You are on page 1of 3

I. A.

Pamagat : KWENTO NI MABUTI


II. Sanggunian (APA FORMAT)
Matute, G. (1948). Ang Kwento Ni Mabuti. Magbasa
na tayo blogspot.
http://magbasanatayo.blogspot.com/2010/06/ang-
kwento-ni-mabuti.html

III. Buod
Si Mabuti ay isang pangkaraniwang guro kaya siya binansagang Mabuti
ng kanyang mga mag-aaral dahil ito palagi ang bukambibig niya sa
kanyang klase. Hindi man batid ng nakararami, sa kabila ng kanyang
pagiging malakas ay may itinatago rin siyang kahinaan at dahil dito ay
hindi niya maitatago ang hubad na katotohanan pinakalilihim niya.

Minsang magpunta si Mabuti sa silid-aralan upang doon umiyak dahil sa


bigat ng problema ng kanyang pinagdaanan, nadatnan niya na umiiyak
ang isang batang nagngangalang Fe. Nakita ni Fe ang kanyang sarili sa
kanyang guro na si Mabuti. Pareho silang may suliranin. Yun nga lang ay
mas mabigat ang suliranin ng kanyang guro. Mula noon, mas lumaki
ang paghanga ni Fe kay Mabuti at ang bawat pagtuturo nito sa kanila ay
isang magandang pahina ng kanyang buhay-estudyante.
Simula nang magsimula ng magkwentuhan ang dalawa tungkol sa
kanilang mga buhay, nagkamabutihan na ng loob ang dalawa at naging
mag-kaibigan. Nagbago ang pananaw ni Fe nang maisambit ng lalaki
niyang mag-aaral ang tungkol sa ama ng anak niya na lagi niyang
ikinukwento sa klase.

Madalas na ikinuwento ni Mabuti ang tungkol sa kanyang anak na gusto


niyang bigyan ng maayos na buhay at nais niya itong matulad sa
kanyang ama na isang manggagamot. Lumipas ang mga araw, at
nalaman ni Fe ang kwento ni Mabuti.

Sa kasamaang palad, binawian ng buhay ang asawa ni Mabuti. Matapos


mamatay, hindi ito naiburol sa mismong bahay ni Mabuti, dahil doon
lamang niya nalaman ang katotohanan na hindi pala siya ang unang
asawa ng manggagamot. Kahit siya ay pangalawang asawa ng
manggagamot, naunawaan naman niya ang ganitong sitwasyon kaya
minabuti na lamang umiyak sa silid na iyon na kaniya ring madalas
iniiyakan upang mailabas niya ang sakit na kanyang nararamdaman.
Sa paglipas ng mga panahon, hindi pa rin nawawala sa isip ni Fe ang
larawan ng kanyang guro. Bagamat lumipas na ang mga araw ay
nananatili sa kanyang puso ang mga payo at aral ng kanyang gurong si
Mabuti, ang itinuturing niyang isang inspirasyon.

IV. Pagsusuri sa nilalaman


A. Pangunahing Kaisipan : Ang kwentong ito ay
nagpapahiwatig na kailangan nating magpumilit at magsikap
para sa kung ano ang tama at nararapat para sa atin. Makikita
sa kwento na bagamat may pag-aalinlangan ang ginang na ito
kung itutuloy pa ba niya ang pagdadala ng sariling anak, hindi
pa rin niya binibitawan ang paniniwala sa tama. Bagama't tila
isang kumikislap na kandila lamang ang kanyang pag-asa,
pinilit pa rin niyang lumiko sa mas tamang daan
B. Pananaw ng may akda: nais ipakita ng may akda na Sa
pagpapakita ng kagandahan ng buhay at pagbibigay ng
halimbawa sa kanyang mga estudyante, isa na rito si Fe.
Mabuti at Fe ay may kanilang emosyonal na koneksyon, dahil
minsan sila ay magkasama sa isang sulok ng silid-aralan, at
pareho nilang pinili na ipahayag ang kanilang mga saloobin
sa luha doon.
C. Kagandahan at Kapintasan ng akda : Ang
kagandahan ng akda ay ang pagiging matatag at pagkakaroon
ng magandang ugali ni mabuti kahit na maraming mga hindi
magandang nangyari sa kanya. Habang ang kapintasan
naman ng akda ay may pangyayari na hindi dapat gayahin ng
mga kabataan dahil isa itong pagkakamali.
V. Bisa sa mambabasa
A. Pananaw ng mambabasa : Sa esensya ng kabaitan,
nakikita natin ang isang malakas na tao. Hindi maipahayag ni
Mabuti ang kanyang kalungkutan sa iba dahil gusto niyang
makita ng iba o ng kanyang mga estudyante ang kanyang
kabaitan o pagiging positibo. Sa ngayon, maraming problema
ang kinakaharap ng mga tao. Ganoon din sa buhay. Ang
mahihina ay malungkot at walang pag-asa. Ang iba ay
nagpakamatay pa. Sa kwentong ito, makikita natin ang isang
mabuting tao na, sa kabila ng kanyang mahirap na sitwasyon,
nahihirapan pa rin sa kalungkutan at sa kanyang mga
problema. Hindi siya pinanghinaan ng loob. Ipinagpatuloy
niya ang kanyang buhay at nagagawa pa rin niyang mangarap
ng kanyang anak. Ang kwentong ito ay tungkol sa kung paano
natin mahanap ang kapayapaan sa pinakamaliit na sandali
kahit sa pinaka masamang panahon.
B.Katotohanan ng akda : Ang kwentong ito ay hango sa
kwento ng isang guro na maraming pinagdaanan sa kanyang
buhay, ngunit sa kabila ng lahat ng lungkot na kanyang
nararamdaman ay dinadaan niya na lamang sa ngiti. Ipinakita
din sa istorya na kahit pa gaano kabigat ang kanyang
pinagdaanan ay gagawa pa din siya ng paraan upang maging
maayos sa harap ng mga tao lalo na sa kanyang mga
estudyante. Sa kabila ng kanyang lakas at kaligayahan, iniisip
niya kung paano pa siya magpapatuloy, sa kabila ng kanyang
itinatagong kalungkutan.

You might also like