You are on page 1of 12

9

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Ang Suprasegmental na Antala,
Hinto, Diin at Tono
Alamin

Magandang Buhay Kaibigan! Hito na, hito na, hito na naman tayo sa ating
paglalakbay na nakakaaliw, kapana-panabik at punong-puno ng kaalaman sa
paksang ating pag-uusapan. Ako nga pala si Kuya Jul’z ang inyong mahabagin at
kaaya-ayang tagapaglingkod galing pa ako sa lugar ng Tanka at Haiku.

Alam mo ba marami akong natutuhan doon at ngayon marunong na akong


tumula at magkwento sa tulong ng ating kapuso, kapatid at kapamilya na handang
makibaka sa larangan ng pagtuturo.

Handa ka na ba para sa isang makulay na paglalakbay sa paksang himay-


himayin natin sa ngayon? Kung handa na po, halina’t sundan at tuklasin ang bawat
hakbang, bigkas at mga kilos upang mas mapadaling maintindihan ito.

Alam ko kapamilya na hindi lingid sa iyong isipan na isang katangian, sadyang


dinisenyo at nakasulat para sa iyo. Malaking tulong ito para mas lalong mahasa ang
iyong katalinuhan pagdating sa gramatika, wastong gamit ng bantas at tamang
pagbigkas sa tulang tanka at haiku na nanaayon sa ponemang suprasegmental na
paksa.

Kaibigan, ang saklaw ng modyul na ito ay pahintulutan para magamit sa


anumang iba’t ibang kaalamang sitwasyon. Ang lengguwaheng ginamit upang
makilala ang pagkakaiba ang bawat lebel ng mag-aaral. Layunin ng araling ito na
maipamalas ang pag-unawa sa mga piling akdang ponemang suprasegmental na
antala/hinto, diin at tono sa pamamaraang tamang pagbigkas ng mga salita gamit
ang bawat bantas nito.

Ang aralin ay naiayos upang masunod ang pamantayang pagkakasunod-sunod ng


baiting ikasiyam. Pero ang kaayusan na kung saan ang pagbasa at pagbigkas ay
maging mapadali sa tulong ng modyul na gagamitin ninyo.

Sa pagtatapos ng ating paglalakbay ikaw ay inaasahang:

 Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa


pagbigkas ng tanka at haiku.

Halina kaibigan at simulan nating tuklasin ang panibagong aralin na dapat


mong matutuhan sa modyul na ito.
Subukin

Ngayon kaibigan bago tayo magpatuloy sa ating gagawin nais ko munang


tayahin ang itong kakayahan. Nakahanda ka na ba? Simulan mo na!

PAGLINANG SA KABIHASAAN

Gawain 1: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na salita. Ipakita ang


pagbabago ng kahulugan batay sa diin.

1. /SA: ka/- ______________ /sa: KA/- ______________

2. /BA:ba/- ______________ /ba:BA/- _______________

3. /BA:ga/- _____________ /ba:GA/- _______________

4. /LA:bi/- _____________ /la:BI/- _________________

5. /BA:sa/- _____________ /ba:SA/- _________________

Aralin
Ang Ponemang Suprasegmental
1
Sa alinmang wika, mahalaga ang tunog. Makabuluhan ang mga tunog
sapagkat napag-iiba-iba nito ang kahulugan ng salita. Bukod sa pagkilatis sa
tunog, may iba pang paraan upang makilala ang kahulugan ng salita o
pahayag gayundin ang layunin, intension, at saloobin ng nagsasalita.
Ang mga ponemang suprasegmental ay nakatuon sa diin (stress), tono o intensyon
(pitch), at hinto o antala (juncture).

1. Diin -ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring makapag-iba sa


kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng
baybay.
Halimbawa:
HaPON – bigkas na mabilis at may diin sa ikalawang pantig
(Japanese)
HApon – bigkas malumay at may diin sa unang pantig
(Afternoon)
2. Hinto o Antala-
tumutukoy sa saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na maging malinaw
ang mensaheng ipinapahayag. May hinto bago magsimula ang isang
pangungusap at may hinto rin pagkatapos nito at kuwit (,) ang ginagamit sa
hinto.

Halimbawa:
Hindi / ako si Joshua.
Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI.

Nagbibigay (itong kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua na


maaaring siya’y napagkamalan lamang na si Adrian.)

3. Tono
ay ang taas-baba na iniuukol sa pantig ng isang salita o pangungusap upang
higit na maging malinaw ang pakikipag-usap.

Halimbawa:
Nagpapahayag: Madali lang ito.
Nagtatanong: Madali lang ito?
Nagbubunyi: Madali lang ito!

Tuklasin

Handa ka na ba sa susunod na gawain kaibigan? Halika na! Simulan


natin ang pag-unawa at pagbasa sa aralin nasa ibaba.
1. Ano ang suprasegmental?
2. Ano-ano ang mga uri ng ponemang suprasegmental?
a. antala/hinto
b. diin
c. tono
Ang suprasegmental ay tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng
tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip,
sinisimbulo ito ng mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng
pagbigkas.
Ang mga uri ng ponemang suprasegmental ay ang diin, antala at tono.
Diin- ito ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng
isang pantig sa salitang binibigkas.
Halimbawa:
sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/.

Antala- saglit na pagtigil ng ating pagsasalita upang higit na maging


malinaw ang mensaheng ibig nating ipahayag sa ating kausap.

Halimbawa:
Hindi, si Marc ang may sala.
(ipinaalam na si Marc ang may kasalanan).

Haba- paghaba o pag-ikli ng bigkas ng nagsasalita sa pantig sa salita.


Ginagamit ang ganitong notasyon /. / at /:/ na siyang nagsasaad ng
kahulugan ng salita.
Halimbawa:
a. /asoh/- usok
/a: soh/- isang uri ng hayop
b. /pitoh/- bilang na 7
/pi: toh/- silbato
 Mahalaga ang /? / o tuldik na paiwa /’/ sapagkat nakapagpapaiba ito
ng kahulugan ng salita kapag inilagay sa huling pantig ng salitang
nagtatapos sa patinig. Ang tawag sa /? / ay glotalo impit na tunog.
 Ang impit na tunog o glottal ay itinuturing na isang ponemang katinig sa
Filipino bagama’t hindi ito ipinakikita sa ortograpiya ng ating wika.
Mahalaga ito sa isang salita na pareho ang baybay.
Hal. Bata/h/= robe, bata/’/= child

Karagdagang Kaalaman:
() = nangangahulugang hilaw pa ang tuno o hindi pa alam kung ano ang
kahulugan ng salita.
/ / = nangangahulugang luto na ang tunog, may taglay na itong kahulugan.
? = tinatawag itong glottal stop o nangangahulugang sa pagbigkas ng salita ay
waring may pumipigil sa hanging galling sa bunganga sa paglabas.
Halimbawa: /SU: ka? /= vinega
h = glottal fricative ay nangangahulugang sa pagbigkas ay malayang lalabas
ang hangin mula sa bunganga.
Halimbawa: /SU: kah/ = vomit

Suriin

Magaling kapamilya! Natapos mong basahin ang paksa. Kamusta? Marami ka


bang natutunan? Ano ang iyong mga napansin sa paksang tinalakay? Kung
ganon, alam kong handa ka na sa iyong gawain.
Gawain 2: Piliin ang tamang salitang binibigyang kahulugan
ng pahayag. Isulat ang titik lamang.

a. buNOT b. BUnot

___1. bao ng niyog na ginagamit na pagpapa kintab ng sahig.

___2. paghugot ng isang bagay sa suksukan ng lalagyan.

c. SAya d. saYA
___3. ligaya

___4. damit

e. BUkas f. buKAS

___5. Open ___6. Tomorrow


Pagyamanin

Ipagpatuloy ang pag-iisip at pag-aanalisa kaibigan. Upang lalong mahasa ang iyong
kaalaman sa tinalakay nating aralin. Sagutan mo ang gawain sa ibaba.

Palawakin na Natin
Gawain 3:
Tukuyin ang bawat pahayag. Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng
nagsasalita. Bigyang- pansin ang kuwit na ginagamit. Ang unang bilang ay
ginagawa na para sa iyo.
____1. Titser si Mam Cruz.
Paliwanag: _____________________

____2. Tatay, Pedro Quirino po.


Paliwanag: ____________________

____3. Hindi si Zeth ang nakulong.


Paliwanag: ____________________

____4. Hindi, si Peter ang nalunod sa ilog.


Paliwanag: _____________________

____5. Nicole, Padre, ang tatay ko.


Paliwanag: _____________________

Pagpapayaman ng kasanayan batay sa paksang Ang Suprasegmental


Ang mga ponemang suprasegmental ay tumutukoy sa mga
makahulugang yunit ng tunog karanasang: hindi tinutumbasan ng mga letra
sa pagsulat. Sa halip, sinisimbulo ito ng mga notasyong ponemiko upang
matukoy ang paraan ng pagbigkas.

Tatlong Uri ng Suprasegmental

Diin.

Ginagamit ang simbolong /:/ upang matukoy ang


pantig ng salita na may diin. Sa Filipino, karaniwang binibigkas nang may diin
ang salitang higit sa isang pantig. Malimit ding kasama ng diin ang
pagpapahaba ng pantig.

Tulad nito:
/pagpapahaba’/ - lengthening

/sim: boloh/ - sagisag

Mahalaga ang diin sapagkat sa pag-iiba ng patinig na binibigyang-diin,


karaniwang nababagong kahulugan ng salita.
Tulad nito:

/pas: oh/ - expired

/pa:so’/ - burn

Gawain 4:

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod ng mga binibigyang-diin


upang mabibigyan ng bagong kahulugan. Isulat sa patlang sa kaliwa ang
sagot.

_____1. /ba: lah/

_____2. /bala’/

_____3. /kasa: mah/

_____4. /kasamah/

_____5. /tu: boh/

Intonasyon.

Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas at baba ng tinig sa pagsasalita na


maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag. Tingnan ang mga sumusunod
na halimbawa, kung saan ipinahihiwatig ng pagtaas o pagbaba ng tinig.

Hindi dapat ipagkamali ang intonasyon sa punto at tono ng pagsasalita. Ang


punto ay tumutukoy sa rehiyunal na tunog o accent. Iba ang punto ng Ilokano
sa Maranao o ng Cebuano sa Illonggo.Maging sa rehiyong Tagalog, iba ang
punto ng mga Batanggenyo at kahit mga tag-Cavite. Sa probinsiya ng Queson,
karaniwang iba’t iba ang punto sa iba’t ibang bayan. Samantala, ang tono ng
pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin. Maaaring magkaiba-iba
ang punto at tuno bagamat iisa ang intonasyon.

*Pagsasalaysay/paglalarawan Dumating sila kanina.

Maganda talaga si Julrecca

*Masasagot ng OO o HINDI Totoo?

Sila iyon, di ba?

*Pagpapahayag ng matinding Naku, may sunog!


damdamin
Hoy! Alis dyan!

*Pagbati Kumusta ka?

Magandang umaga po

Salamat sa iyo.

*Pagsagot sa tanong Oo, aalis na ako.

Hindi. Hindi ito ang gusto ko.

Antala/Hinto.

Bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang


mensaheng ibig ipabatid sa kausap. Maaring gumamit ng simbolo kuwit (,),
dalawang guhit na pahilis (//) o gitling (-)

Mga halimbawa:

(a) Hindi/ ako si Julre.

(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng


kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Julre na maaaring
siya’y napagkamalan lamang na s si Zein.)

(b) Hindi ako, si Julre.


(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang
kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa.
Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si Zein.

(c) Hindi ako si Julre.

(Pagkatapos ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang


nagsasalita ay nagsasabing Hindi siya si Julre.

Karagdagang Gawain

Kamusta kapuso? Ako ay nagagalak na nasagutan mo nang maayos ang


aralin. Kaya mo pa ba? Magaling! Oo naman, kayang-kaya mo pa. Para sa
panghuling gawain, sagutan ang nasa ibaba.
Gawain 5: Piliin ang tamang sagot.
1. Tumutukoy ang ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na
maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag.
a. tono c. diin
b. intonasyon d. haba

2. Ang _______ ay nagpapalinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa


kausap.
a. tono c. haba
b. diin d. intonasyon

3. Tinatawag itong rehiyunal na tunog o accent. Sa anumang lugar


mayroon tayong pagkakaiba sa pagsasalita. Ano ang tawag dito?
a. diin c. punto
b. haba d. intonasyon

4. Ito ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang


binibigkas.
a. punto c. diin
b. hinto o antala d. intonasyon

5. Ang _______ ay ang pagbigkas nang mahaba sa pantig (a, e, I, o, u) ng


bawat pantig.
a. punto c. intonasyon
b. hinto o antala d. haba
Gawain 6: Piliin ang tamang pangungusap na tumutugon sa kalagayang
tinutukoy ng sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Nagtatanong ka kay Leslay Mae kung nasaan si Precious.

a. Nasaan/si Precious/Leslay Mae?


b. Nasaan si Precious/Leslay Mae?
c. Nasaan si Precious Leslay Mae?

2. Ayaw mong tanggaping siya ang nagnakaw ng sapatos.

a. Hindi/siya ang nagnakaw ng sapatos.


b. Hindi siya/ang nagnakaw ng sapatos.
c. Hindi siya ang nagnakaw /ng sapatos.

3. Itinuro mo kay Rebecca at Mary Gen ang kapitbahay mong doktor.

a. Rebecca Mary Gen/iyon ang kapitbahay kong doktor


b. Rebecca/Mary Gen iyon/ang kapitbahay kong doktor.
c. Rebecca/Mary Gen/iyon ang kapitbahay kong doktor.

4. Natanggap mo ang regalo ni Juanito at sinabi mo ito sa iyong kaibigang


si Joeren.

a. Regalo/ni Juanito Joeren.


b. Regalo ni Juanito/Joeren.
c. Regalo ni Juanito Joeren.

5. Sasabihin mo sa iyong Nanay na si Severina ang nakabasag ng


salamin.

a. Nanay/si Severina/ang nakabasag ng salamin.


b. Nanay si Severina/ang nakabasag ng salamin.
c. Nanay si Severina ang nakabasag ng salamin.
Pagnilayan at Unawain

1. Paano naiiba ang tanka at haiku sa iba pang uri ng tula?

2. Paano nakatutulong ang ponemang suprasegmental sa pagbigkas ng


tula?

Binabati Kita!

Ngayong natutuhan muna ang pagkakaiba at kahalagahan ng paksang Ang


Suprasegmental na antala/hinto, diin at tono.

Higit sa lahat ang tamang pagbigkas ng tanka at haiku sa iba pang uri ng tula
tulad ng tanaga at kung paano nakatutulong ang ponemang suprasegmental
sa pagbigkas ng tula, ilipat mo sa isang mahalagang gawain.

You might also like