Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
Filipino 7
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Unang Linggo
Ang Ibong Adarna
(Motibo ng May-akda)
Inihanda ni:
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Unang Linggo
Ang Ibong Adarna (Motibo ng
May-akda)
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Nasasabik ka na ba? Tara na’t tuklasin natin ang hiwaga ng Ibong Adarna.
1
Subukin
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang mga sitwasyon sa bawat bilang. Piliin ang titik ng
tamang sagot sa at isulat sa sagutang papel.
1. May kasabihan tayong, “bukod sa sipag at tiyaga, kailangan din nating
magkaroon ng inspirasyon sa ating gawain upang lalong maging matagumpay.”
Alin sa mga pagpipilian ang katumbas nito ng kahulugan?
A. Ang inspirasyon natin ay siyang nagpapatibay sa ating loob upang gawin
ang isang bagay.
B. Siya ang instrumento upang maisakatuparan ang ninanais.
C. Nagbibigay ng dahilan upang hindi magtagumpay.
D. Pinapakitaan lamang ng kababaang-loob.
2. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna sa paghubog ng pag-uugali
ng kabataan?
A. Naglalaman ng kultura ng lugar na pinagmulan nito.
B. Naglalaman ng pakikipagsapalaran ng mga tauhan.
C. Naglalaman ng paalala tungkol sa magagandang pag-uugali.
D. Naglalaman ng kahusayan ng tatlong prinsepe (Don Pedro, Don Diego,
Don Juan).
3. Ano ang diwang ipinahahayag sa saknong?
“O, Birheng kaibig-ibig,
Ina naming nasa langit,
Liwanagin yaring isip,
Nang sa layo’y di malihis?”
A. Pagpupuri sa mahal na birhen
B. Pakikipag-usap ng mahinahon
C. Paghingi ng gabay sa gagawing pagalalakbay
D. Pagsusumamo na maging maliwanag ang lahat
4. Ang pagpapahalagang Pilipino na masasalamin sa kasunod na saknong ay
_________________?
“Sa Diyos dapat manawagan,
Ang lahat ng nilalang,
Ang sa mundo ay pumanaw,
Tadhana ng kapalaran.”
A. Katatagan C. pananalig sa Diyos
B. Pagtitiwala D. pagtulong sa kapwa
2
5. Anong gawi ng tao ang masasalamin sa kasunod na saknong?
“Malimit na makagawa
Ng hakbang na pasaliwa
Ang tumpak kong ninanasa
Kung mayari ay pahidwa”.
A. Tapat sa mga sinasabi
B. May mga pagkakataon na hindi natutupad ang nais.
C. Pinag-iisipang mabuti ang gagawin
D. Nakikipag-usap at nakikipagkasundo upang tahimik ang buhay
6. Kanino nananalangin ang may akda?
A. Panginoon C. Tao
B. Mahal na Birhen D. Tauhan
7. Bakit nananalangin ang may akda bago ipagpatuloy ang kaniyang pagsulat?
A. Gabayan siya sa kanyang tatahakin hanggang sa matapos ang sulatin.
B. Ipaunawa sa mambabasa ang nilalaman nito
C. Maikintal sa isip ng mambabasa ang nilalaman
D. Matanto ang kahulugan ng bawat mahihirap na salita.
8. Ano ang nararamdamang pangamba ng sumulat?
A. Ang hindi mailabas ang kultura ng isang bansa.
B. Hindi maintindihan ng babasa.
C. Hindi maipakilala ang tunay na bisa ng damdamin.
D. Ang hindi magtagumpay sa pagsulat at makagawa ng hakbang na
pasaliwa.
9. Ano ang mensaheng nais iparating ng may-akda sa kabataan?
A. Mailabas at maunawaan ang korido.
B. Matutong kilalanin.
C. Mahalin gaya ng sarili
D. Maihambing sa tunay na buhay ang mga pangyayari.
10. Ano ang motibo ng makata sa pagsulat ng kanyang obra?
A. Maihatid sa mga mambabasa ang mga asal sa obra.
B. Makilala ang sumulat.
C. Tangkilikin ang sariling obra.
D. Magpasalamat sa talentong mayroon ang sumulat.
Mahusay! Naisakatuparan mo ang paunang pagtataya. Kung mababa man ang iyong
iskor, huwag mabahala sapagkat paunang pagtataya lamang ito. Ipagpatuloy mo
lamang ang aralin at tiyak ang marka mo’y tataas din.
3
Aralin
Ibong Adarna
1 (Motibo ng May-akda)
Balikan
Tuklasin
O, Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit
liwanagin yaring isip
nang sa layon, di malihis.
4
Malimit na makagawa
ng hakbang na pasaliwa
ang tumpak kong ninanasa
kung mayari ay pahidwa.
At sa tanang nariritong
nalilimping maginoo,
kahilinga’y danggin ninyo
buhay na aawitin ko.
Gawain 2: Pili-letra!
Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng nakadiing salita. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Sundin mo ang payo ng mga magulang nang di ka malihis sa kagandahang asal.
A. mapasama B. malayo C. maharap D. matabi
2. Malimit ngumiti ang tuberong kakilala mo kaya maraming kakilala.
A. madalang B. ayaw C. madalas D. gusto
3. Kung handa tayo sa lahat ng bagay, walang puwang ang pangamba sa ating
buhay.
A. pag-ibig B. pag-asa C. pag-aalala D. pagsisikap
4. Papatnubayan tayo ng Diyos kung tapat ang ating mga dasal sa kanya.
A. pakikinggan B. kagagalitan C. gagabayan D. katutuwan
5. Isa sa mga pagpapalang natanggap ko mula sa Panginoon ang kalusugan.
A. biyaya B. kabayaran C. pakiusap D. utos
5
2. Bakit nanalangin ang may akda bago ipagpatuloy ang kanyang pagsusulat?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
3. Kung ikaw ang may akda, ano ang iyong mararamdaman habang inuusal ang
panalangin kaugnay ng paggabay sa gawaing iyong hinihiling?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
6
Mahusay, binabati kita! Upang lubos mo pang maintindihan ang akdang
binasa, makatutulong sa iyo ang pagsagot sa mga mahahalagang katanungan. Alam
kong kayang-kaya mong sagutin ang mga katanungan dahil ikaw ay may malalim
nang pang-unawa sa binasa.
Suriin
HALIMBAWA NG MOTIBO
1. Isa sa motibo ng makata ay ang mapalabas at makilala ang kultura ng isang
bansa.
2. Mailabas ang bisang pandamdamin ng katha.
3. Maiparating sa mambabasa ang kahulugan ng mga pangyayari batay sa mga
sitwasyon o bahagi ng akda.
4. Maganda ang motibo ng proyektong binubuo ng mga kawani ng pamahalaan,
tiyak na malaki ang maitutulong nito sa pag-unlad ng ating bayan.
5. Nararamdaman na hindi maganda ang motibo ng lalaking sumilip sa aming
bakuran.
6. Sinabi ni Marlon sa magulang ng kanyang nililigawan na maganda ang motibo
niya sa kanilang anak na babae.
7. Alam ko na ang motibo ni Juan kung bakit lagi niya akong binibigyan ng
bulaklak.
8. Kahit iniwan kami ng aming ama ay naiintindihan namin siya sapagkat maganda
ang motibo niyang pumunta sa ibang bansa para magtrabaho.
7
Gawain 5. Kaya Ko ‘To:
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at ibigay ang MOTIBO ng may-
akda sa pagsulat.
MOTIBO:
MOTIBO:
8
Pagyamanin
Isagawa
9
PAMANTAYAN SA PAGSULAT
Maraming
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Di-mahusay
Kakulangan
(5) (4) (3) (2)
(1)
Nagkaroon ng Naisasama ang
Hindi
Lahat ng ideya komplikasyon walang
masyadong
ay tumatalakay Naiiba ang sa pag-unawa kaugnayan at
malinaw ang
sa isang paksa. daloy ng sa kabuuan hindi
Kaisahan ng panalangin dahil
Malinaw na isinulat na ng panalangin naaangkop na
nilalaman na mayrong isa
magka-ugnay panalangin dahil sa mga paksa.
ideya ng hanggang
ang bawat ideyang
panalangin tatlong
panalangin. walang
pangungusap o
kaugnayan sa
taludtod na
paksa.
naiiba.
Nakapag-iwan
Nakapag-iwan Hindi nakapag-
Nag-iwan ng ng isang
Nakapag-iwan ng mahigit sa iwan ng malalim
maraming impresyon sa
ng tatlong dalawang na impresyon sa
malalim na isipan ng
impresyon sa impresyon sa isipan ng mga
impresyon sa mambabasa
isipan ng isipan ng mambabasa
Kakintalan isipan ng mga upang
mambabasa mambabasa upang
mambabasa mahikayat ang
upang upang mahikayat ang
upang mga ito.
mahikayat ang mahikayat ang mga ito.
mahikayat ang
mga ito. mga ito.
mga ito.
10
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang mga sitwasyon sa bawat bilang. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang diwang ipinahahayag sa saknong?
“O, Birheng kaibig-ibig,
Ina naming nasa langit,
Liwanagin yaring isip,
Nang sa layo’y di malihis?”
A. Pagpupuri sa mahal na birhen
B. Pakikipag-usap ng mahinahon
C. Paghingi ng gabay sa gagawing pagalalakbay
D. Pagsusumamo na maging maliwanag ang lahat
11
6. Bakit nananalangin ang may akda bago ipagpatuloy ang kaniyang pagsulat?
A. Gabayan siya sa kanyang tatahakin hanggang sa matapos ang sulatin.
B. Ipaunawa sa mambabasa ang nilalaman nito
C. Maikintal sa isip ng mambabasa ang nilalaman
D. Matanto ang kahulugan ng bawat mahihirap na salita.
7. Anong gawi ng tao ang masasalamin sa kasunod na saknong?
“Malimit na makagawa
Ng hakbang na pasaliwa
Ang tumpak kong ninanasa
Kung mayari ay pahidwa”.
A. Tapat sa mga sinasabi
B. May mga pagkakataon na hindi natutupad ang nais.
C. Pinag-iisipang mabuti ang gagawin
D. Nakikipag-usap at nakikipagkasundo upang tahimik ang buhay
8. Ano ang nararamdamang pangamba ng sumulat?
A. Ang hindi mailabas ang kultura ng isang bansa.
B. Hindi maintindihan ng babasa.
C. Hindi maipakilala ang tunay na bisa ng damdamin.
D. Ang hindi magtagumpay sa pagsulat at makagawa ng hakbang na
pasaliwa.
9. Ano ang motibo ng makata sa pagsulat ng kanyang obra?
A. Maihatid sa mga mambabasa ang mga asal sa obra.
B. Makilala ang sumulat.
C. Tangkilikin ang sariling obra.
D. Magpasalamat sa talentong mayroon ang sumulat.
10. Ano ang mensaheng nais iparating ng may-akda sa kabataan?
A. Mailabas at maunawaan ang korido.
B. Matutong kilalanin.
C. Mahalin gaya ng sarili
D. Maihambing sa tunay na buhay ang mga pangyayari.
12
Susi sa Pagwawasto
13
Sanggunian
Apiit, Marilyn S., et.al (2020). Panitikang Rehiyunal Gabay sa Pagtuturo. Pasig City: FEP Printing
Station.
Buenaventura, Antonio, et. Al (2012). Ibong Adarna.Quezon City: ANI Publishing and Educational
Center.
Villaverde, Sharon A., et. Al(2013). MUOG Pundasyon ng karunungan sa Filipino.Cavite: Pisara
Publishing
14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem