
eksperemento? Paano magluto ng adobong manok?
Mga uri ng Tanong Alinsunod sa
Layunin
1. MABABANG ANTAS NG MGA TANONG

• Bunubuo ito ng mga ganitong tanong o nangangailangan ito


ng payak na alalahanin o alaala. Hal. Ibigay ang katuturan
ng pangungusap. Ano ang katuturan ng maikling kwento?
2. MATAYOG NA ANTAS NG MGA TANONG

• Ang mga tanong na mga ito ay para sa pagsusuri,


pangangatwiran, pagtataya o pag-eevalweyt, paglikha at
paglutas ng problema.
Hal. Bakit tumataas ang temperatura kapagmalapit na ang
pananghalian?
3. MGA TANONG NA CONVERGENT

• Mga tanong ito tungkol sa paagbibigay kahulugan,


paglalahad, pagbibigay-interpretasyon, at para sa
pagbubuod/paglalagom.
Hal. Bakit pinamagatan ang kwento na Uhaw ang Tigang na
Lupa? Kailan nagana pang Lunar eclipse?
4. MGA TANONG NA DIVERGENT

• Pinapaisip ng mga tanong na ito ang mga respondent sa


ibang direksyon, mag-isip ng alternatibong Gawain o
magbigay ng sariling desisyon. May mga posibleng sagot sa
mga tanong tulad ng Bakit mo inihalal si Presidente Noy-
noy Aquino? Ano ang mangyayari sa barong tagalog mo
kung ibibilad ito ng tatlong araw?
Katangian ng mabuting
Tanong
1. Tiyak
• Maikli, tuwiran, at tumutukoy sa isang tiyak na kasagutan lamang. Makakatulong ang hindi
maligoy na pagtatanong upang hindi mailto ang mag-aaralsa pag-iisip ng kasagutan.
2. Malinaw
• Pili ang mga salitang gagamitin sa pagtatanong, yaong malinaw na makararating sa mga mag-
aaral. Hindi man nila alam ang isasagot subalit nauunawaan naman nila kung ano ang
itinatanong.
3. Mapanghamon
• Ang mag tanong na nasa mababang antas, o yaong mga tanong na sumuskat lamang sa
kakayahan ng mga mag-aaral sa kritikal nap ag-iisip. Kinakailangang ang tanong ay yaong
humahamon sa kakayahan ng mga mag-aaral magpaliwanag, mangatwiran, o magdesisyon.
•  
1. Ilang Porsyento ng Northen
Hemisphere ang tinitirahan ?
1. Spinach is high in
which mineral?
Iron
2, What is the diameter
of earth?
•Greenland with 12, 742
kilometer
3. Name the largest
sea of the world?
Philippine sea
4. Pat Villafuerte ay isang manunulat, at propesor.
Isinilang sa Nueva Ecija noong Mayo 7, 1948.
ano ang kanyang Buong pangalan?
PATROCINIO VILLAFUERTE
Sino ang nilalaman ng
Puso ni Shaenna?

You might also like