You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”
Yunit 4
Ibong Adarna: Isang Obra Maestra

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang obra maestra sa panitikang Pilipino

Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng korido na naglalarawan ng mga
pagpapahalagang Pilipino

Pangkalahatang Layunin ng Yunit 4


Nailalahad na ang korido, tulad ng Ibong Adarna, ay daluyan ng pagpapalaganap ng panitikang Pilipino lalo na ng panitikan
noong panahon ng mga Kastila
Nailalarawan ang korido bilang isang anyo ng panitikan na naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino
Nababatid na ang sapat na kaalaman at kasanayan sa paggamit ng gramatika at retorika ay makatutulong na maging mapanuri
at mapagpahalaga sa mga akdang pampanitikan tulad ng Ibong Adarna
Napahahalagahan ang korido bilang salamin ng mga gawi at damdamin ng sinaunang Pilipino
Aktibong nakikilahok sa mga pagsasanay at talakayan sa klase

Panimula
   
Ang Yunit 4: Ibong Adarna: Isang Obra Maestra ay nagbibigay-diin sa korido bilang isang anyo ng panitikang Pilipino.
Ang Ibong Adarna ay isang makulay at mahabang tulang nagsasalaysay. Ito ay sumasalamin sa mga pagpapahalagang Pilipino tulad
ng paggalang, pagmamalasakit sa kapuwa, at pagmamahal sa pamilya, sa magulang, at sa bayan. Inilalarawan din dito ang pananalig
sa Diyos, lalo na sa panahon ng pagsubok at pakikipagsapalaran. Sa mga araling tatalakayin sa yunit 4, ilalahad ang samo’t saring
karanasan tulad ng mga pagsubok at pakikipagsapalaran ni Don Juan, gayundin ang mga pangyayari kung paano niya ito nalampasan
ang mga ito. Ang mga karanasang ito ay maaaring ihambing sa pang-araw-araw na buhay ng karaniwang Pilipino. 
    
 Tatalakayin din sa yunit na ito ang mga paksa tulad ng kaligirang pangkasaysayan ng korido at ng Ibong Adarna. Hinati sa
apat na bahagi ang nilalaman ng Ibong Adarna batay sa Kurikulum ng K to 12---ang unang bahagi ay binubuo ng mga saknong 1–337,
ang ikalawang bahagi ng mga saknong 338–1006, ang ikatlong bahagi ng mga saknong 1007–1372, at ang ikaapat na bahagi ng mga
saknong 1373–1717. Kalakip din sa yunit ang mga araling panggramatika na makatutulong sa mabisang paglalahad at
pakikipagtalastasan, kabilang ang iba't ibang kaantasan at anyo ng pang-uri, mga aspekto ng pandiwa, mga tayutay, at pang-abay.   

Mahahalagang Tanong Para sa Yunit 4


Bakit itinuturing na isang obra maestra ng panitikang Pilipino ang koridong Ibong Adarna?
Paano nakatutulong sa mabisang pagpapahayag ang wastong paggamit ng iba’t ibang kaantasan at anyo ng pang-uri, aspekto
ng pandiwa, kataga at salita o pariralang pang-abay, at tayutay?

Layunin Para sa Panimulang Pagtataya


Nailalahad ang dating kaalaman at kasanayan sa korido at sa Ibong Adarna sa pamamagitan ng panimulang pagtataya
Nailalarawan ang dating kaalaman sa gramatika at retorika sa mga paksang may kinalaman sa pang-uri, pandiwa, tayutay, at
pang-abay
Natutukoy ang mga kaalaman at kasanayan na dapat palalimin at palawakin

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Ihanda ang mga estudyante para sa panimulang pagtataya. Ipaliwanag sa kanila na ang layunin ng panimulang pagtataya ay
malaman ang kanilang dating kaalaman, kasanayan, at ang mga bagay na hindi pa nalalaman.
2. Ipaalam din sa mga estudyante na ang kanilang iskor sa pagtatayang ito ay hindi itatala kung kaya’t hindi ito makaaapekto sa
kanilang pangkalahatang marka.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Pasagutan ang Panimulang Pagtataya para sa Yunit, bilang 1 hanggang 25, sa mga pahina 254 hanggang 257 ng batayang
aklat. 
2. Bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante sa pagsagot ng panimulang pagtataya.
3. Itsek ang kasagutan ng mga estudyante. Tumawag ng mga estudyante upang ibigay ang kanilang kasagutan at itama ang
anumang pagkakamali nila.

Pagbubuod 
1. Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng pagtataya.
2. Itanong kung ano ang inaasahan nilang matutuhan mula sa yunit batay sa ginawang pagtataya.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang nakasaad sa Basahin Natin sa mga pahina 259 hanggang 261 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalagang unawain at pag-aralan ang kaligirang pangkasaysayan ng mga akdang pampanitikan
tulad ng korido?
3. Sabihin sa mga estudyante na magsaliksik tungkol sa korido bilang isang akdang pampanitikan at maghanda para sa
malayang talakayan tungkol dito.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”
Yunit 4
Ibong Adarna: Isang Obra Maestra

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang obra maestra sa panitikang Pilipino
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng korido na naglalarawan ng mga
pagpapahalagang Pilipino

You might also like