You are on page 1of 75

PANITIKAN BAGO DUMATING

ANG MGA KASTILA


KASAYSAYAN NG TULANG PILIPINO

• Ang tulang Pilipino, sariling atin o hiram na panitikan. Ang


kasaysayan ng tulang Pilipino ay nababahagi sa limang
importanteng mga panahon.
• Una, ang Matandang Panahon. Ang panahong ito ay nagsimula
noong unang pagdating ng mga Negrito o Aeta hanggang sa taong
1521.
• Pangalawa, ang Panahon ng mga Kastila na nagmula noong taong
1521 hanggang sa taong 1876.
• Pangatlo, ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat. Ito ay
panahon ng himagsikan.
• Pang-apat, ang Panahon ng mga Amerikano na nag-umpisa noong
taong 1898 hanggang sa pagkatapos ng panahon ng digmaan.
• At ang huli'y ang Panahong Patungo sa Pambansang Krisis.
KAHULUGAN NG TULA

– Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang kahulugan ng tula


sa Tagalog, elemento, uri, at halimbawa. Ito ay kinalap mula sa mga
makatang Pilipino na siyang sumulat ng mga tula na ating ginagamit
at nagbibigay inspirasyon sa atin ngayon.

Ano Ang Kahulugan ng Tula?


Ang Tula o “poem” sa wikang Ingles ay isang anyo ng panitikan nag
nagpapahayag ng ideya o kaisipan ng manunulat gamit ang
matalinhagang salita. Ito ay binubuo ng mga saknong at taludtod.
ELEMENTO NG TULA

• Sukat- Ang sukat ng tula ay tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat


taludtod. Ang mga pantig ay paghahati o “syllable” ng salita na nakabase sa
paraan ng pagbasa nito.

Halimbawa:
“Wika na nagbubuklod at nag-iisa
Sa ating lahi, kapuso’t, kapamilya”
• Saknong- Ito ay binubuo ng mga taludtod o linya ng mga salita sa isang tula.
Bawat pangkat ng mga salita ay nakabase sa uri ng tula.

Halimbawa:
“Kaya’t akoy nananawagan sa ating kabatan
Wikang nakamit ay wag nating pabayaan
Ibahagi ang handog ng ating kanunuan
Upang wikay mapreserba at mabigyang kabuluhan
• Taludtod- Ito ay pangkat ng mga salita sa isang linya ng bawat saknong. Ang
mga linya o taludtod ay maaring may tugma at sukat. Nakabase ito sa uri ng
tula na sinulat at binuo.

Halimbawa:
“Kaya’t akoy nananawagan sa ating kabatan” – Unang Taludtod
“Wikang nakamit ay wag nating pabayaan” – Ikalawang Taludtod
“Ibahagi ang handog ng ating kanunuan” – Ikatlong Taludtod
“Upang wikay mapreserba at mabigyang kabuluhan” – Pang-apat na Taludtod
Tugma - Ang Tugma ay maaring wala o naroon sa
bawat huling pantig ng mga taludtod. Ito ay makikita
lamang kung ang uri ng tula ay pormal.
• Talinghaga - Ang mga talinghaga ang
nagbibigay kulay at kagandahan sa kabuuan ng
isang tula. Sa pamamagitan ng mga talingaha ay
may magandang pakinggan at basahin ang
nilalaman nito.

Halimbawa:
Isang kahig, isang tuka – Mahirap
Balat-sibuyas – Sensitibo
URI NG TULA

• Ngayon na natalakay na natin ang


kahulugan at elemento ng tula, narito
ang iba’t ibang mga uri ng tula.
TULANG DAMDAMIN O LIRIKO

• Ang uri ng tula na ito ay sumasalamin sa damdamin ng makata o ang taong sumusulat ng tula.
Nakabatay sa perspektibo, pagpapahalaga, emosyon, o iniisip ng makata ang paraan sa pagsulat nito.
Kabilang na dito ang mga sumusunod na akda:
• Awit – Ito naman tumutukoy sa mga musikang may tono na talagang magandang
pinakikinggan.Binubuo ito ng labindalawang (12) pantig. Katumbas nito ang mga kanta sa
panahon ngayon na mayroong liriko at iisa ang tugma ng bawat taludtod.
• Soneto – Isa itong mahabang tula na binubuo ng 14 na linya. Tumatalakay ito sa kaisipan at diwa
ng makata.
• Oda – Isa naman itong tula na nakatuon sa pagbibigay ng papuri o dedikasyon sa isang tao, bagay,
o anumang elemento.
• Elehiya – Isang uri ng tulang malungkot at pagdadalamhating babasahin. Kamatayan o pagluluksa
ang karaniwang tema nito.
• Dalit – Ang uri ng tulang ito naman ay tumutukoy sa tulang damdamin na nagpapakita ng
luwalhati, kaligayahan, o pagpapasalamat. Karaniwan itong ginagamit sa pagpapakita ng
pagsamba sa diyos o pinaniniwalaang panginoon. Palagi itong nasa isang saknong lang.
TULANG PASALAYSAY

• Tulang Pasalaysay – Ang tulang pasalaysay ay tumutukoy sa mga


pinapaksang mga mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay,
kagitingan at kabayanihan ng isang tauhan. Ang tulang ito walang
bilang ng taludtod, saknong, o pantig. Ang dalawang uri nito ay ang
sumusunod:
• Epiko – Isa itong akdang patula na isinalaysay ang kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway. Kadalasang hindi
mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Ito
ay kadalasang inaawit pero meron namang mga epikong binabasa.Ang epiko ay
mahalagang bahagi ng isang bansa, pangkat etniko, o lipunan.
• Awit/Korido at Kantahin – Ito naman ay may walong sukat o kaya naman ay
hindi din sinusunod minsan. Tumutukoy ito sa mga musikang may tono na
talagang magandang pinakikinggan na karaniwang ginagawa ng mga bansa sa
TULANG PATNIGAN

• Ang uri ng tula na ito ay nakatuon sa pagbibigay ng damdamin habang mayroong


kapalitan ng opinyon o kuro-kuro. Tinuturing itong tula na nasa anyong debate o
pagtatalo, ngunit ang kaibahan nito sa sebate ay mayroon itong tugma, ritmo at taludtod.
Kabilang dito ang sumusunod:
• Balagtasan – Ang uri ng tula na ito ay ipinangalan kay Franciso ‘Balagtas’ Baltazar.
Tumutukoy ito sa pagtatalo ng dalawa o tatlong manunula sa iisang paksa na
pinapagitnaan ng isang lakandula o lakambini.
• Karagatan – Isa itong uri naman ng paligsahan sa pagtutula. Kilala rin ito sa tawag
na libangang tanghalan at nagmumula sa isang alamat ang paksa ng tula.
• Duplo – Ito ay isang paligsahan naman pangangatwiran sa anyong patula. Hango sa
Bibliya na binubuo ng mga mahahalagang salita at kasabihan.
• Fliptop o Battle Rap – Isa itong modernong uri ng Balagtasan na kung saan
nagsasagutan din ang dalawang panig tungkol sa isang paksa. Binibigkas ito ng
mabilis na kailangang may tugma.
TULANG PANTANGHALAN O PADULA

• Ito ay uri ng tula na tumutukoy sa mga piyesa o tulang


itinatanghal sa mga dulaan o teatro. Binibigkas ito ng 
patula sa saliw ng tunog o musika upang mas maging
kagiliw-giliw sa mga manonood.
• Batay sa kahulugan ng tula, ito ay binubuo ng apat (4) na
pangunahing uri. Ito ang tulang damdamin o tulang liriko,
tulang pasalaysay, tulang patnigan at tulang pantanghalan
o padula.
MGA HALIMBAWA

1. Halimbawa ng Tula Tungkol Sa Kahirapan

Sigaw Ng Mamamayan

Bawat oras na sumasapit


Patuloy paring pinipilit
Araw-araw na pamamaliit
Ano ba ang dapat ipalit?
Inay, itay…
Tula Tungkol Sa Diyos

Ang Pag-ibig ng Diyos sa Atin


I.

Ang Diyos ay pag-ibig na alay


Na sa mga tao ay binigay
Ang pag-ibig ay ‘di mawawala
Kahit ang tao’y mamatay pa.
II.
Ang pagmamahal ng Diyos sa atin…
 Tula Tungkol Sa Edukasyon
Pamana
I.

Mula sa pagkamulat ng aking musmos na memorya


Ang lagi kong naaalala ay wika nina ama at ina
“Bigyan ng halaga ang aral sa eskwela,
Ito ang aming tanging maipapamana kung kami ay matatanda na”.
II.
Dahil sa kanilang pagsisikap at walang sawang pagpapatnubay…
Tula Tungkol Sa Wika

Ang Wikang Filipino


Ang wikang Filipino ay katangi-tangi
Hindi mapagkakaila ni maitatanggi
Wikang nagbubuklod at nag-iisa
Sa ating lahi, kapuso’t, kapamilya

Nawa’y pahalagahan, at bigya’ng kabuluhan…


PAGGANYAK

• Ipaliwanag:
Nagbibigay ang panitikan ng
isang magandang pagtakas sa
realidad at ibinabahagi nito
ang isang uri ng libangan para
sa mga tao.
C. KARUNUNGANG BAYAN

• Noong unang panahon, ang mga tao ay


mayroon ng panitikan na nagpapahayag ng
mga damdamin at karanasan tungkol sa iba’t
ibang bagay sa mundo.
• Mayroong ibat-ibang uri ng panitikan isa sa
mga ito ang karunungang bayan.
C. KARUNUNGANG BAYAN

• Ang Karunungang bayan ay parte ng panitikan


kung saan nagbibigay daan ito para maipahayag
ang mga kaisipan na nakapapabilang sa bawat
kultura ng isang tribo.
• Bago paman ang Pilipinas sinakop ng mga kastila,
mayaman na tayo sa karunungang bayan kaya
dapat itong bigyan ng halaga. Dahil ito ay parte na
ng ating kultura.
• Idyoma
• Ang idyoma ay isang matalinhagang
pagpapahayag ng isang ideya. Malayo ito sa
komposisyonal na paliwanag ng isang ideya kung
kaya’t ito ay itinuturing na hindi tuwirang
pagbibigay kahulugan.
•Bumuo ng pangungusap gamit
ang sumusunod na halimbawa.
• balat-sibuyas – mabilis masaktan
• kusang-palo – sariling sipag
• usad pagong – mabagal kumilos
• itaga sa bato – ilagay sa isip
• may bulsa sa balat – kuripot
• ibaon sa hukay – kalimutan
• pagsunog sa kilay – pag-aaral ng mabuti
• nakalutang sa ulap – sobrang saya
ilaw ng tahanan – ina
haligi ng tahanan – ama
bukas ang palad – matulungin
taingang kawali – nagbibingi-bingihan
buwayang lubog – taksil sa kapwa
malaki ang ulo – mayabang
pantay na ang mga paa – patay na
maitim ang budhi – tuso
kapilas ng buhay – asawa
bahag ang buntot – duwag
MGA HALIMBAWA

• Kasabihan
• Ang mga kasabihan ay nagbibigay ng payo at
nagsasaad ng katotohanan ukol sa mga pang araw-
araw natin na mga gawain, kilos, o desisyon sa
buhay.
• Ipaliwanag ang bawat halimbawa na
pumapaloob sa kasabihan.
• 1. Kapag makitid ang kumot, matuto
kang mamaluktot.
• Kapag mahirap ang buhay, matuto kang
pagtiyagaan ang sitwasyon.
• 2. Ang mabuting ugali, masaganang
buhay ang sukli.
• Kapag mabuti ang iyong kalooban, tiyak na
ikaw ay pagkakalooban ng masaganang
pamumuhay.
• 3. Kung may tiyaga, may nilaga.
• Kapag matiyaga ka at masipag,
paniguradong may magandang bunga ito.
• 4. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala
sa kasaganahan.
• Hindi nasusukat sa kung anong mayroon ka ang
kaginhawan ng iyong buhay. Ito ay nakabase sa
kung gaano ka kasaya sa buhay.
• 5. Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap
nagmula.
• Lahat ng daan patungo sa tagumpay ay may
kaakibat na kahirapan na kailangang lampasan.
• 6. Ang gumagawa ng kabutihan, hindi
matatakot sa kamatayan.
• Kapag mabuti ang iyong gawain, kailanma’y hindi
ka matatakot sa mamatay at husgahan sa kabilang
buhay.
• 7. Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan,
ikaw ay sasamahan.
• Nasusukat ang pagkakaibigan hindi lang sa ligaya kung
hindi ay pati sa kalungkutan.
• 8. Walang mahirap na gawa kapag dinaan sa tiyaga.
• Kahit anong gawain ay matatapos o malalampasan
kapag ikaw ay matiyaga.
• 9. Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin
• Kung ano ang iyong ginagawa ay siya rin ang gagawin
sa’yo. Kapag ito ay kabutihan, ikaw rin ay
makakatanggap ng kabutihan o gagawan ng mabuti ng
ibang tao.
• 10. Ang batang hindi nagsasabi ng katotohanan ay
hindi maaasahan.
• Tunay na hindi ka makaasa sa bata man or matanda na
hindi nagsasabi ng katotohanan.
• 11. Kapag may isinuksok, may madudukot.
• Kapag ikaw ay may itinira o itinabi, halimbawa ay pera,
sa panahon ng kagipitan ikaw ay may magagamit.
• 12. Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
• Sa buhay, mahalaga ang magsumikap lalong-lalo na kung
ikaw ay ipinanganak na hindi mayaman.
• 13. Ang katotohanan ang magpapalaya sa
may kasalanan.
• Kapag ikaw ay may kasalanan, sabihin mo
ang totoo sapagkat ito lang ang
magpapalaya sa iyo.
• 14. Ang batang malinis sa katawan, ay
malayo sa karamdaman.
• Ito ay literal na nagsasabing ang paglilinis
sa ating mga katawan ay isa sa mga paraan
upang tayo’s mapalayo sa mga sakit.
• 15. Ang kayamanan na galing sa
kasamaan, kapahamakan ang
maidudulot.
• Kapag hindi galing sa mabuti ang iyong
pera, ikaw ay talagang sisingilin sa anong
paraan man.
• 16. Ang tunay na karangalan ay nag-
uumpisa sa paggalang sa mga magulang.
• Isa sa pinakamahalagang asal ang pagiging
magalang sa mga magulang.
• Palaisipan

• Ito ay isang tanong o pangungusap na may natatanging


sagot na iba sa karaniwan.
• Tanong:
• Bakit binubuksan ang bintana tuwing umaga?
• Palaisipan
• Sagot: Kasi nakasara, bakit bubuksan mo pa ba
kung bukas na.
• Tanong:
• Anong isda ang lumalaki pa?
• Sagot:
• Yung bata pa.
• Tanong: Anong isda ang lumalaki pa?
• Sagot: Yung bata pa.
• Tanong: hindi hayop, hindi rin tao ngunit
tinatawag niya ako
• Sagot: Telepono/Cellphone
• Tanong: Dala-dala ko siya, ngunit ako rin ay dala niya
• Sagot: Tsinelas/Sapatos
• Tanong: Anong meron sa jeep, tricycle, at bus, pero
wala sa eroplano?
• Sagot: Side Mirror
• Tanong: Sa maling kalabit, may buhay na
kapalit.
• Sagot: Baril
• Tanong: Maliit na bahay, puno ng mga
patay.
• Sagot: Posporo
• Tanong: May puno walang bunga, ay dahon
walang sanga.
• Sagot: Sandok
• Bugtong
• Isa sa mga larong ito ay ang bugtong-bugtong o kung
tawagin sa Ingles ay “riddles”. Ito ay mga palaisipan na
ang mananalo o makakakuha ng premyo ay ang
makakahula ng palaisipan.
• Heto na ang magkapatid, nag-uunahang
pumanhik.
• Sagot: Mga paa
• Dalawang batong itim, malayo ang
nararating.
• Sagot: Mga mata
• Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin
makita.
• Sagot: Tenga
• Mga Bugtong Tungkol sa Prutas
• Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Sagot: Langka
• Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.
Sagot: Bayabas
• Isang prinsesa nakaupo sa tasa.
Sagot: Kasoy
• Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
Sagot: Atis
• Isang tabo, laman ay pako.
Sagot: Suha
• Kung tawagin nila’y “santo” hindi naman milagroso.
Sagot: Santol
• Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin.
Sagot: Saging
• Salawikain
• Ang salawikain o kasabihan, o kilala rin sa Ingles
na Proverbs, ay ang simple, konkreto, at
tradisyunal na kasabihan na nagpapahayag ng
katotohanan na base sa sentido komun o
karanasan. Ito ay kadalasang dinadaan sa
talinghaga.
• Salawikain Tungkol sa Wika
• Ang hindi marunong magmahal sa
sariling wika, daig pa ang malansang
isda.
• Salawikain Tungkol sa Paggalang
• Ang gawa sa pagkabata,
Dala hanggang pagtanda.
• Ang magalang na sagot,
Ay nakakapawi ng poot.
• Ang magandang asal ay kaban ng yaman.
• Salawikain Tungkol sa Kaibigan
• Ang matapat na kaibigan,
Tunay na maaasahan.
• Ang tao kapag mayaman,
Marami ang kaibigan.
• Salawikain Tungkol sa Buhay
• Aanhin mo ang palasyo,
Kung ang nakatira ay kuwago?
Mabuti pa ang bahay kubo,
Ang nakatira ay tao.
• Ako ang nagbayo,
Ako ang nagsaing.
Saka ng maluto’y,
Iba ang kumain.
• Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang,
Tayong lahat ay arkitekto ng sariling
kapalaran.
D. KANTAHING BAYAN

• Ang awiting bayan ay tinatawag din na


Kantahing-bayan. Ito ay nasa anyong patula
at binubuo ng 12 pantig sa bawat taludtod.
Tungkol ito sa pang-araw-araw na buhay,
kaugalian, karanasan, gawain o hanapbuhay,
at paniniwala.
• Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan
ay may pinakamalawak na paksa at uri. Ang mga
paksa nito’y nagbibigay hayag sa damdamin,
kaugalian, karanasan, relihiyon, at kabuhayan. Ito
ay naglalaman ng pangaral at payak na
pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa
pagpapaalala sa mga kabataan.
• Ang mga kantahing-bayan ay tuloy-tinig (survival)
ng kalinangan sa pamamagitan ng saling-dila. Sa
kabuuan, ang mga kantahing- bayan noong panahon
ng pre-kolonyal ay mga katutubong awitin ng ating
bansa at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa
rin.
• Halimbawa ng mga awiting ito ay Leron, Leron
Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu Pung
Singsing, Paruparong Bukid Dandansoy at
Lawiswis-Kawayan.
MGA URI NG KANTAHING BAYAN

• 1. Kundiman  - noong unang panahon


nanliligaw ang mga binata sa pamamagitan
ng harana.
• 2. Oyayi / Hele - ito'y awiting bayan para sa
pagpapatulog ng bata, ito rin ay naglalaman
ng bilin
• 3. Dalit o Imno -  ay isang awit ng papuri,
luwalhati, kaligayahan o pasasalamat.
• 4. Talindaw - ang talindaw ay awit sa
pamamangka o pagsagwan
• 5. Kumintang o Tagumpay - ito ay awit
sa pakikidigma.
• 6. Diona - awit  sa mga ikinakasal
• 7. Soliranin - awit ng mga mangingisda
• 8. Sambotani  - awit pag nagtagumpay
• 9. Balitaw - awit ng pag-ibig  (kundiman sa Tagalog)
• 10. Dung-aw - awit sa patay ng Ilokano
• 11. Kutang-Kutang - awit sa lansangan
• 12. Maluway - awit sa sama-samang gawa
Tatlong dahilan ng kahalagahan ng pag-aaral ng mga
Kantahing-bayan:

• 1. Ang mga kantahing-bayan ay nagpapakilala ng diwang makata.


• 2. Ang mga kantahing-bayan natin ay nagpapahayag ng tunay na kalinangan ng lahing Pilipino.
• 3. Ang mga kantahing-bayan ay mga bunga ng bulaklak ng matulaing damdaming galing sa puso at kaluluwang bayan.
E. TULANG PAMBATA

• Ang tugmaang pambata, o tulang
pambata ay mga tula, berso, kanta, o
awiting kinawiwilihan ng mga bata dahil sa
pagkakaroon ng mga ito ng nakasisiyang
mga tugmaan ng tunog, tinig, at mga salita.
ISANG HALIMBAWA NITO ANG  PEN-PEN DE SARAPEN. 

Pen Pen di Sarapen, de kutsilyo de almasen.


Hau hau de kalabaw, de batuten!
Sayang pula, tatlong pera,
Sayang puti, tatlong salapi.
Sipit namimilipit, gintong pilak
Namumulaklak sa tabi ng dagat!
• Karamihan sa mga tugmaang pambata ang
hindi naman talaga layuning maging para sa
mga bata, sapagkat mayroon sa mga ito ang
may pinagmulang mga awiting kinakanta ng
mga matatanda. Mayroon din namang ukol sa
mga kaganapang pampolitika sa ilang pook
ngunit naging bahagi ng panitikang pambata.
Nang awitin ang mga ito ng mga ina at narinig
ng mga batang inaalagaan nila, natandaan ng
mga bata ang mga nakaaakit sa pandinig na
mga koro o parirala.
• May mga dahilan kung bakit nagugustuhan ng mga bata
ang makinig at magsambit ng mga kataga ng mga
tugmaang pambata. Naging bantog ang mga ito sa mga
bata dahil sa mga katangian nito. Sari sari ang mga paksa
ng mga panulaang pambata, katulad ng mahaharot na mga
bata, mga taong may masasamang mga ugali o gawi,
matatandang mga kababaihan, mga hari, mga reyna, at
mga hayop.
• Naglalahad ang iba ng mga kuwentong pambata na
kalimitang may sigla at nakasisiyang pakinggan.
Mayroon namang labis ang pagiging nakakatawa,
bagaman mayroon ding malulungkot. Siyempre,
mayroon itong tiyak na tugmaan ng mga tunog at
salita, kahit na walang saysay ang mga nilalaman o
mensahe. May mga himig ang mga ito na
naaangkop sa bawat damdaming nakakaantig sa
mga isipan, pandinig, at puso ng mga bata.

You might also like