You are on page 1of 11

Pamagat: Ang Alamat Ni “Teniente Gimo”

Isinulat Ni: Giovanni Pido “Ang Manlalakbay Na Manunulat”

Layunin ng may Akda: Kwentong Misteryo, Aswang at Hiwaga

PANIMULA: marami na ang pagkakasalin-salin ng kwento ng buhay ni “Teniente Gimo” sa katunayan


nailathala ito sa peryodiko noong 1970’s, nailimbag sa komiks noong 1980’s, ginawan ng drama sa radyo
noong 1980’s hanggag 90’s nagkaroon ng pelikula noong 1990’s at taong 2000 at ngayong kasalukuyan
ay ginawan din ng paksa sa youtube na hango sa malawak nilang pagsaliksik at pag-iisip. nagkaroon ng
iba’t ibang bersyon na nagpataas sa mga kilay ng mga mambabasa, taga-pakinig ,at manonood at ang
akdang ito ay hango sa masusing pagbubulay-bulay at pagsasaliksik ng mga pangyayari at pinag-aralan
ng mahabang panahon para malinaw na maibahagi ang alamat ni teniente gimo sa mga masugid nating
mambabasa at ipaabot sa inyong lahat ang alamat ng istorya ni TENIENTE GIMO .

…Circa 1940’s hanggang circa 1960’s sa isang maliit na poblacion sa lungsod ng dueñas sa lalawigan ng
ilo-ilo sa isla ng panay ay lumaganap sa lugar na ito ang mga katawan na wala nang mga lamang loob.
ang iba naman ay wala nang mga puso at labas ang mga atay at bituka at tila ba’y piniga ang katawan
dahil wala naring mga dugo. lumaganap ang balitang ito pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig
(1945-1950). at naging bantog ito sa ga barrio ng san isidro, balangigan, bagongbong, buenavista, batuan
poblacion A at sa barrio ng ponong grande. isa ito sa mga kasuklam-suklam, kahindik-hindik at
karimarimarim na nailathala sa kasaysayan ng Pilipinas ang lumaganap ang mga bangkay na wala ng mga
bituka, atay, puso at dugo na siyang nagpasindak sa kanluranin ng kabisayaan hanggang sa umabot sa
gitnang kabisayaan at kalaunan ay umalingaw-ngaw ito sa timog katagalugan hanggang sa nakarating ito
sa malalayong mga pulo ng mindanao…

…sino nga ba ang nasa likod ng mga karumal-dumal na krimen na ito?!?! ayon sa mga taga barrio doon.
ito ay kagagawan ng isang prominenting tao at magiting na sundalong boluntaryo noong panahon ng
pananakop ng amerikano’t hapon. at dahil sa kagitingan ng pamilyang ito sa pakikipaglaban mula pa sa
kanyang ama at ama ng kanyang ama ay lumawak ang mga tagasunod nito at hanggang sa lumawak din
ang kanilang sinasakupan hanggang sa lumawak narin ang lupain nila sa parte ng dueñas sa lalawigan ng
ilo-ilo. nagkaroon ito ng daan-daang taga sunod kaya noong pumanaw ang ama nito ay naiwan kay
tiniente gimo ang batong mutya o batong buhay na siyang nagbibigay ng kakaibang lakas sa pagkatao
nito. at naiwan din ang malawak na lupaing minana nito sa kanyang mga ninuno at ang iilang bahagi nito
ay ibinigay pa niya sa kanyang mga taga sunod at ang ibang lupain naman ay ginawang malawak na
sementeryo sa parte ng dueñas sa ilo-ilo…

… si Guillermo Guillerán Lamputi Langreo Gavira Labang o Guillermo Lamputi Labang o tanyag sa
pangalang “Tiniente Gimo” ay isang magaling na “kapitan del barrio” sa kanilang lugar at siya mismo ang
namumuno na lutasin ang mga suliranin sa kanilang baryong sinasakopan dahil dumanas ito ng
matinding “torture” sa kamay ng mga amerikano noong bata pa kung kaya’t malupit ito sa mga katabing
mga barangay lalo na sa mga dayuhang amerikano pero sobrang busilak naman ang puso nito sa
kanyang barangay na sinasakopan. dahil nga noon ay naging boluntaryo ito sa panahon ng pananakop ng
amerikano’t hapon sa ating bansa kung kaya’t kinontra niya ang pagtuturo ng wikang english dito sa
ating bansa at hindi lamang si tiniente gimo ang komontra sa wikang mga banyaga. dyan din sila
graciano lopez jaena at marcelo del pilar (noong panahon ng kastila) na iilan lamang na ayaw sa mga
banyagang pananalita o hiram na wika …

…taong 1945 katatapos lamang ng ikalawang digmaang pandaigdig kaya’t nagdiwang ang bawat Pilipino
at sinamantala naman ni teniente gimo ang malayang panliligaw sa mga kadalagahang Filipina at ginamit
nito ang kanyang birtud sa kanyang panliigaw at di naglaon ay naging bantog o kilalang babaero si
teniente gimo sa lungsod ng dueñas noong kabinataan niya na dumadayo pa ito sa iba’t ibang barrio
para manligaw at nagkaroon ito ng maraming karibal at noong panahong iyun may mga kalalakihang
nababalitaan nalang na wakwak ang sikmura at wala ng puso at wala naring dugo. dahil sa kulang ang
ebedinsya nabaon na lamang sa limot ang mga pangyayaring iyun magpasa-hanggang ngayon. at dito na
nagsimula na lumaganap ang alamat ni teniente gimo at kalaunan nagkaroon ito ng dalawang asawang
may lahing babaylan na syang nagpalakas sa batong mutyang minana nito sa kanyang ninuno. at naging
mabuting haligi ng tahanan ito nang ipinanganak ang magandang batang babaeng si Ela…

…si ela ang kaisa-isang babaeng anak ni teniente gimo at nagbago ito buhat ng ipinanganak si ela hindi
na ito ang dating babaerong lalaki. bagkos isang masipag na magsasaka at kapitan del barrio sa isang
barangay dito sa dueñas at hinahangaan ang mga nagawa nito sa kanyang sinasakupan at ang malaking
impluwensyang iyun ay ang "anghel ng tahanan" nasi ela. pero lingid sa kaalaman ng lahat may sariling
dyos-dyosan itong si teniente gimo na kung tawagin ay “Apo Impo” at dito niya ginugugol ang kanyang
sarili lalo na sa tuwing araw ng anihan at marami ang mga taga sunod nito na sumusunod din sa kanyang
paniniwala at mabilis na lumipas ang mga taon naging dalaga na si ela at malapit nang makapag tapos sa
kolehiyo at titser ang kursong kinuha nito sa isang tanyag na paaralan sa syudad ng ilo-ilo at siya’y
naging ka-klase ko at ito ang aking kwento…

…”tawagin nyu na lamang ako sa pangalang Tricia at si Ela naman ay matalik kong kaibigan at ka-klase ko
rin sya mula first year hanggang fourth year college dito sa isang tanyag na unibersidad dito sa syudad
ng ilo-ilo na ginawa pa noong taong 1905. parehong titser ang kursong kinukuha namin. sadyang tahimik
ang personalidad ni Ela na parang bang “di makabasag pinggan” kung kumilos at tipid lamang ito kung
ngumiti. maganda si Ela, mabait at matalino kaya siya ang palaging “kaututang dila” at “kahiramang
suklay” ko sa aming silid aralan. maliban pa doon piling-pili lamang ang kanyang mga kaibigan at isa na
ako doon. sa katunayan maraming mga kalalakihang nagkakagusto sa kanya pero hindi niya ito
pinapansin bagkos ay hinahayaan lamang niya. minsan pa’y naitanong ko sa kanya kung kailan susuko
ang pihikan niyang puso. tanging isang ngiti at kibit balikat lamang ang iginanti niya sa tanong ko…
…nababanaag ko sa magandang mukha ni Ela ang lungkot nababasa ko dito ang pagka-inip sa kanyang
mga mata na tila ba may mga katanungan doon na siya lamang ang makakasagot at naisasalarawan
doon ang kanyang ka-inosentehan at ang pagiging isang natural na dalagang Filipina. mabilis na lumipas
ang panahon buwan ng septiembre noon at niyaya ako ni ela sa kanilang fiestahan sa dueñas na
tinatawag nilang “pesta ng anihan” wala naman sa isip kong mabanggit ito sa isang ka-klase naming
lalaki na si Rey na taga dueñas din at ang sabi nito “wag kang sumama sa baryong iyun tricia, baryo ng
mga aswang yun” agad naman akong nagulantang at natigilan sa sinabi ni Rey at kinagabihan ay hindi
ako nakatulog sa kakaisip sa linyang binitawan ni Rey. “totoo kaya ang sinabi niya?!?!, totoo kayang may
aswang” tanong ko sa sarili ko at tanong ko narin sa kawalan. kinaumagahan maaga kong nasalubong si
ela at ang matatamis na mga ngiti nito. di ko maiwasang di mapuri si ela dahil sa taglay nitong angking
ganda at nasabi ko na lamang ang katagang “sana kasing ganda mo ako ela” wika ko sa kanya at sumagot
naman ito na “ikaw nga ang maganda kasi kumikinang ka sa soot mong hikaw at kwentas” at sabay
kaming nagka tawanan…

…isang umaga habang kumakain ako sa silid kainan ng aming paaralan at habang nagsusulat sa aking
talaarawan ay agad naman akong nilapitan ni Rey at pina-alalahanan akong muli na huwag na akong
pumunta sa baryo ng mga aswang. pero dahil sa kuryusidad ay buo ang loob kong puntahan ang barrio
nila Ela sa dueñas sa malayong parte ng syudad ng ilo-ilo sa isla ng panay. agad kong sinabi kay Rey na
“tatlong araw lang ako kanila Ela at kapag hindi ako nakabalik sa ika-apat na araw puntahan mo ako sa
lugar na ito sa dueñas sa ika-limang araw” wika ko kay Rey habang inaabot ang kapirasong papel at naka
saad doon ang eksaktong lugar kung saan ako patungo. pagkaalis ay tumango lamang ito at hindi na
lumingon pa at maya-maya pa’y dumating naman si Ela at gaya ng dati’y maamong mga ngiti ang
sumalubong sa akin mula sa kanya. at kung nasa makabagong panahon tayo ngayon ay hindi nalalayo
ang hitsura niya kay marian rivera. at naupo ito sa tabi ko at walang naka naka’y tinanong niya ako kung
may karanasan na raw ba ako. noong una ay hindi ko pa naunawaan pero naitanong kong muli kung ano
ang ibig nitong sabihin. kaya doon ko na naintindihan na karanasan pala sa pakikipagtalik ang ibig nitong
sabihin at agad ko namang sinagot na “hindi pa” at ang tanong na iyon ay siyang nagbibigay ng mga
katanungan sa sulok ng aking isipan…

…araw ng paklalakbay namin sa lugar nila ela sakay sa maka lumang army type na bus mula sa syudad ng
ilo-ilo papuntang dueñas. napansin ko agad ang magagandang taniman ng palay dito may mga kulay
berde at meron din mga kulay dilaw may mga luntian na mga pananim at meron namang mga lantang
pananim. pagdating namin sa pinaka bayan ng dueñas ay malayo layo pa ang sitio nila ela at sumakay
kami ng “carozza” (ang tawag sa kalisa na hinihila ng kalabaw gamit ang malapad na kawayan) pagkasabi
palang ni ela sa kanilang sitio ay agad na tumanggi ang mamang naka sakay sa kalabaw at doon na akong
magsimulang magtaka at tinanong ko kung bakit at walang ligoy akong sinagot na “hindi nyu ba alam na
ang baryong iyan ay barrio ng mga aswang at walang nangangahas na pumasok sa lugar na iyan” saad
nito. “totoong may aswang sa barrio namin pero mababait ang mga ito” wika ni Ela na naka ngiti pa ng
bukal sa kanyang kalooban at galing sa busilak nitong puso…
…”doon na lamang kayo sumakay sa mga carozzang malapit sa baryong iyon” wika ng mamang
nababanaag parin ang takot sa kanyang mga mata. at agad kaming sumakay ni ela doon at pagkalipas ng
mga dalawang oras magda-dapit hapon na ng makarating kami sa barrio nila ela at pagbaba namin sa
carozza agad nagsabi ang binatang lalaki na “mag ingat kayo sa lugar na ito kasi marami nang mga taong
nawawala sa lugar na ito” lumilipad naman ang isipan ko habang naka tingin sa binatang lalaking sakay
ng kalabaw at wala na sa pang-unawa ko ang sinasabi ng binatang lalaki. dahil sa sigawan at palakpakan
ng mga taga roon ang namayani sa buong paligid dahil siguro sa pagbabalik ni ela at o di kaya’y dahil
narin siguro sa dala dala nitong panauhin o sadyang maingay lang talaga sila sa kanilang fiesta…

…habang naghihiyawan ang mga taga roon tamang tama naman na itinatayo ng mga kalalakihan na taga
roon ang mataas na kawayang may nakasulat na “pesta ng anihan” at hindi naka ligtas sa aking pandinig
ang sinabi ng isang matandang babae na “siya na ba ela?” at narinig ko din ang sabi pa ng dalawang
lalaki na halos sabay nilang binigkas ang salitang “matagal kana naming hinihintay” napa kono’t noo ako
dahil ang ibig sabihin pala nito nabangit na ako ni ela sa kanila. at sa bukana na papasok sa kanilang
munting sitio ay namangha ako sa mga nagagandahang mga bahay sa itaas ng mga malalaking punong
kahoy na gawa lamang sa kawayan at pawid o nipa. at kapansin-pansin din ang mga lubid na ginagamit
para makapag akyat sa matataas na kubo na naka tirik sa mga sanga at katawan ng mga punong kahoy
at sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay nagulat ako sa mga bandiritas na nakasabit sa itaas ng kanilang
barrio may mga putol na kamay, balat ng tao, kinatay na baboy, mga duguang damit ng tao, mga pugot
na ulo ng kalabaw, pugot na ulo ng kambing at mga damit ng mga militar na natuyo sa dugo. biglang
lumakas ang tibok ng puso ko sa mga di pangkaraniwang tanawing iyon…

…sa takot ko ay napisil ko ang kamay ni ela at agad naman itong tumugon ng pisil din at lumingon ito sa
akin at ngumiti at sabay sabing “mga malikhain talaga ang mga tao dito tricia kaya wag kanang matakot
at magtaka” pag pasok namin sa bahay nila ela naamoy ko agad ang amoy tuyong dugo na para bang
malansa ang paligid at napukaw ang atensyon ko sa isang malaking rebulto na naka tayo sa harapan
mismo ng pintuan nila ela na ang ulo nito ay ulo ng isang kalabaw at ang katawan nito ay may malaking
suso na parang sa babae at sa ibaba naman may malaking ari ng isang lalaki at naitanong ko kung anong
klaseng dyos ito. sumagot naman si ela na “yan ang kinikilalang dyos namin dito ang tawag namin diyan
ay “Apo-Impo” ang kahulugan ng ulo nyan ay masaganang ani ang dibdib naman ay masaganang gatas at
ang ari naman nito ay simbolo ng pagpaparami ng aming mga lahi, ang lahi ng mga aswang.”
nagulantang ako sa pagkasabi ni ela nun sa akin pero ang sabi niya wag daw akong mag alala dahil
walang gagalaw sa akin hangga’t kasama ko sya at mataas ang respeto ng mga taga roon sa kanya at
hinding hindi daw ako mapapahamak…

…habang kumakain ng hapunan, napapansin ko ang mga taga roon ay sumisilip sa amin ni ela pero hindi
ako nagpapahalata at kapansin pansin din ang mga kabataang gumagapang na parang aso na tila ba’y
may inaamoy pero parang pusa naman kung kumilos dahan dahan na tila ba’y laging nagmamasid sa
paligid. at pagsilip ko sa bintana napansin ko rin na may mga mata sa mga makakapal na mga dahon ng
punong caimito at may mga naka dapang nilalang na animo’y tigre sa mga sanga ng punong narra.
napansin din ito ni ela kaya nasabi nya nalang na ”wag mo silang pansinin ganyan talaga sila kasi ngayon
lang sila naka kita ng taong galing sa syudad kaya kung ako sayo ubusin mo na lamang iyang tinolang
manok na hinanda nila para sayo” ani ela sa akin. “at maaga tayong matutulog ngayon kasi nga bukas
ang dating nila amang at inang ipapakilala kita sa kanila at pupunta tayo sa magaganda at malilinis na
batis dito sa lugar namin” dagdag pa nito ng naka ngiti at sinarado na ni ela ang lahat ng bintana bago
kami matulog…

…unang gabi kanila ela humiga kami mga dakong alas syete y medya ng gabi pero ayaw akong dapuan ng
antok. naka pikit lamang ang mga mata ko pero hindi ako maka tulog dahil siguro sa mga iyak ng mga
pusa at sa mga alolong ng mga aso na nag mumula sa malalayong lugar at napamulat ang mata ko ng
may marinig akong isang malakas na tili ng babae. agad namn akong lumingon kay ela at tulog na tulog
naman ito. at sinilip ko ang aking relo ala una y medya ng madaling araw at patuloy na lamang akong
nagmasid sa kapaligiran gamit ang aking pandinig habang naka pikit. pero parang binibiro ako ng aking
pandinig na tila bang “umi-echoe” sa tainga ko ang mga alolong at mga sigaw na
iyon…”awoooooooooooohhh….awooooohhh…awoohhhh”….”aaaahhhhhhh …..”eeeehhhhhhh” ang
tanging namamayaning tunog sa loob ng isipan ko at sa pandinig ng tainga ko. para bang nag-aawagan
nag imahenasyon at katotohanan sa dulo ng aking balintataw at kunti nalang ay mawawalan na ako ng
ulirat. hanggang sa nakatulugan ko na lamang ang mga pangyayaring iyon.kinabukasan pumasyal kami
sa nagagandahang mga ilog, sapa, lawa at batis sa lugar nila ela. namangha ako sa taglay nitong ganda
na ang buong akala ko’y sa larawan lamang ito makikita. nasambit ko na lamang kay ela na ”bukas
pupunta ulit tayo dito ha” agad naman itong tumango at ngumiti at ang sabi nya “lahat ng batis,ilog,
sapa at lawa bukas pupuntahan natin at dapat mas maaga pa tayo kisa kanina. at mukha yatang napuyat
ka kagabi ah” saad nito at napa tango na lamang ako kay ela…

…pagdating namin sa bahay nila ela tamang tama naka abang na doon ang amang ni ela na si tiniente
gimo at ang kanyang inang. matikas ang hitsura ni teniente gimo sa unang tingin ay mapagkakamalan
mo siyang isang militar. seryoso ito kung tumingin at mababanaag ang pagka-strikto sa kanyang
personalidad hindi nito makuhang ngumiti taliwas naman sa anak niyang si ela na palaging naka ngiti. At
ang inang naman nito ay kaugali ni ela na tipid kung ngumiti at magsalita sa unang pagkikita pero sa
kalaunan ay makwento na. maya maya pa’y may dumating na mga panauhin at lahat sila ay lumingon sa
akin at ang iba naman ay naka titig sa akin at narinig ko pa ang sinabi ng isang ginang na “siya naba?” sa
narinig ko ay agad na tumayo ang aking balahibo sa leeg at sa batok. at nakita ko ang ulo ni teniente
gimo na amang ni ela na tumango-tango na nag papahiwatig ng pagsang ayon nito habang naka tingin sa
isang ginang at kinagabihan kakaibang musika ang mga naririnig ko mga tunog ng banjo, kulintang,
kudyapi, agong at harmonica at sumilip ako sa bintana at mula sa ikalawang palapag ay nakita ko doon
ang mga taong nagsasayawan. kakaibang mga sayaw na hindi mo makikita sa kahit na anong klaseng
fiestahan…

…mga sayaw na animo’y sinapian ng masasamang espirito at magkasing tulad ang sayaw nila sa mga
tribong “tatarin” na para bang may sanib ng ibang elemento ang klase ng pagsasayaw nito habang
pinapaliguan ng dugo ang kanilang anito na si ”Apo-Impo” hinahawakan ng maraming mga kamay ang
ulo,dibdib at ari nito ng mga kababaihan na tila ba’y uhaw na uhaw sa pakikipag talik at lumuluwa na
ang mga dibdib ng mga kababaihan na animo’y pinapasubo ito sa ulo ng isang kalabaw na ulo ng
kanilang dyos-dyosan na si “Apo-Impo” at tumayo narin si ela at sumabay sa kanilang pagsasayaw at
dahandahan niyang ibinaba ang saplot nito pang itaas nagulat ako ng tumambad sa akin sa unang
pagkakataon ang kahubaran ni ela walang wala sa isip ko na gagawin niya ito. napaka ganda ng katawan
ni ela na para bang inukit ng isang eskultor ang kurbada ng balakang at dibdib niya namangha din ako sa
mala rosas na parang ubas niyang korona sa dibdib na isang maswerteng nilalang lamang ang maka-kita
nito habang ang lahat ng mga kalalakihan ay nakatanaw sa isang magandang tanawin ay sya naman ang
liyad ni ela at ang mga babaeng mga kasamahan nito tuloy-tuloy lamag sa pag indak nila sa retmo ng
musikang nabibigay halusinasyon sa mga kababaihan dito sa kanilang baryo…

…at ang di ko inaasahang pangyayari ay nang hilahin ako ni ela papunta sa kanila at parang wala ako sa
sarili ko habang hinuhubad ni ela ang pang itaas kong saplot at wala pang naka hawak sa dibdib ko kahit
na sino at hinawakan iyon ni ela sa unang pagkakataon habang ibinubuhos ang isang napaka bangong
langis sa aking dibdib napa-kislot ang buo kong katawan dahil sa sensasyon na taglay nito napaliyad
narin ako na parang wala narin ako sa aking sarili napaliyad na kami ni ela habang sumasayaw at
sumasabay sa magandang retmo ng kanilang musika na tunay talagang likha ng isang sining. ngayon
lamang ako naka rinig ng ganitong musika pero para bang ayaw ko nang tigilan ang pag-iindak at
pagsasayaw kasabay ng kanilang kakaibang tugtuging iyun. halos magdamag kaming lahat sumayaw at
pagod na pagod ang lahat ng kababaihang lumahok sa sayawang iyon. nakatulog kami ni ela ng walang
saplot pang itaas sa bulwagang iyon. at kinabukasan ay maaga kaming naligo sa isang malinis at napaka
gandang lawa at batis. doon namin nilinis ang aming katawan. walang hiya-hiyang inalis namin ni ela ang
aming mga saplot at buong araw kaming naligo alam naming may mga matang nakatingin sa amin pero
di na namin iyon alintana…

…habang nagbibihis nasabi ni ela sa akin sa pabulong na paraan na “naalala mo paba sila madelaine,
rachelle, at christy ?”. “Oo naalala ko sila” sabi ko kay ela. “kailan mo silang huling nakita?” tanong nito
sa akin. at ang sabi ko ay “si madelaine ay nakaraang taon lang, si rachelle naman ay noong nakaraan
pang isang taon at si Christy naman ay noong first year college pa tayo at lahat sila ay nawawala at hindi
parin nakikita magpasa-hanggang ngayon” sabi ko kay ela. “tama! at lahat sila ay inalay namin kay “Apo-
Impo” bawat taon at ang kanilang katawan ay ginawa naming pagkain sa handaan noong mga nakaraang
fiestahan. at kailangan taon-taon mayroon kaming birheng i-aalay at ngayon ay ikaw ang napili ko tricia
pero imbis na ikaw, ngayon ay ako na! dahil hindi na kaya ng aking konsyensya kung marami pa kaming
mabibiktimang inosenteng babaeng kagaya ninyo” garalgal nitong sabi habang dumadaloy ang
masaganang luha sa mga mata nito…

…sa pagkakataong ito ay seryoso na ang mukha ni ela at sabi nito ay “makinig kang mabuti sa akin tricia
mamayang alas dose ng hating gabi ay may gagawin sila sayo, kaya bago tayo matulog ilipat mo sa akin
ang iyong mga hikaw, kwentas at relo at lumipat ka ng higaan doon sa malapit sa bintana at takpan mo
ako ng kumot para hindi makita ang aking mukha. at kapag bumaba na sila sikapin mong tumakas sa
kusina ka dumaan at baybayin mo ang lugar na ito, itong daan mismo na papuntang batis at lawa sa
kabilang ibayo nito ay ang barrio ponong grande. at humingi ka ng tulong sa mga taga roon ginagawa ko
ito para sayo tricia at para matapos na ang bigat na nararamdaman ko at para makalaya sa isang lahi na
kailanman ay hindi ko ginusto at handa kong isakripisyo ang buhay ko alang-alang sa mga buhay ng mga
iñosenteng tao sa hinaharap” saad ni ela…

…matamlay kaming umuwi ni ela sa kanilang barrio at alam ko na ang aking gagawin. at inihanda ko na
ang aking sarili at ang maliit na bag at bayong na may laman na pang apat na araw na damit habang
naka tingin kay ela mula sa malayo. nararamdaman ko ang nararamdaman niya pero wala akong
magagawa kundi ang sumunod sa aming plano. ni minsan ay hindi ko nakitang uminum ng lambanog at
tuba si ela pero ngayon ay halos maubos nito ang isang tapayan ng tuba. at maya maya pa ay dumating
ang inang nito at nag tanong “bakit ka umiinum ng alak? hindi ba bukal sa puso ang gagawin namin sa
kaibigan mo?” wika nito kay ela at tumugon naman ito nang “sobrang nagagalak lamang ako sa ating
fiestahan kaya’t naparami ang pag inum ko ng tuba inang at nga pala inang isalang na ho ninyo ang
kawa” agad naman tumugon ito nang “kanina pa naka salang ang tatlong kawa hija” at pagkasabi nito ay
agad na itong umalis. nagtataka ako bakit tatlong kawa ang sinalang nila at di maiwasang mapa silip ako
sa bintana at kitang-kita ko ang tatlong magka-hilirang malalaking kawa…

…kinagabihan ay maagang natulog si ela at ang habilin nito ay magmasaid muna sa paligid bago isagawa
ang aming napag usapan kanina sa batis. kakaiba ang gabi ngayon taliwas sa nakaraang gabi. masyadong
tahimik ang paligid. naka higa lamang ako at nakikiramdam sa paligid. at maya maya pa ay may narinig
akong parang isang sakong hinihila sa labas. mula sa ikalawang palapag ay sumilip ako kung ano ang
hinihilang iyon at “napatda” ako sa aking nakita. ang laman ng sakong iyon ay ang binatilyong lalaking
naghatid sa amin sakay ng kalabaw na may carozza. at dahan dahan itong inilubog sa malaking kawang
punong puno ng kumukulong tubig. at maya maya pa’y inilabas naman ang isa pang sako at dahan
dahan din itong hinihila papunta sa kumukulong kawa at nang buksan ang sako ay napa “tiim bagang”
ako sa aking nakita ang laman ng sakong iyon ay ang mamang tumanggi sa amin na magpasakay papunta
sa lugar na ito. napa takip ang dalawang palad ko sa bibig sa mga nakita ko at tulad ng nauna ay dahan-
dahan din itong inilubog sa kawang may laman na kumukulong tubig…

…at sa di kalayuan ay narinig ko ang boses ng isang matipunong lalaki na nag tanong kay tiniente gimo
habang humahasa ito ng isang matalim na plamingko at ang sabi nito ay “sino sa kanila ang hahampasin
ko ng pang bayo?” sumagot naman si tiniente gimo nang “tingnan mo nalang kung sino sa kanila ang
may suot na relo,hikaw at kwentas yun ang hampasin mo ng pang bayo sa ulo”. agad namang sumagot
ang matipunong lalaki na “malinaw bayaw at ako na ang bahala” at agad naman itong pumunta sa
kinaroroonan ng kwarto namin ni ela at dali dali kong nilipat ang aking mga hikaw sa takot ay
nanginginig pa ang kamay kong ipinapasok sa butas ng tenga ni ela ang pares ng hikaw at sinunod ko
naman ang kwentas habang naginginig ang kamay ko at ang pang huli naman ang relo. hindi ko pa
nakakabit nang maayos ang relo ay narinig ko na ang lagitnit ng pintuan ng sala. sa takot ko ay
nabitawan ko pa ang relo at kinapa-kapa ko pa sa sahig at pagka kuha ko ay mabilis kong inilagay ito sa
kaliwang kamay ni ela at mabilis na tinakpa ng kumot ang kanyang mukha…
…at agad akong humiga sa malapit sa bintana kung saan nasisilip ko pa sa butas ang mga karne ng tao na
hinihiwa-hiwa ni tiniente gimo at paminsan minsan pa ay kinakain ang laman nito. ay maya maya pa’y
naririnig ko na ang yabag ng mga paang papalapit ng papalapit sa amin ni ela at biglang naka rinig ako
nang “tsssuuuggg… tsuuuggg…blaaaagggg” at napaiyak na lamang ako sa narinig dahil ang mga tunog na
iyun ay hudyat na wala na si ela. at dahan dahan itong pinaikot sa banig at ipinasok sa sako at dahan
dahang hinila pababa at palabas ng pintuan papunta sa labasan. patungo doon sa may kawang punong
puno ng kumukulong tubig. at dahan dahang isinaw-saw doon ang katawan nito na nababalutan ng
banig at ang kalahati nito ay naka pasok pa sa sako. hanggang sa unti-unti nang inilubog ang buong
katawan nito sa isang malaking kawa na punong puno ng kumukulong tubig. sa nakitako ay agad akong
natakot at nataranta. hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin dahil sa kaba. pero ang nasa
isip ko ay ang makatakas sa mga oras na iyun. at agad akong tumakbo papuntang kusina…

…pagka bukas ko ng pintuan sa kusina ay pagapang akong tumakas para hindi ako makita at sinadya
kong idaan at ginulong ang sarili ko sa putik para hindi ako agad agad mapansin ng mga taga rito sa
barrio at naalala ko ang daan na itinuro sa akin ni ela at agad ko namang binaybay ang distinasyong ito
hanggang sa umabot ako sa mataas na bahagai ng parte ng lupang iyun. kaya’t kitang kita ko ang
kabuuan ng lupaing iyun at kaya pala wala ang ibang mga taga roon dahil nag papatirapa sila o naka
luhod sila ng patuwad sa kanilang dyos-dyosan na si “Apo-Impo” bilang pagppakita ng walang pag-
iimbot at buong katapatan at sa bandang kanan naman kung titingnan mo mula sa itaas ay malinaw na
malinaw ang ginagawa ni tiniente gimo na nag tatadtad ng karne ng tao at naka bitin na ang ulo ng
pangalawang biktima sa kanilang sampayan. at kitang kita ko na unti-unti nang hinuhugot ni tiniente
gimo ang pangatlong biktima at dahan dahan nitong nilipat ang katawan nito na nababalutan pa ng
banig sa isang malapad na lamisa kung saan niya hinihiwa ang katawan ng biktima at unti-unti niyang
binuksan ang banig na nakatakip dito…

…pagka-bukas sa banig ay sandaling natigilan ito at pinag-masdang mabuti ang mukha ng babaeng nasa
harapan nito at isang malakas na sigaw ang bumulabog sa buong baryong iyun na siyang nagbigay ng
isang nakaka-binging alingaw-ngaw na kasing lakas sa bosina ng isang malaking barko. at ang mga taong
nag papatirapa kanina ay nagsipag-talunan sa harapan ni tiniente gimo habang karga karga nito ang
kanyang anak na wala ng buhay. wala man akong narinig na kahit na anong salita mula sa kanya pero
nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman ng isang ama na mamatayan ng isang mabait,matalino at
magandang anak na babae. habang humihiyaw naman sa pag tangis ang asawa nito (na ina ni ela) na tila
ba alumpihit ang katawan nito dahil hindi makapaniwala sa nangyari kaya’tl napapa-upo at napapa tayo
ito kung umiyak at si tiniente gimo naman ay muli itong niyakap ng mahigpit kasabay ng isang napaka-
lakas na alolong na parang alolong ng isang malaking aso.at sabay sabay na silang nag alolong lahat at
tanging mga alolong lamang ng asong tao o asong kagwang o bantog sa pangalang “aswang” ang
maririnig mo. (ang salitang kagwang ay salita sa parte ng kabisayaan na ang ibig sabihin ay malaking
paniki)…

…at pagkatapos ng isang napaka lakas na alolong na iyon ay kitang kitang ng dalawang mata ko ang unti-
unting pag bago ng hitsura ni tiniente gimo gumulong muna ito sa lupa habang nagsisigaw ng malakas
habang binibigkas ang salitang hindi ko naiintindihan., at habang binibigkas nito ang mga salita ay may
iniinum ito mula sa tapayan at sabay kuha sa isang malaking bote na may lamang langis at naalala ko ang
langis ito. Ito ang langis na ibinuhos sa akin ni ela noong isang gabing sumayaw kami. at lahat ng mga
taga roon ay nag haplas ng ganoong uri ng langis at nagulat ako ng inumin nila isa -isa ang dugong naka
lagay sa isang malaking mangkok na iyun at dahan dahang lumabas sa bibig nila ang kanilang malapot na
laway at isa-isa na silang umalis doon at alam ko na ako ang kanilang hinahanap. at doon ko naintindihan
na iba-iba ang uri ng aswang. mayroong taong-aso ang hitsura at mayroon din namang taong parang
pusa ang hitsura, mayroon ding mukhang kalabaw at kambing at higit sa lahat mayroong mukhang
paniki. pero ang karamihan sa kanila ay mukhang normal na tao lang na magulo ang buhok dahil sa
langis na inihaplas nila dito at kusang tumutulo ang kanilang mga laway at hindi sila lumilipad sila ay
tumatalon at palaging tumatago sa mga dahon o kakahuyan at ang tawag sa kanila ay “gabunan na
aswang” at karamihan dito ay mga kababaihan…

…at habang hinahanap ako ng mga aswang gamit ang kanilang pang amoy ay sya naman ang karipas ko
ng takbo ng maka layo-layo na ako sa baryong iyon. pero sadyang malakas ang kanilang pakiramdam at
sadyang malakas ang kanilang pang amoy. kaya hindi na ako nagtaka na may mga nilalang sa likuran ko
na sumusunod sa akin nararamdaman ko ang presensya nila lalo na sa parte ng nag-lalakihang mga puno
ng saging na tila ba’y may lumulundag sa itaas ng mga dahon nito. at sa bandang kaliwa naman ay may
malaking pusang sumusunod sa akin at sa bandang kanan naman ayisang babaeng makapal ang buhok
na tumatakbo na parang kabayo sa bilis. pagka-lampas ko sa makakapal na punong saging ay hingal na
hingal at uhaw na uhaw na ako na ang buong akala ko ay maabutan na nila ako. pero pag lingon ko
habang hinahabol ang aking hininga ay wala na ang mga ito. doon ko na lamang napag-tanto na
napapalibutan pala ako ng mga halamang “badjang” kung saan takot ang mga aswang dito dahil sobrang
kati ang maidudulot ng dahon nito sa kanilang katawan…

…tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ko sa makapal na mga halamang “badjang”
kung kaya’t pagapang akong kumilos para masilip ang sa bandang ibaba ng lugar na iyun at napa-
buntong hininga ako ng may mga ilaw ng lampara akong na aninagan sa bandang ibaba at “ito siguro ang
barrio ng ponong grande at ang baryong ito ang tutulong sa akin sa kapahamakan” sabi ko sasarili ko. at
ang alam ko ay taga rito si rey sa barriong ito kung ito nga iyon at gumapang muli akong pababa papunta
sa lugar na iyon at sa pagkakataong ito kailangan maka lapit ako sa mga kabahayan doon para humingi
ng tulong o di kaya’y makalapit lamang sa lugar na mayroong lampara. para hindi agad-agad makalapit
sa akin ang mga aswang dahil takot silang makita ang tunay nilang anyo at takot din silang makilala sila
ng mga taga ibang barrio at higit sa lahat takot din silang malaman ng mga karatig barangay nila na
totoong mga lahing aswang sila. kaya’t pilit nila itong pinag tatakpan alang-alang sa kanilang tribo,
relehiyon, kultura, kinagisnan, paniniwala at lahi…

…malapit na ako sa mga kabahayan pagkalipas ng sa tingin ay halos tatlong oras akong umusad ng
pagapang makarating lang ng ligtas sa lugar na iyon kahit marami na akong galos sa kamay, mukha at
katawan. at nabigla ako ng makita ko ang mga tao doon na nag sipag-takbuhan at nakita ko rin ang mga
anino ng mga malalaking aso at malalaking pusa nag-sipag-talunan sa mga bahay doon at ang mga
residente doon ay nagsipag sigawan ng ‘’aswang-aswang” at tuluyan ng na bulabog ang isang maliit na
pamayanang ito. na siguro’y akala nila ay kinupkop na ako ng mga taga rito. kaya’t nakarating sila dito
dahil sa paghahanap sa akin. sa kadahilanang ako lamang ang nag iisang saksi sa lahat ng kanilang
karumal-dumal na gawain at maling paniniwala. hinayaan ko na lamang ang sarili ko sa ganoong
posisyon nang naka dapa kasama ang mga putik at dahon ng mga kang-kong…

… di ko namalayang naka-idlip na pala ako at pag-gising ko ay mag bubukang liwayway na at saka ko na


maisipang tumakbo sa bahay-bahay sa lugar na iyun habang umiiyak at humihingi ng tulong sa bawat
pintuang makatok ko. at nang mabigyan nila ako ng tubig ay unti-unti kong kwenento sa kanila ang
sinapit ko sa barrio nila tiniente gimo at naintindihan nila ako at agad na nakipag pulong ang mga
“kapitan del barrio” doon sa katabi pa nitong barrio para puntahan ang barrio nila teniente gimo. at
dahil noong araw ay wala pang mga pulis kaya’t sa PC (Philipine Constabulary) kami lumapit kasama ang
kapitan ng tatlong barrio para pamunuan ang pag punta sa barrio na pinamumunuan ni teniente gimo...

… lingid sa kaalaman ng lahat ay nauna nang sumalakay ang mga pangkat ng ama ni rey sa barrio nila
teniente gimo na hindi ko alam na dati palang lider ng “hukbalahap” ang ama at tiyuhin nito dito sa
parte ng kabisayaan at lalong lalo na dito sa panay. at sinunog nila ang buong baryong iyon ang barrio ng
mga aswang. kaya naman bago pa dumating sa lugar na iyun ang iba pang mamayan may pwesto sa
lipunan ay sunog na ang bayang iyun. at napag-alaman ko rin na nahuli nila si teniente gimo pero naka
takas din pag sapit ng takip silim dahil nag anyong aso ito at pagkalipas ng ilang taon ay huling namataan
ito sa isang barrio sa poblacion ng capiz at ayun sa mga taga roon ay nagpalit to ng pangalan at tinawag
na itong Guillermo Lamputi Langreo…

…at pakalipas ng mahaba-habang panahon ang alamat ni “Teniente Gimo” ay nanatiling buhay noong
mga panahong iyun at magpasa-hanggang ngayon umabot pa ito mula sa timog katagalugan hanggang
sa hilaga ng mindanao at lumaganap sa buong kabisayaan lalong -lalo na sa isla ng panay, negros, at
cebu at ang alamat na ito ay mananatiling buhay sa mga taong may karanasan sa ASWANG. at uukit sa
mga puso ng mga amang nawalan ng sariling anak dahil sa kanyang pansariling adhikain at pansariling
kapakanan…

….mga amang sariling kapakanan at adhikain lamang ang Iniisip ang siyang sisira ng inyong tahanan...

The End

Please Subscribe To My Youtube Channel:


https://www.youtube.com/channel/UCjh5lV55eden3qDNNewOaZQ
“pinalaya ako ng aking pagsusulat…sana pinalaya din kayo ng inyong pagbabasa”_Giovanni_

Note: walang sinomang mambabasa ang maaaring kumopya, isalin, o ilimbag sa kahit anong uri ng
babasahin nang walang pahintulot ng may-akda. kung sino man po ang makakaalam na ito ay inangkin o
mag post sa page ng iba ay maaari pong imensahe ako sa facebook account ko or send sa akin ang
facebook account nila...

mahigpit na pinagbabawal na kopyahin ang kwentong ito lalo na sa YOUTUBE at WATTPAD dahil ito ay
hango sa tunay na buhay ang mga pangalan,lugar,petsa taon at pangyayari ay detalyadong naka hayag
sa kwento. protektahan po natin ang mga pangalan at lugar na nabangit sa itaas ng kwento.

-PLAGIARISM is a CRIME-

REPUBLIC ACT NO. 8293

AN ACT PRESCRIBING THE INTELLECTUAL PROPERTY CODE AND ESTABLISHING THE INTELLECTUAL
PROPERTY OFFICE, PROVIDING FOR ITS POWERS AND FUNCTIONS, AND FOR OTHER PURPOSES.

Photo:(For Attention Only)

You might also like