■ Mga salitang karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga
kakilala o kaibigan. Ito ay nauuri sa tatlo: balbal, kolokyal, at lalawiganin. Balbal (Slang)
■ Ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye
kaya’t madalas na tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye. ■ Nabibilang ang mga salitang ito sa di pormal na uri ng salita kaya’t karaniwang hindi ginagamit sa mga pormal na pagtitipon o pagsulat. Ang mga salitang balbal ay nabuo sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan tulad ng sumusunod:
■ Pagkuha sa dalawang huling pantig ng salita tulad ng sa
salitang Amerikano na nagging “Kano” ■ Pagbaliktad sa mga titik ng salita tulad ng tigas na nagging “astig” ■ Paggamit ng salitang Ingles at pagbibigay rito ng ibang kahulugan tulad ng toxic na binigyan ng kahulugang “hindi maayos ang kalagayan o hindi maayos na tao” tulad ng “toxic ng schedule” o “toxic na kasamahan” ■ Pagbibigay ng kahulugan mula sa katunog na pangalan tulad ng Carmi Martin na ang kahulugan ay “karma” Iba pang halimbawa:
bagets - kabataan lespu - pulis
charing - biro nenok - nakaw
datung - pera sikyo - guwardiya
ermat - nanay utol - kapatid
erpat - tatay yosi - sigarilyo
Kolokyal (Colloquial)
■ Ito ay isa pang uri ng salitang di pormal na ginagamit sa pang-
araw-araw na pakikipag-usap. ■ Madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa salita upang mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama ang dalawang salita. Halimbawa:
pa’no mula sa paano kelan mula sa kalian
p’re mula sa pare meron mula sa mayroon te’na mula sa tara na nasan mula nasaan ■ Bahagi pa rin nito ang pagsasama ng dalawang wika tulad ng Tagalog at Ingles o “Tag-lish” o Tagalog-Espanyol.
Halimbawa: • A-attend ka ba sa birthday ni Lina? (Tag-lish) • Hindi, may gagawin kami sa eskuwelahan. (Tag-Espanyol) Lalawiganin (Provincialism)
■ mga salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o
probinsiya o kaya’y particular na pook kung saan nagmula o kilala ang wika. ■ Kapansin-pansing ang mga lalawiganing salita ay may taglay na kakaibang tono o bigkas na maaaring magbigay ng ibang kahulugan dito. Halimbawa:
■ Tanan mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay “lahat”
■ Ambot mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay “ewan” ■ Manong at manang mula sa salitang Ilocano na ibig sabihin ay “kuya” at “ate” ■ Ngarud mula sa salitang Ilocano na katumbas ng katagang “nga” Mga Salitang Pormal ■ Mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng karamihan ng mga nakapag-aral sa wika. ■ Ito ang mga salitang ginagamit sa paaralan, sa mga panayam, seminar, gayundin sa mga aklat, ulat, at sa iba pang usapan o sulating pang-intelektuwal. Halimbawa: • Maybahay sa halip na waswit • ama at ina sa halip na erpat at ermat • Salapi o yaman sa halip na datung ■ Kabilang din sa uring ito ang masisining na mga salitang tulad ng mga tayutay, kasabihan, at kawikaang lalong nagpaparikit sa pagkakagamit ng wika. Halimbawa: • “Ang kinis ng kanyang batok ay nakikipag-agawan sa nagmamanibalang na manga.” • “Ang bilugang pisngi’y may biloy na sa kaniyang pagngiti’y binubukalan mandin ng pag-ibig.” Mula sa “Ang Dalaginding” Ni Inigo Ed Regalado ■ Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. ■ Habang maikli pa ang kumot, magtiis mamaluktot.