You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM


Angono, Rizal

COLLEGE OF EDUCATION

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

I. Layunin:
Pagkatapos ng Aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. Nakikilala ang mga awiting bayan ng Pilipinas;
b. Nagagamit ang awiting bayan sa iba’t-ibang konteksto;
c. Napapahalagahan ang kultura sa pamamagitan ng awiting bayan.

II. Paksang Aralin


Paksa: Awiting Bayan
Sanggunian: https://noypi.com.ph/awiting-bayan/
Kagamitan: PPT, bidyo, larawan, kartolina
Pagpapahalaga: Pagyamanin at ingatan ang kultura ng Pilipinas

III. Pamamaraan
Guro Mag-aaral

A. Panimula

a. Pagbati

Magandang Hapon BEED-3C! Ako si Bb. Magandang hapon po Bb. Alexa!


Alexa Maris Celi ang inyong guro sa
Filipino.

b. Panalangin
(tatayo ang lahat at mananalangin….)
Bago tayo magsimula sa ating aralin,
tayo muna ay mananalangin na Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espirito
pangungunahan ni G. Allen. Santo……Amen

Maraming salamat Allen!


(mauupo)
Bago maupo ang lahat, maaari bang
ayusin ang upuan at pulutin ang mga
kalat sa paligid.

Tinatawagan ko si Bb. Joana upang iulat Malugod ko pong i


sa atin kung ilan ang liban sa ating klase.

Mahusay dahil walang liban sa ating 1…2…3…1..2..3.. WOW


klase! Bigyan ninyo ng ang inyong mga
sarili ng WOW clap!

c. Balik-aral

Ano nga ba ang ating nakaraang


talakayan?
Charmaine? Alamat po.
Tama! Ang ating nakaraang aralin ay
tungkol sa alamat.

Ano nga ulit ang alamat?

Jenica? Ang alamat po ay nagsasalaysay ng mga


pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig.
Magaling! Ang alamat ay isang uri ng
kwentong bayan na nagsasalaysay ng
mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig.

Maaari ba kayong magbigay ng mga


halimbawa ng alamat?

Quirina? Alamat po ng pinya…

Mahusay! Ano pa?

Mae Anne? Alamat po ng bulkang Mayon..

Pang huling halimbawa?

Diana? Alamat po ng Rosas…

Tama! Ako ay nagagalak dahil


natatandaan nyo pa ang ating nakaraang (pumalakpak ng lima)
aralin. Bigyan ninyo ng limang bagsak
ang inyong mga sarili!

B. Aktibidad

Ngayon naman mayroon tayong gagawin.


Handa na bang makinig? Opo!

Mahusay!

Ang ating gawain ay pinamagatang


“KANTA KO, HULA MO”

Mayroon akong mga iparirinig at mga


larawang ipapakita sa inyo, at huhulaan
ninyo kung ano nga ba ang pamagat ng
mga nito.

Unang kanta at larawan:


Pakinggan natin mga bata.
Ano kaya ito?
Lara? Bahay kubo po.

Magaling! Maaari nyo bang kantahin ang (Aawit)


Bahay kubo.

Pangalawang kanta at larawan:

Pakinggan natin mga bata.

Ano naman kaya ito?


Summer? Tong-tong-tong pakitong-kitong po.

Tama! AwitIn nga natin mga bata. (Aawit)

Panghuling kanta at larawan:

Muli nating pakinggan ang kanta.

Ano kaya ang huling kantang ito? Ako ay may lobo po.
Ashley?

Mahusay! Tama ang iyong kasagutan! (Aawit)


Awitin nga natin ang kanta.

Tama ang lahat ng inyong mga


kasagutan. Bigyan ninyo ang inyong mga 1..2..3..ang galing..1..2..3..ang
sarili ng “ANG GALING CLAP”! galing..1..2..3.. ANG GALING GALING

C. Paglalahad

(Ituro ang mga larawan ng bawat awitin


sa aktibidad)

- Batay sa mga narinig ninyo at mga


larawang ito. Sa tingin ninyo ang
ang ating tatalakayin sa araw na
ito?

Kreesha? Mga awitin po.

Tama! Ang ating bagong aralin ay tungkol


sa mga Awiting bayan.

Napakagaling talaga ng aking mga


mag-aaral.

Ang Pilipinas ay mayaman sa panitikan at


isa na dito ang Awiting Bayan o
Kantahing-bayan na awit ng mga
Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay
kinakanta o inaawit pa rin.

Bukod pa rito, ang awiting bayan ay


tradisyonal na awit na nagpapahayag ng
opinyon, damdamin, at karanasan ng mga
Pilipino. Ito ay naglalarawan ng
pang-araw-araw na buhay, kaugalian, at
kasaysayan, at tumutulong sa
pagpapaunlad ng pagkakakilanlan.

Sa porma ng musika na may tugma at


sukat, ang awiting bayan ay
nagpapahayag ng mga paniniwala at
tradisyon ng mga tao. Mahalaga ito sa
pangangalaga at pagpapatuloy ng mga
natatanging kaugalian ng mga Pilipino.

Naiintindihan ba mga bata? Opo…

May ideya o may alam ba kayong mga Opo…


halimbawa ng awiting bayan?

Kung mayroon maari bang magbigay ng


isa?

Jenica? Bahay kubo po.

Magaling! Ang bahay kubo ay isang uri ng


awiting bayan, inilalarawan dito kung ano
nga ba ang kadalasang makikita sa
paligid ng isang maliit kubo na noong
unang panahon. Sa kabila ng maliit na
tirahan, marami ang mga pagkain na
maaring makuha sa paligid.

Bigyan natin si Jenica ng tatlong bagsak (papalakpak ng tatlong beses..)

Ilan pang halimbawa ng awiting bayan ay


ang mga sumusunod:
- Sitsiritsit
- Magtanim ay di biro
- Ating Cu Pung Singsing
- Paru-Parong Bukid
- Leron, Leron Sinta

Ngunit ang mga ito ay hindi lamang basta


basta naililimbag.

Alamin natin ngayon ang mga katangian


ng Awiting Bayan.

1. Nagsasalaysay ng karanasan at
tradisyon
- Ang mga awiting bayan ay
naglalarawan sa mga karanasan
ng mga tao sa isang partikular na
lugar o panahon.
2. Kasimplehan ng mga salita
- Ang mga awiting bayan ay
gumagamit ng mga simple at
madaling maunawaang salita na
madaling maalala at maaaring
kantahin ng lahat.
3. May sukat at tugma
- Ang mga awiting bayan ay binubuo
ng mga saknong na may sukat at
tugma.
4. May melodiya
- Ang mga awiting bayan ay
pinapalutang sa melodiya na
sumasalamin sa damdamin ng
awit.

Makikita dito kung gaano kamalikhain ang


mga Pilipino. Sa dami ng mga awiting
bayan, ito ang nagpapatunay na ang
kultura ng Pilipinas ay mayaman at tunay
ngang pinapahalagahan ang tradisyon
nating mga Pilipino.

Naintindihan ba ang ating tinalakay? Opo…

D. Paglalapat

Magkakaroon tayo ng panibagong


gawain.

Mapa ng kaisipan!

Panuto: Punuun ang bawat ulap ng mga


konsepto patungkol sa awiting bayan.
Bibigyan ko kayo ng limang minuto upang
sagutan ito sa isang buong papel.
Opo
Tapos na ba ang lahat?

Ngayon, atin nang sagutan ang inyong (Sasagot ang mga bata base sa kanilang
ginawa. ginawa)

Mahuhusay! Bigyan ninyo ang inyong (1…2..3…1..2..3.. Ang galing! Ang galing!
mga sarili ng “ANG GALING CLAP” Ang galing galing)

E. Paglalahat

Ano ang tradisyonal na awit na


nagpapahayag ng opinyon, damdamin, at
karanasan ng mga Pilipino?
Awiting bayan po.
Shiela?
(papalakpak ng tatlong beses)
Mahusay, bigyan ng tatlong bagsak!

Bakit nga kaya mahalaga at patuloy na


pinagyayaman ang awiting bayan?
Magbigay ng isa.
Ito po ay naglalarawan ng
Rochella? pang-araw-araw na buhay

Tama! Naglalarawan ito ng pang


araw-araw na buhay.

Ano pa? Naglalarawan po ito ng kaugalian, at


Angelica? kasaysayan,

Mahusay! Ito din ay naglalarawan po ito


ng kaugalian, at kasaysayan.

Panghuli, bakit nga kaya mahalaga ang


awiting bayan?
Tumutulong po sa pagpapaunlad ng
Charmaine? pagkakakilanlan.

Magaling! Ang lahat ng inyong sagot ay


tama kaya bigyan natin sila ng (G.o.o.d.j.o.b! Goodjob! Goodjob!)
“GOODJOB CLAP”.
Base sa ating tinalakay, magbigay nga ng
halimbawa ng Awiting bayan.
Magtanim ay di biro po.
Kyle?

Magaling! Isang napaka gandang awitin.

Ano pa? Paru-parong bukid po.


Rea?

Tama! Ano pa? Ating Cu pung Singsing


Rogine?

Magaling! Ang Ating Cu pung singsing ay


isang awitin mula sa mga kapampangan.

Bilang isang mag-aaral, paano mo


maiingatan at mapagyayaman ang mga
awiting bayan?
Maiingatan at mapapahalagahan po natin
Diana? ang awiting bayan kung ito ay patuloy na
aawitin at ipaparinig o ibabahagi sa ibang
tao po.

Mahusay! Bilang mga Pilipino


mapagyayaman natin ang ating awiting
bayan kung ito ay ating tatangkilikin at
patuloy na ipapasa sa susunod pang
henerasyon.

V. Pagtataya.

Isulat sa patlang ang ♥️ kung ang nakasaad ay isang awiting bayan at ⭐kung
hindi. Sagutan ito sa isang buong papel.

____1. Sitsiritsit
____ 2. Tong-Tong-tong Pakitong kitong
____ 3. Kung ikaw ay Masaya
____ 4. Paru-Parung Bukid
____ 5. ABC song

VI. Takdang Aralin

Magsaliksik kung anu-ano ang mga uri ng awiting bayan. Isulat ang sagot
sainyong kwaderno.
Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

ALEXA MARIS C. CELI Prof. AIREEN M. MORA, PhD.


Propesor sa Filipino
ALLEN IVER A. BORJA
Mag-aaral, BEED 3C

You might also like