You are on page 1of 6

I.

Layunin

1. Natatalakay ang kahulugan ng kantang bayan ko

2. Naaawit sa wastong tono ang kantang bayan ko

3. Nalalaman ang mga alituntunin sa pag-awit ng kantang bayan ko

4. Nasasagot ng tama ang mga katanungan tungkol sa kantang bayan ko

II. Paksang Aralin: Bayan Ko

Sanggunian : Mapeh II ph. 10-15

Kagamitan: visual aids, video presentation

III. Pamamaraan

Gawaing Guro. Gawaing Mag-aaral

A.Paghahanda

Magsitayo ang lahat, Cardo pangunahan mo ang

ating panalangin sa araw na ito. Opo Ma'am

(Nag darasal ang mga bata)

Magandang umaga mga bata! Magandang umaga po ma'am

May liban ba? Si Ana po ma'am

2. Pambungad na awit

"Lupang Hinirang"

Sabay-sabay, Handa awit! (kunakanta ang mga bata)

3. Pagganyak

Ngayon may ipapakita akong video


manood at obserbahan niyo ng maigi kung

patungkol saan ang video.

maliwanag ba? Opo ma'am

(Pinapalabas ang video) (Nanonood ang mga bata)

B. Gawain

(Pagpapakita ng mga titik)

May mga titik ng kanta dito sa pisara,

babasahin ko muna tapos kayo naman

itong kanta ay pinamagatang "Bayan Ko" Opo ma'am

(bumabasa ang guro) (nakikinig ang mga bata)

kayo naman ng sabay-sabay (bumabasa ang mga bata)

Okay, base sa mga titik o liriko ng

kantang bayan ko na inyong binasa

sa isang kalahating papel sagutin ang tanong, Opo ma'am

"Ano ang ibig iparating na mensahi ng kanta? " (sumasagot ang mga bata)

Daniel pwede bang ibahagi mo sa amin ang

iyong naging sagot? Ang mensahe hatid ng awiting

Bayan Ko ni Freddie Aguilar ay

paglalarawan kung gaano

kayaman ang lupain ng Pilipinas,

na napakaraming pagkukuhaan

ng likas na yaman upang

mabuhay at hindi magutom ang


mamamayang Pilipino.

C. Paglalahad
Si Ferdinand Pascual Aguilar ipinanganak noong

Pebrero 5, 1953 na mas kilala bilang Freddie Aguilar

ay isang katutubong musikero mula sa Pilipinas

kilala siya sa kanyang pag-awit ng Bayan Ko,

na naging awit ng oposisyon laban sa rehimeng

Marcos noong 1986 People Power Revolution

at sa kanyang awiting Anak, ang pinakamabentang

rekord ng musika sa Pilipinas sa lahat ng panahon.

malaki ang kaugnayan niya sa Pinoy rock.

Elsa, bakit makahulugan ang kantang bayan ko sa

atin bilang pilipino? ang kantang bayan

ko/natin ay napakaganda

at makahulugan dahil ito

ay para sa atin lamang na

mga Pilipino, napakasakit

na makita itong "nakakulong"

o masakop ng mga dayuhan

kaya't ibig ng sumulat na sana

ang bayan na nasadlak sa

ay makabangon muli at makalaya.


D. Paghahawan ng Balakid

"Mga Titik"

Ang bayan kong Pilipinas

Lupain ng ginto't bulaklak

Pag-ibig na sa kanyang palad

Nag-alay ng ganda't dilag

At sa kanyang yumi at ganda

Dayuhan ay nahalina

Bayan ko, binihag ka

Nasadlak sa dusa

Ibon mang may layang lumipad

Kulungin mo at umiiyak

Bayan pa kayang sakdal-dilag

Ang 'di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya

Pugad ng luha at dalita

Aking adhika

Makita kang sakdal laya

Ibon mang may layang lumipad

Kulungin mo at umiiyak

Bayan pa kayang sakdal-dilag

Ang 'di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya

Pugad ng luha at dalita

Aking adhika
Makita kang sakdal laya

Ano anong mga salita sa mga titik ng

kanta ang hindi niyo na intindihan? Marami po, gaya ng

PALAD, DILAG, YUMI at NASADLAK

(Ipapaliwanag ng guro ang bawa

salita)

E. Pagbibgay kahulugan

Bukod sa kayamanan taglay ng bansa pinapahiwatig

at ipinapakita rin ng kanta kung gaano kaganda ang

bansa kaya maraming dayuhan o bayangang naaakit

sa mga tanawin kaya sinasakop ang bansang Pilipinas.

bukod sa ganda ng tanawin, nais din sakupin ng mga

dayuhang bansa ang Pilipinas dahil sa maraming likas

na yaman kaya naman nasa mensahe rin ng kanta ni

Aguilar ang tunay na kalayaan ng bansa. Na matigil

ang pananamantala ng mga dambuhalang bansa sa

mamamayan ng Pilipinas.

F. Pagbibigay Pamantayan

Mga bata, ano ano ang mga

pamantayan sa pag awit ng

Bayan Ko? Wag masigawan


Makinig at sumunod kay guro

G. Rote Singing

Ngayon, tayo ay kakanta ng

"Bayan Ko" ako muna then kayo namn.

Maliwanag mga bata? Opo ma'am.

(kumakanta ang guro) (nakikinig ang mga bata)

Kayo namn. (kumakanta ang mga bata)

H. Pagkikilatis

1. Ano ang pamagat ng kanta?

2. Kailan ipinanganak si Freddie Aguilar?

3. Sino ang mang-aawit sa kanta?

4. Ibigay ang buong pangalan ni Freddie Aguilar?

IV. Kasunduan

Sagutin ng maayos ang mga

takdang aralin na ipapasa sa

ating susunod na klase

You might also like