You are on page 1of 6

Ang Impluwensiya ng Makabagong Teknolohiya

sa Wikang Filipino

Pinal na Pangangailangan para sa Asignaturang

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Mindanao State University at Naawan Integrated Developmental School

Ipinasa nina:

Arian D. Tapdasan

Sheila B. Rebayla

Gad Guisser Y. Pecson

Danielle Rose M. Jalagat

Anne Margarette N. Honghong

11- STEM A SET B

Ipinasa kay:

Bb. Jehan S. Omra

Disyembre 2022
I. Kaligiran o Background ng Pag-aaral

Sa mga nagdaang henerasyon, malaki ang mga naging pagbabago ng


teknolohiya sa iba't ibang paraan ng ating pamumuhay lalong lalo na sa larangan ng
edukasyon, sa wika at pakikipagkomunikasyon. Mahusay ang mga teknolohiyang
nagagamit natin, partikular sa komunikasyon, ito ay dahil sa kanilang iba't ibang anyo
na tumutulong sa mga tao na makipag-usap sa iba't ibang paraan: tulad ng mga blog,
social network (Facebook), microblogs (Twitter), wikis (Wikipedia), video podcast, at
media sharing (Instagram at Snapchat). Ang mga application tulad ng Facebook,
Twitter, YouTube, at WhatsApp ay lubos na nagpalakas ng pakikipag-ugnayan sa
lipunan at pagbabahagi ng impormasyon sa loob ng mga komunidad ng mag-aaral at
guro. Ang dahilan sa likod ng pagpapalawak ng impluwensiya na ito ay maaaring ang
paghahangad ng tao para sa pagtuklas, walang hangganang koneksyon at pagpapalitan
ng impormasyon at opinyon sa ibang mga user na may parehong interes. Ang mga
aplikasyon ng social media ay nagpapahintulot sa mga gumagamit na tumawid sa mga
hangganan ng kanilang mga bansa, kumonekta at ipahayag ang kanilang sarili sa
isang pandaigdigang saklaw. (Thorne, 2010)

Binabago ng social media ang paraan ng pamumuhay ng mga indibidwal sa


maraming paraan lalo na sa mga bagay na nauugnay sa domain ng komunikasyon,
kaalaman, at edukasyon. Sa pagbabagong ito, maraming nabuong iba’t-ibang barayti
na lumilikha ng mga panibagong lenggwahe. Isang halimbawa nito ay ang paggamit
ng iba’t-ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas ng wika, isa sa mga pinaka-
usong halimbawa nito ay ang paggamit ng "jejemon". May mga bal-bal na salita
naman na tinatawag ng mga millennial na "bekimon" at hanggang ngayon ay patuloy
ang paglawak ng mga makabagong terminolohiya. Sa kabila ng pag usbong ng mga
makabagong salita ay nararapat parin sa mga pang-akademikong institusyon ang
pagtatakda ng nasyunal na pamantasan sa pagtuturo upang maiwasan ang
pagkakawatak-watak ng mga ideya at pananaw. Samakatuwid, Sa panahon ng
globalisasyon, maraming tao ang gumagamit ng social media sa buong mundo bilang
isang makabuluhang epekto ng kanilang buhay, ngunit ito ay nakakaimpluwensya sa
pagbabago ng wika na ating ginagamit sa pakikipag-usap sa kapwa natin Pilipino.
Samakatuwid, ang social media ay may positibo at negatibong epekto sa wika.
II. Layunin

Malaki ang naitutulong ng teknolohiya sa atin na gumagamit nito.


Gayunpaman, hindi maikakaila ang mga pangyayari at pagbabagong dulot sa maling
paggamit ng teknolohiya, na may malaking epekto sa ating wika at pamumuhay. Ang
pananaliksik na ito ay naglalayon na paunlarin ang kaalaman ng mga Pilipino ukol sa
teknolohiya at gumawa ng responsable at pantas na mga indibidwal hinggil sa
paggamit nito. Nakatuon ito sa paglalahad ng wasto at sapat na mga datos tungkol sa
impluwensiya ng hatirang pangmadla sa kulturang identidad ng bansa. Bukod pa rito
ay, tatalakayin sa pag-aaral ang positibo at negatibong epekto ng social media sa
wikang Filipino, pati na rin ang pagtukoy sa mga wikang ginagamit dito. Binibigyang
pansin sa pananaliksik ang paggamit ng Inang Wika sa pakikipag-ugnayan, at
pagbibigay linaw sa kaugnayan ng wika at kultura.

Inaasahan sa papel na ito na pagyabungin ang pambansang wika lalo na sa


mga kabataan na gumagamit ng social media, at magsisilbing pambungad sa
kalagayan ng pambansang wika sa panahon ng makabagong teknolohiya. Ang
pananaliksik na ito ay nagnanais na sumagot sa mga sumusunod na katanungan:

1.Gaano kalawak ang teknolohiya sa panahon ngayon?


2. Ano ang impluwensiya ng social media sa kultura ng Pilipinas?
3. Ano-ano ang mga wikang ginagamit sa social media?
4. Gaano kadalas ba ginagamit ng mga kabataan ang Inang wika sa pakikipag-
ugnayan?
5. Ano ang epekto ng teknolohiya sa pambansang wika?
III. Lapit at Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

Ang kabanatang ito ay nakatuon sa pagtalakay sa mga pamamaraan ng pananaliksik


na susundin ng mga mananaliksik upang maisagawa ang pag-aaral sa impluwensya ng
makabagong teknolohiya sa wikang Filipino.

Pamamaraan ng pananaliksik

Ang isasagawang pananaliksik ay gagamit ng deskriptibong metodolohiya ng


pananaliksik partikular na ang "descriptive survey method" na gumagamit ng
talatanungan or survey questionnaire upang makalikom ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng pinaghalong kwantitatibo at kwalitatibong


pamamaraan sa pananaliksik kung saan makakakuha kami ng malinaw at tiyak na
sukat sa mga kwalitatibong datos.

Pagpili ng Respondante

Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay pipili ng sampung estudyante mula sa


ika-7 baitang hanggang sa ika-12 baitang upang masiguro na malawak ang saklaw ng
aming mga datos.

Instrumentong Gagamitin

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng talatanungan na tinatawag na likert-scale kung


saan kumukolekta ito ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng
kwantitatibo na halaga sa mga kwalitatibong datos.
IV. Inaasahang output

Pagkatapos malikom ang mga datos na kakailanganin at maaanalisa, maibibigay


ang pangkalahatang resulta batay sa mga sagot ng mga respondeng lumahok sa
pagtugon sa talatanungan sa isinagawang online sarbey, inaasahan ng mga
mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Matukoy at maunawa ang mga negatibo at positibong epekto ng social media sa


pakikipagkomunikasyon, kung ito’y nasuri ba alin sa dalawang kongklusyon:

a. Naipakita ang malinaw na kaugnayan ng hindi maayos na paggamit ng wikang


Filipino sa social media/internet.

b. Malaki ang naging papel na ginagampanan ng modernisasyon upang


mapaunlad at maipalaganap ang wikang Filipino.

2. Matukoy na may halatang balanse ng resulta sa mga rumesponde tungkol sa kung


positibo ba o negatibo ang epekto ng social media sa wikang Filipino, sa ibang
salita, maaaring ang resulta ay lalabas na parehong may negatibo at positibong
hatid ang makabagong teknolohiya sa wikang Filipino.

3. Mas naipapalinaw sa pananaliksik na ito na karamihan sa mga salitang gawa ng


tao ay nagiging normal na sa wika ng Pilipino at ito ay nagiging batayan ng bawat
indibidwal o grupo sa isang komunidad.

4. Sa wastong pagsasagawa ng pananaliksik na ito inaasahang mas makakatulong ito


at makaambag sa paglago at pagpapalawak ng kaalaman sa mga paksang
patungkol sa makabagong teknolohiya kaugnay ang epekto nito sa ating wikang
Filipino at anumang iba pang kaugnay na pananaliksik na nangangailangan nito.
V. Sanggunian

Añonuevo, X.R., & Nocum, V. (2015) Wikang Filipino: Komunikasyon sa Makabagong


Teknolohiya. http://filipino3bsit3-2.blogspot.com/2015/08/wikang-filipino-komunikasyon-
sa_20.html?m=1

You might also like