You are on page 1of 8

Panitikan:

MGA AWITING BAYAN


Para sa Filipino – Baitang 7
Ikalawang Markahan – Modyul 1

Inihanda ni:
Argie S. Caballes
BSED FILIPINO 2-D
Panimula

Ang Mga Awiting Bayan ay isang uri ng sinaunang panitikan na sumiklab sa ating
bansa sa pamamagitan ng pasalingdila. Laganap na ang pasalindilang panitikan sa
panahon ng ating mga ninuno bago pa man ang pananakop ng mga Espanyol. Ito ang
mga panitikang pinalaganap sa pamamagitan ng pagpapasalin-salin ng pasalitang
tradisyon mula sa iba’t ibang henerasyon. Ang ilan sa mga uri ng panitikang lumaganap
sa pamamagitan ng pasalindilang pamamaraan ay ang mga salawikain, sawikain,
bugtong, awiting-bayan, at mga bulong. Ito rin ay binubuo ng iba’t ibang uri batay sa
layunin ng pagkabuo nito: 1) kundiman, 2) diona, 3) talindaw, 4) oyayi o hele, 5)
kutangkutang, 6) kumintang o tikam, 7) dalit o imno, at iba pa.

Pananaw
Ang modyul na ito ay naglalayong bigyang-diin ang kahalagahan ng awiting bayan
bilang bahagi ng pag-aaral sa ating kasaysayan, wika, at kultura. Sa pamamagitan ng
modyul na ito, maipakikilala ang iba’t ibang diwang makata na nakagawa ng awiting
bayan, maipapahayag ang tunay na kalinangan ng lahing Pilipino, at bunga ng bulaklak
ng matulaing damdamin na galing sa puso at kaluluwang bayan. Inaasahang
makakapagbigay ito ng kaalaman at pag-unawa ng mga nagawang sinaunang awitin na
patuloy na nabubuhay hanggang sa makabagong henerasyon.

LAYUNIN:

Sa loob ng 60 minutong aralin ng Filipino VII, ang mga mag-aaral ay


inaasahang
a) Nakikilala at natutukoy ang mga uri sa pagbuo ng Mga Awiting Bayan sa
iba’t-ibang rehiyon ng Pilipinas,
b) Naipapaliwanag ang kahalagahan ng Mga Awiting Bayan sa ating
lipunan, at;
c) Nakakabuo ng paghahambing sa modernong awitin at sa nakaraang
awitin sa ating bansa.
Panuto

Basahing mabuti at unawain ang nilalaman ng modyul tungkol sa Mga Awiting Bayan:
ang kasaysayan nito, iba’t ibang uri sa pagbuo ng awitin, at mga halimbawang kanta
nito. Pagkatapos itong pag-aralan ay susundan ito ng maiklinng pasulit na susukat sa
inyong kaalaman.

Subukin

Isulat ang tamang sagot sa patlang.


___1. Ito ay isa sa mga matatandang uri ng panitikan na nagsimula bilang mga tulang
may sukat at tugma subalit kalauna’y nilapatan ng himig upang mahayag nang pakanta.
a) Mga Karunungang Bayan c) Alamat
b) Mga Kuwentong-Bayan d) Mga Awiting Bayan

___2. Anong uri ng awiting bayan ito na nagsasaad ng kabuuang mga damdamin at
mga saloobing ipinapangako ng pag-ibig?
a) Diona c) Balitaw
b) Talindaw d) Kundiman

___3. Ito ay isang uri ng awiting bayan na kung saan ang dalaga ay di agad sumasagot
kaya idadaan sa awit ang panliligaw sa kaniya ng binata.
a) Diona c) Balitaw
b) Talindaw d) Kundiman

___4. Ito ay isang awiting-bayan sa kasal.


a) Diona c) Balitaw
b) Talindaw d) Kundiman

___5. Ito ay tinatawag ring hele na kung saan nagpapatulog ito sa sanggol.
a) Kumintang c) Oyayi
b) Kutangkutang d) Dalit
Tuklasin

Ang Mga Awiting Bayan ay isa sa mga matatandang uri ng panitikan na lumaganap sa
ating bansa sa pamamagitan ng pasalingdila. Ang Pasalindilang Panitikan ay naging
laganap sa panahon ng ating mga ninuno bago pa man ang pananakop ng mga
Espanyol. Ito ang mga panitikang pinalaganap sa pamamagitan ng pagpapasalin-salin
ng pasalitang tradisyon mula sa iba’t ibang henerasyon. Ang ilan sa mga uri ng
panitikang lumaganap sa pamamagitan ng pasalindilang pamamaraan ay ang mga
salawikain, sawikain, bugtong, awiting-bayan, at mga bulong.

Ang awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma subalit
kalauna’y nilapatan ng himig upang mahayag nang pakanta. Sa ganitong paraan ay
higit na naging madali ang pagtanda o pagmemorya sa mga awiting ito. Hindi man
nasusulat ay sa isip at puso naman ng mga mamamayan nanahan at naisatitik ang mga
awit kaya naman maituturing na walang kamatayan ang mga ito.

 Iba’t ibang Uri ng Awiting Bayan batay sa sitwasyon o layunin ng


pagkakabuo nito:
a) Kundiman - ang panlahat na katawagan sa awit ng pag-ibig.
Nagsasaad ito ng kabuuang mga damdamin at mga saloobing
ipinangangako ng pag-ibig. Ang halimbawa nito ay ang kundiman
sa Visayas: Balitaw. Ang dalaga ay di agad sumasagot kaya
idadaan sa awit ang panliligaw sa kaniya ng binata.
b) Diona o ihiman - ang awiting-bayan sa kasal.
c) Talindaw - inaawit habang namamangka at habang nagsasagwan.
d) Suliranin - ang awitin sa paggaod. Bilang haligi ng tahanan
kailangan ng lalaking magtrabaho upang maitaguyod ang kaniyang
pamilya
e) Oyayi o hele - ang katawagan sa awiting nagpapatulog ng
sanggol. Kalimitang ang mga awiting ito ay walang kahulugan,
inaawit lamang sa isang malambing na himig upang makatulog ang
isang bata. (Flora A, Ylagan,1939) Sadyang nakaaantok ang oyayi
dahil halos iisa ang tono, at paulit-ulit ang liriko.
f) Kutangkutang – Ayon kay Deveza & Guamen noong 1979, ito ay
awit sa lansangan na pampaalis ng pagod. Ang layunin ay
magpatawa, magpasaring o manukso. Maaaring ang himig nito ay
lumang-luma na ngunit makabago ang liriko na may temang
nanunudyo. Maaaring awitin bago magtrabaho, habang
nagtatrabaho o pagkatapos ng trabaho o kaya’y nagpapahinga na.
g) Kumintang o Tikam - Bukod sa pag-ibig sa iniirog mayroon ding
awit para sa pag-ibig sa bayan. Ito ay nagtataglay ng malungkot na
himig, na karaniwang inaawit ng mandirigma (Sauco,1978).
Karaniwang inaawit sa saliw ng biyolin at gitara at nagmula raw sa
Balayan, Batangas (Cuasay, 1973).
h) Dalit o Imno – isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o
pasasalamat, karaniwang para sa Diyos, sa mga santo at santa ng
mga Katoliko sapagkat nagpapakita, nagpaparating o
nagpapadama ng pagdakila at pagsamba.

Narito ang mga iba pang uri ng awiting namayani sa iba’t ibang lugar sa ating bansa:
1. Tingad - Awit sa pamamahinga mula sa maghapong pagtatrabaho.
2. Sambotani - Awit sa pagtatagumpay sa isang pakikipaglaban.
3. Dopayinim - Awit sa pagdiriwang sa pagtatagumpay sa isang labanan.
4. Dolayanin at Indolanin - Awit panlansangan.
5. Tingud - Awit pantahanan.
6. Umbay - Awit panlibing.
7. Ombayi - Isang malungkot na awit.
8. Omiguing - Isang malambing na awit.

Awiting Bisaya-Illonggo Dandansoy


Dandansoy (Saling Tagalog)
(Awiting-Bayan mula sa Negros
Occidental) Dandansoy, iiwan na kitá
Babalik akó sa payaw
Dandansoy, bayaan ta ikaw Kung sakaling ika’y mangulila
Pauli ako sa payaw Sa payaw, ikaw ay tumanaw.
Ugaling kung ikaw hidlawon Dandansoy, kung akó ay iyong
Ang payaw imo lang lantawon. susundan
Dandansoy, kung imo apason Kahit tubig, huwag ka nang
Bisan tubig di magbalon magbáon
Ugaling kung ikaw uhawon Kung sakaling ikaw ay mauhaw
Sa dalan magbubon-bubon. Sa daan, gumawa ka ng munting
balon.
Ili-Ili Tulog Anay Ili-Ili Tulog Anay
(Illongo) (Tagalog)

Ili-ili tulog anay Batang munti, batang munti,


Wala diri imong nanay matulog ka na,
Kadto tienda bakal papay Wala rito ang iyong ina,
Ili-ili tulog anay Siya ay bumili ng tinapay
Batang munti, batang munti,
matulog ka na.
Si Felimon Si Felimon
(Cebuano) (Tagalog)

Si Felimon, si Felimon Si Filemon, si Filemon, nangisda sa


namasol sa kadagatan. karagatan,
Nakakuha, nakakuha Nakahuli, nakahuli ng isdang
ug isdang Tambasakan. tambasakan,
Gibaligya, gibaligya Pinagbili, pinagbili sa isang maliit na
sa merkadong guba. palengke
Ang halin pulos kura, Kumita ng kaunting pera, kumita ng
ang halin pulos kura. kaunting pera,
Igong lang ipanuba. Para lang sa kaniyang alak na tuba.

MAIKLING PAGSUSULIT Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ito’y uri ng awiting bayan na panlibing.
a. Tingud c. Umbay
b. Tingad d. Sambotani

2. Ito’y uri ng awiting bayan na inaawit sa pamamahinga mula sa maghapong


pagtatrabaho.
a. Tingud c. Umbay
b. Tingad d. Sambotani

3. Ito’y uri ng awiting bayan na pantahanan.


a. Tingud c. Umbay
b. Tingad d. Sambotani

4. Ito’y uri ng awit sa pagtatagumpay sa isang pakikipaglaban.


a. Tingud c. Umbay
b. Tingad d. Sambotani

5. Ito’y uri ng awiting bayan na panlansangan.


a. Tingud c. Indolonin
b. Dolayanin at Indolanin d. Sambotani

EBALWASYON
Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot.

1. Ito ay isa sa mga matatandang uri ng panitikan na nagsimula bilang mga tulang may
sukat at tugma subalit kalauna’y nilapatan ng himig upang mahayag nang pakanta.
____________________
2. Ito ay isang uri ng awiting bayan na nagsasaad ng kabuuang mga damdamin at mga
saloobing ipinapangako ng pag-ibig. _______________
3. Ito ay isang uri ng isang awiting bayan na inaawit sa kasal. ______________
4. Inaawit ito habang namamangka at nagsasagwan. _________________
5. Ito ay awitin sa paggaod. __________________
6. Ito ay tinatawag ring hele na kung saan ang awiting ito ay nagpapatulog ng sanggol.
______________
7. Ang kantang ito ay pampaalis ng pagod na ang layunin ay magpatawa, magpasaring
o manukso. _________________
8. Kinakanta ito para sa pag-ibig sa bayan na kung saa’y tinatawag itong awit sa
pakikidigma. __________________
9. Ang awiting ito ay isang papuri, luwalhati, kaligayahan o pasasalamat. ____________
10. Magbigay ng isang halimbawang awiting bayan na nailahad sa modyul.
__________________
Sanggunian:
https://www.scribd.com/document/421536040/Awiting-Bayan-ng-Pilipinas
https://www.scribd.com/presentation/438488911/Awiting-Bayan

MGA KASAGUTAN

Subukin
1. D
2. D
3. C
4. A
5. C

Maikling Pagsusulit
1. C
2. B
3. A
4. D
5. B

Ebalwasyon
1. Mga Awiting Bayan 6. Oyayi
2. Kundiman 7. Kutangkutang
3. Diona o Ihiman 8. Kumintang o Tikam
4. Talindaw 9. Dalit o Imno
5. Suliranin o Soliranin 10. Dandansoy, Ili-ili Tulog Anay, Si Filemon

You might also like