You are on page 1of 10

Ang Pormal na

Sanaysay
•Ang pormal o maanyong
sanaysay ay isang akdang
akademiko o propesyonal na
isinulat upang magbatid,
magbigay-impormasyon, magturo
o manghikayat.
Mga Halimbawa:
1.Mga teksto sa mga tesis
2.Disertasyon
3.Ibang materyal panturo
4.Iba pang saliksik-papel
5. Mga teksto sa mga desisyon ng
hukuman
6. Panukalang Negosyo
7. Deskripsiyon sa museo
8. Coffee table book
1. Paksa
• Seryoso ang pagtrato sa paksa ng isang pormal
na sanaysay. Dahil dito, karaniwan na sa isang
pormal na sanaysay ang magkaroon ng
paksang akademiko o propesyonal. Hindi tulad
ng impormal na sanaysay na karaniwang
personal ang paksa.
• Ang paksa ng isang pormal na sanaysay ay
iyong tumutugon sa pangangailangang
intelektwal. Dahil dito, nangangailangan ng
maingat na pananaliksik ang may akda dahil
hindi lamang impormasyong manggagaling sa
kaniya ang ibabahagi niya sa teksto kundi
dapat ibinatay sa mga mapagkakatiwalaang
sanggunian.
2. Estruktura
• Gaya ng karaniwang sanaysay, may pamagat,
panimula, katawan, at kongkulusyon ang
isang pormal na sanaysay dahil maaari itong
mahati sa mga kabanata na may kaniya-
kaniyang tuon o pokus depende sa
komplikasyon n paksang tinatalakay.
• Ang talataan ay nagtataglay ng tesis o
pahayag na nagbibigay ng pangunahing
kaisipan o pinakamahalagang kaalaman.
Sinusundan ito ng mga suportang
pangungusap na magpapalawak dito. Maaari
ding magtampok sa teksto ng mga argumento
o mga pangunahing puntong ipinaglalaban.
3. Paraan ng Pagsulat
•Obhetibo ang paraan ng pagkakasulat
ng isang pormal na sanaysay.
•Seryoso ang tono nito at may distansiya
sa mga mambabasa.
• Paktuwal ang pagkakalahad ng mga impormasyon.
Hindi tulad sa impormal na sanaysay na may
kalayaan sa pagsulat ang may-akda, maaaring
tumaliwas sa estandardisadong gamit ng wika o
gumamit ng mga salitang bulgar.
• Sa pormal na sanaysay ay maingat sa paggamit ng
wika. Gumagamit ito ng wikang akademiko o
propesyonal at sumusunod sa mga tuntuning
panggramatika.

You might also like