You are on page 1of 28

VfSION o\'

Filipino
Grade 7
Activity Sheets
Quarter 2 Week 1-5
Pangalan: ___________________ Baitang at Pangkat: _________________ Petsa: ___________

Paksa: Pagpapaliwanag sa nais iparating ng bulong, awiting-bayan, alamat at epiko ng

Kabisayaan

Kompetensi: Naipaliliwanag ang mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais iparating ng

napakinggang bulong, awiting-bayan, alamat, bahagi ng akda, teksto tungkol sa epiko sa Kabisayaan

Konsepto:

Awiting-bayan at Bulong

e
Ang awiting-bayan ay awit mula sa sariling bayan. Mga awiting batay sa pamumuhay,

tradisyon at diyalekto ng isang partikular na lugar sa Pilipinas. Ang mga ito’y ritmo na pasalin-salin

al
at patuloy na inaawit ng mga Pilipino. Nagdudulot ito ng kasiyahan, nakapagbibigay ng aliw at

libangan.
rS
Ilan sa mga uri nito ay ang mga sumusunod:

a. Uyayi o Hele – awit sa pagpapatulog ng bata

b. Soliranin/ Talindaw – awit sa pamamangka


Fo
c. Kalusan – awit sa sama-samang paggawa

d. Diona – awit sa kasal

e. Kundiman – awit ng pag-ibig

f. Kumintang/ Tikaw Hiliraw/ Tagumpay – awit sa pakikipagdigmaan


ot

g. Sambotani – awit sa pagtatagumpay

h. Dalit – awit sa mga anito o diyos-diyosan ng mga Bisaya


N

i. Dung-aw – awit ng pagdadalamhati sa patay

j. Umbay – awit ng nangungulila sa magulang

k. Ditso – awit sa mga batang naglalaro sa lansangan

Ang bulong naman ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa

kapuluan ng Pilipinas. Itinuturing itong isang panalangin dahil sa pagnanais na makamtan ang isang

pangyayari o pagbabago sa hinaharap ng mga pangyayari sa kapalaran. Pinaniniwalaan din itong

1 Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
panlaban sa masasamang espiritu kung kaya ito’y itinuturing na pangkulam o pang-engkanto ng mga

Bagobo ng Mindanao. Ginagamit din itong panlunas sa sakit tulad ng usog, pilay o kagat ng mga

hayop.

Halimbawa nito ay ang pagbigkas ng “tabi-tabi po” kung mapapadaan sa daang may malaking

puno o sa may punso. Halimbawa rin nito ay pagbigkas ng “Ulan ulan tumigil ka ulan” kung nais

patigilan ang ulan at ang “Tabi po. Makikihingi lamang po ng kaunting bunga” bilang paghingi ng

permiso sa engkantong nakatira sa puno.

e
Ang bulong at awiting-bayan ay parehong masining na paraan ng pagpapahayag ng sariling

opinyon at saloobin na bahagi ng kultura’t kaugalian ng mga Pilipino. Ito rin ay isang paraan ng

al
pagpapatibay at pagpapaunlad ng sariling pagkakakilanlan.

Alamat at Epiko
rS
Ang alamat o legend sa Ingles ay nagmula sa wikang Latin na “legenda” na nangangahulugang

“upang mabasa”. Ito ay isang likhang kwento na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang bagay.
Fo
Hindi man makatotohanan, naging instrumento ito ng pagtuturo ng wastong asal, paghahanap

ng katotohanan, at pagpapayabong ng kultura ng ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyang

panahon.

Ang epiko naman ay mula sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugang “awit”. Ito ay
ot

tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang

nakahihigit sa karaniwang tao o supernatural na katangian. Ang paksa ay karaniwang tumutalakay sa


N

kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikipagdigmaan.

Ang alamat at epiko ay mga akdang panitikang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas. Mga

panitikang nag-ugat sa pandarayuhan ng ating mga ninuno sa iba’t ibang lupain ng Asya. Bagama’t

wala pang sistema ng pamamahala at edukasyon sa sinaunang panahon, naipalaganap ang mga

panitikan ito sa pamamagitan ng pasalitang paraan o pasalin-dila sa iba’t ibang henerasyon ng mga

katutubo hanggang sa napanitili at nailathala sa kasalukuyan.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use 2
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
Gawain 1

Para sa bilang 1- 3: Pakinggan at unawain kung ano ang mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang

nais iparating ng awiting-bayang “Si Pilemon” ng mga Cebuano.

Si Pilemon
Si Pilemon, si Pilemon
Namasol sa kadagatan
Nakakuha, nakakuha
Og isdang tambasakan

le
Gibaligya, gibaligya
Sa merkadong guba
Ang halin pulos kura, ang halin pulos kura

Sa
Igo lang ipanuba

1. Anong-uri ng awiting-bayan ang “Si Pilemon”?

a. Soliranin/Talindaw b. Uyayi c. Kalusan d. Sambotani


r
Fo
2. “Si Pilemon, si Pilemon, namasol sa kadagatan, nakakuha, nakakuha ug isdang tambasakan”,

ipinapahiwatig ng linyang ito na____________________.

a. Libangan sa Bisayas ang paramihan ng mahuhuling isda

b. Isa sa pangunahing kabuhayan sa Bisayas ay ang pangingisda


ot

c. Hindi mahilig sa pangingisda ang mga Cebuano

d. Isa sa pangunahing kabuhayan sa Bisayas ay ang pangangaso


N

3. “Gibaligya, gibaligya, sa merkadong guba, ang halin pulos kura, ang halin pulos kura, igo

lang ipanuba”, isinasaad ng linyang ito na_______________________.

a. Ang tauhan ay mahilig uminom ng tuba

b. Ang tauhan ay nagbebenta ng isda at tuba sa merkado

c. Ang tauhan ay mahilig kumain ng isda

d. Ang tauhan ay nagbebenta ng tuba

3 Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
Para sa bilang 4-5: Unawain kung ano ang mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais

iparating ng bulong.

“Huwag magalit kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa ami’y napag-utusan”

4. Ano ang hinihingi ng tawad ng nagsasalita sa bulong?

a. Ang pangunguha ng bunga sa puno

b. Ang pagdaan sa bahay ng mga engkanto

c. Ang makasagi ng nilalang na hindi nakikita

le
d. Ang masira ang bahay na tinitirhan ng nuno

5. Paano ginamit ang bulong?

Sa
a. Paghingi ng pahintulot na makakuha ng kaunting bunga sa puno

b. Pagpapasintabi sa lugar na pinaniniwalaang tirahan ng mga engkanto

c. Paggamot sa isang taong nakulam

d. Paggamot sa isang taong nausog


r
Gawain 2: Basahin at suriin ang bahagi ng awiting-bayan at bulong sa HANAY A sa pamamagitan
Fo
ng pagtukoy sa mensahe ng mga ito sa HANAY B. Isulat ang titik sa patlang.
HANAY A HANAY B

____1. “Ulan, ulan tumigil ka ulan.” A. nagpapakita ng pagmamahal sa bayan

____2. “Sagwan, tayo'y sumagwan B. nananalangin nang hindi maganda sa


ot

Ang buong kaya'y ibigay. kapuwa bilang ganti sa ginawang


Malakas ang hangin masama
Baka tayo'y tangayin,
Pagsagwa'y pagbutihin.”
N

C. nagbunga ng masaganang ani ang


____3. “Tra, la, la, la.
itinanim na binhi
Ako’y nagtanim ng binhi,
Sumibol, nabuhay.
Di naglao’t namunga, D. nagpapamalas ng pagtutulungan
Ang bunga’y naging binhi.”

____4. “Nagnakaw ka ng bigas ko E. nagpapakita ng paggalang sa mga di


Lumuwa sana ang mata mo’ nakikita
Mamaga ang katawan mo
Patayin ka ng anito.” F. nagpapakita ng pagkamagalang sa taong
kausap
____5. “Tabi-tabi, Ingkong kami po’y nakikiraan
lamang.” G. nananalangin na tumila ang ulan

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use 4
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
Gawain 3 :

(Pakinggan ang Alamat ng Bohol, Alamat ng Makahiya at ang Epikong Hinilawod, Unang

Bahagi: Labaw Donggon.) Unawain kung ano ang mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais

iparating ng mga akda.

Para sa bilang 1-2

Si Bo ang lumikha ng mga burol, ilog, gubat at mga hayop, pati na ang pinakamaliliit na

le
unggoy. Si Hol naman ang lumikha ng mga isda, hipon, pati na ang naglalakihang alimango.

Nasaksihan ng mga tao ang mga pagbabagong ginawa nina Bo at Hol. Nagpasiya ang mga taong

Sa
palitan ang pangalang Isla Bao. Pinalitan ito ng pangalang Bohol bilang alaala sa mga nagawa nina

Bo at Hol.

“Alamat ng Bohol”
r
Fo
1. Ano ang pangunahing layunin ng binasang alamat?

a. maglahad ng kasaysayan ng Pilipinas c. magbigay ng impormasyon

b. magpaliwanag ng pinagmulan d. manghikayat sa mambabasa


ot

2. Nagpasiya ang mga taong palitan ang pangalang Isla Bao ng pangalang Bohol

bilang_______________.
N

a. pagbibigay-pugay sa magulang nina Bo at Hol

b. pag-alala sa pinagsamang pangalan ng dalawang nagbago at nagpaganda sa isla

c. paglimot sa orihinal na pinagmulan ng isla

d. lahat ng nabanggit

5 Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
Para sa bilang 3

Magmula noon ay inalagaan nila ng mabuti ang halaman. Naniniwala sila at alam nila na ang
halaman ay ang anak nilang si Maria. Katulad ng kanilang anak, ang halaman ay mahiyain din na
tumitiklop kapag nahahawakan. Dahil dito ay tinawag nila itong “makahiya” dahil nagtataglay ito ng
katangian ni Mariang pagkamahiyain.

“Alamat ng Makahiya”

3. Bakit tinawag nilang “Makahiya” ang halaman?

le
a. dahil ikinakahiya nila ang sinapit ng kanilang anak

b. dahil naniniwala sila na ito ang gustong pangalan ni Maria

Sa
c. dahil ang salitang Makahiya ay malapit sa pangalang Maria

d. dahil tulad ni Maria ay may taglay itong pagkamahiyain

Para sa bilang 4- 5

Agad na nagtungo si Labaw Donggon kay Manalintad upang labanan ito at sa tulong ng kanyang
r
mahiwagang sinturon, napatay niya ang halimaw. Bilang pagpapatunay ng kanyang pagtatagumpay,
Fo
pinutol niya ang buntot ng halimaw at dinala sa ama ng dalaga.

“Hinilawod, Unang Bahagi: Labaw Donggon (Epiko ng Bisaya)”

4. Ano ang paksa ng binasang bahagi ng epiko?

a. pakikipagsapalaran sa mga hayop c. pakikipaglaban sa mahiwagang nilalang


ot

b. pinagmulan ng mga bagay-bagay d. awitin batay pamumuhay at tradisyon


N

5. Ang tekstong binasa ay bahagi ng epikong “Hinilawod” ng mga Bisaya. Paano ito naiiba sa iba

pang uri ng akdang pampanitikan?

a. Gumagamit ito ng mga tauhang hayop na nakakapagsalita a kumikilos na parang tao.

b. Naglalarawan ng tunay na mga pangyayari sa buhay ng tao

c. Nagsasaad ito ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangian

nakahihigit sa karaniwang tao

d. Nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang bagay

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use 6
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
Sanggunian

1. Guimarie, A. (2015). Kalinangan 7: Workteks sa Filipino (wika at panitikan) para sa hayskul


(Binagong Edisyon). Rex Book Store, Inc
2. Oracion, L. (2012). Ilaw: Pinagsanib ng wika at panitikan baitang 7. Innovative Educational
Materials, Inc,
3. Evasco, E Y. Ortiz, W P. (2008). Palihan. Quezon City: C&E Publishing, Inc.

Notes: a) This is exclusively for the use of Digos City Division.


b) The Division welcomes suggestions for the improvement of this worksheet.

e
al
rS Inihanda ni:

MARYAM DESSA H.BUAT


Digos City National High School
Fo
ot
N

7 Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
Key Answer

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3

1. a 1. g 1. b

2. b 2. d 2. b

3. a 3. c 3. d

e
4. d 4. b 4. c

5. b 5. e 5. c

al
rS
Fo
ot
N

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use 8
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
Pangalan: ___________________ Baitang at Pangkat: _________________ Petsa: ___________

Paksa: Paghahatol o pagmamatuwid

Kompetensi: Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob sa akda na

sumasalamin sa tradisyon ng mga taga Bisaya

Konsepto:

Pagbibigay ng hatol

Sa pagpapapahayag ng ideya maaari kang magbigay ng hatol o puna. Ang pagbibigay hatol ay

e
pagpapasiya kung matuwid o hindi ang isang sitwasyon o pangyayari na isang kasanayan na maaaring

malinang sa pagpapahayag ng ideya na maaaring sang-ayon o di-sang-ayon.

al
Gawain 1
rS
Pagkatapos pag-aralan at matutuhan ang tungkol sa awiting-bayan, bulong, epiko at alamat ng

mga taga-Visayas, suriin kung ang sumusunod na ideya mula sa nasabing mga akda ay sumasang-ayon

ka o hindi. Isulat ang tsek (/ ) sa kolum ng mapipiling sagot at pagkatapos ay bigyan ng paliwanag.
Fo

Ideya Sang-ayon Di-sang-ayon Paliwanag

1. Malaking tulong ang mga awiting-


ot

bayan upang makilala natin kung paano

namumuhay ang mga taga-Visayas.


N

2. Ang bulong ay nangangahulugan ng

pagkamapamahiin ng mga Pilipino. Ito

ay magandang katangian.

9 Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
3. Ipinakita sa awiting-bayang “Si

Filemon” ang pagkamahiligin sa pag-

inom ng tuba ng tauhan. Ito ay

nangangahulugan ng positibo at

masayahing pananaw sa buhay.

4. Sa epikong “Hinilawod”, kahanga-

e
hanga ang ginawang pakikipaglaban ni

al
Labaw Donggon kay Saragnayan upang

maangkin at maagaw ang asawa nitong

si Malitong Yawa. rS
Fo
5. Ang mga epiko at alamat sa Visayas

ay maaaring batay sa totoong mga

pangyayari mula sa kanilang

kasaysayan.
ot
N

Panitikang Rehiyonal- Ikapitong Baitang


Kagamitan ng mag-aaral (Unang Edisyon 2017)

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use 10
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
Gawain 2

Bumuo ng sariling paghahatol o pagmamatuwid tungkol sa isang napapanahong paksa.

Bumuo ng higit sa limang pangungusap na pagpapaliwanag ng iyong sariling hatol. (5 puntos)

Pagpapasarado ng ABS-CBN,
pinakamalaking istasyon
ng telekomunikasyon sa bansa,
ano ang hatol mo tungkol dito?
Halimbawa:
Halimbawa:

Halimbawa:

le
Para sa akin, nararapat Nakakalungkot dahil hindi
lamang ito dahil ko na mapapanood ang
Hindi ako sang-ayon dahil
mayroong nilabag na paborito kong teleserye
batas ang kanilang ang pagsara ng ABS-CBN
ngunit kung talagang may

Sa
kompanya. Ang batas ay ay hayagang pagbura ng
kalayaan ng pamamahayag nilabag silang batas ay
batas.
sa bansa. nararapat lamang na
panagutan nila ito.

Bahagi na ng kaugalian at tradisyon ng mga Pilipino ang panonood ng telebisyon, kaya naman
r
Fo
naging sari-sari ang opinyon at hatol ng mga mamamayan sa isyung pagpagpapasara ng

pinakamalaking istasyon sa bansa. Iba ibang puna at saloobin dahil sa iba ibang sitwasyon, paniniwala

at pananaw. Gayunpaman, ano man ang magiging hatol mo, siguraduhing masusi mong ititimbang

kung ano tama, matuwid at mabuti.


ot

Ikaw bilang isang mag-aaral na isa ring mamamayang Pilipino, ano ang magiging hatol mo
N

tungkol dito? Ipaliwanag.____________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

11 Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
Sanggunian

1. Api-it, et al (2017). Panitikang rehiyonal ikapitong baitang kagamitan ng mag-aaral. Unang


Edisyon. DepEd-BLR

Notes: a) This is exclusively for the use of Digos City Division.


b) The Division welcomes suggestions for the improvement of this worksheet.

e
al
Inihanda ni:

rS MARYAM DESSA H.BUAT


Digos City National High School
Fo
ot
N

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use 12
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
Pangalan: ___________________ Baitang at Pangkat: _________________ Petsa: ___________

Paksa: Antas ng wika

Kompetensi: Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa pagsulat ng awiting-

bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal)

Konsepto:

Antas Ng Wika

Upang magkaintidihan kailangang iayon ang wikang gagamitin sa panahon, kultura at

e
sitwasyon sa pakikipag-usap. Kailangang piliin ang angkop na salitang gagamitin upang higit na
maging maayos ang ating pakikipag-usap at maging ang pagsulat ng awitin tulad ng awiting-bayan.

al
Nahahati sa dalawang uri ang antas ng wika batay sa pormalidad. Ito ay ang pormal at
di-pormal na wika.
rS
1. Pormal – mga salitang itinuturing na pamantayan dahil ito’y kinikilala at tinatanggap ng
karamihang nakapag-aral ng wika.
a) Pambansa - ito ay ang mga salitang ginagamit sa mga aklat, sa paaralan at
Fo
pamahalaan
Halimbawa: asawa, anak, tahanan, paaralan, mag-aaral

b) Pampanitikan o Panretorika – mga salitang malalim, matalinghaga at


madalas gamitin sa masining na pagpapahayag o retorika.
ot

Halimbawa: asawa - kahati sa buhay


anak - bunga ng pag-ibig
tahanan - pusod ng pagmamahalan
N

2. Di-Pormal – mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw at madalas gamitin sa


pakikipag-usap sa mga kakilala at kaibigan.

a) Lalawiganin – mga salita ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan,


makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
Halimbawa: kapatid - tugang (bikol) igsuon (bisaya)

13 Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
b) Kolokyal - ginagamit sa karaniwang usapan. Karaniwang may palit koda
(code switching) o halong koda (mixed switching) na ibig sabihin
pinaghahalo sa pagsasalita o pagsulat ang Filipino at Ingles.
Halimbawa: Nasan? (Na saan?)
Teka (Hintay ka)
Titser (guro)

c) Balbal - karaniwang ginagamit sa lansangan. Ito ang pinakamababang antas


ng wika. Itinuturing na ang mga salitang ito ay karaniwang likha.
Halimbawa: ermat (ina) petmalu (malupit) arep (pera)

le
d) Teknikal - ginagamit sa isang tiyak na disiplina o sitwasyon.

Sa
Halimbawa: Information technology Google Facebook
Internet Basher Twitter Instagram

Gawain 1

Suriin kung ano ang antas ng wika ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat sa
r
patlang kung ito ay pambansa, pampanitikan, lalawiganin, balbal, kolokyal o teknikal.
Fo

____________1. Maraming mga lespu ang nakaabang sa checkpoint palabas ng lungsod.

____________2. Sinisigurado ng aming ilaw ng tahanan na mayroon kaming makakain sa kabila


ot

ng matinding krisis.

____________3. Kailangang patuloy na mag-ingat dahil walang nakakaalam kung kelan ito
N

matatapos.

____________4. Manatili sa inyong mga balay upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

____________5. Lagi nating ipagdasal ang kaligtasan ng mga manggagawa na nangunguna sa

paglaban sa sakunang ito.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use 14
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
Gawain 2

Suriin ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa pagsulat ng awiting-bayan sa

pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na katanungan.

Para sa bilang 1-2


Uyayi
Matulog ka na, bunso

Ang ina mo ay malayo

At hindi ka masundo

le
May putik, may balaho

Sa
1. Ano ang antas ng wika ng salitang “ina”?

a. pambansa b. kolokyal c. balbal d. lalawiganin

2. Alin sa mga sumusunod na salita ang katumbas nitong pampanitikan?

a. mudra b. ilaw ng tahanan c. nanay d. haligi ng tahanan


r
Fo
Para sa bilang 3-5
Dalit
Ang buhay ngayon namin

Batbat tigib kagipitan

Loob nami’y palakasin


ot

Tiwala at dasal
N

3. Ano ang antas ng wika ng salitang “batbat tigib”?

a. pambansa b. pampanitikan c. balbal d. teknikal

4. Ano ang kahulugan ng salitang ito?

a. punong puno b. salat c. kulang d. mayroon

5. Alin sa mga sumusunod ang lalawiganing salita ng “dasal”?

a. ditso b. panalangin c. ampo d. luhod

15 Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
Sanggunian

1. Guimarie, A. (2015). Kalinangan 7: Workteks sa Filipino (wika at panitikan) para sa hayskul


(Binagong Edisyon). Rex Book Store, Inc

Notes: a) This is exclusively for the use of Digos City Division.


b) The Division welcomes suggestions for the improvement of this worksheet.

e
al
Inihanda ni:

rS MARYAM DESSA H.BUAT


Digos City National High School
Fo
ot
N

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use 16
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
Key Answer

Gawain 1

1. balbal

2. pampanitikan

3. kolokyal

4. lalawiganin

e
5. pambansa

Gawain 2

al
1. a

2. b

3. b

4. a
rS
5. c
Fo
ot
N

17 Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
Pangalan: ___________________ Baitang at Pangkat: _________________ Petsa: ___________

Paksa: Kaligirang Pangkasaysayan ng binasang Alamat

Kompetensi: Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng Kabisayaan

Konsepto:

Alamat ng Bundok Kanlaon

(Negros Occidental)

Natatangi sa Negros ang baranggay ni Datu Ramilon dahil sa kaniyang kahanga-hangang

e
katapangan at kabaitan. Dagdag pa sa pagiging bantog ng datu ang pagkakaroon ng napakagandang

anak na nagngangalang Kang.

al
Hindi tumututol si Datu Ramilon sa pamimintuho ng kalalakihan sa kaniyang anak dahil sa

siya ay maunawain at mapagmahal na ama. Madalas nga niyang sinasabing "ang lalaking maibigan
rS
ng aking anak na si Kang ay hindi ko tututulan. Igagalang ko ang kaniyang kapasiyahan kung ito ang

kaniyang ikaliligaya."

Sa dinami-dami ng mangingibig ni Kang, ang nagkapalad ay si Laon na anak ng isang raha sa


Fo
kalapit nilang baranggay. Isang araw, naglakas-loob ang magkasintahang magtapat.

"Ama, may sasabihin po sa inyo si Laon," ang bungad ni Kang kay Datu Ramilon.

"Magsalita ka, binata," tugon ng datu. " Ano ang iyong pakay?"

"Nais ko pong hingin ang inyong pahintulot sa aming pag-iibigan ni Kang." pagtatapat ni Laon.
ot

"Wala kang aalalahanin," sagot ni Datu Ramilon. "Humanda kayo at idaraos natin ang inyong

kasal sa kabilugan ng buwan."


N

Naghandog si Laon ng dote kay Datu Ramilon. Sagana ang hapagkainan sa masasarap na

pagkain bilang pagsalubong sa pagtataling-puso nina Kang at Laon.

Subalit hindi pa natatapos ang seremonya ng kasal ay biglang narinig ang malakas na tinig ng

isang kawal. "Mahal na Datu Ramilon! Mahal na Datu Ramilon! Dumarating po ang pangkat ni Datu

Sabunan!"

Si Datu Sabunan ng Palawan ay masugid na manliligaw ni Kang. Nagpasiya itong lumusob sa

baranggay ni Datu Ramilon sapagkat nabalitaan nitong ikakasal sina Kang at Laon. Mabilis na iniutos

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use 18
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
ni Datu Ramilon na harapin ng kaniyang mga kawal ang kalaban. Naganap ang madugong labanan at

sa kasamaang-palad ay nalipol ang pangkat ni Datu Ramilon, kabilang sina Kang at Laon.

Sa tibay ng pag-iibigan nina Kang at Laon, natagpuan ang kanilang bangkay na magkayakap.

Di nagtagal ay may lumitaw na munting burol sa kinamatayan ng magkasintahan.

"Aba! Lumalaki ang burol na kinalugmukan nina Kang at Laon!" nasabi ng isang kawal.

"Oo nga at tila nagiging mabilis ang paglaki nito," ayon naman sa kausap.

Mula noon ang dating maliit na burol ay naging isang malaking bundok. Tinawag ito ng mga

e
tao na bundok nina Kang at Laon subalit sa paglipas ng panahon, ito ay kinilalang bundok ng Kanlaon.

al
Gawain 1

Linangin ang naunawaan mula sa binasang alamat sa pamamagitan ng pagsagot sa mga


rS
sumusunod na katanungan.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa alamat? Ang mga pantulong na tauhan?

___________________________________________________________________________
Fo
___________________________________________________________________________

2. Paano mo ilalarawan ang pangunahin at pantulong na tauhan sa alamat?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
ot

3. Ano ang suliranin ng kahariang pinamumunuan ni Datu Ramilon?

___________________________________________________________________________
N

___________________________________________________________________________

4. Paano nasolusyunan ni Datu Ramilon ang suliranin?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

5. Paano nagwakas ang alamat?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

19 Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
6. Bakit tinawag na Kanlaon ang bundok?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Gawain 2

Bigyang hinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat sa pamamagitan ng

pagsagot sa mga sumusunod na katanungan.

1. Anong mga pangyayari sa Alamat ng Bundok Kanlaon masasalamin ang kaugalian,

e
paniniwala at mga katangian ng mga taga-Visayas?

___________________________________________________________________________

al
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
rS
2. Batay sa mga pangyayari sa alamat, paano mo mailalarawan ang Bundok Kanlaon?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
Fo
3. Ilarawan kung saang bahagi ng Negros Occidental matatagpuan ang Bundok Kanlaon.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

4. Bukod sa bundok ng Kanlaon, magsaliksik at magtala ng iba pang magagandang tanawin


ot

o lugar na matatagpuan sa Negros Occidental gayundin kung ano ang mga pangunahing

produkto roon
N

Negros Occidental Iba pang magagandang Mga Tanyag na Produkto


tanawin o lugar

Panitikang Rehiyonal- Ikapitong Baitang


Kagamitan ng mag-aaral (Unang Edisyon 2017)

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use 20
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
Sanggunian

1. Guimarie, A. (2015). Kalinangan 7: Workteks sa Filipino (wika at panitikan) para sa hayskul


(Binagong Edisyon). Rex Book Store, Inc
2. Api-it, et al (2017). Panitikang rehiyonal ikapitong baitang kagamitan ng mag-aaral. Unang
Edisyon. DepEd-BLR

Notes: a) This is exclusively for the use of Digos City Division.


b) The Division welcomes suggestions for the improvement of this worksheet.

e
al
rS Inihanda ni:

MARYAM DESSA H.BUAT


Digos City National High School
Fo
ot
N

21 Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
Pangalan: ___________________ Baitang at Pangkat: _________________ Petsa: ___________

Paksa: Paglinang ng Talasalitaan (pagbibigay-kahulugan, sariling interpretasyon, pagkiklino, mga di-

pamilyar na salita, at mga salitang nagpapahayag ng damdamin)

Kompetensi: Naibibigay ang kahulugan, sariling interpretasyon sa mga salitang paulit-ulit na ginamit

sa akda, mga salitang iba-iba ang digri o antas ng kahulugan (pagkiklino), mga di-pamilyar na salita

mula sa akda, at mga salitang nagpapahayag ng damdamin

Konsepto:

e
Upang higit na maunawaan ang isang akda, kailangan ang paglilinang ng talasalitaan sa

pamamagitan ng pagbibigay kahulugan at sariling interpretasyon sa mga salitang paulit-ulit na ginamit

al
sa akda, pag-alam sa iba-ibang antas ng kahulugan ng salita (pagkiklino), mga di pamilyar na salita at

mga salitang nagpapahayag ng damdamin.

Gawain 1
rS
Unawain ang sumusunod na salitang paulit-ulit na ginamit sa akdang Alamat ng Bundok
Kanlaon. Ibigay ang sariling interpretasyon ng bawat isa. Gawing gabay ang ibinigay na halimbawa.

Salita Sariling Interpretasyon


Fo
Halimbawa: Bundok Pagsubok sa buhay

1. pag-iibigan

"Nais ko pong hingin ang inyong


ot

pahintulot sa aming pag-iibigan ni

Kang." pagtatapat ni Laon.


N

Sa tibay ng pag-iibigan nina Kang

at Laon, natagpuan ang kanilang bangkay

na magkayakap.

2. kasal

Subalit hindi pa natatapos ang

seremonya ng kasal ay biglang narinig

ang malakas na tinig ng isang kawal.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use 22
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
“Humanda kayo at idaraos natin ang

inyong kasal sa kabilugan ng buwan."

3. burol

Di nagtagal ay may lumitaw na

munting burol sa kinamatayan ng

magkasintahan.

Mula noon ang dating maliit na

e
burol ay naging isang malaking bundok.

4. kawal

al
Subalit hindi pa natatapos ang

seremonya ng kasal ay biglang narinig


rS
ang malakas na tinig ng isang kawal.

Mabilis na iniutos ni Datu Ramilon

na harapin ng kaniyang mga kawal ang


Fo
kalaban

5. bundok

Tinawag ito ng mga tao na bundok nina

Kang at Laon.
ot

Paglipas ng panahon, ito ay kinilalang

bundok ng Kanlaon.
N

Panitikang Rehiyonal- Ikapitong Baitang


Kagamitan ng mag-aaral (Unang Edisyon 2017)

23 Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
Gawain 2
Ang pagkiklino ay ang paghahanay, pagsasaayos o pagsunod-sunod ng mga salita ayon sa
digri o antas ng kasidhian ng kahulugan ng salita. (madali, katamtaman at mataas na kahulugan)

Halimbawa: ngiti, tawa, halakhak


1 2 3

Iayos ang mga salita ayon sa digri o antas ng kahulugan (pagkiklino). Isulat ang salita sa kahon
ng hagdan ayon sa pagkasunod-sunod.

le
1. hikbi, hagulgol, iyak

2. kalungkutan, kapighatian, kalumbayan


r Sa
Fo
3. nakipaglaban, nakipaghimagsik, nakipagtuos
ot

4. tuwa, saya, galak


N

5. sira, wasak, guho

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use 24
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
Gawain 3

Bigyang-kahulugan ang mga di-pamilyar na salita at mga salitang nagpapahayag ng damdamin

mula sa akdang Hinilawod, Unang Bahagi: Labaw Donggon (Epiko ng Bisaya) sa pamamagitan ng

pagsagot sa sumusunod na katanungan.

Inabot ng ilang araw ang paglalakbay ni Labaw Donggon sa kapatagan, burol, at kabundukan

hanggang sa matunton niya ang Ilog Halawod. Nang marating niya ang tahanan ng dalagang si Angoy

Ginbitinan, hiningi niya kaagad ang kamay nito sa ama ng dalaga.

le
1. Alin sa mga sumusunod na salita ang kahulugan ng di-pamilyar na salitang nakasalungguhit?

Sa
A. nawala B. naiwasan C. nadaanan D. nahanap

2. “Nang marating niya ang tahanan ng dalagang si Angoy Ginbitinan, hiningi niya kaagad ang

kamay nito sa ama ng dalaga.” Ano ang ibig ipakahulugan ng “hiningi ang kamay”?

A. Inanyayahan niyang mamamasyal ang dalaga


r
B. Hiniling niya sa ama ng dalaga na mahawakan ang mga kamay nito
Fo
C. Hiningi niya ang permiso ng ama ng dalaga na papakasalan niya ito

D. Inanyayahan niyang kumain ng nakakamay ang ama ng dalaga

Nang makita ni Abyang Durunuun at Angoy Ginbitinan si Labaw ay napaiyak sila sa pighati.
ot

Nalaman nilang hindi na makarinig si Labaw at hindi na rin nito magamit nang mabuti ang pag-iisip.

Pinaliguan nila ito, binihisan at pinakain. Inalagaan nila ito nang mabuti.
N

3. “Nang makita ni Abyang Durunuun at Angoy Ginbitinan si Labaw ay napaiyak sila sa

pighati.” Ano ang damdamin sa pahayag na ito?

A. Lubos silang nagalit dahil hindi kaagad umuwi ang kanilang asawa

B. Nadismaya sila dahil buhay pa ang kanilang asawa

C. Natuwa sila sa sinapit ni Labaw Donggon

D. Lubos silang nasaktan at naawa sa sinapit ng kanilang asawa

25 Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
4. “Nalaman nilang hindi na makarinig si Labaw at hindi na rin nito magamit nang mabuti ang

pag-iisip. Pinaliguan nila ito, binihisan at pinakain. Inalagaan nila ito nang mabuti” Ano ang

damdamin sa pahayag na ito?

A. Wala na silang pakialam kay Labaw Donggon

B. Napipilitan silang alagaan si Labaw Donggon

C. Mahal na mahal nila si Labaw Donggon

D. Inis na inis sila kay Labaw Donggon

e
5. Ano ang kahulugan ng pahayag na “hindi na magamit nang mabuti ang pag-iisip”?

A. Mabilis nang mag-isip

al
B. Nawala na sa katinuan

C. Marami nang iniisip


rS
D. Lumawak ang katalinuhan

Sanggunian
Fo

1. Guimarie, A. (2015). Kalinangan 7: Workteks sa Filipino (wika at panitikan) para sa hayskul


(Binagong Edisyon). Rex Book Store, Inc
2. Api-it, et al (2017). Panitikang rehiyonal ikapitong baitang kagamitan ng mag-aaral. Unang
ot

Edisyon. DepEd-BLR

Notes: a) This is exclusively for the use of Digos City Division.


N

b) The Division welcomes suggestions for the improvement of this worksheet.

Inihanda ni:

MARYAM DESSA H.BUAT


Digos City National High School

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use 26
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.
Susing sagot

Gawain 1

Sariling Interpretasyon

Gawain 2

1. hikbi, iyak, hagulgol

e
2. kalungkutan, kalumbayan, kapighatian

3. nakipagtuos, nakipaglaban, nakipaghimagsik

al
4. galak, tuwa, saya

5. sira, wasak, guho

Gawain 3
rS
1. D
Fo
2. C

3. D

4. C

5. B
ot
N

27 Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use
for Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

You might also like