Professional Documents
Culture Documents
1
UNANG LINGGO - SESYON 1
2
upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.
4. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran
na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y
nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon
huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon
nang buong lakas.
5. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan
ay madaling nakarating sa kaniyang amo, isang
matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y
nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng
kaniyang asawa at mga anak.
6. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay
bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay.
Gawain:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang iyong nararamdaman matapos sagutin ang
pangkatang gawain?
3 4 5
2 Pagkakasunod- 6
sunod ng
1 mga 7
pangyayari
Kahalagahang
Tagpuan at Tauhan
Pangkatauhan
Pangkat 2. Antas ng Pag-unawa
Sagutin ang mga gabay na tanong:
3
Pangkat 3.
1. Anong pangyayari sa kuwento ang nakapagpabago sa
di-mabuting pag-uugali ng ama? Isalaysay.
2. Paano ipinakita ng ama ang pagmamahal sa kaniyang
anak?
3. Paano nagwakas ang kuwento?
PAGNINILAY-NILAY
4
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 1.1 Sesyon 1
TUKLASIN
Lakbayin ninyo ang Timog-Silangang Asya at sabay ninyong pag-aralan ang ilan sa kanilang panitikan na may
malaking impluwensiya sa uri ng panitikan na mayroon tayo ngayon.
Ilalahad sa araling ito ang isang kuwento na tatalakay sa suliraning kinakaharap ng isang ama sa pamilya at
kung paano ito nakaaapekto sa sikolohikal na kalagayan ng mga anak.
Ang Aralin 1 ay naglalaman ng maikling kuwentong salin ni Mauro R. Avena na pinamagatang “Ang Ama”
mula sa Singapore. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa iba’t ibang transitional devices na makatutulong sa higit
na pag-unawa sa maikling kuwentong tatalakayin at sa paghahanay ng mga pangyayari.
MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
1. Sino ang sinasabing haligi ng tahanan?
2. Sapalagay ninyo, bakit sinasabi na ang ama ang haligi ng tahanan?
3. Ano-anong katangian mayroon ang isang ama?
4. Alin sa mga katangiang nabanggit ang nakikita rin ninyo sa inyong ama?
5. Sa lahat na katangian ng inyong ama, alin ang pinakagusto ninyo? Bakit?
Bigyang kahulugan ang mga sinalungguhitang pahayag ayon sa pahiwatig nito sa pangungusap.
1. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw
sa labi.
2. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito.
3. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y
magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito
upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.
4. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y
nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nang
buong lakas.
5. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kaniyang amo, isang matigas
ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at
mga anak.
6. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay.
PAGSUSURI:
Gawain:
Sagutin ang gabay na tanong:
1. Ano ang iyong nararamdaman matapos sagutin ang pangkatang gawain.
5
ALAM MO BA NA...
Ang kwento sa ibaba na pinamagatang “Ang Ama” ay napabilang sa kwentong makabanghay? Ang
kwentong makabanghay ay isang kwentong nagbibigay-diin sa banghay o maayos na daloy ng mga
pangyayari.
Basahin at suriin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa “Ang Ama” mula sa Singapore upang
malaman mo kung paano ba naiiba ang kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng kuwento.
Ang Ama
(Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)
https://www.google.com.ph/search?q=larawan+ng+ama+at+anak&biw
Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa
alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang
pananabik ay sa pagkain na paminsan- minsa'y inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa
itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito
upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kanina pa aali-aligid
sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang
ng masarap na pagkain, sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay
walang maiiwan sa maliliit.
Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isang babae, onse;
matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang
ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na
babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang
parte sa mga pinag-aagawan.
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito -
sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan
ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti.
Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag- uuwi ng pagkain ang ama; ang
katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang
ina. Sa kabila niyo'y umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang
titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw
at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa
nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.
Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga
gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya mahihiya itong lumabas
upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata
6
mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na
pag- ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.
Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga
bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas
kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kaniyang
mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga patse, gayong pauli-ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang
nakakainis talaga ay ang kaniyang halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang siya ay
nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot nang pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na
di-makatulog. Walang pasensiya sa kaniya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa
ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer
na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing
niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi
pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nang buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito
at papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kaniyang kabuwisitan.
Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kaniyang trabaho sa
lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahahabang halinghing at hindi mapatahan ng dalawang
pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang ano-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa
nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw- galaw.
Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa
pamamagitan ng malamig na tubig.
Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak habang ang
bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo roon sa tabi ng gulod.
Ilan sa taganayon na nakatatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw na
nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho.
Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng
awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling
nakarating sa kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli,
para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling
pakikiramay, kalakip ang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki mismo).
Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa
pagkamatay ng kaniyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin.
Ngayo'y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang ama na
ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay ng kaniyang dugo at laman. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay
bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kaya madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awa kong
Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod - payat, maputla, at napakaliit - at
ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay
nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata at
bubulong- bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata".
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroong siyang naisip. Mula
ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa
(na kiming iniabot naman ito agad sa kaniya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man
dito ay hindi niya gagastusin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay.
Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan.
Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.
Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may mas maliit na supot sa
loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon
ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti. May supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit. Nagtaka ang mga
bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming
7
kahon tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi, 'yong
katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira roon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay.
Ang kambal ay nagkasiya sa pandidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon.
Kaya nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang
lumabas ito ng kaniyang kuwarto.
Di-nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang senyas na
nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking
supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana,
nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama. "Tingnan natin kung
saan siya pupunta." Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayo-layo sa ama. Sa
karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa bahay, pero ngayo'y nasa isang
bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.
Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na kaniyang hinintuan.
Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita,
"Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo."
Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang mga bata.
Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa
pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang
inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa
kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang ‘di nila mararanasang muli.
PAGSASANAY
GAWAIN 2: Pangkatang Gawain
Pangkat 1
Fan-Fact Analyzer: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento.
3 4 5
2 6
Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari.
1 7
Pangkat 2
Antas ng Pag-unawa: Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento?
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
3. Ano-anong katangian ng ama ang nangibabaw sa kuwento?
8
Katangian ng ama Bahagi/Pangyayaring nagpapatunay
Pangkat 3
1. Anong pangyayari sa kuwento ang nakapagpabago sa di-mabuting pag-uugali ng ama? Isalaysay.
2. Paano ipinakita ng ama ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang anak?
3. Paano nagwakas ang kuwento?
Pangkat 4
Panel Discussion
“Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi
niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang ‘di nila
mararanasang muli.”
1. Ano ang nais ipahiwatig ng panghuling pangungusap na ito? Bakit ganito ang saloobin ng mga bata? Patunayan.
2. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang pagmamahal sa mga namatay sa mahal sa buhay?
3. Sa ibang bansa sa Asya, paano kaya nila ipinapakita ang pagmamahal sa mga namatay na mahal nila sa buhay?
PAGLALAPAT
Pagkatapos ng pangkatang gawain, magkaroon na naman ng dalawang pangkat lamang para sa isa pang
pangkatang gawain.
TANDAAN
Ang ama ang haligi ng tahanan. Siya ang nagsisikap para maitaguyod at maibigay ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Ang
9
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Pagbibigay ng Katanungan:
Bilang isang anak, paano mo ipakita ang pagmamahal sa iyong ama?
Magbigay ng mga katangian ng isang mabuting anak na maaring maipagmamalaki ng ama/magulang. Ipaliwanag ito kung bakit.
TAKDANG-ARALIN
10
UNANG LINGGO - SESYON 2
Gawain:
Gabay na katanungan:
1. Ano ang iyong nararamdaman habang binabasa ang
kwento?
2. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng pangunahing tauhan
sa kwento, gagawin mo rin ba ang ginawa niya?
11
3. Bilang isang anak, paano mo pangalagaan ang iyong mga
magulang?
PAGNINILAY-NILAY
12
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 1.2 Sesyon 2
TUKLASIN
MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
1. Sino ang makapagsasabi ng paksa natin kahapon?
2. Ibigay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
3. Ano ang tawag sa kuwento na tinalakay kahapon?
4. Bakit ito tinatawag na maikling kuwento?
5. Ibigay ang mga uri ng maikling kuwento.
PAGSUSURI
Gawain:
Gabay na katanungan:
1. Ano ang iyong nararamdaman habang binabasa ang kwento?
2. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng pangunahing tauhan sa kwento, gagawin mo rin ba ang ginawa niya?
3. Bilang isang anak, paano mo pangalagaan ang iyong mga magulang?
ALAM MO BA NA...
Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa
isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon
lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad,
kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng
pangunahing tauhan. Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento". Tinawag rin
itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.
Ang alamat ay naiiba dito at sa kasaysayan bagamat may mga elemento ang dalawa. Ang ito ay di-
totoo. Ang kasaysayan ay totoo, samantalang ang alamat ay may mga bahaging totoo at mayroon din naman na
hindi totoo ang kuwento at kadalasang ang kuwento ay tungkol sa mga naganap sa di-totoong lugar at di-
13
panahon.
MGA ELEMENTO
1. Panimula- dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa
mga tauhan ng kuwento.
2. Saglit na Kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
3. Suliranin- problemang haharapin ng tauhan.
4. Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa
kapaligiran o kalikasan.
5. Kasukdulan- makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan- tulay patungo sa wakas.
7. Wakas- ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
8. Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang panahon
kung kailan naganap ang kuwento.
9. Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.
10. Kaisipan- mensahe ng kuwento.
11. Banghay- pangyayari sa kuwento.
MGA URI
May sampung uri ng maikling kuwento:
1. Sa kuwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap
upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
2. Sa kuwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang
uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
3. Sa kuwentong bayan nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
4. Sa kuwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
5. Naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
6. Sa kuwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na
nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
7. Sa kuwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang
pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang
paglalarawan ng kaisipan.
8. Sa kuwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.
9. Sa kuwento ng katatawanan, nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.
10. Sa kuwento ng pag-ibig, tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao
Ang banghay sa madaling salita sa ingles ay "plot". Ang banghay ay ang disenyo(pattern) sa paraan ng
pagkakasunod-sunod ng pangyayari o kaganapan sa isang kwento.
Ang kuwento ng makabanghay ay ang mga kwentong binibigyan ng malaking pagpapahalaga ang banghay
ng isang kwento,halimbawa ng kuwento ng makabanghay ay ang mga Time travelling na kuwento na kung saan
pinagbibigay halaga ang mga pangyayari sa nakaraan na siyang nakakaapekto sa pagbabago ng kasalukuyan at
kinabukasan (na kung saan ang manunulat ay gumagawa ng banghay base sa pangyayari sa nakaraan)
TEMA
Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento. Ang tema ang pangkalahatang
kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kuwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang
maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging tema ang mga sumusunod: palagay sa mga naganap
na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang
katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng
pagkakasulat ng may-akda. Ang mensahe naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa
mambabasa.
MGA BAHAGI
14
Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling kuwento:
Simula
At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing
tauhan.
Napapasama rin dito ang pagpapakilala ng ilan sa mga tauhan at ng Tagpuan.
Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang
naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang
bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning
kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang
pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting
pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging
kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling
nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para
bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng
kuwento.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Maikling_kuwento https://brainly.ph/question/10671
(Ito’y kuwento batay sa text message na ipinadala kay Dr. Romulo N. Peralta. Sa kaniyang muling pagsasalaysay,
ang pangalan at ilang mga pangyayari ay pawang mga kathang-isip lamang.)
Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang naiba ang propesyon dahil kapwa abogado
ang dalawang nakatatanda sa kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap niyang maging
isang doktor.
Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga magulang at mga kapatid na nakapag-
asawa rin nang makapagtapos at pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang ibang inisip kundi mag-aral at
pangalagaan ang kaniyang mga magulang.
15
Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay nakapagtrabaho sa isang malaking ospital.
Ngunit sadya yatang itinadhana na matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na doktor,
pumanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang pangangalaga ng ama na noon ay may sakit
na ring iniinda.
Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataong makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya
maiwan-iwanan na ama. Naisin man niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang mga
kapatid, ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa kaniyang balikat ang pumipigil sa kaniyang
mangibang-bayan upang manatili sa piling ng ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng kaniyang
buhay.
Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang lahat ang luho at oras na makahanap ng
babaing makakasama habambuhay. Ayaw rin niyang mapag-isa baling-araw kapag nawala na ang kaniyang ama.
Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras na operasyon, nakatanggap siya ng tawag
mula sa kasambahay na sinusumpong ng sakit ang kaniyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang palad,
naagapan naman niya ang ama.
Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang
kapag tuluyan nang mawala ang kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti-unti niyang nararamdaman ang
pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili.
“Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw
ko pong mag-isa balang araw kapag kayo’y nawala.”
Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na makapaglakad nang maayos. Pinasan niya ang ama at
isinakay sa kaniyang kotse. Walang imik na sumama ang ama.
Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila’y nakarating sa isang lugar, huminto ang kotse at pinasan ni
Adrian ang ama. Tinunton nila ang daan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan ay
tumititigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang ama habang binabali ang maliliit na
sanga. Napansin niyang tumutulo ang luha ng anak.
Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam
niyang labag sa kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin. Maraming beses din silang tumigil upang magpahinga at
paulit-ulit din ang pagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng puno. Napansin ito ni Adrian.
“Bakit n’yo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo’y nagpapahinga, Dad?,” tanong ni Adrian.
“Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa
pagbalik mo ay hindi ka maliligaw.”
Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik, muling pinasan ni Adrian ang ama at
natagpuan ang sariling bumabalik sa lugar kung saan sila nanggaling.
16
PAGSASANAY
GAWAIN 3: Magsanay tayo!
Pangkat 1
Suriin ang mga sumusunod:
1. Paksa
2. Tauhan
3. Pangyayari
Pangkat 2
Saan kaya napabilang sa mga uri ng maikling kuwento ang paksang binasa? Bakit?
Pangkat 3
Sipiin ang mga katangian ng isang ama mula sa nabasang paksa at ihambing ang bahagi nito sa akda na
pinamagatang “Ang Ama” at sa mga kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan.
PAGLALAPAT
Mula sa nabasang paksa, isalaysay ang bahaging nagustuhan. Sabihin ito kung bakit nagustuhan.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Ihambing ang mga pangyayari sa akda na “Ang Ama” sa paksang nabasa ngayon. Ibigay ang
katangian ng ama na nagustuhan at katangian ng anak na nagustuhan. Ipaliwanag ito kung bakit.
TAKDANG-ARALIN
17
1. Ano ang pangatnig?
2. Magbigay ng limang halimbawa nito.
18
UNANG LINGGO - SESYON 3
19
Tanong:
1. Ano-anong bahagi ng maikling kuwento ang kinunan
ninyo ng mga pangyayari?
2. Kailangan ba na wasto ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari paggawa ng maikling kuwento? Bakit?
3. Balikan ang ginawa ng pangkat.
Gawain:
Matapos mabuo at makuha ang mga pahayag na nangyari
sa una, gitna at wakas na bahagi ng maikling kwento,
maghanap ang guro ng mga pangungusap na ginamitan ng
mga pang-ugnay at itanong kung ano ang kanilang
napapansin sa pangungusap.
1. Mayroon ba kayong nakikita/napapansin na
kataga/salita na nag-uugnay?
2. Ano ang tawag sa mga salitang ito?
B. PAGLALAHAD 1. Ano ang pangatnig?
Magbigay ng mga halimbawa ng pangatnig.
2. Gamitin ito sa pangungusap.
3. Bakit tinatawag itong pangatnig?
4. Ano ba ang pagkakaiba ng pangatnig sa transitional
devices?
5. Magbigay ng halimbawa ng mga transitional devices.
Maaari bang pagsabayin sa pangungusap ang
pangatnig at ang transitional devices?
6. Bakit?
Magbigay ng mga halimbawa ng mga
pangungusap na gamit ang pangatnig at
transitional devices.
20
“Panginoon, kung ito’y isang pahiwatig na ako’y
dapat magbago sa aking kapalaluan, patawarin N’yo po
ako. Taos-puso po akong lumuluhod sa inyong harapan at
nagsusumamo na patawarin N’yo po sana ako.”
Patuloy na humagulgol si Brinth at ‘di namalayang
bumalik ang kuryente. Siya pa rin ay nakaluhod at
nakayuko nang biglang umilaw ang paligid.
Nang kaniyang ibuka ang mga mata, doon lamang
niya nakita na wala palang tubig ang pool kung saan siya
dapat tumalon kanina bago namatay ang mga ilaw.
D.PAGLALAPAT Ipapaskil sa pisara ang mga kasagutan ng mga mag-aaral.
Itanong:
-Nahihirapan ba kayo sa paghahanap ng mga pangatnig at
transitional devices sa kuwento? Bakit?
PAGNINILAY-NILAY
21
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 1.3 Sesyon 3
TUKLASIN
Nabasa na ninyo ang ilan sa mga halimbawa ng maikling kuwento, ngayon magkaroon tayo ng
pagsasanib ng gramatika/retorika.
MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
PAGSUSURI
GAWAIN 2
Matapos mabuo at makuha ang mga pahayag na nangyari sa una, gitna at wakas na bahagi ng
maikling kwento, maghanap ang guro ng mga pangungusap na ginamitan ng mga pang-ugnay at itanong kung ano
ang kanilang napapansin sa pangungusap.
ALAM MO BA NA...
22
Kasunod ang ilang halimbawa ng pangatnig at transitional devices na karaniwang ginagamit sa Filipino:
Mga Pangatnig:
subalit - ginagamit lamang kung ang datapwat at ngunit ay ginamit na sa unahan ng pangungusap. Mga Halimbawa:
Datapwat matalino siya, wala naman siyang kaibigan.
Mahal ka niya, subalit hindi niya gaanong naipapakita ito.
Marami na akong natutuhan, ngunit tila kulang pa ito.
samantala, saka – ginagamit na pantuwang Mga Halimbawa:
Siya ay matalino saka mapagbigay pa.
Abala ang lahat, samantalang ikaw ay walang ginagawa.
kaya, dahil sa – ginagamit na pananhi Mga Halimbawa:
Kaya hindi natututo ang tao dulot ng kaniyang kapalaluan.
Siya’y nagtagumpay dahil sa kaniyang pagsisikap.
Transitional Devices:
sa wakas, sa lahat ng ito – panapos Mga Halimbawa:
Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.
Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na sila’y mahal na mahal ng kanilang ama.
kung gayon – panlinaw Mga Halimbawa:
Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan niyang pagbutihin ang kaniyang pag- aaral.
PAGSASANAY
GAWAIN 3: Magsanay tayo!
Krus
Isang gabi, maliwanag ang buwan, naisipan ni Brinth na mag-ensayo ng diving para sa isang tryout bilang
paghahanda sa SEA Games. nga mayaman, sunod ang kaniyang layaw sa anumang gustuhin niya.
kakulangan ng oras sa umaga dulot ng paglalakwatsa, naisip niya sa gabi na lamang siya mag-eensayo. Alam niyang
kahit hindi siya mag-ensayo, matatanggap pa rin siya matalik na kaibigan ng kaniyang ama ang Chairman ng
Philippine Sports Commission. Pagod siya sa buong araw na pag-aaral pursigido siyang dapat mapanalunan
ang kampeonato.
Patay ang lahat na ilaw sa paligid ng paaralan. Ang tanging tumatanglaw lamang ay ang isang ilawan sa covered
court at ang maliwanag na sinag ng buwan.
, habang siya’y nakatayo sa springboard ng pool na may taas na tatlumpung talampakan, dahan-dahan
niyang itinataas ang kaniyang dalawang kamay, umaayos nang nakadipa bilang paghahanda sa pagtalon.
23
biglang nag-brownout. Ang sinag na lamang ng buwan na nasa kaniyang likuran ang tanging tumatanglaw sa
kaniya. na lamang ang kaniyang pagkabigla nang kaniyang makita ang larawan ng krus sa kaniyang harapan.
Siya’y lumuhod sa kinatatayuang springboard at umusal. “Panginoon, kung ito’y isang pahiwatig na ako’y dapat
magbago sa aking kapalaluan, patawarin N’yo po ako. Taos-puso po akong lumuluhod sa inyong harapan at
nagsusumamo na patawarin N’yo po sana ako.”
Patuloy na humagulgol si Brinth at ‘di namalayang bumalik ang kuryente. Siya pa rin ay nakaluhod at
nakayuko nang biglang umilaw ang paligid.
Nang kaniyang ibuka ang mga mata, doon lamang niya nakita na wala palang tubig ang pool kung saan siya
dapat tumalon kanina bago namatay ang mga ilaw.
PAGLALAPAT
Ipapaskil sa pisara ang mga sagot ng mga mag-aaral.
Itanong: Nahihirapan ba kayo sa paghahanap ng mga pangatnig at transitional devices sa kuwento? Bakit?
TANDAAN
Ang mga pangatnig at transitional device ay ginagamit sa pag- uugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay. Sa pamamagitan nito, nap
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na transitional device upang mabuo ang pahayag. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu, (kaya, sa lahat ng ito) hindi niya lubos
maisip kung paano niya ito haharapin.
1. (Datapwat, subalit) nasasabi niyang siya’y nakakaraos sa buhay, (subalit, kaya) hindi pa rin maipagkakaila
ang lungkot na kaniyang nararamdaman.
2. Siya’y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang magpatuloy sa buhay.
3. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng ito), hindi na niya alintana ang mga
darating pa.
4. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon, kaya) mapipilitan siyang
maghanap na lamang ng trabaho malapit sa kaniyang pamilya.
24
TAKDANG-ARALIN
25
UNANG LINGGO - SESYON 4
C.Kagamitang PAMPAGTUTURO:
III. PAMAMARAAN
A.PAGHAHANDA Itanong ang sumusunod:
Pangmotibeysyunal na tanong: 1. Sino sa inyo ang mahilig maglaro noong kayo’y
musmos pa?
2. Ano ba ang paborito ninyong laruin?
Aktiviti/Gawain 3. Nakasanayan ba ninyo ang paglalaro ng beyblade?
4. Marunong ba kayo maglaro ng beyblade?
26
Timeline
S S S S S S
a a a a a a
b b b b b b
a a a a
a a
d d d d
o d o o o d
1 o 3 4 5 o
2 6
PAGNINILAY-NILAY
27
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 1.4 Sesyon 4
TUKLASIN
Ang bawat buhay sa mundo ay mahalaga kaya habang may panahon pa, ipadama ang kalinga at
pagmamahal para sa mga minamahal natin sa buhay.
MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
Magbibigay ng sipi ang guro ng isa pang maikling kuwento na pinamagatang “Anim na Sabado ng Beyblade”
bahagi lamang ni Ferdinand Pisigan Jarim.
https://www.google.com.ph/search?q=larawan+ng+beyblade&biw=
Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin na niyang magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw.
Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng biling ‘wag kalimutan ang regalo at pagbati ng “Happy Birthday,
Rebo!”. Kailangang di niya malimutan ang araw na ito. Dapat pinakamasaya ang Sabadong ito sa lahat ng
Sabado. Maraming-maraming laruan. Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush Gear, Remote
Controlled Cars, at higit sa lahat, ang Beyblade. Ang paborito niyang Beyblade. Maraming-maraming Beyblade.
Tinanggap niya ang lahat ng ito at marami pang iba sa kaniyang kaarawan. Sa kaniyang pagtuntong sa limang
taon. Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw.
Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglaro ng beyblade kasama ang mga
pinsan.
Tatlong araw bago dumating ang ikatlong Sabado, sorpresa ko siyang dinalaw. Unti-unti na siyang
nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang beyblade bagamat ayaw niya itong
bitiwan sa loob ng kaniyang kamay o di kaya‟y bulsa. Ang nakapagngangalit, unti-unti na namang nalalagas ang
kaniyang buhok. Subalit pinipilit pa rin niyang maging malakas bagamat talagang di na kaya ng kaniyang paang
28
tumayo ng kahit ilang sandali man lang. Nakadudukot na rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo sa loob ng
kaniyang gilagid.
Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat nang tanungin niya ako ng; “Tay, may peya
a?” (Tay, may pera ka?) Dali-dali kong hinugot at binuksan ang aking pitaka at ipinakitang mayroon itong laman.
Agad akong nagtanong kung ano ang nais niya na sinagot naman niya ng agarang pagturo sa isang kalapit na
tindahan. Kung mabilis man akong nakabili ng mga kending kaniyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad
sa tindahan at nakangiting bumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing ang aking anak. Nang kami’y pumasok
na sa loob ng bahay, naiwang nilalanggam na ang nakabukas ngunit di nagalaw na mga kendi sa aming
kinaupuan.
Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong Sabado. Subalit di na kusang nalagas ang mga buhok. Sa
kaniyang muling pagkairita, sinabunutan niya ang kanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok.
Nang araw na iyon, kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho ang isang mascot upang bigyan ng pribadong
pagtatanghal si Rebo nang walang bayad. Matapos ang pagtatanghal, bagamat di man lang siya makangiti at
makatawa, kitang-kita sa kaniyang mata ang kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.
‘Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapit ng ikaapat na Sabado. Di na
niya makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang
pagsasalita. Kaya kahit nang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Ang mga
maliliit na helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay na bakal. At sa tuwing tataas,
hahanapin ako ng tingin sa baba at malungkot na ngingitian. Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang umuwi. At
pagkauwi’y humiga nang humiga at paulit-ulit na tumingin sa kawalan.
Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero
ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at
pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig.
Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko pa lang ng pintua’y
pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino.
Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling Sabado na masisilayan siya ng mga
nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang may- ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong.
Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot.
Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pag-aaralang tanggapin ang kirot ng
pagkalungkot.
PAGASUSURI
GAWAIN 2
Pangkatang Gawain:
Timeline: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa akdang binasa.
Timeline
S S S S S S
a a a a a a
b b b b b
b
a a a a a
a
d d d d d
29
PAGSASANAY
GAWAIN 3: Magsanay tayo!
PAGLALAPAT
Pangkatapos ng pangkatang gawain, magkaroon ng isa pang pangkatang gawain, isadula ang bahaging nagustuhan
sa akda. Bakit ang bahaging ito ang siyang nagustuhan? Ipaliwanag.
TANDAAN
Noong isilang ang isang buhay, puno ng tuwa at galak ang nadarama ng mga magulang. Pagod at pawis ay mapapawi kapag marinig na a
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
1. Kung ikaw ang nasa katayuan ng ama sa akdang binasa, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa sa anak?
Bakit? Patunayan.
2. Paano mo pahalagahan ang bawat sandali ng isang taong nasa bingit ng kamatayan?
TAKDANG-ARALIN
30
IKALAWANG LINGGO - SESYON 1
31
4. pampalubag-loob-pampagaan ng
kalooban Pangkatang Gawain:
1. Magbigay ng pamagat ng limang nobelang iyong nabasa
na mula sa ibang bansa sa Pilipinas. Gumuhit ng limang
aklat sa manila paper. Isulat dito ang pamagat ng nobela.
Mula sa:
https://www.google.com.ph/search?q=clip+art+hands&biw
=1093&bih=506&tbm=isch&tbo=u&
https://www.google.com.ph/search?q=clip+art+hands&biw
=1093&bih=506&tbm=isch&tbo
*Hinuha/konek
Magbigay ng iyong hinuha kung bakit ganito ang
pamagat ng akda. Isulat sa iyong sagutang papel ang sagot.
Kung Mangarap Ka
Nang Matagal
32
C.PAGSASANAY Pangkatang Gawain:
Manindigan sa Katuwiran
Bigyang katuwiran ang ginawi ng mga tauhan sa akda.
1. Tama ba ang ginawa ng pangunahing tauhan sa
kuwento?
2.Paano mo ilalarawan si Bon Teik? Si Kuwang Meng?
3.Masasabi mo bang ang pinagtaluhan ng dalawang tauhan
ay maaaring maganap sa totoong buhay? Patunayan.
4. Bakit nakatuon sa teoryang humanismo ang nobelang
binasa?
5. Paghambingin ang relasyon ng pamilya sa Singapore at
pamilya sa Pilipinas batay sa binasang akda?
IV. PAGTATAYA
Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba
PAGNINILAY-NILAY
33
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 2.1 Sesyon 2
Teoryang Humanismo
Nobela ng Singapore
(Kabanata Labingwalo)
http://louelatina.blogspot.com/2013/11/kung-mangarap-ka-nang-matagal-teoryang.html
TUKLASIN
Maglakbay sa Timog-Silangang Asya
Ang Timog Silangang Asya ay isang subrehiyon ng kontinenteng Asya, na binubuo ng mga bansang
heograpikal nasa timog ng Tsina, silangan ng Indiya, kanluran ng Bagong Guinea at hilaga ng Australya. Ang klima
sa rehiyong ito ay karaniwang tropikal, mainit at mahalumigmig sa loob ng isang buong taon.
Ang Timog Silangang Asya ay binubuo ng dalawang rehiyong heograpikal: Ang kalupaang Asyano, at ang
mga arkong pulo at mga kapuluan sa silangan at timog silangan. Ang mga bansang nasa kalupaang Asyano ay
kinabibilangan ng Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, at ang Vietnam; ang populasyon ay pangunahing binubuo
ng mga Tibeto-Burmano, mga Tai, at mga Austroasiatiko; ang pinakamalaking relihiyon ay Budismo, na sinundan
ng Islam, at Kristiyanismo. Ang mga bansang nasa karagatan ay binubuo ng Brunei, Silangang Timor,[1], Indonesia,
Malaysia, Pilipinas, at ang Singapore. Ang ibang paglalarawan sa rehiyon ay sinasama ang Taiwan sa hilaga. Ang
mga Austronesiano ang dominante sa rehiyon; ang pangunahing relihiyon ay Islam, na sinundan ng Kristiyanismo.
34
MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
1. Nakapunta na ba kayo sa kahit na isa sa mga lugar sa Timog-Silangang Asya?
2. Kung kayo ang papiliin, anong lugar ang gusto ninyong puntahan? Bakit?
3. Magbigay ng mga nobelang alam ninyo na nasa Timog-Silangang Asya?
4. Nagustuhan ba ninyo ang mga nobelang ito? Bakit?
5. Magsalaysay ng isa sa mga nabasa ninyong nobela na nasa Timog-Silangang Asya.
GAWAIN 1
Pangkatang Gawain:
Magbigay ng pamagat ng limang nobelang iyong nabasa na mula sa ibang bansa sa Pilipinas. Gumuhit ng
limang aklat sa manila paper. Isulat dito ang pamagat ng nobela.
Tanong: Magbigay ng iyong hinuha kung bakit ganito ang pamagat ng akda. Isulat sa iyong sagutang papel ang
sagot.
PAGSUSURI
Paglinang ng Talasalitaan:
1.iginala- inikot
2.nakulimbat-nakuha
3.Kabagut-bagot-nainip
4. pampalubag-loob-pampagaan ng kalooban
35
ALAM MO BA NA...
Ang teoryang humanismo ay tumutukoy sa pagiging marangal ng mga tauhan sa akda.
37
“Alam kong malungkot ito ngunit hindi ito maaaring tutulan,” sabi ni Boon Teik na parang nabasa ang
nasa isip ni Kwang Meng. “Pero sa huli, ang talagang problema’y kung paano maipauunawa sa mga tao na sa
kabila ng pagiging mababa at kabagut-bagot ng trabaho nila’y mahalaga’t makabuluhan ito sa maayos na
pagkilos ng lipunan,” dagdag ni Boon Teik.
“Pero hindi pa rin ‘yon makapagbibigay sa kanila ng anumang kasiyahan. Hindi pa rin no’n
magagawang kawili-wili ang trabaho nila, di ba?” salag ni Kwang Meng.
“Hindi nga,” sang-ayon ni Boon Teik. “Pero kung malalaman nilang makabuluhan ang trabaho nila,
kung malalaman nilang may naiaambag iyon, kung makikita nilang nakatutulong sila sa pag-unlad at pagsulong
ng lipunan, maaaring makatagpo sila ng kasiyahan sa katotohanang instrumental sila sa pagbabago ng lipunan,
kaya magiging mas mainam na lipunan iyon para sa kanilang mga anak, at sa magiging anak ng kanilang mg
anak. At kung hindi man kasiyahan ang matagpuan nila, kaunting ginhawa o pampalubag-loob man lang.”
“Paano iyon magagawa, Boon Teik?”
“Tungkulin iyan ng ating mga pulitiko. Kailangang bigyan nila ng edukasyon ang mga mamamayan
upang malaman nila ito.”
“Hindi ba’t ginagawa na rin iyan ng mga pulitiko natin?”
“Oo.”
“At babahagyang ginhawa ang natatagpuan natin.”
Dumating sa bahaging ito ang mga babae mula sa kusina. Nakahain na ang hapunan.
Nakakahawig ng sa kanila ang flat, sa kusina rin inilagay ng mga Lim ang kanilang hapag-kinan, isang
maliit na kuwadradong apatan ang silya. Ngunit malinis at masaya ang kitchen-cum-dining room nila,
napipintahan ng lemon yellow. May mga sariwang bulaklak na nakalagay sa bote sa ibabaw ng mesa, ilang
tangkay ng Golden Shower Orchids.
Ilang lutong nonya ang inihanda ni Me-I. Nalaman ni Kwang Meng pagkaraan na ito at si Anne ay buhat
sa matandang angkan ng Pernakan, at naroon na sa pook na iyonang mga ninuno nila nang mahigit isandaang
taon. Ang mga Pernakang ito na lalong kilala bilang nonya at baba ang matatandang Straits-born Chinese na
lumuwas sa Malaya at Singapore maraming salinlahi na ang nakalilipas. Sa loob ng mga taon, nakabuo sila ng
natatanging anyo ng kulturang bagaman ethnically Chinese ay may ilang impluwensiyang Malay sa paraan ng
kanilang pagdadamit, pagsasalita at sariling uri ng maaanghang na pagkain. Naiibigang mabuti ni Kwang Meng
ang huli, paborito niya ang nonya at laksa mula sa pulo ng Penang, ang nasi lemak o kaning may lasang buko,
ang otak-otak, sambal at curry, at ang kuay. Nang gabing iyon, nagluto si Me-I.
“Gusto mo ba ng mga lutong nonya, Meng?” tanong ni Anne.
“H’mmmmmm! Ang sarap, Me-I,” pagpupuri ng Kwang Meng.
“Oy, masarap ding magluto ni Anne,” sabi ni Me-I.
Namula si Anne. “Hindi kasing-husay mo,” nginitian ni Anne ang pinsan.
“Ikaw ang dapat magsabi niyan Kwang Meng,” sabi ni Boon Teik. “Kailangang matikman mo ang luto
ni Anne.”
“Tama, sa susunod, si Anne ang paglulutuin namin para sa iyo,” sabi ni Me-I.
Pagkahapunan, bumalik ang mga lalaki sa salas. Nagdala ng dalawang beer si Boon Teik samantalang
naiwan para magligpit ang mga babae.
Dalawang taon na silang kasal, sabi sa kanya ni Boon Teik. Kaga-graduate lang niya noon ng T.T.C. at
kae-enroll ni Me-I bilang estudyante. Nang unang ilang buwan, nakipanirahan sila sa mga magulang ni Boon
Teik pero hindi naging mabuti iyon. Wala silang privacy sapagkat napakalaki ng pamilya ng mga magulang niya.
May mga tiyuhin, tiyahin, at iba pang nakikitira bukod sa talagang pamilya. Hindi talagang angkop iyon para sa
pagsisimula ng isang kakasal na mag-asawa. Pagkaraa’y sinuwerte sila. Nag-apply sila at nakakuha ng sarili
nilang flat. Naging napakasaya nila roon.
Dinama ni Kwang Meng ang kapaligiran sa flat ng kanyang kaibigan. Taglay nito ang tahimik na
kapanatagan at kaluwagang sumasalamin sa mapayapang kalagayan ng pagsasama ng mag-asawa. Naniniwala
siyang ang matagumpay na pag-aasawa ay higit na maganda kaysa alinmang bagay. Tunay na isang mainam na
bagay ang pagkakaroon ng marital bliss; pero hindi lahat ng pag-aasawa ay nagiging maligaya. Pumasok sa isip
niya si Hock Lai at Cecilia. Kakatwa, ngunit laging nadarama ni Kwang Meng na hindi magiging mabuti ang
darating na pag-iisang-dibdib ng dalawa. At lalo pang kakatwa, nadama niyang kapwa nararamdaman nina Hock
38
Lai at Cecilia iyon, at mas nararamdaman ito ni Hock Lai kaysa kay Cecilia. Ngunit ipinapapatuloy nila ito,
buong kasiyahan at buong pagwawalambahala! Napakasaya kahit sa harap ng panganib! Sa loob ng isang taon,
kundi man bago dumating ang isang taon. Mambababae si Hock Lai, at sa loob ng ilang taon, makakasanayan ito
ni Cecilia, tatanggapin niya ito (“Parang negosyo ito, alam mo namang kailangan kong mag-entertain,” sasabihin
iyon ni Hock Lai), hanggang sa matutuhan nitong magpalipas ng oras sa paglalaro ng mahjong.
Nagpatugtog ng isang plaka si Boon Teik. Isang Brahms’ symphonoy iyon, sabi nito, at saka lumabas
para kumuha ng marami pang beer. Tumayo si Kwang Meng at tumingin-tingin sa mahabang bookshelf. Marami-
raming collection ng libro si Boon Teik, karamihan doo’y paperbacks sa literatura, history at politics.
“Masyado ka palang palabasa,” sabi ni Kwang Meng kay Boon Teik nang makabalik na ito sa silid.
“Oo, enjoy ako sa pagbabasa. Gano’n din si Me-I. Hindi naman kami palalabas, bihira rin kaming
dumalo sa mga social functions. Kung minsan, nanonood kami ng sine. Wala rin kaming telebisyon. Parang takot
kaming bumili. Nalaman kong nagiging addict doon ang mga tao. Masama iyon sa palagay ko.”
“Sana marami na rin akong nabasa,” sabi ni Kwang Meng.
“Hindi pa naman huli para magsimula ka, Kwang Meng. Welcome ka para hiramin ang mga libro ko.
Kahit anong oras. Tutal, diyan ka lang nakatira sa katabing pinto.”
“Salamat. Pero tamad na tamad na akong bumasa.”
“Wala iyon. Mabubuhos ang loob mo kapag nagsimula ka na. Magsimula lang ang dapat at maiinam na
libro lang ang dapat mong basahin. Sa ganoon hindi ka mababagot. Literature na ang pinakamagandang
pagsimulan. Marami kang matututuhan sa literatura.”
Agad namang namili ng ilang libro si Boon Teik para kay Kwang Meng. Crime and Punisment ni
Dostoyevsky, To Have and To Have Not ni Hemingway, at ang The Maneater of Malgudi ni Narayan.
“Sus, aabutin ako ng siyam-siyam sa pagbabasa niyan!”, sabi ni Kwang Meng.
“Huwag kang magmadali. Hindi mo naman kailangang isauli iyan agad. Unahin mo si Narayan,” payo ni
Boon Teik, “siguradong matatawa ka riyan.”
Sinamahan na sila ng mga babae makaraang tapusin ang mga ligpitin sa kusina. Bawat isa sa kanila’y
may dalawang maliit na puswelo ng black coffee.
“Hinihiram mo ang ilang libro ni Boon Teik?” tanong ni Anne. “Patingin kung alin-alin iyan.”
Iniabot dito ni Kwang Meng ang mga libro.
“A, nakakatawa ang isang ito,” sabi ni Anne na itinataas ang kay Narayan.
“Dapat tayong bumili ng iba pang libro niya,” sabi ni Me-I sa kanyang asawa.
“Wala akong makita,” sagot ni Boon Teik. “Napuntahan ko nang lahat ng bookshop dito, wala talaga.
Sana mayroon ditong magagandang bookshops.”
Hindi alam iyon ni Kwang Meng pero talaga namang hindi pa siya nakapagbasa sa isang bookstore kahit
kailan.
“Tapos na ang plaka, Teik”, sabi ni Me-I.
Lumapit si Boon Teik sa record player.
“Huwag ka nang magpatugtog ng bago,” sabi ng asawa nito. “Kausapin na lang natin ang ating mga
bisita.”
Kaya pinalipas nila ang oras sa pag-uusap. Nakapagsalita nang mas marami si Kwang Meng kaysa
karaniwan niya at hindi niya ito namalayan.
Pagkatapos, gaya ng inaasahan sa kanya ng lahat, nagpresinta si Kwang Meng na maihatid pauwi si
Anne. Nagpaalam sila kina Boon Teik at Me-I at lumakad sa pasilyo pababa sa hagdanan upang hintayin ang lift
pagkaraan.
Sa lansangan, malamig at nakakapresko ang hangin.
Naging matahimik si Kwang Meng sa oras na ito. Itinuro niya kay Anne ang kumpol ng mga
punongkahoy.
“Rain trees”, sabi nito. “Hindi ba matanda na sila’t magaganda?”
“Oo. Kung minsan, kumikinang sila kapag maliwanag ang buwan sa
gabi.” “Gusto ko silang makita kapag maliwanag ang buwan,” sabi nito.
Tumango siya. Sumakay sila sa isang bus papauwi sa bahay ni Anne. Walang laman ang bus. Abala ang
konduktor sa pagbibilang ng mga baryang nakatago sa isang malaking bag na may strap na nakabitin sa balikat
39
nito. Pagkaraang makuha ang bayad ng dalawa sa pasahe, hinid na sila pinansin nito. Kapwa sila nag-iisa,
magkasama.
Nang papauwi na siya naramdaman niya ang bigat ng mga libro sa kamay niya. Nagbibigay ng kung
anong katiyakan. Isang nakasisiyang gabi iyon para sa kanya, at nakipagkasundo siyang makikipaglaro ng
badminton kay Boon Teik sa darating na Linggo ng umaga at isasama sa swimming si Anne sa sinusundang
Sabado ng hapon. Pagdating ng bahay, humiga siya’t madaling nakatulog.
PAGSASANAY
GAWAIN 3: Manindigan sa Katuwiran
PAGSASANAY
GAWAIN 4
PAGLALAPAT
May leksiyon ba kayong natutuhan? Ibigay ang mga ito.
TANDAAN
Ang bawat tao ay may kani-kaniyang prinsipyo at pananaw. Mahalagang isaalang-alang ang kabutihan para sa lahat. Ganoon din ang mg
40
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Ihambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng babae sa akda sa tunay na buhay ng tao.
TAKDANG-ARALIN
Sagutin ang mga sumusunod:
Ano ang tinatawag na synopsis?
Gawan ng isang sinopsis ang akda na pinamagatang “Isang Libo’t Isang Gabi”
41
IKALAWANG LINGGO - SESYON 2
42
ginawa? Bakit?
V.TAKDANG-ARALIN Sagutin ang sumusunod:
Gumawa ka ng isang sinopsis ng ibang nobelang iyong
nabasa o pelikulang iyong napanood. Gawing modelo ang
sinopsis ng “Isang Libo’t Isang Gabi”. Maikli subalit
kumpleto ang mga mahahalagang detalye.
TUGON
PAGNINILAY-NILAY
43
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 2.2 Sesyon 2
TUKLASIN
Sa araling ito, iyong matutuhan ang tinatawag na synopsis.
MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
ALAM MO BA NA...
Ang synopsis ay isang buod ng isang paksa. Ito’y nasa anyong patalata at hindi sa anyong pabalangkas.
Buod ito subalit malaman. Karaniwang ginagamit ito sa mga panimula sa mga akdang pampanitikan para
maipakita ang pangunahing daloy ng banghay sa simpleng pamamaraan. Ginagamit din ito sa nobela sa
pamamagitan ng pagpapaikli ng buong nobela mula sa simula hanggang sa wakas. Gayundin ginagamit ito sa
manuskrito at sa anumang aklat.
44
tauhan. Ang pangunahing suliranin ay tungkol, sa pagtatagumpay ng pag-ibig ng pangunahing tauhan.
Halimbawa:
Anak na Ligaw (1972) ni Dr. Fausto Galaman
2. NOBELANG HISTORIKAL – Nakatuon sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring
naganap sa nakaraan ng isang bansa o lugar ang banghay sa nobelang ito.
3. NOBELA NG TAUHAN – Ang mga pangyayari ay umiikot sa pangunahing tauhan at iba pang tauhang
nakaapekto sa kanyang buhay.
Halimbawa:
Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña
4. NOBELA NG PAGBABAGO – Binibigyang diin dito ang layunin ng may-akda o ang kanyang mga
hinahangad na pagbabago sa lipunan at sa pamahalaan.
Halimbawa:
Noli Me Tangere at El Felibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal
5. NOBELANG PULITIKAL – Tumatalakay sa isyung pulitikal noong panahon ng
amerikano. Halimbawa:
Pinaglahuan (1907) ni Faustino Aguilar
6. NOBELANG MORAL – Nauuri sa dalawa; (a) isang kasaysayan ng babaeng may madilim na nakaraan
ngunit may ginintuang puso, (b) Ang katapatan at pagtataksil ng isang asawa.
Halimbawa:
Ang Tunay na Pag-ibig (1913) at Sampaguita Walang Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado
7. NOBELANG PANG-EKONOMIYA AT ISYU SA PAGGAWA. Tumatalakay sa isyung ekonomiya at
paggawa.
Halimbawa:
Banaag at Sikat (1905) ni Lope K. Santos at Anak Dalita (1911) ni Patricio Mariano
8. NOBELANG LAYUNIN – Binibigyang-diin ang mga pilosopiya, simulain, mga balyu sa moralidad at
pananaw ng mga pangunahing tauhan. Ang suliranin ay nilulutas batay sa pinahihintulutang kaugalian
ng lipunan.
9. NOBELANG MAKASINING Nagbibigay ng malaking pansin sa mahusay na pagtalakay at
paghahanay ng mga pangyayari at paglalarawan ng mga tauhan.
http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_ibig_sabihin_ng_sinopsis
PAGASUSURI
GAWAIN 2
Sinopsis:
Isang babaing mangangalakal ang nakipag-isang dibdib sa isang lalaking mahilig maglakbay sa buong mundo.
Malimit siyang iniiwanan nang matagal ng kaniyang asawa. Dahil sa katagalan nang di pag-uwi ng lalaki, nakadama
siya ng kalungkutan at pagkabagot. Umibig siya sa isang lalaking mas bata sa kaniya.
Sa di inaasahang pangyayari, nakulong ang kaniyang lalaking inibig. Gumawa siya ng paraan upang
mapawalang bisa ang paratang dito at mapalaya. Pinalabas niya na ang lalaking ito ay kaniyang kapatid at lubhang
mahal na mahal sa kaniya.
Lima ang lalaking nahingian niya ng tulong. Ang lima ring ito ay umibig sa kaniya dahil sa angkin niyang
kagandahan at sa maamo nitong mata habang nakikiusap. Matutulungan lamang siya kung ibibigay at ipagkakaloob
niya ang kaniyang sarili.
45
Sa takot na makulong nang habambuhay ang kaniyang lalaking iniibig,at sa pananakot ng mga lalaking
hiningian niya ng tulong, pumayag siya sa gusto ng mga lalaking ito kapalit ng kalayaan ng iniibig.
Nagtakda siya ng iisang oras sa lahat ng lalaking umiibig sa kaniya. Sa sarili niyang bahay magaganap ang
hinihiling ng mga ito.
Sunod-sunod na nagdatingan ang hepe ng pulisya, si Cadi,si Vizier, ang hari at ang karpintero sa kaniyang
bahay.Isinagawa ng babae ang balak na gagawin sa mga nagsidating.
Ano ang gagawin ng babae para hindi magkita-kita at magkasakitan ang limang lalaking ito na nais niyang
pagbigyan kapalit ng kalayaan ng lalaking iniibig.
Paano niya patutunayan na ang paratang sa kaniya bilang masamang asawa ay mali? Siya pala sa kabila ng lahat
ng ito ay matapat at mabuting asawa?
PAGSASANAY
GAWAIN 3
Pagpapanood ng bahagi ng telenobela: (“Guns and Roses-Full Episode 2- ito isang mungkahi
lamang, maaaring magpakita ng iba pang telenobela)
Pangkatang Gawain: Ibigay na ito sa mga mag-aaral bago hayaang manood ng telenobela.
PAGLALAPAT
Itanong:
Mula sa inyong mga ginawa sa pangkatang gawain, alin sa mga ginawa ang pinakagusto ninyo? Bakit?
TANDAAN
Ang bawat tao ay may kani-kaniyang papel na ginagampanan sa mundong ibabaw. Sa kanyang paglalakbay nagkakaroon ng mga pagsub
PAGSASANAY
GAWAIN 4
Sa inyong palagay, bakit nangyayari ang mga pagsubok sa buhay ng isang tao.
46
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Kung ikaw ang nasa katayuan ng pangunahing tauhan sa telenobelang napanood, gagawin mo rin ba ang
kanyang ginawa? Bakit?
TAKDANG-ARALIN
47
IKALAWANG LINGGO - SESYON 3
48
4. Sapat na bang sabihin ng kaniyang mga magulang na
hindi nila sinasadya ang mga pangyayari?
5. Dapat bang nangyari ang mga nangyari kung naging
maunawain lang ang bawat isa?
6. May naitulong ba kay ishaan ang desisyon ng mga
magulang na ilayo siya?
7. Sa iyong palagay, makatarungan ba ang ginawa ng
guro na si Ram Shankar Nikumbh Sir para
mapanumbalik ang hilig ni Ishaan sa pagguhit?
8. Kung ikaw ay isang guro,gagawin mo rin ba ang
ginawa ng guro sa sining?
9. Naniniwala ka ba na ang bawat isa ay may kani-
kaniyang pagkabukod- tangi? Patunayan.
10. Sa iyong palagay, tama ba ang damdaming namayani
sa gurong nagsasalaysay sa katapusan ng akda.
D.PAGLALAPAT Pagkatapos ng pangkatang gawain, magsadula ng bahaging
nagustuhan mula sa nobelang tinalakay. Ipaliwanag kung
bakit ito nagustuhan.
Kung ikaw ay isang guro,gagawin mo rin ba ang ginawa ng
guro sa sining?
E.PAGLALAHAT Sa kabuuan ng ating natalakay, naniniwala ka ba na ang
bawat isa ay may kani-kaniyang pagkabukod- tangi?
Patunayan.
Sa iyong palagay, tama ba ang damdaming namayani sa
gurong nagsasalaysay sa katapusan ng akda?
IV. PAGTATAYA Sa unang araw ng pagtalakay natin sa aralin ay ipinaalala
ko na sa iyo ang iyong gagawin.
PAGNINILAY-NILAY
49
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 2.3 Sesyon 3
TUKLASIN
Ang bawat bata na isinilang sa mundo ay may karapatang mabuhay, punuin ng kalinga at
pagmamahal. Sa kanilang kamusmusan gabay ng magulang ay kinakailangan.
MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
ALAM MO BA NA...
ang PANGANGATWIRAN
ay isang papapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging
katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang
kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (- Badayos)
Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at magandang pananalita ay
makatutulong upang mahikayat na pakinggan, tanggapin at paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran.
Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong dapat isaalang-alang o
sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo na sa formal na pangangatwiran gaya ng debate.
50
Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring matamo ninuman subalit hindi
sa paraang madali at sa maikling panahon lamang.
Dahilan ng Pangangatuwiran
1. Upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.
2. Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kaniya.
3. Makapagbahagi ng kaniyang kaalaman sa ibang tao;
4. Makapagpahayag ng kaniyang saloobin.
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kaniyang kapwa.
Uri ng Pangangatuwiran
1. Pangangatuwirang Pabuod o Induktibo - nagsisimula sa mga halimbawa o partikular na kaisipan o
katotohanan at nagtatapos sa pangkalahatang simulain o katotohanan.
2. Pangangatuwirang Pasaklaw o Dedaktibo - sinisimulan ang pangangatuwiran sa pamamagitan ng
paglalahad ng pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o katotohanan at mula rito ay iisa-isahing
ilalahad ang maliliit o mga tiyak na pangyayari o katotohanan.
PAGSUSURI
GAWAIN 2
Si Ishaan Nandkishore Awasthi, Isang batang nagpabago, nagpapabago at magpapabago ng aking mundo… at
marahil ng pagpapahalaga…bilang isang guro.
Tahimik akong nakaupong nag-iisa sa isang gilid na kinagawiang kong likmuan sa pagsusulat. Sa gilid ng isang
mesang may katamtaman ang laki, sapat lamang na mailapag ko ang aking mga kakailanganing gamit sa panonood.
Hindi ko napigilan ng aking sarili isang gabing hindi ako makatulog. Ako ay umiyak. Malakas noon ang buhos ng
ulan ngunit wala namang masabing may masamang namumuong panahon. Wala namang mapakinggang anunsyo sa
telebisyon o radio. Nakipagsabayan sa malakas na patak ng ulan ang masaganang pag-agos ng aking luha habang
pinanonood ko si Ishaan.Siya ang bida sa aking puso… at si titser…Napukaw agad ang aking interes sa pinanonood
kong pelikula. Dala marahil ng pagiging guro ko, nakarelate ako habang ninanamnam ang bawat eksena. Sa una’y
mas tamang sabihing dahil ako’y isang guro. Tama. Isa akong guro… at isa rin akong magulang.
Isang batang maysakit na dyslexia si Ishaan. Hindi ito naintindihan ng kaniyang mga magulang… at ng
kaniyang mga guro. Palagi siyang nakatatanggap ng parusa. Pinapalo. Sinasabihan ng masasakit. Tamad. Bobo.
Tanga.Walang alam. Idiot.Wala siyang tanging masusulingan kundi ang pamilya sana niya. Subalit siya’y inilayo.
Itinira sa dormitoryo ng paaralan. Kahit na matindi ang pagtutol ni Ishaan, wala siyang magawa. Siya’y mahina pa.
hindi pa kaya ng kaniyang bagwis. Wala pa siyang sapat na lakas upang tumutol sa kagustuhan ng kaniyang ama.
Maging ang kaniyang ina ay walang magawa. Kapag sinabi ng kaniyang ama, nagiging sunod-sunuran rin siya.
51
May angking talino si Ishaan. Bagamat hindi siya nanguna sa klase, dahil sa kinaugaliang hindi pakikinig o
wala ang pansin sa pag-aaral. Sadyang mabagal ang kaniyang pag-unlad sa pagbabasa at pagsusulat. Mas madalas
na nagkakabaligtad ang b at d, mga salitang pareho ang bigkas ngunit iba-iba ang baybay. Ang kaniyang mga bilang
ay nagkakabaligtad din at palaging wala sa ayos ang pagsusulat.
Salamat sa pagdating ng bagong guro. Si Ram Shankar Nikumbh Sir. Nakaunawa. Nagpahalaga. Nagmahal.
Nagbahagi. Hanggang si Ishaan ay natuto. Sadyang napakahusay ni Ishaan sa pagguhit. Siya ang itinanghal na
pinakamahusay na artist sa buong paaralan ng New Era High School. Ito ang nagpabago ng kaniyang kapalaran.
Nagpabago ng pagtingin ng kaniyang mga magulang. Nagpabago ng sistema ng iba pang guro.. at marahil..
nagpabago ng aking pagpapahalaga bilang isang guro. Iba-iba ang mga batang ating tinuturuan. Lahat sila may iba’t
ibang katangian at kakayanan.Iba ang isa sa isa. bawat isa ay may pagkabukod-tangi. Ang katangian ng isa ay hindi
katangian ng isa. Ang kaya ng iba ay hindi kaya ng isa. Hanapin lang natin kung ano ang mayroon sa kanila. Iyon
ang ating pagyamanin. At higit sa lahat, maramdaman nila na sila ay minamahal at inaalagaan upang makakampay
para sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.
Buhat sa pagkakatalungko ko sa aking likmuan, habang marahil ay namumugto na ang aking dalawang mata.
Hinanap ko ang aking sarili sa gurong aking pinanood. Kinapa ko ang aking puso. Pinakiramdaman ko ang aking
sarili. Larawan din ba ako ng gurong ito? Nakikita ko ba ang aking sarili sa kaniya? Nahirapan akong sumagot.
Nahihiya ako sa aking sarili. Pinayapa ko ang aking kalooban. Sinabi ko sa aking sarili na iyon ay isa lamang
panoorin. Ngunit isang bahagi ng utak ko ang sumigaw. Panoorin nga ngunit nangyayari sa tunay na karanasan ng
tao. Hinayaan kong umagos ang luha ko… at ng sumunod na mga sandali, sinagot ko rin ang aking tanong… Ang
guro ba ay aking kalarawan sa silid-aralan? Sa labas ng silid? ang sagot.. Oo sa ilang anggulo. Pero hindi sa
maraming aspeto. Dahil tayo ay may kaniya- kaniyang pagkabukod- tangi. Bawat bata ay may istilo ng pagkatuto.
May kaniya-kaniyang katangian at kakayahan.
Isang bagay lang ang nasisiguro ko. Number one si Ishaan sa puso ko, una sa lahat ang mga estudyante ko.
PAGLALAPAT
Pagkatapos ng pangkatang gawain, magsadula ng bahaging nagustuhan mula sa nobelang tinalakay. Ipaliwanag
kung bakit ito nagustuhan.
Kung ikaw ay isang guro, gagawin mo rin ba ang ginawa ng guro sa sining?
TANDAAN
Walang sinumang tao sa mundo na magkatulad. Ang bawat isa ay nabubukod tangi. Kahit kambal ay iba- iba ang katangian, kung may p
Ang bawat isipan ng tao ay nagkakasalungatan. Ito marahil ay dahil sa mayroon tayong sariling paniniwala, katuwiran at paninindigan. I
52
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Sa unang araw ng pagtalakay natin sa aralin ay ipinaalala ko na sa iyo ang iyong gagawin.
Isa kang nobelista . Si Fanny Garcia ka o si Lualhati Bautista. Gagawa ka ng sinopsis ng isang nobela.
Magkakaroon ng patimpalak ang mga Writer’s Guild sa Pilipinas. Pararangalan ng Carlos Palanca Awards ang may
pinakamahusay na nobela. Para makahabol ka sa itinakdang araw ng pagsusumite, iminungkahi na ipasa muna ang
sinopsis ng nobelang iyong isusulat.
TAKDANG-ARALIN
53
IKALAWANG LINGGO - SESYON 4
Kaalaman:
Saykomotor: Nakagagawa ng isang TV/Movie Trailer
Apektiv: Napagtatalas ang kaalaman sa paggawa ng tv/movie trailer
II. PAKSANG-ARALIN:
PAKSA Paggawa ng TV/Movie Trailer
Panood ng isang teleseryeng Asyano
SANGGUNIAN Panitikang Asyano 9 https://www.youtube.com/watch?
v=RPQOoeKzmI4 https://www.youtube.com/watch?
v=TstrA2izJ98 https://www.youtube.com/watch?v=l78DGIjc8x0
https://www.google.com.ph/search?q=larawan+na+nasa+mediu
m+shot
http://www.mediacollege.com/video/shots/wide-shot.html
http://www.mediacollege.com/video/shots/extreme-wide-
shot.html https://www.google.com.ph/search?
q=larawan+na+nasa+extrem e+close+up
https://www.google.com.ph/search?q=larawan+na+nasa+extrem
e+close
54
Pinaglilingkuran
Israel Kultura
Saudi Kultura
India Kultura
55
1. Pagsulat ng premise
2. Pagsulat ng iskripnng TV/movie trailer
3. Pagganap
4. Pagkuha o pag-video ng mga larawan
5. Angkop na kasuotan/kagamitan/make-up
6. Paglalapat ng tunog at musika
7. Pag-eedit
TUGON
PAGNINILAY-NILAY
56
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 2.4 Sesyon 4
TUKLASIN
Magbasa… Magbasa… Magbasa… sa pagbabasa matututo ka. Tama ang bukang bibig ng nakatatanda dahil
walang gintong kutsara na pinagsusubuan ng karunungan. Sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikan tulad ng
epiko ng India, .parabula ng Timog Kanluran, elehiya ng Bhutan, sanaysay ng Israel at nobela ng Saudi Arabia ay
mauunawaan mo ang kanilang kultura at parang nalakbay mo na rin ang mga bansang nabanggit.
Nakamit na ang pag-unawa at pagpapahalaga ng mag-aaral sa kultura ng mga bansa sa Timog Kanluran ay
maaaring maipamalas sa pamamagitan ng pagbuo ng TV / movie trailer. Sa pamamagitan nito maipapakita ng mag-
aaral kung paano naiiba ang mga akdang pampanitikan sa Timog Kanlurang Asya sa iba pang mga bansa sa Timog-
Kanlurang Asya, gayundin kung paano nakatulong ang mga kaalaman sa wika at retorika para higit maunawaan ang
iba’t ibang kultura sa Timog-Kanlurang Asya.
Dito tatayain ang iyong TV / movie trailer sa pamamagitan ng sumusunod: iskrip (kaangkupan sa tema at
orihinalidad) at pagpapalabas (screenplay / tagpuan, sinematograpiya, teknikal produksyon, tunog o musika, hikayat
sa madla.
Alam kong naihanda ka na sa gawaing ito dahil nalinang na ang mga kasanayan mo habang ika’y naglalakbay
sa Timog-Kanlurang Asya at tumutuklas ng karunungan tungkol sa kanilang mga akdang pampanitikan kaya
naniniwala ako na kaya mong ilahad ang kanilang kultura sa pamamagitan ng TV / movie trailer na iyong gagawin.
MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
1. “Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para sa iyo
at umalis ka na” -mula sa Banal na Kasulatan
2. “Ang pinakamalaking pagsubok sa lahat, ay konsesasyon at dominasyon sa sosyal na pagbubuo ng pangalan at
interes ng bawat isa. -mula sa Usok at Salamin: Ang Tagapaglingkod at Pinaglilingkuran
3. “Ang lahat ay nagluksa, Ang burol ay bumaba Ang bukid ay nadaanan ng unos Malungkot na lumisan ang tag-
araw Kasama ang pagmamahal na inialay”. - mula sa Elehiya sa Kamatayan ni Kuya
4. “Hindi ako pumupunta sa bahay ng isang lalaking estranghero Sa akin”. -mula sa Isang Libo’t Isang Gabi
57
ALAM MO BA NA...
PAGASUSURI
GAWAIN 2
Pangkatang Gawain: Maalaala Mo Kaya…
Ilahad ang kultura ng mga bansa sa Timog Kanlurang Asya sa tulong ng RAYS Mapping. Sipiin ito sa iyong
sagutang papel.
Israel Kultura
Saudi Kultura
India Kultura
PAGLALAPAT
The 3Ms (Manood, Mag-isip, Magsuri)
1. Manood ng isang TV / movie trailer mula sa alinmang bansa sa Timog Kanlurang Asya.
Halimbawa: Aladin, Alibaba and the Forty Thieves, Passion of Christ, 3 Idiots, Tarra Zameen Par
2. Sagutin ang mga gabay na tanong:
a. Ilahad ang kulturang masasalamin sa movie trailer na pinanood.
b. Alin sa mga sangkap ng movie trailer na pinanood ninyo ang nakapukaw sa inyong kawilihan? Bakit?
c. Tukuyin ang mga anggulong ginamit sa movie trailer.
58
TANDAAN
Upang maging maganda, kaakit-akit at marami ang manonood, narito ang mga Hakbang sa Paggawa ng TV / Movie Trailer
Pagbuo ng konsepto.
Pagpili ng mga artistang gaganap.
Ayusin ang magiging lokasyon para maging kapani-paniwala ang tagpuan.
Likumin ang lahat ng mga kagamitan at subukin kung ito’y nasa tamang kondisyon.
Kunan ang mga senaryo.
Wide Shot
Medium Close Up Medium Shot
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
59
TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik batay sa sumusunod at iulat sa klase
Pagsulat ng premise.
Pagsulat ng iskripnng TV/movie trailer.
Pagganap.
Pagkuha o pag-video ng mga larawan.
Angkop na kasuotan/kagamitan/make-up.
Paglalapat ng tunog at musika.
Pag-eedit.
60
IKATLONG LINGGO - SESYON 1
61
unting yumabong ang kaalaman natin kaugnay nito.
“TULANG
NAGLALARAWAN”
62
B. PAGLALAHAD Pagbabasa sa paksa na pinamagatang “Kultura: Pamana ng
Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng
Kinabukasan
-Tulang Naglalarawan-Pilipinas
Ni Pat V. Villafuerte
C.PAGSASANAY Pangkatang Gawain:
KULTURA
Pangkat 4: Pagsusuri
Suriin mo ang uri ng tula ayon sa layon. Paano ito nabuo?
D.PAGLALAPAT Pagkatapos ng pangkatang Gawain, magkaroon ng isa pang
gawain.
Ihambing Mo
63
Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas Pasigaw ang
sabing, “Magbalik ka agad!” Ang sagot ko’y “Oo, hindi
magluluwat!” Nakangiti akong luha’y nalaglag...
At ako’y umalis, tinunton ang landas, Nabiyak ang puso’t
naiwan ang kabiyak;
64
IV. PAGTATAYA Pagbibigay ng katanungan:
Gumawa ng sariling tula na may mga sumusunod na
pamantayan:
a. Makabuluhang paksa
b. May sukat
c. May tugma
d. Binubuo ng tatlo hanggang apat na saknong
V.TAKDANG-ARALIN Magsaliksik ng iba pang halimbawa ng tulang Asyano.
Ihambing ito sa tulang naglalarawan ni Pat V. Villafuerte.
TUGON
PAGNINILAY-NILAY
65
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 3.1 Sesyon 1
TUKLASIN
Makulay ang naging paglalakbay mo sa pagtuklas sa mahiwagang daigdig ng Thailand. Ngayon, galugarin mo
naman ang Pilipinas at tuklasin ang mundo ng panulaan dito.
Ang Araling ito ay naglalaman ng tula ni Pat V. Villafuerte na pinamagatang “Kultura: Ang Pamana ng
Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan”. Bahagi ng aralin ang pagtalakay sa mga salitang
naglalarawan na makatutulong sa pagpapahayag ng damdamin sa pagbuo ng isang komentaryo.
Aalamin natin kung paano naiiba ang tulang naglalarawan sa iba pang uri ng tula ayon sa layon at kung paano
nakatutulong ang paggamit ng mga salitang naglalarawan sa mga kalagayang panlipunan.
MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
Mga tanong:
1.
GAWAIN 1: Pangkatang AnoGawain
ang tinatawag na tula?
2. Ibigay ang elemento ng tula.
Ang Malalabay na3.Sanga
Paano naiiba ang bawat elemento sa isa’t isa?
4. May pagkakaiba ba ang tulang naglalarawan sa iba pang uri ng tula. Patunayan.
Kung ang ugat ng puno ay tulang naglalarawan, ano kaya ang magiging mga sanga? Tukuyin batay sa
babasahing bahagi ng tula na pinamagatang “Elehiya para kay Ram” na isinulat ni Pat V. Villafuerte, ang mga
katangian ng mga salita ayon sa pagkakagamit at pagkakabuo ng bawat taludtod. Ilista ang mga katangiang iyong
mapupuna kaugnay ng tula sa mga sanga ng mga puno upang unti-unting yumabong ang kaalaman natin kaugnay
nito.
66
Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo
Bunga ng maraming huwag at bawal ditto
Sa mga oras na nais mong itanong sa
Diyos Ang maraming bakit at paano
Ay nanatili kang mapagkumbaba at tanggaping ikaw’y tao
At tanggapin ang uri ng buhay na kinagisnan mo.
Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili.
Buhay na di mo matanggihan dahil nasa mga palad
mo Ang pagsang-ayon, ang pagtango at pagtanggap
Bilang bagong ama ng lima mong nakababatang kapatid.
“TULANG NAGLALARAWAN”
PAGSUSURI
GAWAIN 2: Paglinang ng Talasalitaan
Magbigay ng katumbas na pahayag ng mga sinalungguhitang salita mula sa taludturan ng tulang binasa.
ALAM MO BA NA...
ang tula ay isa sa nga matandang panitikan ng Pilipinas?
Naririto ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na pinamagatang “Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan,
Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan”. Tuklasin mo kung paano niya inilarawan ang kultura sa
magkakaibang panahon at upang malaman mo kung paano naiiba ang tulang naglalarawan sa iba pang uri ng
tula ayon sa layon.
67
digmaan at kasarinlan
at hanggang sa kontemporaryong panahon ng makinasyon
sumibol ang kayraming kulturang sinangkutsa sa ating diwa’t kamalayan
kulturang may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw,
may haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo
at tangis ng pamamaalam. Ito 68 gating68 tinalunton,
ito ang bunga 68 gating paghakbang:
ang kulturang ipinamana sa atin ng nakaraan.
68
PAGLALAPAT: Pangkatang Gawain:
Pangkat 1
Noon, Ngayon, at Bukas
Gamit ang grapikong pantulong, ilarawan ang kultura batay sa tatlong panahong binanggit sa tula.
KULTURA
Ibigay ang sariling pananaw at ihambing ito sa pananaw ng iba tungkol sa pagkakaiba-iba o pagkakatulad ng tulang
tinalakay.
Pangkat 2
Sagutin mo!
1. Ano-ano ang mga panahong binanggit sa tula?
2. Isa-isahin ang kulturang Pilipino na nabanggit ng may-akda sa tula. Iugnay ito sa iba pang mga kultura sa
Timog-Silangang Asya.
Pangkat 3
Panel Discussion
1. Isa-isahin ang salitang naglalarawan sa kultura batay sa bawat panahon.
2. Sa iyong palagay, naging mabisa ba ang ginawang paglalarawan? Bakit?
3. Ano ang nais iparating ng mga pahayag mula sa taludturan ayon sa:
a. panahon ng kawalang malay;
b. tangis ng pamamaalam;
c. sinubok ng maraming taon;
d. kultura ay regalo ng kasalukuyan;
e. sinasalamin ang Pasko’t Pistang Bayan?
Pangkat 4
Pagsusuri
Suriin mo ang uri ng tula ayon sa layon. Paano ito nabuo?
69
TANDAAN
SUKAT
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay
tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
isda-is-da-ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig
1. Wawaluhin
Halimbawa:
Isda ko sa Mariveles 8
Nasa loob ang kaliskis
8
2. Lalabindalawahin
Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad 12
Sa bait at muni, sa hatol ay salat 12
3. Lalabing-animin
Halimbawa:
Sari-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis 16
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid 16
4. Lalabingwaluhin
Halimbawa:
Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay 18
Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay 18
SAKNONG
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).
2 linya - couplet
70
3 linya - tercet
4 linya -
quatrain 5 linya
– quintet 6 linya
– sestet
7 linya – septet
8 linya – octave
Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula.
TUGMA
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag
ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa
pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
1. Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay
nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
Mahirap sumaya
Ang taong may sala
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali
Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng isang saknong o dalawang
magkasunod o salitan.
Halimbawa:
a a a
a a i
a i a
a i i
2. Kaanyuan (consonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos
sa katinig.
a. unang lipon, mga salitang nagtatapos sa – b, k, d, g, p, s,
t Halimbawa:
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
TALINGHAGA
Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
○ Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang
paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula
ANYO
Porma ng tula.
TONO/INDAYOG
Diwa ng tula.
71
PERSONA
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik ng iba pang halimbawa ng tulang Asyano. Ihambing ito sa tulang naglalarawan ni Pat V. Villafuerte.
72
IKATLONG LINGGO – SESYON 2
Pangkatang gawain:
73
b. Paano isinalaysay ng may-akda ang
kaniyang pagbabalik?
c. Ano ang paksa ng tula?
d. Ihambing ang tulang nagsasalaysay sa
tulang naglalarawan. Isa-isahin ang
mga katangian ng bawat isa.
Magpapakita ng isang sabayang pagbigkas ng tula mula sa
paksang tinalakay.
Gumawa ng sariling tula na may
sumusunod na pamantayan:
May makabuluhang paksa
May sukat
May tugma
May tatlo o apat na saknong
PAGNINILAY-NILAY
74
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 3.2 Sesyon 2
TUKLASIN
Isinalaysay ng may akda sa tula na "Ang Pagbabalik" ang tungkol sa pait ng nararamdaman ng mag-asawa sa
pag-alis ng kabiyak upang maghanapbuhay at madatnang sa pag-uwi ang bangkay ng asawa. Isinalaysay ng may-
akda ang kaniyang pagbabalik sa pamamagitan ng pagtula o sa patulang pamamaraan. Ang paksa ay tungkol sa bigla
at masakit na pagpanaw ng kabiyak ng puso.. Ang tulang nagsasalaysay ay mas simpleng paglalahad ang ginamit sa
pagkukuwento samantalang sa tulang naglalarawan ay mas makulay, may ritmo at mas kaaya aya pakinggan.
https://brainly.ph/question/142335
MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
Itanong ang sumusunod na tanong:
1. Naranasan mo na bang binalikan ka ng iyong mahal sa buhay?
2. Ano kaya ang damdaming namayani sa puso ng isang taong binalikan ng kanyang mahal sa
buhay?
3. Makatarungan ba na ang iyong iniwan ay iyo ring babalikan? Bakit? Patunayan ang sagot.
ALAM MO BA NA...
Si Jose Corazon de Jesus ay tinawag ding si “Husing Sisiw”?
Ang Pagbabalik
ni Jose Corazon de Jesus
75
Kuwagong nasa kubo’t mga ibong
itim, Ang nagsisalubong sa aking
pagdating.
PAGSUSURI
GAWAIN 2: Pangkatang gawain
76
PAGLALAPAT
Pangkatapos ng pangkatang gawain, bigkasin nang maayos at may damdamin ang isinulat na sariling taludturan.
TANDAAN
Sabayang pagbigkas ang tawag sa sabay-sabay na pagbigkas sa tanghalan ng isang pangkat ng anumang
akdang pampanitikan. Maaaring ang bigkasin ng pangkat ay isang tula, sanaysay, talumpati, o alamat. Tulad ng
dula at talumpati, ito ay may galaw o aksyon ng mga bumibigkas upang maliwanag ba mailarawan ang nais na
ipahiwatig ng binigkas. Ang galaw o aksyon ay maaaring sa anyo ng sayaw at awit. Madalas tuloy, kapag abg
tula ang siyang sinasamahan ng sayaw at awit, ito ay tinatawag na tulasawit ( tula, sayaw at awit).
77
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Pagbibigay ng katanungan:
1. Ano ang tinatawag na sabayang pagbigkas?
2. Ibigay ang mga bagay na dapat isa-alang-alang sa sabayang pagbigkas ng tula.
TAKDANG-ARALIN
78
IKATLONG LINGGO - SESYON 3
Kaalaman:
Saykomotor: Naisasagawa ang pagpapakita ng mga talento o hilig ng
mga mag-aaral
Apektiv: Nabibigyang kasiyahan ang kapawa sa pamamagitan ng
pagpapakita ng talento
II. PAKSANG-ARALIN:
A. PAKSA Sitti Nurhaliza: Ginintuang Tinig at Puso ng Asya ni Jan
Henry M. Choa Jr.
B. SANGGUNIAN Panitikang Asyano 9
C.Kagamitang PAMPAGTUTURO: LCD projector, laptop/computer, manila paper
III. PAMAMARAAN
A.PAGHAHANDA Itanong ang sumusunod:
Pangmotibeysyunal na tanong: 1. Sino ba sa inyo ang mahilig kumanta?
2. May paborito ba kayong artista na magaling
kumanta?
Aktiviti/Gawain 3. Bakit ninyo sila nagustuhan?
Pangkatang gawain
*Pagpapangkat sa mga mag-aaral ayon sa
kanilang hilig sa iba’t ibang larangan (pag-
awit, pagsayaw at sa laraangan ng isport)
-Hahayaan ang mga mag-aaral na magpakita
ng kanilang mga talent.
B. PAGLALAHAD Pagbabasa sa paksa:
Sitti Nurhaliza: Ginintuang Tinig at Puso ng Asya ni Jan
Henry M. Choa Jr.
C.PAGSASANAY Pangkatang Gawain:
1. Ibigay ang katangian ni Sitti
Nhurhaliza sa tulong ng
character mapping.
Katangian ni Sitti
Nurhaliza
79
2. Magsadula ng sitwasyon na nagpapakita ng
kabantog nang dahil sa kanyang mabuting
ginawa.
3. Gawan ng sariling tulang naglalarawan ang
akda akda. . Pagkatapos, basahin sa klase.
D.PAGLALAPAT Pagkatapos ng pangkatang gawain, magsadula ng bahaging
nagustuhan mula sa akda na nagpapakita ng paglalarawan.
E.PAGLALAHAT Sa kabuuan ng ating tinalakay, paano natin
mapapatingkad ang paglalarawan?
IV. PAGTATAYA Pagbibigay ng mga katanungan:
a. Itala ang mga katangian ng taong nakaimpluwensiya
sa iyo nang lubos. Ilista sa iyong papel.
b. Bakit ito nakaimpluwensiya sa iyo?
V.TAKDANG-ARALIN Sagutin ang mga sumusunod:
Blog Ko
PAGNINILAY-NILAY
80
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 3.3 Sesyon 3
TUKLASIN
Ang tao ay nilikha ng Panginoon na siyang pinakamataas na uri sa lahat ng nilalang. May matalas na pag-iisip
at makapagsalita. Makapagbahagi ng damdamin at saloobin sa kapwa.
Sa mundong ibabaw, maraming tao ang nakikipagsapalaran sa iba’t ibang larangan. May kani-kanyang talento.
Ibahagi ito at madama mo ang kaligayahan sa puso. Ikaw ay titingalain at iidolo ng mga tao.
MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
ALAM MO BA NA...
ang bawat tao/indibidwal ay may kani-kaniyang talentong taglay? Sabay-sabay nating
basahin ang kwento ni Sitti Nurhaliza.
Isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa Asya si Sitti Nurhaliza mula sa bansang Malaysia. Nagkamit siya ng
iba’t ibang parangal sa pag-awit hindi lamang sa kaniyang bansa kundi maging sa pang-internasyunal na
patimpalak. Isa na rito ang titulong “Voice of Asia” nang makamit niya ang Grand Prix Champion mula sa
Voice of Asia Singing Contest na ginanap sa Almaty, Kazakhstan.
Labing-anim na taong gulang siya nang pumasok sa larangan ng pag- awit. Dahil sa likas na talento sa pag-awit,
narating niya ang rurok ng tagumpay bilang multiple-platinum selling artists sa Malaysia.
Sinundan ito ng mga di-mabilang na pagkilala mula sa mga prestihiyosong gawad-parangal tulad ng MTV Asia,
Channel V, Anugerah Juara Lagu Malaysia.
Hindi lamang sa pag-awit nakilala si Sitti. Siya rin ay isang manunulat ng awit, record producer, presenter o
modelo at mangangalakal. Sa katunayan, siya ay nagmamay-ari ng produktong Ctea, isang tsaa sa Malaysia.
Mayroon din siyang sariling production company, Sitti Nurhaliza Production na nasa larangan ng entertainment.
Siya rin ay itinuturing na isa sa pinakamaimpluwensyang tao at pinakamayamang artista sa Malaysia.. Sa kabila
ng pagiging sikat at mayaman ay hindi nalilimutan ni Sitti Nurhaliza ang magkawanggawa. Nakikibahagi at
nakikiisa siya sa maraming gawaing-kawanggawa sa loob at labas ng Malaysia. Ito ay isa sa maganda
81
katangian. Marunong siyang tumulong sa kaniyang kapuwa bilang pagbabalik-biyaya sa kaniyang mga
tinatamasa.
Tunay na ipinagmamalaki si Sitti Nurhaliz ang kaniyang mga kababayan bilang Asyano na may sadyang husay
sa pagkanta at may natatanging kontribusyon sa larangan ng musika. Ang kaniyang magandang tinig at
mabuting kalooban bilang isang babaeng Muslim na mang-aawit ay isa lamang sa mga katangiang
nagugustuhan ng kaniyang mga tagatangkilik. Isang idolo na may ginintuang tinig at ginintuang puso ng Asya.
PAGSUSURI
GAWAIN 2
Pangkatang Gawain:
PAGLALAPAT
82
TANDAAN
Napatitingkad ang anumang akdang pampanitikan kapag wasto ang gamit ng mga salitang naglalarawan? Nakapaglalarawan tayo ng ti
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
1. Itala ang mga katangian ng taong nakaimpluwensiya sa iyo nang lubos. Ilista sa yong papel.
2. Bakit ito nakaimpluwensiya sa iyo?
TAKDANG-ARALIN
83
IKATLONG LINGGO - SESYON 4
Pangkatang gawain:
84
mong ang isa mong kaibigan ay binati ng
mga kaibigan dahil kaarawan niya sa
nasabing site. Upang maipadama mo rin sa
kaniya ang kahalagahan niya sa buhay mo
bilang kaibigan, ay gagawan mo siya ng isang
tulang mapaglarawan. Tutulain at irerekord
mo ito. Pagkatapos, i-upload mo kasama ng
iyong
komentaryo ang video ng iyong pagtula.
B. PAGLALAHAD Pagbabasa sa paksa:
PAGNINILAY-NILAY
85
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 3.4 Sesyon 4
TUKLASIN
Sa pagkakataong ito, sanay na sanay ka na sa paggawa ng tula. Inaasahan ang iyong taos-pusong pakikilahok at
pakikiisa sa mga gawain.
MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
Nagbukas ka ng iyong facebook. Nabasa mong ang isa mong kaibigan ay binati ng mga kaibigan dahil
kaarawan niya sa nasabing site. Upang maipadama mo rin sa kaniya ang kahalagahan niya sa buhay mo bilang
kaibigan, ay gagawan mo siya ng isang tulang mapaglarawan. Tutulain at irerekord mo ito. Pagkatapos, i-upload mo
kasama ng iyong komentaryo ang video ng iyong pagtula.
ALAM MO BA NA...
86
Ang mga gubat na hitik sa bunga,
Ipantawid-gutom sa kalam ng
bituka, At pati hayop sa dulong
kabila, Nabubusog din at
nagpapakasawa!
PAGSUSURI
GAWAIN 2
Pangkatang gawain:
Sumulat ng isang halimbawa ng tula tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng bansang Asya na may
sumusunod na pamantayan:
1. may makabuluhang paksa
2. may sukat
3. may tugma
4. may tatlo o apat na taludtod
Gawing sabayang pagbigkas ang tulang ginawa.
PAGLALAPAT
Magsaliksik ng tula na nasa bansang Asyano at suriin ang elemento nito.
87
TANDAAN
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Gumawa ng tula hinggil sa makabuluhang paksa at lapatan ng tono. Awitin o ipadinig ito sa klase.
TAKDANG-ARALIN
88
IKAAPAT NA LINGGO - SESYON 1
Aktiviti/Gawain
89
Anong mga salita ang maaari mong maihambing sa larawan?
Maihahalintulad mo ba ang nasa larawan sa isang modernong
babae? Bakit?
Paano naiiba ang nasa larawan sa isang tradisyunal na babae?
Gabay na Tanong.
1. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng babae noon at
ngayon?
2. Sino-sino sa kasalukuyan ang maihahalintulad mo sa
isang modernong babae? Tradiyunal na babae? Bakit?
90
Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong
panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako nabibilang sa
daigdig ng mga
Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae
na tumatanawsa malayong Kanluran.
Wala akong iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa ng
paraang malabanan ang mga lumang tradisyon namin.
At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang
ekspresyon ang sabihing miserable.
PAGNINILAY-NILAY
92
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 4.1 Sesyon 1
TUKLASIN
Taluntunin mo ang daan patungong Indonesia at pag-aralan ang ilan sa kanilang panitikan na
nagkaroon din ng malaking ambag sa sarili nating panitikan.
Ilalahad sa paksang ito ang isang sanaysay na tatalakay sa isang babaeng nagnais na kumawala sa
nakasanayang tradisyon ng kanilang lahi at mamuhay nang naaayon sa depinisyon niya ng modernong babae-malaya
at marunong humarap sa mga pananagutan (Panitikang Asyano 9 p. 51)
(http://www.sm24.ro/cel-mai-bine-si-cel-mai-prost-imbracate-vedete-de-la-mtv-vma-2013-galerie-foto/)
MOTIBASYUNAL NA TANONG
93
PAGSUSURI
GAWAIN 2: Gabay na Tanong
ALAM MO BA NA...
tulad ng ibang anyo ng panitikan, ang sanaysay ay may mga uri rin? Ito ay ang pormal at di-pormal.
Impersonal ang tawag sa ibang aklat sa sanaysay na pormal. Naghahatid ito ng mahahalagang kaalaman o
impormasyon, kaisipan na makaagham at lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga ideya. Maingat na pinipili ang
mga ginagamit na salita at maanyo ang pagkakasulat. Maaari ring maging pampanitikan ang pormal na uri ng
sanaysay. Maaari itong maging makahulugan, matalinhaga at matayutay. Ang tono ng pormal na sanaysay ay
seryoso at di nagbibiro.
Ang sanaysay na iyong babasahin ay tungkol sa isang babaeng nagnais na kumawala sa nakasanayang
tradisyon ng kanilang lahi at mamuhay nang naaayon sa depinisyon niya ng modernong babae-malaya at
marunong humarap sa mga pananagutan.
Upang mas lalo mo pang maunawaan ang nilalaman halina at basahin ang buod ng sanaysay.
Ibig na ibig kong makilala ng isang “babaeng moderno” iyong babaeng malaya, nakapagmamalaki’t
makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng
tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang kabutihan ng buong
sangkatauhan.
Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi
ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa
malayong kanluran.
Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob
ang sarili sa mga nagtratrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga
lumang tradisyong hindi maaaring suwayin. pagmamahal na inuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay,
mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong was akin ang puso ng mga
taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo?
Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-silang na Europe ay
nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may
pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito, isang
kahulugang hindi maaabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito para sa hangarin ang pagsasarili at kalayaan-
isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin
94
at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan.
Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng ilang
nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala ntio ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sukmibol
hanggang sa lumakas at sumigla.
Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo.
Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim na kapatid na lalki at babae.
Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong
kapanahunan niya. Siya rin ang kaunaunahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin
mula sa ibayong dagat-ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong European, at
halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa kanlurang minana sa kanilang ama;
at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan
ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, sng pinakamataas na institusyon ng
karunungang matatagpuan ditto sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalaki’y tatlong taon
na ngayong nag-aaral sa Netherlands at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala,
kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan n
gaming lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t
kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskwela. Ipinagbabawal n gaming kaugalian na
lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung sa
paaralan, at ang tanginglugar na pagtuturong maipagmamalaki ng syudad naming na bukas sa mga babae ay ang
libreng grammar school ng mga European.
Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay-kinailangang “ikahon”
ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-uganayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko
na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili
ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong banding huli, nalaman
kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin,
isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko;
nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makapal na pader, at hindi ko
nasilayan minsan man ang mundong nasa labas.
Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa aki’y
pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal.
Ito-ito lamang ang nagiisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis
pa sa akin ay lalo nang nagging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay
ko’t kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas-ang Diwa ng panahon; umalingawngaw sa lahat
ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalo’t matatag na balangkas ng mga lumang
tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya
lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin.
Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-anim na taon. Salamat sa Diyos!
Malalabasan ko ang aking kulungan nang Malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis
pang sumunod ang mga pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan.
Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina
ng Netherland), “opisyal” na inihandog sa amin ng mga magulang naming an gaming kalayaan. Sa kauna-
unahang pagkakataon sa aming buhay, pinyagan kaming umalis sa bayan naming at pumunta sa siyudad na
pinadarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakila tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga
kabataang babaeng tulang naming ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang “mundo”
nagging usap-usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala pang nakagagawa. Nagsaya an gaming mga kaibigang
European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan. LAgi,
ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makapamista, o malibang. Hindi iyon ang
dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo ng mag-isa, mag-aral,
hindia para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan.
95
Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang
magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa
kanyang pamilya.
At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga
ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at
hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang?
PAGSASANAY
GAWAIN 3
Paalala!
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.
Bahagi 1… Babasahin ng guro o mag-aaral ang sanaysay. Pagkatapos basahin ang bawat bahagi ay
1. itatanong ng sabihin
Anong ibig guro angngmga katanungan
“babaeng sa Gawain
moderno” 3. Maghahanda
na ibig makilala ang bawat
ng nagsasalita pangkat ng DRTA tsart
sa sanaysay?
2. para
Ano-anong mga gawain.
sa nasabing makalumang tradisyon ang hindi dapat suwayin ng isang prinsesang Javanese?
3. Paano sana niya maisasakatuparan ang kanyang mga nais kung sakaling siya ay maging malaya tulad ng mga
kanluranin?
Bahagi 2…
1. Sino ba ang prinsesang Javanese sa binasang sanaysay?
2. Ano ang mga nais ng prinsesa na gusto niyang mabago sa kaugaliang Javanese para sa kababaihan?
3. Ipaliwanag kung paano ginamit ang salitang “ikahon” sa sanaysay
Bahagi 3…
1. Bakit hindi lubos ang kasiyahang nadarama ng prinsesa pagkatapos niyang magkamit ng kalayaan?
2. Batay sa binasang akda, ano ang ibig sabihin ng sanaysay?
3. Ang binasang sanaysay ba ang pormal o di-pormal? Patunayan ang sagot.
PAGSASANAY
GAWAIN 4
Panuto: Ang ilan sa ibaba ay mga kaisipan na nakapaloob sa sanaysay. Mula rito, bumuo ng isang
pagsusuri sa mga ideya at opinyon sa binasang sanaysay sa pamamagitan ng pardon ng pag-iisip.
1. Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako
nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa
malayong Kanluran.
2. Wala akong iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon namin.
3. At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable.
96
1
I. Magbigay ng sariling ideya batay sa pahayag mula sa binasang sanaysay. Iugnay ito sa ideya ng iba. Suriin
ito.
Ideya mula sa sanaysay Sariling Ideya Ideya ng iba
Buong kasabikan kong
sinasalubong ang pagdating ng
bagong panahon; totoong sa
puso’t isip ko’y hindi ako
nabibilang sa daigdig ng mga
Indian, kundi sa piling ng aking
mga puting kapatid na babae na
tumatanaw sa malayong
kanluran.
TANDAAN
Sa panahon ngayon, kung ano ang karapatan ng kalalakihan ay karapatan din ng kababaihan. Kaya ang bawat isa sa atin ay malaya sa ka
97
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Panuto: Suriin ang sumusunod na mga ideya at magbigay ng sariling opinyon hinggil dito.
TAKDANG-ARALIN
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita sa ibaba. Gamitin ito sa sariling pangungusap.
bagong panahon
lumuwag ang tali
ikahon
Indian
imansipasyon
98
IKAAPAT NA LINGGO - SESYON 2
Gawain:
Paglinang ng Talasalitaan (Cabbage relay)
Bigyan ng higit sa isang kahulugan ang mga
nasalungguhitang salita sa pangungusap mula sa akda sa
pamamagitan ng cabbage relay.
1. Buong kasabikan kong sinalubong ang pagdating ng
bagong panahon.
2. Balang araw, maaaring lumuwag ang tali at kami’y
makalaya sa pagkakaalipin.
99
3. Kinakailangang ikahon ako, ikulong at pagbawalang
lumabas ng bahay.
4. Hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa
piling ng aking mga puting kapatid.
5. Kaytagal na inasam ang emansipasyon, ang paghihintay sa
pagpapahalaga o pagkakaligtas sa pagkaalipin na inasam.
100
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 4.2 Sesyon 2
TUKLASIN
Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro
ng may-akda. Ito ay may dalawang uri. Ang pormal o impersonal at impormal o personal na
sanaysay.
Natuklasan mo na sa unang araw ang malalim na pagtalakay sa kahulugan ng sanaysay at ang mga uri nito. Nabasa
mo na rin ang isang halimbawang sanaysay tungkol sa isang babaeng naghahangad ng kalayaan sa kanyang buhay.
Muli mong balikan ang iyong binasa upang subukin ang iyong naunawaan tungkol dito.
MOTIBASYUNAL NA TANONG
1. Ano ang pinag-uusapan sa binasang sanaysay?
2. Anong mensahe ang nais ipabatid nito?
3. Napansin mo ba ang mga sinalungguhitang salita o parirala sa akda? Basahin ang
mga ito.
4. Paano ba natin mas madaling maunawaan ang mga ito?
PAGSUSURI
GAWAIN 2: Gabay na Tanong
ALAM MO BA NA...
ang debate o pagtatalo ay tagisan ng dalawang grupo ukol sa kanilang pananaw o opinion sa isang paksa?
Ito rin ay isang uri ng pahigitan sa bawat kampo. Karamihan sa mga debate ay nagaganap sa pagitan ng mga
pulitiko dahil hindi sila nagkakasundo-sundo sa isang bagay.
101
Ayon kay Arrogante ang pagtatalo ay isang sining gantihan ng katwiran o makatuwid ng dalawa o higit
pang magkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersyal na paksa.
PAGSASANAY
GAWAIN 3
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.
PAGSASANAY
GAWAIN 4
Magtanghal ng debate batay sa paksa sa ibaba.
Paksa: Ang karapatan ng kalalakihan ay karapatan din ng kababaihan
Pamatayan:
Paksa o kaisipan: Pangangatwiran Pagpapahayag/Pagsasalita
10 Pagtuligsa
Tiwala sa sarili Kabuuan: 10
10
10
10
50
PAGLALAPAT
Ang bawat pangkat ang magsusulat ng reaksiyon, puna o komento batay sa natunghayang debate. Isulat ito bilang
isang suring papel.
TANDAAN
Mahalagang malaman na may mga salitang may higit sa isang kahulugan. Nangyayari ito depende sa kung papaano ginagamit ang mga s
piguratibong kahulugan.
Sa pagpapahayag naman ng sariling opinyon o kaisipan nararapat na maisaalang-alang ang paggalang sa opinyon ng ibang tao.
102
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Panuto: Iulat ang ginawang pagsusuri sa natunghayang debate.
TAKDANG-ARALIN
Alamin ang kahulugan ng sumusunod:
pang-ugnay
pangatnig
pang-angkop
pang-ukol
Magbigay ng mga halimbawa sa bawat isa.
103
IKAAPAT NA LINGGO - SESYON 3
Gabay na Tanong:
1. Ano ang pagkakaiba sa unang pangungusap at ang iyong
nabuong pangungusap gamit ang mga angkop na pang-
ugnay?
104
2. Bakit mahalaga ang angkop na mga pang-ugnay sa pagbuo
ng mga pangungusap?
B. PAGLALAHAD (20 minuto) Pagpapaliwanag sa mga pang-ugnay at kung paano ito
ginagamit sa pangungusap.
1. Pangatnig
2. Pang-angkop
3. Pang-ukol
C.PAGSASANAY Pag-ugnayin mo nga ang dalawang kaisipan upang makabuo
ng isang
pangungusap gamit ang mga pangatnig.
1. a. Balang araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y
pawalan.
b. Malayo pa ang panahong iyon.
2. a. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong
iwasan o putulinang mga ito.
b. May mga buklod na matibay pa sa alinmang
lumang tradisyonna pumipigil sa akin.
3. a. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara,
kusa ang iba,ang iba nama’y pilit at bahagya lamang.
b. Bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-
inanyayahang panauhin.
4. a. Wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang
sarili sa mga nagtratrabaho’t nagsisikap na bagong
kababaihan ng Europe
b. Pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking
bayan.
Opinyon ko !!!
E.PAGLALAHAT Tandaan!
Ang mga pang-ugnay ay makatutulong nang malaki sa
pag-oorganisa ng mga ideya sa pagsulat ng sanaysay.
Ang mga pangatnig, pang-ukol at pang-angkop ay
mga uri ng pang-ugnay na may malaking maiaambag sa
mahusay na paglalahad ng sariling pananaw, opinyon o
komento tiyakin lamang na naikokonsidera ang damdamin ng
105
iba sa pagpapahayag upang makaiwas sa anumang gulo at di-
pagkakaunawaan.
PAGNINILAY-NILAY
106
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 4.3 Sesyon 3
TUKLASIN
Ang pagsulat ay anumang pagpapahayag na gamit ang letra o titik. Sa pagpapahayag mo ng
iyong pananaw /opinyon sa mga bagay-bagay o pangyayaring nagaganap sa lipunan malaki ang
tungkulin ng pagsulat sa pagpapahayag mo ng iyong nararamdaman.
Sa araling ito, matutuklasan mo ang mahalagang gamit ng pagsulat at ang mga hakbang kung paano ito
isinasagawa.
MOTIBASYUNAL NA TANONG
PAGSUSURI
GAWAIN 2
Gabay na Tanong:
Ano ang mensaheng ipinabatid ng napanood na video clip?
ALAM MO BA NA...
ang pagsulat ay isang gawaing-uugat mula sa pagtatamo ng kasanayan (skill-getting) hanggang sa ang mga
kasanayang ito ang aktwal na magagamit (skill-using) Kontinyum - patuloy na pagbabago? (Rivers 1975)
Kahalagahan ng Pagsulat
1. Kung marunong tayo sumulat makaaangat tayo sa iba.
2. Makasasagot tayo sa mga pagsusulit tayo sa mga pagsusulitat pagsasanay.
3. Makapagbibigay ng ulat.
4. Makapagtatala ng resulta ng mga eksperimentasyon.
5. Makalilikha ng mga papel-pananaliksik.
107
7. Iuna ang pangngalan sa pang-uri.
8. Idugtong ang pang-angkop na na sa salitang sinusundan kapag nagwawakas ito sa patinig na N.
9. Iwasan ang pagsusunud-sunod ng higit sa dalawang salitang nagtatapos sa –ng.
10. Hindi na kailangan ang pantukoy na mga kapag ginagamit ang pangngalan bilang palasak.
PAGSASANAY
GAWAIN 3
Subuking buuin ang talata upang maipakita kung paano ito nabubuo sa tulong ng mga pang-ugnay.
Alam ba ninyo kung ano ang dapat taglayin ng isang kabataang Asyano? Taglay pa ba ng kabataang
Asyano ang mga ito? Ano ba talaga ang dapat taglayin ng kabataang Asyano?
Sa panahon ngayon, iilan na lang siguro sa kabataan_ Asyano ang nagtataglay ng mga dapat taglayin ng
isang kabataang Asyano. sa pagbabago ng kapaligiran naaapektuhan rin ang kabataang Asyano. Sila dapat
ang kabataang may paggalang sa nakatatanda, may paggalang sa kultura, matulungin at may pakialam sa mga tao
nakapaligid sa kanila. nga sa iilan,nagiging liberato na rin sa kasalukuyan ang kabataang Asyano marahil sa
pagkakaroon nila ng ugnayang global na nagiging impluwensya ang pagkakaroon ng iba’t ibang kultura, tradisyon
paniniwala at iba pa. Sa kabila ng pagkakaiba at pagbabago sa pag-uugali ng kabataang Asyano nararapat
panatilihin at pahalagahan ang mga katangiang positibo sa ikauunlad at ikatatamo ng kanilang mga pangarap sa
buhay.
Gabay na tanong:
1. Batay sa nabasang sanaysay, angkop ba ang mga pang-ugnay na ginamit? Patunayan.
2. Epektibo ba ang pagkalahad ng pananaw ng may-akda batay sa mga pang-ugnay na ginamit? Bakit?
PAGSASANAY
GAWAIN 4
Panuto: Sumulat ng sariling opinyon hinggil sa mga dapat at hindi dapat taglayin ng kabataang
Asyano. Dapat na masunod ang pamantayan sa pagsulat.
Pamantayan sa Pagsulat:
Nilalaman:10
Kaangkupan sa paggamit ng mga pang-ugnay:10
Maayos na pagka-organisa ng pananaw/opinyon:10
Kabuuan:30
*Paalala: Maaaring gumamit ang guro ng ibang pamantayan.
PAGLALAPAT
Panuto: Iulat mo sa harap ng klase ang naisulat na sariling opinyon hinggil sa mga dapat at hindi dapat taglayin ng
kabataang Asyano. Dapat na masunod mo ang pamantayan sa pag-uulat.
Pamantayan sa Pagsulat:
Nilalaman: 10
Kaangkupan sa paggamit ng mga pang-ugnay: 10
Maayos na pagka-organisa ng pananaw/opinyon: 10
Kabuuan: 30
*Paalala: Maaaring gumamit ang guro ng ibang pamantayan.
108
TANDAAN
Igalang ang damdamin ng iba. Isipin palagi na mahalaga man ang opinyon mo sa isang bagay, tiyaking hindi ka nakakasakit ng damd
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Isulat ang O kung ang pahayag ay isang opinyon at K naman kung ito ay katotohanan.
TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik sa internet ng mga dapat taglayin ng kabataang Asyano sa kasalukuyan. Magsulat ng hindi bababa sa lima.
109
IKAAPAT NA LINGGO - SESYON 4
110
hinggil sa mga dapat at hindi dapat taglayin ng kabataang
Asyano.
Dapat na masunod ang pamantayan sa pag-uulat.
Pamantayan sa Pag-ulat:
Nilalaman: 10
Paglalahad: 10
Maayos na pagka-organisa ng pananaw/opinyon: 10
Kabuuan: 30
*Paalala: Maaaring gumamit ang guro ng ibang
pamantayan.
PAGNINILAY-NILAY
111
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 4.4 Sesyon 4
TUKLASIN
Ang pagsulat ay anumang pagpapahayag na gamit ang letra o titik. Sa pagpapahayag mo ng iyong
pananaw /opinyon sa mga bagay-bagay o pangyayaring nagaganap sa lipunan malaki ang tungkulin
ng pagsulat sa pagpapahayag mo ng iyong nararamdaman.
Sa araling ito, matutuklasan mo ang mahalagang gamit ng pagsulat at ang mga hakbang kung paano ito
isinasagawa.
MOTIBASYUNAL NA TANONG
PAGSUSURI
GAWAIN 2
Gabay na Tanong:
1. Ano ang paksa ng napanood na video clip?
2. Gumamit ba sila ng mga tiyak na pang ugnay? Patunayan.
3. Ano ang mensaheng ipinabatid nito?
ALAM MO BA NA...
Alam mo ba na ang pagbibigay ng opinyon o reaksyon ay may mga bagay na dapat isa alang alang?
Ito ay makatutulong upang isipin muna ng isang tao ang kanyang sasabihin bago niya ito iparating sa iba. Sa
araling ito, matututuhan mo ang mga dapat isa alang alang sa pagbibigay opinyon.
112
PAGSASANAY
GAWAIN 3
Panuto: Magsulat ng sariling opinyon batay sa naibigang paksa. Gumamit ng mga tiyak na pang
ugnay sa pagsulat.
1. Child Labor
2. West Philippine Sea
3. War on Drugs
4. Libreng condoms sa mga mag-aaral sa high school.
PAGLALAPAT
Panuto: Iulat mo sa harap ng klase ang naisulat na sariling opinyon hinggil sa mga dapat at hindi dapat
taglayin ng kabataang Asyano.
Dapat na masunod mo ang pamantayan sa pag-uulat.
Pamantayan sa Pag-ulat:
Nilalaman: 10
Paglalahad: 10
Maayos na pagka-organisa ng pananaw/opinyon: 10
Kabuuan: 30
*Paalala: Maaaring gumamit ang guro ng ibang pamantayan.
TANDAAN
Nakalilibang ang pagsulat sapagkat dito mo naipapahayag ang iyong opinyon pananaw o nararamdaman hinggil sa isang paksa/sitwasyo
Ang pagkakaroon ng kaalaman sa kahalagahan at wastong hakbang sa pagsulat ay makatutulong para sa maayos at mahusay na pro
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
TAKDANG-ARALIN
Basahin mo ang dulang pinamagatang “Tiyo Simon.” Panitikang Asyano (pp. 61-67).
113
IKALIMANG LINGGO - SESYON 1
Gawain1
Panuto: Magbigay ng ilang katangian ng iyong
amain/tiyuhin na labis mong hinahangaan. Magsalaysay ng
ilang patunay.
Gawain 2
Bakit mo nasabi ang mga katangiang ito tungkol sa iyong
amain/tiyuhin?
Paano mo ba sila tutularan o di-tutularan?
B. PAGLALAHAD Pagpapabasa sa dula
Mga gabay na tanong:
114
Ano ang malaking impluwensya ng pangunahing tauhan
kay Boy? Patunayan
Bakit naisipan ni Tiyo Simon na sumama sa mag-ina sa
simbahan?
Bakit kailangang magkaroon ng matibay na pananalig sa
Diyos ang isang tao?
Dapat bang sisihin ng tao ang Diyos sa mga pagkakataong
dumaranas siya ng mga kabiguan sa buhay?
Pangatwiranan.
C.PAGSASANAY Gawain 1
Subuking magbigay ng sariling paghuhusga batay sa ilang
pahayag ng mga tauhan sa akdang binasa.
Pahayag ng mga piling Sariling Paghuhusga
tauhan
Tiyo Simon:
(mapapabuntong-
hininga)Hindi totoo Boy,
na hindi ako naniniwala
sa Diyos.
Boy: Bakit napilay po
kayo, Tiyo Simon? Totoo
ba ang sinabi ni Mama na
iya’y parusa ng Diyos?
Ina: Nakapagtataka! Ano
kayang nakain ng amain
mong iyon at naisipang
sumama ngayon sa atin?
Ngayon ko lamang siya
makikitang lalapit sa
Diyos.
Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang pangunahing kaisipan sa binasang
akda. Isulat ito sa loob ng kahon.
Pangunahing Kaisipan
D.PAGLALAPAT Gawain:
Magpakita ng isang maikling dula-dulaan tungkol sa
pagpapahalaga sa sarili bilang isang Asyano mula sa
pangunahing kaisipan sa binasang akda.
Pamantayan
Kaangkupan sa paksa: 10
Pagbibigay katauhan: 10
Pagkamalikhain: 10
Kabuuan: 30
E.PAGLALAHAT Tandaan: May mga dahilang nagbabago ang paniniwala
ng tao dahil sa galaw at pagbabago rin ng mundo.
Dumarating ang isang pambihirang pagkakataon o isang
bagay na hindi man inaasahan ay magpapabago sa ating
pananaw, pilosopiya, at paniniwala sa buhay.
IV. PAGTATAYA Panuto: Ibigay ang katangian ng mga piling tauhan sa
115
dula, magbigay ng sariling paghuhusga mula rito.
Tauhan Katangian Sariling
Paghuhusga
Simon
Boy
Ina
V.TAKDANG-ARALIN Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salita at gamitin sa
sariling pangungusap.
1. Pangingilin- pagsamba
2. Nakapagpa-Hesus-nabindisyunan
3. Sumakabilang buhay-namatay
4. Naulinigan- narinig
5. Mataos-matibay
TUGON
PAGNINILAY-NILAY
116
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 5.1 Sesyon 1
TUKLASIN
MOTIBASYUNAL NA TANONG
GAWAIN 1 1. May kilala ka bang mga taong may matibay na paninindigan sa kanyang prinsipyo
Panuto: Magbigay ng at paniniwala?
ilang katangian ng iyong amain/tiyuhin na labis mong hinahangaan. Magsalaysay ng ilang
patunay. 2. Ano ang masasabi mo sa mga taong ito? Bakit?
3. May posibilidad bang magbago ito? Sa paanong paraan?
PAGSUSURI
GAWAIN 2
Gabay na Tanong:
ALAM MO BA NA...
Alam mo ba na ang melodrama ay isang dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari? Maaaring ito’y
makaantig ng damdamin subalit nagwawakas ito nang masaya at kasiya-siya sa mabubuti at mababait na
tauhan sa dula.
117
Tiyo Simon
Dula – Pilipinas ni N.P.S. Toribio
Mga Tauhan:
Tiyo Simon - isang taong nasa katanghalian ang gulang, may kapansanan ang isang paa at may mga paniniwala
sa buhay na hindi maunawaan ng kaniyang hipag na relihiyosa
Ina – ina ni Boy
Boy – pamangkin ni Tiyo Simon. Pipituhing taong gulang
Oras – Umaga, halos hindi pa sumisikat ang araw.
Tagpo: Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang tokador na kinapapatungan ng mga langis at pomada sa
buhok, toniko, suklay at iba pang gamit sa pag-aayos. Sa itaas ng tokador,nakadikit sa dingding ang isang
malaking larawan ng Birheng nakalabas ang puso at may tarak itong punyal. Sa tabi ng nakabukas na bintana sa
gawing kanan ay ang katreng higaan ng bata. Sa kabuuan, ang silid ay larawan ng kariwasaan.
Sa pagtaas ng tabing, makikita si Boy na binibihisan ng kaniyang ina. Nakabakas sa mukha ng bata ang pagkainip
samantalang sinusuklay ang kaniyang buhok.
(Biglang uunat ang babae, saglit na sisipatin ang ayos ng anak, saka ngingiti.)
Ina: O, hayan, di nagmukha kang tao. Siya, diyan ka muna at ako naman ang magbibihis.
Boy: (Dadabog) Sabi ko, ayaw kong magsimba, e!
Ina: Ayaw mong magsimba! Hindi maa... Pagagalitin mo na naman ako, e! At ano’ng gagawin mo rito sa bahay
ngayong umagang ito ng pangiling-araw?
Boy: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ... si Tiyo Simon...
Ina: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang ... Patawarin ako ng Diyos.
Boy: Basta. Maiiwan po ako... (Ipapadyak ang paa) Makikipagkuwentuhan na lamang ako kay Tiyo Simon...
Ina: (Sa malakas na tinig) Makikipagkuwentuhan ka? At anong kuwento? Tungkol sa kalapastanganan sa banal
na pangalan ng Panginoon?
Boy: Hindi, Mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin...
Ina: A, husto ka na ... Husto na, bago ako magalit nang totohanan at humarap sa Panginoon ngayong araw na ito
nang may dumi sa kalooban
Boy: Pero...
Ina: Husto na sabi, e!
(Matitigil sa pagsagot si Boy. Makaririnig sila ng mga yabag na hindi pantay, palapit sa nakapinid na pinto ng
silid. Saglit na titigil ang yabag; pagkuwa’y makaririnig sila ng mahinang pagkatok sa pinto.)
Ina: (Paungol) Uh ... sino ‘yan?
Tiyo Simon: (Marahan ang tinig) Ako, hipag, naulinigan kong ...
(Padabog na tutunguhin ng babae ang pinto at bubuksan iyon. Mahahantad ang kaanyuan ni Tiyo Simon,
nakangiti ito.)
Tiyo Simon: Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila may itinututol si Boy ...
Boy: (Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito. Hindi ako sasama kay Mama.
Ina: (Paismid) Iyan ang itinututol ng pamangkin mo, Kuya. Hindi nga raw sasama sa simbahan ...
(Maiiling si Tiyo Simon, ngingiti at paika-ikang papasok sa loob. Hahawakan sa balikat si Boy.)
Tiyo Simon: Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto mo... kung gusto mong isama ako
ay maghintay kayo at ako’y magbibihis ... Magsisimba tayo.
(Mapapatingin nang maluwat si Boy sa kaniyang Tiyo Simon, ngunit hindi makakibo. Ang ina ay napamangha
rin. Tatalikod na si Tiyo Simon at lalabas. Maiiwang natitigilan ang dalawa. Pagkuwa’y babaling ang ina kay
Boy.)
Ina: Nakapagtataka! Ano kaya’ng nakain ng amain mong iyon at naisipang sumama ngayon sa atin? Ngayon ko
lamang siya makikitang lalapit sa Diyos ...
Boy: Kung sasama po si Tiyo, sasama rin ako ...
Ina: Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At kung hindi, e, hindi ka rin sasama. Pero,
mabuti rin iyon ... Mabuti, sapagkat hindi lamang ikaw ang maaakay ko sa wastong landas kundi ang kapatid na
iyon ng iyong ama na isa ring ...
(Mapapayuko ang babae, papahirin ang luhang sumungaw sa mga mata. Magmamalas lamang si Boy.)
Ina: (Mahina at waring sa sarili lamang). Namatay siyang hindi man lamang nakapagpa-Hesus. Kasi’y matigas
118
ang kalooban niya sa pagtalikod sa simbahan. Pareho silang magkapatid, sila ng iyong amain. Sana;y magbalik-
loob siya sa Diyos upang makatulong siya sa pagliligtas sa kaluluwa ng kaniyang kapatid na sumakabilang buhay
na ...
(Mananatiling nagmamasid lamang si Boy. Pagkuwa’y nakarinig sila ng hindi pantay na yabag, at ilang sandali
pa ay sumungaw na ang mukha ni Tiyo Simon sa pinto. Biglang papahirin ng babae ang kaniyang mukha,
pasasayahin ito, at saka tutunguhin ang pinto.)
Ina: Siyanga pala. Magbibihis din ako. Nakalimutan ko, kasi’y ... diyan muna kayo ni Boy, Kuya ...
(Lalabas ang babae at si Tiyo Simon ay papasok sa loob ng silid. Agad tutunguhin ang isang sopang naroroon,
pabuntung-hiningang uupo. Agad, naman siyang lalapitan ni Boy at ang bata ay titindig sa harapan niya.)
Tiyo Simon: (Maghihikab) Iba na ang tumatandang talaga. Madaling mangawit, mahina ang katawan at ...
(biglang matitigil nang mapansing ang tinitingnan ng bata ay ang kaniyang may kapansanang paa. Matatawa.)
Boy: Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo ba’ng sabi ni Mama na iya’y parusa ng Diyos? ...
Tiyo Simon: (Matatawa) Sinabi ba ng Mama mo ‘yon?
Boy: Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala sa Diyos. Hindi raw kasi ...
Tiyo Simon: (Mapapabuntong-hininga) Hindi totoo, Boy, na hindi ako na naniniwala sa Diyos ...
Boy: Pero ‘yon ang sabi ni Mama, Tiyo Simon. Hindi raw kasi kayo nangingilin kung araw ng pangilin. Bakit
hindi kayo nangingilin, Tiyo Simon?
Tiyo Simon: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay na hindi maipaaalam sa iba sa
pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay malalaman lamang sa sariling karanasan sa sariling pagkamulat
... ngunit kung anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa ang tiyak: malaki ang pananalig ko kay Bathala.
119
pagtunog, pagkuwa’y titigil. Muling magbubuntunghinga si Tiyo Simon.)
Tiyo Simon: Mula noon, ako’y nag-isip na, Boy. Hindi ko na makalimutan ang pangyayaring iyon. Inuwi ko
ang manika at iningatan, hindi inihiwalay sa aking katawan, bilang tagapaalalang lagi sa akin ng matibay at
mataos na pananalig ng isang batang hangggang sa oras ng kamatayan ay nakangiti pa. At aking tinandaan sa
isip: kailangan ng isang tao ang pananalig, kahit ano, pananalig, nang sa anong bagay, lalong mabuti kung
pananalig kay Bathala, kung may panimbulanan siya sa mga sandali ng kalungkutan, ng sakuna, ng mga
kasawian... upangmay makapitan siya kung siya’y iginugupo na ng mga hinanakit sa buhay.
(Mahabang katahimikan ang maghahari. Pagkuwa’y maririnig ang matuling yabag na papalapit. Susungaw ang
mukha ng ina ni Boy sa pinto.)
Ina: Tayo na, baka wala na tayong datnang misa. . Hinanap ko pa kasi ang aking dasalan kaya ako
natagalan. Tayo na, Boy...Kuya
Boy: (Paluksu-luksong tutunguhin ang pinto) Tayo na, Mama, kanina pa nga po tugtog nang tugtog ang
kampana,
PAGSASANAY
GAWAIN 3
PAGSASANAY
GAWAIN 4 Panuto: Subuking magbigay ng sariling paghuhusga batay sa ilang pahayag ng mga
tauhan sa akdang binasa.
A. Panuto: Tukuyin ang pangunahing kaisipan sa binasang akda. Isulat ito sa loob ng kahon.
Pangunahing Kaisipan
PAGLALAPAT
Panuto: Magpakita ng isang maikling dula-dulaan tungkol sa pagpapahalaga sa sarili bilang isang Asyano mula sa
pangunahing kaisipan sa binasang akda.
120
Pamantayan sa Pagsulat:
Nilalaman: 10
Kaangkupan sa paggamit ng mga pang-ugnay: 10
Maayos na pagka-organisa ng pananaw/opinyon: 10
Kabuuan: 30
*Paalala: Maaaring gumamit ang guro ng ibang pamantayan.
TANDAAN
May mga dahilang nagbabago ang paniniwala ng tao dahil sa galaw at pagbabago rin ng mundo. Dumarating ang isang pambihirang pag
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Panuto: Ibigay ang katangian ng mga piling tauhan sa dula, magbigay ng sariling paghuhusga mula
rito.
TAKDANG-ARALIN
121
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga
piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya
Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano
Kompetensi: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago
ang estruktura nito.
(F9PT-Ig-h-43)
Napahahalagahan ang napanood na dula sa pamamagitan ng
pagpili at pagpapaliwanag ng bahaging naibigan.
(F9PD-Ig-h-43)
LAYUNIN:
Kaalaman: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nagbabago
ang estruktura nito.
Saykomotor: Naitatanghal ang bahaging naibigan mula sa napanood na
dula sa pamamagitan ng masining na pagpapaliwanag.
Apektiv: Nakapipili mula sa napanood na dula ng mga pahayag na
nakatutulong sa pagpapahalaga sa sarili.
II. PAKSANG-ARALIN:
PAKSA Estruktura ng Salita
Pagpapanood ng Dula
SANGGUNIAN Panitikang Asyano 9
C.Kagamitang PAMPAGTUTURO: Sipi ng Dula
Power Point Presentation
Strips
III. PAMAMARAAN
A.PAGHAHANDA (15 minuto) Anong melodramang palabas sa telebisyon ang iyong
Pangmotibeysyunal na tanong: napanood? Magbahagi sa klase.
May pagkakahalintulad ba ito sa dulang iyong binasa
Aktiviti/Gawain kahapon? Magbigay ng paghahambing.
Mahalaga ba ang kaalaman sa pagpapakahulugan ng mga
salita batay sa pagbabago ng estruktura nito sa mga
diyalogo sa dula o sa mga napanood sa T.V.? Bakit?
Gawain
Paglinang ng Talasalitaan
Ibigay ang angkop na salita upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.
Biglang (papahirin, papahiran) ng babae ang kanyang
mukha.
(Pasisiyahin, Pasisiyahan) ko ang iyong malungkot na araw.
Binuksan ni Boy ang (pinto, pintuan) nang kumatok si Tiyo
Simon.
Sagutin mo!
Pansinin ang mga salitang nasa loob ng panaklong sa itaas.
Ibigay ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga salitang ito.
Maaari bang magbago ang kahulugan ng salita kapag may
pagbabago sa estruktura nito? Patunayan.
Sa pagsusuri ng dula at pagpapanood ng mga palabas,
mahalaga ba ang paggamit ng angkop na mga salita sa
pagpapahayag? Bakit?
B. PAGLALAHAD Alam mo ba na …
ang melodrama ay isang dulang nagtataglay ng malulungkot
na pangyayari? Maaaring ito’y makaantig ng damdamin
122
subalit nagwawakas ito nang masaya at kasiya-siya sa
mabubuti at mababait na tauhan sa dula.
Pamatayan sa Pagtatanghal
Pagbibigay katauhan: 10
Kaangkupan ng mga linyang napili: 10
Pagkamasining: 10
Kalinawan sa pagpapahayag: 10
Kabuuan: 40
Naibigang bahagi sa
napanood na palabas
Paliwanag:
E.PAGLALAHAT Tandaan:
Ang melodrama ay isa sa mga uri ng dula na nagsisimula
ang mga pangyayari sa malungkot subalit nagtatapos sa
masayang wakas.
May mga salitang nagbabago ang kahulugan batay sa
estruktura nito. Ang pag-aaral sa ponolohiya, morpolohiya
at sintaksis ay makatutulong para sa pagbabago ng
kahulugan ng mga ito.
123
IV. PAGTATAYA Panuto: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga
salita.
1. Aso
2. aSO
Ibigay kung anong pagpapahalaga ang maaaring mabuo sa
pahayag na ito.
PAGNINILAY-NILAY
124
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 5.2 Sesyon 2
TUKLASIN
Alamin mo ang mga salitang nagbabago ang kahulugan batay sa estruktura nito.
Sa araling ito, mapapanood mo ang isang melodramang palabas na kung saan ay gumagamit ng
angkop na mga salita upang maging malinaw ang mensahe at pagpapahalaga nito sa manonood o
mambabasa.
MOTIBASYUNAL NA TANONG
PAGSUSURI
GAWAIN 2
Gabay na Tanong:
1. Pansinin ang mga salitang nasa loob ng panaklong sa itaas. Ibigay ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga
salitang ito.
2. Maaari bang magbago ang kahulugan ng salita kapag may pagbabago sa estruktura nito? Patunayan.
3. Sa pagsusuri ng dula at pagpapanood ng mga palabas, mahalaga ba ang paggamit ng angkop na mga salita sa
pagpapahayag? Bakit?
GAWAIN 3
ALAM MO BA NA...
125
makaantig ng damdamin subalit nagwawakas ito nang masaya at kasiya-siya sa mabubuti at mababait na
tauhan sa dula.
Papapanood ng isang melodrama (dula) sa
youtube.com The Greatest Love: Love Untold | Full
Episode 2 https://www.youtube.com/watch?
PAGSASANAY
PAGSASANAY
GAWAIN 4
Panuto: Pumili mula sa napanood na palabas ng mga naibigang piling linya o diyalogo ng mga
nagsipaganap. Itanghal ito sa harap ng klase.
Pamatayan sa Pagtatanghal
Pagbibigay katauhan: 10
Kaangkupan ng mga linyang napili: Pagkamasining:
10
Kalinawan sa pagpapahayag: Kabuuan: 10
10
40
*Paalala: Maaaring gumamit ang guro ng ibang pamantayan.
PAGLALAPAT
Panuto: Isulat sa ibaba ang isa sa mga naibigang bahagi ng napanood na palabas at ipaliwanag ito sa masining na
paraan.
Paliwanag:
TANDAAN
Ang melodrama ay isa sa mga uri ng dula na nagsisimula ang mga pangyayari sa malungkot subalit nagtatapos sa masayang wakas.
May mga salitang nagbabago ang kahulugan batay sa estruktura nito. Ang pag-aaral sa ponolohiya, morpolohiya at sintaksis ay ma
ito.
PAGTATAYA
a. Aso
b. aSO
Panuto: Ihanda ang sarili para sa gawaing pagbigkas sa mga piling diyalogo sa dulang binasa.
1
IKALIMANG LINGGO - SESYON 3
Gawain1
Panuto: Bigkasin nang may damdamin ang sumusunod na
sikat na linya ng iilang lokal na artista sa Pilipinas.
1. Walang himala! Ang himala ay nasa kalooban ng
tao.
2. My brother is not a pig!
3. Akin lang ang asawa ko!
4. You’re nothing but a second rate trying hard copy
cat.
Gawain 2
Gabay na Tanong:
1. Alin sa mga linya sa itaas ang naibigan mo?
2. Bakit mo ito nasabi? Ipaliwanag ang sagot.
3. Makatotohanan ba ang mga ito? Suriin.
1
ilan sa mga makatotohanang pangyayari rito
Makatotohanang Pagsusuri
Pangyayari
E.PAGLALAHAT Tandaan!
1
V.TAKDANG-ARALIN A. Panuto: Alamin ang mga ekspresiyong
naglalahad ng katotohanan.
B. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod;
1. Sa totoo…
2. Talaga…
3. Tunay…
4. Napatunayan na…
TUGON
PAGNINILAY-NILAY
1
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 5.3 Sesyon 3
TUKLASIN
Ang mga linya sa dula na iyong nababasa at napakikinggan ay maaaring nangyari o
mangyayari sa tunay na buhay.
Sa araling ito, masusubok ang iyong galing at husay sa pag-arte, pagganap at pagsasabuhay
sa iilang diyalogo ng napiling tauhan sa binasang dula.
MOTIBASYUNAL NA TANONG
PAGSUSURI
GAWAIN 2: Gabay na Tanong
1. Alin sa mga linya sa itaas ang naibigan mo?
2. Bakit mo ito nasabi? Ipaliwanag ang sagot.
3. Makatotohanan ba ang mga ito? Suriin.
ALAM MO BA NA...
ang dulang iyong binasa tungkol kay Tiyo Simon ay nagtataglay rin ng mga makatotohanang pangyayari?
Muli mong balikan ang dula at subuking alamin ang ilan sa mga makatotohanang pangyayari rito.
1
PAGSASANAY
GAWAIN 3
Panuto: Tukuyin mula sa binasang dula ang mga makatotohanang pangyayari at gumawa ng isang
pagsusuri sa pagiging makatotohanan nito.
PAGSASANAY
GAWAIN 4
Panuto: Pumili mula sa binasang dula ng mga naibigang linya o diyalogo ng mga piling tauhan.
Bigkasin ito nang may paglalapat sa sariling katauhan.
PAGLALAPAT
Matapos mong mabasa at masuri ang akda,
a. Ano ang iyong nadama?
b. Ano ang binago nito sa iyong pag-uugali?
c. Bakit mo ibabahagi sa iba na basahin ito?
TANDAAN
May mga pangyayari sa mga akdang ating binabasa na naglalahad ng makatotohanan at hindi makatotohanang pangyayari. Ang mahalag
PAGTATAYA
1. Ina: (Mahina at waring sa sarili lamang). Namatay siyang hindi man lamang nakapagpa-
Hesus. Kasi’y matigas ang kalooban niya sa pagtalikod sa simbahan. Pareho silang magkapatid,
sila ng iyong amain. Sana;y magbalik-loob siya sa Diyos upang makatulong siya sa pagliligtas sa
kaluluwa ng kaniyang kapatid na sumakabilang buhay na ...
2. Tiyo Simon: Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, walang natuwang tao sa
akin, nawalan ako ng mga kaibigan, hanggang sa mapag-isa ako ... hanggang sa isang araw ay
nangyari sa akin ang isang sakunang nagpamulat sa aking paningin.
1
TAKDANG-ARALIN
1
IKALIMANG LINGGO - SESYON 4
Strips
III. PAMAMARAAN
1.
Alin sa mga pahayag ang makatotohanan o
hindi makatotohanan?
2. Paano mo nalaman na makatotohanan o hindi
ang isang pahayag?
B. PAGLALAHAD Alam mo ba na…
1
Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan
http://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-mga-
ekspresyong-nagpapahayag-ng-katotohanan-at-opinyon
C.PAGSASANAY Gawain3. Panuto: Kompletuhin ang mga sumusunod
upang mabuo ang diwa ng pahayag. Ipaliwanag ang
pagkamakatotohanan nito.
Pamantayan sa Pagsulat
Pagkamakatotohanan: 10
Kawastuhan sa pagbabaybay: 10
Pag-organisa ng mga pahayag: 10
Kabuuan: 30
D.PAGLALAPAT Gawain 4. Panuto: Iarte sa klase ang nabuong iskrip.
Pamantayan sa Pagganap
Pagkamakatotohan: 10
Kaangkupan : 10
Kahusayan: 10
Kabuuan: 30
E.PAGLALAHAT Tandaan!
1
pangyayari. Ang mahalaga ay marunong kang kumilatis kung
alin sa mga ito ang kapani-paniwala o hindi kapani-paniwala.
TUGON
PAGNINILAY-NILAY
1
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 5.4 Sesyon 4
TUKLASIN
Ang pagsasabi ng katotohanan ay kinalulugdan ng Poon. Ito ay sabi ng iilan.
Sa araling ito, matutuklasan mo ang mga ekspresiyong nagpapahayag ng katotohanan at kung paano
ito ginagamit sa pagpapahayag.
MOTIBASYUNAL NA TANONG
PAGSUSURI
GAWAIN 2: Gabay na Tanong
1. Alin sa mga pahayag ang makatotohanan o hindi makatotohanan?
2. Paano mo nalaman na makatotohanan o hindi ang isang pahayag?
ALAM MO BA NA...
Ang isang pahayag ay katotohanan kung ito’y may suportang datos, pag-aaral, pananaliksik at
suportang impormasyong napatunayang tama o mabisa para sa lahat.
Sa pagpapahayag ng katotohanan, kailangang maging tumpak at wasto ang mga pahayag, salita, at
gramatikang gagamitin sa pagpapapahayag.
1
PAGSASANAY
GAWAIN 3
Panuto: Kompletuhin ang mga sumusunod upang mabuo ang diwa ng pahayag. Ipaliwanag ang
pagkamakatotohanan nito.
PAGSASANAY
GAWAIN 4
Panuto: Sumulat ng isang maikling iskrip. Tiyaking magamit ang mga ekspresiyong nagpapahayag
ng pagkamakatotohanan.
Pamantayan sa Pagsulat
10
Pagkamakatotohanan: Kawastuhan sa pagbabaybay: Pag-organisa ng mga pahayag: Kabuuan:
10
10
30
*Paalala: Maaaring gumamit ang guro ng ibang pamantayan.
PAGLALAPAT
Panuto: Iarte sa klase ang nabuong iskrip.
TANDAAN
May mga pangyayari sa mga akdang ating binabasa na naglalahad ng makatotohanan at hindi makatotohanang pangyayari. Ang mahalag
PAGTATAYA
Panuto: Dugtungan mo ng makatotohanang ekspresiyon ang mga sumusunod.
1. sa Pilipinas gaganapin ang Miss Universe 2016.
2. mahuhusay ang mga atletang Pilipino.
1
TAKDANG-ARALIN
Panuto: Ihanda ang sarili para sa pangwakas na gawain.
1
IKAANIM NA LINGGO - SESYON 1
Gawain
Pagpapanood ng isang video clip galing sa You tube
Book Fair (https://www.youtube.com/watch?
v=lV1DqWElaVg)
1
1. Magkaisa ang buong klase kung ano ang magiging
tema ng isasagawang book fair. Halimbawa: “Panitikan
ng Timog-Silangang Asya: Isang Pagbabalik-tanaw, Isang
Paglalakbay.”
2. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Magpalabunutan
kung anong akdang pampanitikan ang itatanghal sa
book fair.
3. Kailangang maipakita sa isasagawang book fair
ang kultura, pagkakakilanlan at kaugnay na
kasaysayan ng bansang kinabibilangan ng akdang
napili upang mas makilala pa ng mga mambabasa ang
bansang ito.
4. Maaaring magdagdag ng iba pang saling akdang
pampanitikan sa Timog-Silangang Asya na isasama sa
book fair.
5. Bahagi ng isasagawang gawain ang pagkakaroon ng
visual presentation sa pamamagitan ng eksibit ng mga
larawan, detalye tungkol sa nilalaman ng akda,at mga
trivia at mahuhusay na output sa isinagawang mga
gawain sa mga akdang pinag-aralan.
6. Maging malikhain upang mahikayat ang mga
mambabasa na
tangkilikin ang akdang itinatampok. Maaaring langkapan
ng teknolohiya ang presentasiyon para sa book fair.
7. Magsagawa rin malikhaing pagkukuwento (story
telling), pagbigkas ng tula (poetry reading), tagisan ng
talino (quiz bee) o laro upang mahikayat pang lalo ang
mga mambabasa.
C.PAGSASANAY Paghahanda sa Isasagawang Book Fair
D.PAGLALAPAT Pagsasagawa ng book fair ng bawat pangkat
Pamantayan
a. Barayti ng mga babasahin- 30
b. Kaangkupan ng layunin-30
c. Kaayusan ng display-20
d. Hikayat sa madla-20
Kabuuan-100
E.PAGLALAHAT Ang natutuhan sa isinagawang book fair ay
.
IV. PAGTATAYA Alin sa mga akda sa Timog Silangang Asya ang iyong naibigan
pagkatapos dumalo sa book fair? Bakit?
V.TAKDANG-ARALIN Taluntunin mo naman ang mga akdang pampanitikan sa
Silangang Asya. Kilalanin mo ang kanilang kultura, paniniwala
at tradisyon.
1
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 6.1 Sesyon 1
TUKLASIN
Ang book fair ay isang uri ng eksibit ng iba’t ibang aklat upang makahikayat ng mga taong
may interes sa pagbabasa.
MOTIBASYUNAL NA TANONG
PAGSUSURI
GAWAIN 2: Gabay na Tanong.
ALAM MO BA NA...
1. Magkaisa ang buong klase kung ano ang magiging tema ng isasagawang book fair.
Halimbawa: “Panitikan ng Timog-Silangang Asya: Isang Pagbabalik-tanaw, Isang
Paglalakbay.”
2. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Magpalabunutan kung anong akdang pampanitikan ang itatanghal
sa book fair.
4. Maaaring magdagdag ng iba pang saling akdang pampanitikan sa Timog-Silangang Asya na isasama
sa book fair.
1
mga larawan, detalye tungkol sa nilalaman ng akda,at mga trivia at mahuhusay na output sa isinagawang
mga gawain sa mga akdang pinag-aralan.
6. Maging malikhain upang mahikayat ang mga mambabasa na tangkilikin ang akdang
itinatampok. Maaaring langkapan ng teknolohiya ang presentasiyon para sa book fair.
7. Magsagawa rin malikhaing pagkukuwento (story telling), pagbigkas ng tula (poetry reading), tagisan
ng talino (quiz bee) o laro upang mahikayat pang lalo ang mga mambabasa.
PAGSASANAY
GAWAIN 3
Panuto: Maghanda ka na sa pagsasagawa ng isang book fair.
PAGSASANAY
GAWAIN 4
Panuto: Simulan mo na ang pagtatanghal ng book fair. Gamiting gabay ang pamantayan sa ibaba.
Pamantayan
a. Barayti ng mga babasahin- 30
b. Kaangkupan ng layunin-30
c. Kaayusan ng display-20
d. Hikayat sa madla-
20 Kabuuan-100
PAGLALAPAT
PAGTATAYA
Alin sa mga akda sa Timog Silangang Asya ang iyong naibigan pagkatapos dumalo sa book fair?
TANDAAN
Ang book fair ay nakahihikayat sa mga mambabasa na tuklasin at alamin ang kultura, tradisyon, at paniniwala ng iba’t ibang bansa sa pa
Bakit?
TAKDANG-ARALIN
Ihanda mo ang iyong sarili sa pangalawang araw na pagdaos ng book fair.
1
IKAANIM NA LINGGO - SESYON 2
1
Gabay na Tanong.
1. Batay sa iyong ginawang paghahambing, ano ang
pagkalahatang pagkakatulad ng mga akdang pampanitikan sa
Timog- Silangang Asya batay sa;
a. Kultura
b. Tradisyon
c. paniniwala
Leyenda:
5- pinakanagustuhan
4- nagustuhan
3- katamtamang nagustuhan
2-hindi-gaanong nagustuhan
1-hindi nagustuhan
C.PAGSASANAY Gawain
Panuto: Gumawa ng isang sarbey batay sa mga napag-aralang
akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.
*Gamitin mo ang sarbey kwestyoneyr na iyong natalakay sa
kahon sa itaas.
Gawain
Iranggo mo iba’t ibang akdang pampanitikan
sa Timog-Silangang Asya at gumawa ka ng maikling
interpretasyon
1
iyong nagustuhan?
2. Alin sa mga babasahin ng Timog-Silangang Aysa ang
hindi mo gaano nagustuhan?
Bakit ganoon ang naging resulta ng sarbey na iyong ginawa?
E.PAGLALAHAT Kumpletuhin ang sumusunod;
Natutuhan ko sa buong modyul na
Natuklasan ko na
Masasabi ko na
IV. PAGTATAYA Tatasahin ang iyong husay sa pagbabahagi ng naging resulta sa
sarbey batay sa sumusunod na pamantayan;
Pamantayan
Kaangkupan 20
Pagkakaorganisa ng mga ideya 20
Pagkamalikhain 10
Kabuuan 50
V.TAKDANG-ARALIN Ihanda mo ang iyong sarili sa ikatlong araw ng pagdaos ng
book fair.
TUGON
PAGNINILAY-NILAY
1
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 6.2 Sesyon 2
TUKLASIN
Mahusay mong naisagawa ang lahat na kinakailangang gawain sa buong markahan.
Patunay ito na naunawaan mo ang kabuuan n gating aralin. Iminumungkahi kong muli mong balikan
ang lahat ng mga akdang pampanitikan ng Timog- Silangang
Asya sapagkat magiging mapanghamon ang susunod na gawaing inihanda ko para sa iyo. Susubukin ko kung
papaano mo gagamitin ang mga natutuhan mo sa paggawa ng pangwakas na gawaing ihahanda ko. Paghusayan
mong lalo ang pagganap sa gagawin mong proyekto.
MOTIBASYUNAL NA TANONG
1. Kumusta ba ang naging paglalakbay ninyo sa Timog-Silangang Asya mula sa
mga akdang inyong nabasa at napakinggan?
2. Ano-ano ang natutunuhan mo sa bawat akdang binasa?
3. May pagkakatulad ba sa kultura at tradisyon ang mga bansa sa Timog Silangang
Asya? Ipaliwanag.
GAWAIN 1
Panuto: Paghahambingin mo ang napakinggang pasalitang panghihikayat gamit ang Venn Diagram.
VENN DIAGRAM
PAGSUSURI
GAWAIN 2: Gabay na Tanong.
1
c. paniniwala
ALAM MO BA NA...
Ang paggawa
Akdang ng sarbeysaay
Pampanitikan naglalayong malaman
Timog- 5 ang resulta
4 ng isang3pag-aaral o 2isang pagsusuri.
1
Silangang Asya
Sa gawaing ito, inaasahan na makapagsagawa ka ng sarbey batay sa mga natalakay na mga aralin sa
unang markahan naZeehandelaar
Kay Estella may kaugnayan sa akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.
Tingnan
Tiyo Simonmo ang sarbey kwestyoneyr na ito bilang isang gabay .
Ang Ama
Leyend 5- pinakanagustuhan
4- nagustuhan
PAGSASANAY
3- katamtamang
GAWAIN 3: Isarbey mo!
nagustuhan 2-hindi-
Panuto: Gumawa ng isang sarbey batay sa mga napag-aralang akdang pampanitikan ng Timog-
1-hindi
Silangang Asya.
1
PAGSASANAY
GAWAIN 4: Iranggo Mo!
Iranggo mo iba’t ibang akdang pampanitikan sa Timog-Silangang Asya at gumawa ka ng
maikling interpretasyon
PAGLALAPAT
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.
TANDAAN
Iba-iba ang kultura, paniniwala at tradisyon ng bawat bansa. Ito ay masasalamin natin sa mga akdang pampanitikan mula rito.
PAGTATAYA
Tatasahin ang iyong husay sa pagbabahagi ng naging resulta sa sarbey batay sa sumusunod na
pamantayan;
TAKDANG-ARALIN
Ihanda mo ang iyong sarili sa ikatlong araw ng pagdaos ng book fair.
1
IKAANIM NA LINGGO - SESYON 3
Gawain
Panuto: Itala ang mga mahihirap na salita sa mga
nabasang akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.
Gawing gabay ang nasa ibaba.
1
PAMAGAT NG AKDA MGA MAHIHIRAP NA
SALITA
Gabay na Tanong.
1. Ano ang kahulugan ng mga mahihirap na salita
na nailista mo sa bawat akdang pampanitikan sa
Timog-Silangang Asya?
2. Bakit kailangang malaman ang kahulugan ng
mga mahihirap na mga salita?
C.PAGSASANAY Gawain
Panuto: Pumasok sa silid na kung saan ginagawa ang book fair.
Isagawa mo na ang pasalitang pagtatanghal habang nakikinig
ang iyong mga kaklase.
*Gamitin mo ang pamantayan na iyong natalakay sa kahon
sa itaas.
Gawain
Panuto:Sumulat ng isang pagsusuri batay sa napakinggang
pasalitang pagpapahayag.
Pamantayan:
Kaangkupan- 10
Pagkakaorganisa ng ideya- 10
1
Nilalaman- 10
Kabuuan- 30
E.PAGLALAHAT
Dugtungan ang sumusunod:
Ang pasalitang pagtatanghal ay nakatutulong upang
PAGNINILAY-NILAY
1
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 6.3 Sesyon 3
TUKLASIN
Ang aklat ay susing tagapagbukas sa pintuan ng karunungan at kaalaman. Ayon kay Alan
Boyko, “ The more kids read, the better readers they become…” Mahalaga ang pagkahilig sa
pagbabasa at mabuti itong masimulan sa murang gulang pa lamang. Ito ang kailangan mo upang
hindi ka maiwan sa takbo ng panahon lalo na ngayon na maraming bagong kaalaman ang natutuklasan.
MOTIBASYUNAL NA TANONG
1. Naging maganda ba ang pagdaos ng ikaapat na araw ng book fair?
2. Ano-ano ba ang mahahalagang natutuhan mo sa gawaing ito?
GAWAI
3. Nakaeengganyo ba ito sa iyo para magbasa pa ng iba’t ibang akda at mga babasahin?
Sa paanong paraan?
Panuto: Itala ang mga mahihirap na salita sa mga nabasang akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.
Gawing gabay ang nasa ibaba.
PAGSUSURI
GAWAIN 2: Bigyang Kahulogan Mo!
Gabay na Tanong.
1. Ano ang kahulugan ng mga mahihirap na salita na nailista mo sa bawat akdang pampanitikan
sa Timog-Silangang Asya?
2. Bakit kailangang malaman ang kahulugan ng mga mahihirap na mga salita?
ALAM MO BA NA...
Ang book fair ay isang paraan upang makaengganyo ng mga tao na mahilig at hindi mahilig magbasa na
mahikayat pang lalong maibigan ang pagbabasa?
Panoorin mong muli ang pasalitang pagpapahayag na ginagawa ng mga piling mag-aaral sa isang
book fair. Ito ang pangalawang araw kaya inaasahang makikinig ka sa lahat ng iyong makukuhang kaalaman
lalo na kung paano ginagawa ang pasalitang pagpapahayag.
1
Narito ang pamantayan na gagamitin sa pagtatanghal.
Pamantayan sa pagganap
PAGSASANAY
GAWAIN 3: Itanghal mo!
Panuto: Pumasok sa silid na kung saan ginagawa ang book fair. Isagawa mo na ang pasalitang
pagtatanghal habang nakikinig ang iyong mga kaklase.
*Gamitin mo ang pamantayan na iyong natalakay sa kahon sa itaas.
PAGSASANAY
GAWAIN 4: Suriin Mo!
PAGLALAPAT
Panuto: Itanghal ang ginawang pagsusuri.
Pamantayan
Pagpapahayag 10
Pagkamalikhain 10
Kalidad ng boses 10
Kabuuan 30
TANDAAN
Ang pasalitang pagpapahayag ay isang pagbigkas na isinasaayos upang maiparating ang mensahe sa pamamgitan ng paglalahad, pangan
PAGTATAYA
Tatasahin ang iyong husay sa pagbabahagi ng naging resulta ng pagsusuri.
1
TAKDANG-ARALIN
Ihanda mo ang iyong sarili sa huling araw na pagdaos ng book fair.
1
IKAANIM NA LINGGO - SESYON 4
1
B. PAGLALAHAD Alam mo ba na…
Ang pagsusuri sa mga akdang pampanitikan ay
makatutulong sa malalim na pag-unawa sa mga mga bisang
pampanitikan gaya ng bisa sa isip, bisa sa damdamin at bisa sa
kaasalan? Magiging madali rin para sa iyo ang paggawa ng iskrip
sa isasagawang malikhaing panghihikayat at pasalitang pagsusuri.
Gawain
Panuto: Pumasok sa silid na kung saan ginagawa ang book fair.
Isagawa mo na ang pasalitang pagtatanghal habang nakikinig ang
iyong mga kaklase.
*Gamitin mo ang pamantayan na iyong natalakay sa kahon sa
itaas.
C.PAGSASANAY I. Sumulat ng isang pagsusuri sa alinman sa mga akdang
pampanitikan ng Timog-Silangang Asya batay sa.
a. Bisa sa isip
b. Bisang pangkaasalan
c. Bisang pandamdamin
II. Magsulat ng iskrip sa alinman sa naibigang akda sa
Timog-Silangang Asya
Pamantayan:
Kaangkupan- 10
Pagkakaorganisa ng ideya- 10
Nilalaman- 10
Kabuuan- 30
D.PAGLALAPAT Panuto: Itanghal sa pamamagitang malikhaing panghihikayat
ang nabuong iskrip
Pamantayan sa pagganap
1
PAGNINILAY-NILAY
1
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 6.4 Sesyon 4
TUKLASIN
Ang book fair ay isang uri ng eksibit ng iba’t ibang aklat upang makahikayat ng mga taong
may interes sa pagbabasa.
MOTIBASYUNAL NA TANONG
GAWAIN 1: Itala Mo!
Panuto: Bumuo ng1.obserbasyon batay sa
Naging masaya bapagsasagawa
ang ikatlong ng book
araw ng fair.
isinagawang book fair? Bakit?
MgaAlin
2. Paghahanda
ba sa mga akda ang iyong naibigan? Obserbasyon
Silid na ginamit 3. Ano-ano ang magagandang karanasan na maaari mong ibahagi sa klase?
Kaayusan ng mga aklat
Kabuuan
PAGSUSURI
GAWAIN 2: Suriin Mo!
Gabay na Tanong.
ALAM MO BA
Ang pagsusuri sa mga akdang pampanitikan ay makatutulong sa malalim na pag-unawa sa mga mga bisang pampanitikan gaya ng bisa
Narito ang pamantayang gagamitin
1
Pumasok sa silid kung saan ginagawa ang book fair. Isagawa mo na ang pasalitang pagtatanghal habang nakikinig
ang iyong mga kaklase.
PAGSASANAY
GAWAIN 3: Isulat mo!
I. Sumulat ng isang pagsusuri sa alinman sa mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya batay sa.
a. Bisa sa isip
b. Bisang pangkaasalan
c. Bisang pandamdamin
II. Magsulat ng iskrip sa alinman sa naibigang akda sa Timog-Silangang Asya
Pamantayan:
Kaangkupan- 10
Pagkakaorganisa ng ideya- 10
Nilalaman- 10
Kabuuan- 30
PAGSASANAY
GAWAIN 4: Itanghal Mo!
Pamantayan sa pagganap
TANDAAN
Sa pamamagitan ng malikhaing panghihikayat, nakaeengganyo ka sa iba na pahalagahan ang pagbabasa lalong-lalo na ang pagpapahalag
PAGTATAYA
Tatasahin ang iyong husay sa pagtatanghal sa malikhaing panghihikayat batay sa pamantayan sa
itaas..
TAKDANG-ARALIN
Taluntunin mo naman ang mga akdang pampanitikan ng Silangang Asya. Kilalanin mo ang kanilang
kultura, paniniwala at tradisyon.