Professional Documents
Culture Documents
Iba't Ibang Estratehiya Sa Pagtuturo NG Filipino
Iba't Ibang Estratehiya Sa Pagtuturo NG Filipino
Tuppal
WALANG ITINATANGI
MAY POSITIBONG UGALI
MAY KAHANDAAN
MAY HAPLOS-PERSONAL
MASAYAHIN
MALIKHAIN
MARUNONG TUMANGGAP NG KAMALIAN
MAPAGPATAWAD
MAY RESPETO
MAY MATAAS NA EKSPEKTASYON
MAPAGMAHAL
IPINADARAMANG KABILANG ANG BAWAT MAG-AARAL
GURO
MAG-AARAL
MATERYAL
ISTRATEHIYA
PAGTATAYA
Grade 1
SA PALARUAN p. 147
“STORY TELLING”
PANONOOD
Palaging tatandaan na napakahalaga ng mga gabay na tanong
matapos magbasa , manood o makinig. Hindi lamang para sukatin
ang kakayahan ng isang mag-aaral matapos ang gawain kundi para
manatiling nakaangkla ang kanilang mga sagot lalo na sa mas
malawak na pag-unawa sa kwentong binasa o pinanood.
Grade 3
PALIGSAHAN SA KAGUBATAN (DULA-DULAAN)
ANG KAPANGYARIHAN NG TEATRO SA PAGKATUTUO
IKOT-IKOT LANG
Mas kilala bilang rotating play. Sa gawaing ito, bibigyan ng bahagi ang
mga mag-aaral mula sa dulang nasa aklat. Nakapaikot ang bawat
pangkat sa loob ng silid. Kung sinong pangkta ang tatapatan ng guro,
saka lamang gagalaw ang mga mag-aaral upang itanghal ang bahagi
na napunta sa kanila.
Konek mo yan!
PAGKAKAIBA
PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA
Grade 4
ROUND TABLE DISCUSSION
ANG TEKNOLOHIYA AT ANG EPEKTO NITO p.201
Binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na malayang
matalakay nila ang paksa ukol sa mga ganitong usapin lalo pa at
kinapapalooban ng teknolohiya. Sa pamamaraang ito, malayang
naipahahayag ng mga mag-aaral ang saloobin at mga ideya na
nabuo nila ukol sa paksa nang hindi nahuhusgahan. Tandaan huwag
iparamdam sa mga mag-aaral na kasalanan ang paglikha ng ingay sa
klase lalo na kung may kabuluhan ang ingay na nagagawa.
Ang 3-2-1 go! ay maaaring gamitin lalo na sa paglalagom. Dito
masusukat kung ano ang kanilang natutuhan, ano ang nais pa nilang
malaman at kung ano ang hindi nila naintindihan.
Sa katapusan ng talakayan ng klase magbibigay ang mga mag-aaral
ng tatlong natutuhan nila, dalawang bagay na nai pa nilang malaman
at isang paksa na kailangan pa nilang aralin.
Makatutulong din ito sa guro upang malaman kung ano ang
kailangan niyang pagtuunan ng pansin upang maunawaan pang lalo
ng mga mag-aaral ang paksa.
KAHOOT!
Isang uri ng website kung saan matutulungan ang guro na malaman
agad ang score at standing ng mga mag—aaral sa isang pagtataya.
Ang pagtataya ay maaaring formative o summative depende sa nais
ng guro. Isa ring masayang estratehiya dahil wari’y nasa isang game
show ang mga mag-aaral habang ginagawa ang pagtataya.
Huwag na huwag ipararamdam sa mag-aaral na kalaban ang
gadgets dahil palaging tatandaan na ang mga gadgets ay
maaaring maging isang mabisang lundayan ng pagkatuto
lalo kung gagamitin sa mas magandang paraan.
VLOGS/BLOGS
MAMASYAL TAYO! P. 69
Sa pamamagitan ng gawaing ito, mailalagay natin sa
sitwasyon mismso ang bata na makapunta sa lugar na nais
niyang pasyalan at naipakikita niya ang mga lugar na ito sa
mga kamag-aral kahit na hindi sila kasama nang dahil sa
pagba-vlog.