Professional Documents
Culture Documents
Baitang at seksyon:
Petsa:
Quarter II: Module 1
Basahin nang mabuti ang seleksyon. Ito ang magsisilbing iyong batayan sa pagsagot sa
mga gawain sa Modyul 1.
I.TAMA O MALI. Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang sinasaad ng
pangungusap ay wasto at isulat ang salitang MALI kung ang sinasaad ng pangungusap
ay di wasto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos dahil ang tao ay may katangiang
taglay Niya.
2. Ang tao ay may isip at kilos-loob.
3. Malaya tayong sabihin ang lahat ng nais natin mabuti man ito o nakakasakit ng
ating kapwa.
4. Nalalaman ng tao ang kahihinatnan niya mula sa kanyang pagsilang hanggang sa
kanyang paglaki.
5. May kakayahan ang taong buuin ang kanyang sariling pagkatao.
6. Ang isip ay walang taglay na kaalaman o ideya mula sa kapanganakan ng tao.
7. Ang tao ay kumikilos batay sa sinasabi o idinidikta ng kanyang isip.
8. May kakayahan ang tao na piliin o kontrolin ang kanyang gagawin.
9. Ang pag-iisip ng hayop ay katulad ng pag-iisip ng tao.
10. Ang kilos-loob ay may kakayahang magnilay o magmuni-muni.
II.Pamimili Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang letra
ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Gabay sa pagmamarka:
20 puntos- Napakahusay ng paglalahad ng argumento upang suportahan ang sagot o
reaksyon sa sitwasyon. Maayos ang pagkakasulat. Naipasa ang gawain sa takdang
oras.
1. Dahil sa hindi mo nayari ang pagsagot mo sa iyong modyul at inuna mong maglaro
ng mobile legend sinita ka ng iyong magulang at hiningan ng paliwanag. Ano ang
iyong iisipin at gagawin?
2. Pakiramdam mo ikaw ang pinariringgan o pinatatamaan sa social media ng iyong
mga kaklase. Nasabi mo ito sa iyong matalik na kaibigan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mensahe sa messenger at ang sabi ng iyong matalik na kaibigan ay
sagutin mo ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa post nito sa
facebook. Ano ang iyong iisipin at gagawin?