You are on page 1of 10

Alamat ng Anay

Noong unang panahon, may isang batang nag ngangalang


Ranay ang nakatira sa bayan ng Sto. Cristo sa may norte.
Bagamat mahirap ang kanyang mga magulang ay alaga sya sa
masasarap na pagkain. Nag-iisang anak sya ng kanyang ama't
ina. Mahal na mahal si Ranay ng kanyang mga magulang. Halos
gawin syang prinsesa ng mga ito at ayaw pagawain sa bahay.
Sustentado syang mabuti sa pagkain. Lumaki si Ranay na ang
trabaho ay kumain ng kumain. Payat na payat na ang kanyang
mga magulang upang matustusan lamang ang pangangailangan
nya. Kahit ano ay masarap sa panlasa nya. Dumating and hindi
inaasahan ni Ranay. Magkasabay na namatay sa aksidente ang
kanyang mga magulang. Dahil ang alam lang ay kumain, di alam
ni Ranay ang gagawin upang mabuhay. Hindi nagtagal ay
namayat sya at namatay. Matagal ng patay ang batang si Ranay
ng mapansin ng dating kapitbahay ang pagbagsak ng kanilang
bahay. Nang tignan nila, may nakita silang insektong kumakain
ng kahoy. Naalala nila si Ranay. Marahil ito si Ranay. Tinawag
nilang Ranay ang maliit na insekto at di nagtagal ay naging
"Anay".
Alamat Ng Baguio: Ang mina ng Ginto
Noong unang panahon, may isang lugar sa Baguio na kung
tawagin ay Suyuk. Naninirahan dito ang mga igorot at isa na dito si
Kunto. Bata pa lamang si Kunto ay nakitaan na ng kakaibang lakas
at tapang. Kaya't ito ay napiling tagapamuno ng Suyuk. Ang mga
naninirahan sa Suyuk ay namumuhay ng tahimik at taon-taon ay
nagdaraos ng cañao bilang pasasalamat sa mga anito. Kung
magdaos sila ng cañao ay nagpapatay sila ng baboy at iniaalay sa
bathala. Isang araw ay nagpunta si Kunto sa kagubatan upang
mamana. Di pa sya nakakalayo ay may nakita siyang isang uwak at
nakatayo ito mismo sa patutunguhan nya. Lumakad si Kunto
papalapit sa ibon ngunit ito ay hindi gumagalaw. Nang malapit na si
Kunto ay bigla syang napatigil sapagkat ito ay tumango sa kanya ng
tatlong beses. Bagamat matapang ay nakaramdam din si Kunto ng
takot. Hindi na tumuloy si Kunto sa pamamana at isinangguni na
lang nito sa mga nakakatanda ang nakita nyang uwak at ang ikinilos
nito. "Marahil ang ibong iyon ay ang ating bathala at ipinapaalala
na dapat tayong magdiwang ng cañao" saad ng matanda. "Kung
ganoon ay magdiwang na tayo ng cañao" saad naman ng isa. Nang
ang lahat ay nakahanda na ay humuli sila ng isang baboy na iaalay
sa bathala. Inilagay nila ito sa altar na ginawa nila sa taas ng
kabundukan. Ngunit anong himala ng biglang ang baboy ay nag
anyong tao. Nagulat ang lahat ng magsalita ito. "Wag kayong
matakot, dahil kayo'y mabubuti ay gagantimpalaan ko kayo basta't
sundin nyo lamang ang aking sasabihin. Kumuha kayo ng isang
tasang kanin at ilagay sa aking tabi. Pagkatapos ay takluban ninyo
ako ng malaking palayok. Ipagpatuloy nyo ang cañao at pagkalipas
ng tatlong araw ay bumalik kayo dito" saad ng misteryosong
matanda. Ginawa naman ng mga taga nayon ang bilin ng matanda.
Saad pa ng matanda ay makakakita ang mga taga nayon ng isang
puno na di pa nila nakikita. Ang bunga, dahon at sanga daw nito ay
maari nilang kuhanin ngunit wag lamang gagalawin ang katawan.
Pagkalipas ng tatlong araw ay bumalik ang mga taga nayon. Totoo
ang sinabi ng matanda sapagkat naroon ang maliit na puno sa ilalim
ng palayok na itinaklob ng mga taga nayon. Pumitas si Kunto ng
isang gintong dahon at maya maya lamang ay napalitan agad ito ng
panibagong dahon. Natuwa ang lahat at isa isa silang kumuha. Sa
loob ng napakaiksing panahon ay yumaman ang mga taga Suyuk.
Ngunit hindi nawala ang inggitan. Nang tumagal ay namalayan na
lamang nila na ang puno ay napakataas na at di na maabot ang mga
dahon at bunga."Kay taas na ng puno at di na natin maabot ang
dahon at bunga, mabuti pa ay putulin na natin ito" saad ng isa.
Tinaga ng tinaga ng mga taga nayon ang puno at ito naman ay
nabuwal. Nayanig ang lupa at nakarinig ang mga taga nayon ng
isang tinig. "Kayo ay nabigyan ng gantimpala ng kabutihan ngunit sa
halip na mag ibigan ay inggit at pag-iimbot ang naghari sa inyong
mga puso" saad ng misteryosong tinig. At pagkatapos marinig ang
tinig ay nilamon ng lupa ang mga taga nayon. Mula nga noon,
nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio. Makakakuha ka lamang
nito sa paghukay ng lupa.
Alamat Ng Mangga
Noong araw ang mga punong mangga ni mang Isko ay halos
magkakapareho lamang ang laki. Ang tawag sa mga ito ay puhutan.
Napakatamis kapag nahinog at gustong gusto ng mga bata. Isang araw may
isang dalagang dumaan sa manggahan ni mang Isko. Nagkusa si mang Isko
na bigyan ito. Agad natuwa ang binibini. Sa katuwaan nito ay agad nitong
itinanim ang buto sa paanan ng bundok at sa may hangganan ng bukid. Agad
na tumubo ang dalawang buto sa paanan ng bundok at sa bukid. Balak
sanang putulin ni mang isko ang mga punong ito ngunit tila may nagbulong
na... "HUWAG PO! HUWAG MO AKONG PATAYIN" Nanghinayang si mang
Isko kaya't minabuti nyang hayaan na lamang ito. Malaking pakinabang ang
mga puno lalo na sa mga magsasaka at sa kalabaw na madalas sumilong sa
may bukid. Ang madalas na pag silong ng kalabaw sa punong mangga at
nagbigay daan para pag uusap nila ng madalas. At dahil dito nagkaroon ng
pag kakaintindihan ang kalabaw at ang punong nasa bukid. Samantala
nagkaroon din ng kagustuhan ang punong mangga na nasa paanan ng
bundok sa magsasakang laging may dalang "Piko". Lumipas ang mga araw at
ang dalawang punong mangga ay namulaklak at namunga. Nang bumalik si
mang Isko ay lubhang nagtaka ito, ang dalawang puno na nakatanim ng
magkahiwalay ay may magkaibang laki. Muli at nagbalik ang dalaga at
sinabing... "Sapagkat ang malalaking mangga ay bunga ng pagkakaunawan ni
kalabaw at pahutan, ito ay tatawaging manggang kalabaw. Bagamat
magkawangis ang kabilang puno, ito ay may kakaibang sukat sapagkat ito'y
ipinaglihi sa piko at tatawagin itong manggang piko" "Binibini paano mo
nasabi ang bagay na yan?" "Sapagkat ako ang diwata ng mga prutas"
nakangiting sabi at kalaunay naglaho ang dalaga. Ang sinabi ng diwata ay
paulit ulit na ikinuwento ni mang Isko sa mga namimili ng mangga. At ayan
ang alamat ng manggang kalabaw at manggang piko.
KATITIKAN NG PULONG
GENERAL ASSEMBLY MEETING SA MABABANG PAARALAN NG
SANTO TOMAS ELEMENTARY SCHOOL
ORAS: 8:30-11:30
LOKASYON: Rm.3 Bldg.1 santo tomas elementary school

Mga Dumalo
PANGALAN ORAS
1 Corazon cruz 7:55 AM
2 julio dela cruz 7:57 AM
3 crisanto delpilar 8:00 AM
4 margarita lucacia 8:04 AM
5 lucas cezar 8:05 AM
6 danilo Santiago 8:08 AM
7 jessa moran 8:15 AM
8 glaiza villamayor 8:18 AM
9 julie Garcia 8:20 AM
10 rubie Malaya 8:24 AM
11 jonash consolacion 8:29 AM
12 arnel Salvador 8:34 AM
13 francisco obligasyon 8:37 AM
14 marnil Bustamante 8:43 AM
15 philip Salvador 8:50 AM
PAGHAHANDA PARA SA DARATING NA FIESTA
NG BARANGAY SAN PEDRO

ORAS SA PAGPUPULONG: ( 8:00 AM – 12:00 PM)


LOKASYON: OPISINA NG BARANGAY

MGA DUMALO:

Hon. Francis Unique


Punong Baranay
Hon. Cardo Ken
Hon. Nora D. Onor
Hon. Karl A. Pangilinan
Hon. Pepito D. Nanalo
Hon. Maria T. Leonora
Hon. Evangelyn Quinto
Hon. Orlando Sandulan

Tagalihim: Thara Ingay


Taga ingat yaman: Jeff Jerome I. Niwan
PAGHAHANDA PARA SA DARATING NA FIESTA
NG BARANGAY SAN ROQUE

ORAS SA PAGPUPULONG: ( 8:00 AM – 12:00 PM)


LOKASYON: OPISINA NG BARANGAY

MGA DUMALO:
Hon. Dave Solasola
Punong Baranay
Hon. Korina Del Pillar
Hon. Velma Dela Cruz
Hon. Joselito Pomoy
Hon. Roberto Bilanglakad
Hon. Mario Temborer
Hon. Margarita Mercedes
Hon. Balsamar Porya

Tagalihim: Ericah Bulgar


Taga ingat yaman: Abrilito Anselmo Gastador
KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG
PANANALIKSIK

ABSTRAK 1
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at
mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang
ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental,
pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik
ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng
nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga
respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa
“convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay
tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na
labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa
Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay
walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik
kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng
unang panganganak at kapag igrinupo sa
pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang
kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean
score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa
estadong marital.
KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA
IKA-APAT NA TAON
ABSTRAK 2
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng
mga mag-aaral sa ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan
ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang
antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining
pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating
impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing
limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita
ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing
pasalitang pagkukuwento at talumpating impromptu,ekstomperenyo.
Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa
pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang
diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha
ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa
impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang
pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang
kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa
pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga
mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit
sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating
impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa
kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.
ANG PAGLAGANAP NG NASYONALISMO SA BANSANG
PILIPINAS

ABSTRAK 3
Sabay nang paglaganap ng nasyonalismo at pagbubuo ng
pambansang identidad ay isang nabuong kilusang naglalayon ng
indihenisasyon o “Pilipinisasyon” ng agham panlipunan sa ating
bansa. Sa pananaw ng kilusang ito; ang karamihan ng mga
mananaliksik ng lipunang Pilipino ay gumagamit ng mga
konsepto at metodo ng pagsusuri na kadalasan ay batay sa mga
itinuro ng mga espesialista mula sa kanluraning daigdig. Sa
palagay ng mga indihenista, higit na mabisa at angkop ang
siyentipikong pananaliksik kung ang gagamiting pamamaraan
ng pagsusuri ay galing sa katutubong karanasan ng komunidad
na sinisiyasat. Sa pamamaraang ito ay higit na matatamo ang
malalim na pag-unawa sa Pilipino, sa kanyang kamalayan at
pagkatao, sa kanyang kaugalian at mga elementong
nagpapalakad ng kanyang lipunan. Binibigyang kabuluhan ng
bagong kaisipang ito ang indihenisasyon sa kasalukuyang
pagsisikap tungo sa pambansang kaunlaran.

You might also like