You are on page 1of 14

Aralin 4 Mga Uri,

Anyong Pampanitikan
at Akda sa Pilipinas
Gng. Mejia Q. Parungao
Aralin 4 Mga Uri, Anyong Pampanitikan at
Akda sa Pilipinas
Pamantayang Pangnilalaman

 Naisasalaysay ang maikling kasaysayan ng pag-unlad ng panulaang Pilipino;


 Nabibigyan ng pansin ang makata at manunulat ng tula na nakilala sa kani- kanilang
panahon; at,
 Napahahalagahan ang naiambag ng panulaan sa pag-unlad ng panitikang Pilipino.
Paano nailarawan ng mga panugmaang bayan ang uri ng pamumuhay ng mga Pilipino sa
panahong bago pa dumating ang Kastila? 
Sa-anoy kung tawagin ang panahong ito ng mga taga-Bikol. Anoy na ang ibig sabihin ay
anay. Ang anumang bagay, gaya ng isang haliging kahoy, dala ng katagalan o katandaan sa
kinatitirikan ay di-maiiwasang pamahayan at kutkutin ng anay, kaya nadudurog, napupulbos
at hindi pinagyaman magla laho ang mga ito sa ihip ng hangin. Ganito ang nangyayari sa
Panitikang Filpino sa matandang panahon.
Ang Tradisyong Patula

Nahahati sa dalawang kategorya ang tradisyong ito: hindi inaawit at inaawit Ang unang
kategorya ay tinatawag na panugmaang-bayan at ang ikalawa, kantahing-bayan.
Ang Panugmaang-bayan
 

Ang anyo nito ay taludturan o dadalawahing taludtod lamang, dili kaya'y


apaludturan o aapating taludtod lamang ang bumubuo sa isang saknong. Bawat taludtod
ay may sukat-may bilang ang pantig na ang hulihan ay magkakasintunog-tugma. 

Nahahati sa tatlong uri ang kategoryang ito: Tugmaang Walang Diwa o


Tugmaang Pambata, Tugmaang Matatalinghaga, at Tugmaang Ganap na Tula.
• Sa uring ito nabibilang ang Tanaga ng Katagalugan at ang Ambahan ng mag Hanunuo Mangyan ng Mindoro.
Sa pagkaka hulugan ni Juan de Noceda at Pedro San Lucar sa Vocabulario de la Lengua Tagala, ang tanaga:
•  
• a. Isang uri ng tulang nakapataas sa wikang Tagalog, na
• b. Binubuo ng pitong pantig ang bawat taludtod,
• c. May apat na taludtod sa bawat saknong, at
• d. Ito'y hitik sa talinghaga (Arrogante, et al., 1983)
•  
• Samantalang ang ambahan naman, ayon sa tala ni Padre
• Antonio Postma, ay:
•  
• a. Isang maritmo o maindayog na patulang pagpapahayag na
• may sukat at may bilang na pitong pantig ang bawat taludtod na may tugma;
• b. Ito'y isinasaawit nang walang tiyak na tono o akompanya ng anumang instromentong pangmusika; at
• c. Ito'y naglalayong makapagpapahayag sa matatalinhagang paraan sa malayang paggamit ng matutulaing
pananalita, ng mga katangi-tanging kalagayang tinutula ng makata.
Ang Kantahing-bayan
 
•Ang mga popular na katutubong awiting naririnig nating inaawit sa mga nayon tuwing
may okasyong idinaraos, tulad ng kasalan, pagpapatanim. paglalamay sa patay, atbp.
Wala itong ipinagkaiba sa tula dahil kung ito'y susuriin, may sukat ito't tugma, lamang
isinasatinig o isinatono.
 
•May dalawang uri ng kantahing-bayan: kantahing bayang di-gaanong nagsasalaysay
at kantahing bayang nagsasalaysay. Sa unang uri, mapupunang ito'y maiikli lamang,
karaniwan ang mga ito'y naglalarawan lamang ng mga pang-araw-araw na sitwasyon o
okupasyon ng ating mga ninuno.
Ang Kantahing-bayan
• Oyayi o hele o duayya sa Ilokano - ito ang awit sa pagpapatulog ng bata. Ma lambing
ang himig nitong monotono at maulit ang lirik subalit makahulugan.
•Kalusan - Ang awit sa paggawa. Maaaring awitin ito habang nagtatrabaho o kaya
pagkatapos ng trabaho. Sa pamamangka, ito ay tinatawag na talindaw at habang
nagsasagwan, ang awit ay tinatawag na suliranin. 
• Kundiman - ito ang awit ng pag-ibig. Noong araw uso ang harana, ang mga awit na
kinakanta ng binatang nanunuyo sa dalagang sinisinta. Kung minsan punung-puno ang
awit ng pangarap at minsan nama'y walang kasing lungkot dahil sa binatang di agad
natutugon ang pag-ibig ba idinudulog, o kaya'y kapag nasisisphayo.
Ang Kantahing-bayan
• Diona- ito ang awit sa kasal.
• Kumintang o Tikam o Hiliraw o Tagumpay -ito ang awit na pandigma. Inaawit ito sa
gabi sa saliw ng biyolin at gitara. (Cuasay, 1973) ibinibilang din itong isang uri ng
kundiman na nagpapahayag ng pag-ibig sa bayan.
• Dalit o Himno- ito ang awit sa pagsamba sa mga anito. Ngayon kilala na ito bilang mga
awiting panrelihiyon
• Dung-aw- ang awit sa patay o pagdadalamhati. Habang nakaburol ang patay, isa sa mga
mahal nito sa buhay ang maaaring umawit para purihin ang namatay
Ang Kantahing-bayan
•Umbay - ang awit ng pagkaulila. Ang himig at tema nito ay nagpapaawa sa kawalan
ng nagmamahala o kumukupkop na magulang.
•Kutang kutang o Rawitdawit sa Kabikulan - ang awit ng mga lasing o awit sa
lansangan na naglalayong magpatawa, magpasaring o manudyo
•. Ditso - ang awit sa paglalaro ng mga bata. Mga ka sabihan itong isinasatono ng
malalarong bata.
Epiko- ito ay isang mahabang salaysay sa anyong patula na maaaring awitin o isatono. Ito
ay hango sa pasalindilang tradisyon tungkol sa mga pangyayaring supernatural o
kabayanihan at may layuning seryoso dahil kinapapalooban ito o pinahahalagahan dito ang
mga paniniwala, kaugalian saloobin, at mga mithiin sa buhay ng mga tao. (Dr. Arsenio
Manuel, 1963)
Awiting-bayan

Likas na sa mga Bikolano ang pagkahilig sa pagkatha ng mga awiting may ritmo (ballad) na
tumatalakay tungkol sa kanilang buhay at kapaligiran tulad ng kabayanihan, pagputok ng
bulkan, bagyo at iba pang anyo ng kalamidad
•  

• Mga Uri ng Awiting Bayan 


• 1. Abiyabi (Happy song)
• 2. Ambahan (Leisure song)
• 3. Angol (Sad songs)
• 4. Kundiman, Harana at Panawagan (Love songs)
• 5. Kunigrat (Triumphant song)
• 6. Daniw (Drinking songs)
• 7. Horasa (Songs commemorating a natural catastrophe)
• 8. Hudlo (Hauling or rowing songs)
• 9. Homolo (Songs when putting out of sea)
• 10. Panayoknok (Lullaby)
• 11. Kulintang (Song of enchantment)
• 12. Kurigit (Howling song)
• 13. Dumago (Songs to ancestors)
• 14. Sinalampati or Salampati (Wedding song)
• 15. Tigay (Songs to cure the sick)

You might also like