You are on page 1of 5

SELF

LEARN
ING
FILIPINO
KIT
Grade : 2 - Kwarter 2: Week: 2

Pag-unawa sa Kuwentong Binasa

Modyul __
Pag-unawa sa Kuwentong Binasa

INTRODUKSIYON

Mag-aaral : Paano mo gagamitin ang modyul na ito?


Kumusta kaibigan, muli ay nais kitang paalalahanan sa tamang paggamit
ng modyul na ito. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul at huwag mo itong
susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel sa pagsagot sa mga
pagsusulit.

1. Sagutin mo muna ang Subukin. Ito ay ang panimulang hakbang upang


masukat at matiyak ang dati mong kaalaman sa paksang ating tatalakayin.

2. Iwasto mo ang iyong sagot. Kunin mo sa guro ang Susi sa Pagwawasto.


Maging matapat ka lamang sa pagwawasto. Huwag kang mag-alala kung
mababa ang markang nakuha mo. May mga inihanda akong mga gawain at
iba pang pagsasanay na tiyak kong makatutulong sa iyo.

3. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga
gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil
malaki ang maitutulong nito sa iyo upang maging madali ang pagsagot sa
mga gawain.

4. Sagutin mo agad ang Tayahin (Pangwakas na Pagsusulit) upang matiyak


kung natutunan mo ang buong aralin, Kunin mong muli sa guro ang Susi sa
Pagwawasto. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto.

5. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito kaibigan. Sikapin mong sagutin


ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap ko na ikaw ay
matulungang matuto.
Patnubay para sa Guro o Magulang na Gagamit ng Modyul
Una sa lahat, katuwang kayo ng mag-aaral sa kanyang paggamit
nitong modyul upang siya ay matututo. Huwag ninyo siyang pababayaan.

1. Subaybayan ninyo ang mag-aaral kung nasasagot nga ba niya ang bawat
Gawain sa modyul. Wala siyang gawaing dapat na nilaktawan.

2. Iwasto kaagad ang mga pagsusulit/pagsasanay na nakatalaga sa bawat


bahagi ng modyul upang malaman niya ang kanyang mga nasagot na tama o
mali. Ang mga mali niyang kasagutan ay dapat niyang maitama.

3. Tutungo lamang ang mag-aaral sa kasunod na modyul kung nakakuha siya


ng markang 95% sa Tayahin. Ito ang panukat ng kanyang pagkatuto at
kahandaan para sa susunod na lebel. Sakali mang hindi siya nakakuha ng
markang 95 %, may mga karagdagang Gawaing dapat niyang sagutin at
ipasa bago makatutungo sa susunod na lebel.

4. Bigyang-halaga n`yo sana ang modyul na ito kagaya nang pagpapahalaga


ninyo sa inyong mga bata/mag-aaral.
Alamin:

Kumusta ka na kaibigan? Marahil ay marami ka nang natutunan sa


mga modyul na pinag-aralan nitong mga nakaraang araw. Dagdagan pa natin ha?
May inihanda akong bagong modyul para sa iyo. Tiyak na mawiwili ka sa pagsagot
sa mga gawaing inihanda ko dito.

Ano ang matututunan mo?


Matapos mong pag -aralan ang modyul na ito ay inaasahan kong
matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan:

1. Naipaliliwanag ang mensahe, damdamin at paksa ng kuwento;


2. Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa nabasang kuwento;
3. Nakagagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng
mga salita tulad ng paggamit ng mga palatandaang nagbibigay ng
kahulugahan (context clues) katuturan o kahulugan ng salita;
4. Nasisipi nang wasto at malinaw ang parirala o pangungusap; at
5. Nasasagot sa sariling pagsusumikap ang mga katanungan sa
modyul;
6. Pagkamatapat

Gr. 2 - Q 2 Week 2:
F2PB-IIa-b-3.1.1
F2 PT-Ia-h-1.5
F2KM-IIb-f-1.2

Handa ka na ba kaibigan? Simulan natin!

Subukin:
Bago ka pumunta sa mga gawaing inihanda ko,
sagutin mo muna ang pagsusulit sa ibaba upang masukat ang
dati mong kaalaman sa paksang ating tatalakayin.
Kaibigan, kapag nasagot mo nang wasto ang lahat ng mga tanong sa bahaging ito ay
maari ka nang lumaktaw sa modyul at tumuloy sa kasunod na modyul. Ang ibig sabihin ay
natamo mo na ang mga target na kasanayang nililinang sa modyul na ito. Subalit, kapag may
namali ka nang sagot, kaibigan, kahit isa lang, ay kinakailangan mo pa ring sagutin ang buong
modyul na ito.

A. Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang ng bawat bilang kung Tama ang isinasaad ng
pangungusap at ekis ( x ) kung Mali.

______1. Ang paksa ay maaaring isang salita o parirala na nagsasaad kung tungkol saan

o kanino ang teksto o kuwentong binasa.

______2. Ang mensahe ng isang kuwento ay agad na maibibigay sa pamamagitan ng

pahapyaw na pagbasa sa una at huling pangungusap nito.

______3. Ang mensahe ng isang kuwento ay ang kaisipan ng may-akda na nais niyang ihatid sa

mambabasa.

______ 4. Mahalagang basahin nang may pang-unawa ang anumang teksto/kuwento upang

matukoy ang pangunahing kaisipan nito.

______ 5. Ang paksa ng isang teksto ay HINDI laging makikita sa pamagat nito.

B. Panuto: Piliin ang angkop na pahiwatig na nagbibigay-kahulugan sa mga salitang may


salungguhit.
1. Masama ang kanyang loob dahil ayaw siyang isama ng Nanay sa palengke.
A. nagtatampo
B. nagagalit
C. naiiyak
2. Napahiyaw ang bata sa sakit.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Prepared by:

JOVELYN C. QUINDAO
NOTED BY: EPSVR - Filipino

DR. MA. KENNETH S. NENGASCA


Chief – EPSVR

You might also like