You are on page 1of 19

Nabubuo Ang Sariling

Paghatol O
Pagmamatuwid
Aralin sa Filipino 9

FRANCISCO OSORIO INTEGRATED SENIOR HIGH SCHOOL


Handang Isip, Handa Bukas.. Sulong Edukalidad, para sa Batang Osorians!”
Ano ang gusto ninyong mabili na may
kamahalan.
May kakayahan ba kayong bilhin ito?
Ang daming fake!
Pakinggan ang isang episode ng Fact or
Fake ni Joseph Morong na tumatalakay
sa mga Fake News. Magtala ng ilang
mga paraan upang matukoy ang mga
FAKE NEWS.
• Ang pagsusuri ng mga pangyayari ay isa sa
mahahalagang hakbang sa pagiging matalino at
mapanuring tao. Ang pagiging mapanuri ay isang
mahalagang katangiang dapat nating taglayin upang tayo
ay makapagbigay ng tamang impormasyon at detalye
tungkol sa isang paksa, isyu o aralin.
• Ang paghatol at pagmamatuwid ay isang paraan
upang maipamalas natin ang ating mga nalalaman
tungkol sa isang isyu, paksa o usapin.
• Mas nagiging makabuluhan at tama ang pagpapasya,
paghatol o pagmamatuwid sa tuwing tayo ay
nakakapagsuri ng tama sa mga pangyayari sa ating
paligid. Kinakailangan ng kaliwanagan ng isipan at
tamang pagtitimbang sa bawat panig o anggulo ng
paksa o isyu upang maging patas sa ating paghatol
sa mga paksang pinag-uusapan.
• Mahalagang ang bawat aspeto at panig ng isyu ay
masuri upang maging angkop ang magiging resulta
ng pagsusuri at paghatol. Mahalaga ring maunawaan
na sa bawat paghatol ay kailangang magkaroon ng
pagtutuwid na angkop sa mga umiiral na batas at
paniniwalang kultural at pangrelihiyon.
• Mapanuri - Ang ibig sabihin ng mapanuri ay ang
kritikal na pag-iisip, pagpansin, pag-obserba, at
pagtatasa ukol sa inilalathala ng isang bagay. Ito ay
ginagamitan ng malalim na pag-iisip, talento, at ng
aktibong pagkukumpara sa pagtingin kung ano ang sa
palagayng isang indibidwal ay nararapat.
• Ang pagiging mapanuri ay ginagamit din sa
pagiging mapag-obserba, pagiging analitikal, at
pagmumuni-muni sa mga bagay bagay, ito man ay
maging sa praktikal o sa ating pagdedesisyon sa
buhay.
• Basahin muli ang editoryal na “Mag-mask o hindi
mag-mask, at iba pang panuntunan para labanan
ang Covid-19” na inilathala noong Ika-4 ng
Setyember 2022, 12:05 AM ng Manila Bulletin.
• Suriin ang editorial at magbigay ng sariling
opinion at pagmamatuwid tungkol sa paksa na ito.
Talakayin ito sa pamamagitan ng pagbabahaginan
sa inyong pangkat. Isulat ang isang papel ang
iyong sariling opinyon na nais ibahagi sa klase.
• Basahin at subukang suriin at bigyan ng
pagmamatuwid ang isang bahagi ng editoryal
mula sa Manila Bulletin. Isulat ang iyong sagot sa
isang malinis na papel.
• “May iba pang mga tanong na mas nakakaalarma:
“Paano nakaapekto ang dalawang taong pandemya sa
literasiya sa populasyon? Paano ito nakaapekto sa mga
mag-aaral sa pagsasara ng mga silid-aralan? Natuto ba
talaga ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng online
na paghahatid ng mga aralin?”
Iugnay ang iyong sarili sa pangungusap sa ibaba.

“Ang katotohanan ay hindi nakasisira sa katwiran o


panig na tama.”

You might also like