You are on page 1of 19

ARALIN 3

FILIPINO 7
EPIKO NG MGA
MANOBO
“TULALANG”
Ang mga Manobo ay bahagi ng pangkat-etniko ng bansa o yaong
tinatawag na indigenous people sa Ingles.
Karaniwan silang matatagpuan sa Hilagang Mindanao kung saan
kabilag ang mga lalawigan ng Bukidnon, Misamis Occidental at
Oriental, at isla ng Camiguin bagama’t may mangilan-ngilan ding
nananahang Manobo sa mga lalawigan ng Agusan, Davao, at
Cotabato.
Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Manobo.
Pinamumunuan sila ng isang datu o sultan.
Ang mga lalaki sa kanilang pangkat ay maaaring makapag-
asawa ng higit sa isa kung siya ay may sapat na kayamanan o
kapangyarihan.
 Nauuri sa dalawa ang mga tao sa kanilang lipunan :
−Ang mga kabilang sa maharlikang
pangkat at pangkaraniwang mamamayang nasa ilalim ng
kapangyarihan ng mga maharlika.
 
 
Naniniwala ang mga Manobo sa mga espiritu.
“Makapangyarihang espiritu” (great spirit).
PAGBASA SA
AKDANG
PINAMAGATANG
“TULALANG”
GAWAIN: Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Sino si Tulalang? Paano natapos ang kahirapan ng kanyang pamilya?


2. Paano lalong nanagana at napabantog sa karamihan ang pamilya ni
Tulalang?
3. Sa iyong palagay, epektibo pa rin ba hanggang sa kasalukuyang panahon
ang paraan nilang ginamit upang lalong umunlad ang kanilang buhay?
Ipaliwanag.
4. Ano ang ipinakita o pinatunayan ng pagtatapos ng labanan nina Tulalang at
Agio?
5. Kung ikaw ay isa kina Tulalang at Agio, ano ang gagawin mo sa oras na
matuklasang kamag-anak mo pala ang iyong mahigpit na kaaway.
EPIKO
FILIPINO 7
Ang epiko ay isang akdang pampanitikang nagsimula sa
iba't ibang pangkat-etniko, rehiyon, o lalawigan ng bansa.
Ito ay isang uri ng panitikang pasalindila.
Ginagamit upang maipakita ang kanilang mga
pagpapahalaga, tradisyon, paniniwala, mithiin at layunin
sa buhay.
Bagama’t pasalaysay ito ay inaawit at binibigkas nang
pakanta.
Mga sinaunang historyador :
Joaquin Martinez de Zuniga, Antonio Pigafetta at Padre Coli
Miguel Lopez de Legaspi (1565)
Jose Villa Panganiban Panitikan ng Pilipinas (1954)

Nagtala ng
dalawampu’t apat
na epiko sa ating
bansa.
Dr. Arsenio Manuel
- Isang antropologo at iskolar ng Unibersidad ng Pilipinas.
- Survey of the Philippine Folk Epics (1963)

Naghanay ng
dalawampu’t limang
epikong katutubo sa
Pilipinas (Panitikang
Pilipino, Antolohiya)
Maraming epiko ang nagpasalin-salin sa bibig ng ating
mga ninuno sa bawat pangkat o rehiyong kanilang
kinabibilangan bagama't ilan lamang sa mga epikong ito
ang nakilala at lumaganap sa bansa dahil sa kakulangan
ng sapat na tala. Si Jose Villa Panganiban sa kanyang
aklat na panitikan ng pilipinas(1954) ay nagtala ng
dalawsidadampu't apat na epiko sa ating bansa.
Narito ang ilan sa mga epikong nakilala sa bawat rehiyon
o pangkat na ang iba ay nag matatalakay sa kabanatang ito:

• Epiko ng mga Iloko: Lam-ang


• Epiko ng mga Biko: Handiong(Ibalon at Aslon)
• Epiko ng mga Ifugao: Hudhud
• Epiko ng mga Meranaw: Bantugen
• Epiko ng mga Magindanaw: Indarapatra at Sulayman.
• Epiko ng mga Malay: Bidasari
• Epiko ng mga Manobo: Tulalang
• Epiko ng mga Kalinga: Ulalim
• Epiko ng mga Tagbanua: Dagoy at Sudsud
• Epiko ng mga Ibaloi: Kabuniyan at Bendian
PAKIKIPANAYAM
Ang pakikipanayam o pag-interview ay mahalaga sapagkat ito’y
isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha o pagkalap ng mga
impormasyon na maaaring gamitin sa iba’t ibang kadahilanan.

Upang higit na maging matagumpay ang pakikipanayam at


makakuha ng mga kasagutan o impormasyong kakailanganin, dapat
malaman ng makikipanayam ang mga bagay-bagay na dapat niyang
isaalang-alang o tandaan.
Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat
tandaan:
1. Makipagkasundo sa taong kakapanayamin tungkol sa petsa, oras, at lugar
kung saan gaganapin ang panayam gayundin sa magiging paksa ng
panayam. Dumating sa tamang oras o mas maaga pa ng sampung minuto
kaysa sa itinakdang oras.
2. Magsuot ng tamang kasuotan at maging magalang sa pagtatanong.
3. Maghanda ng balangkas ng mga itatanong.
4. Itala asa pinakamabilis na paraan ang mga nakuhang impormasyon.
5. Gawing magaang at kawili-wili ang pakikipanayam
o Ipakilala ang iyong sarili kung hindi kapa kilala ng iyong kakapanayamin
o Tumingin sa taong kinakausap. Ipakitag interesado ka sa sagot at hindi ka
lang nakapokus sa susunod mo pang mga tanong.
o Gawaing malinaw at tamang-tama ang lakas ng iyong tinig sa
pagsasalita.
o Kung sakaling may ilang impormasyon kang hindi naitala ay
magalang mong hilinging ulitin ito ng uyong kinakapanayam.
o Bago magwakas ay basahin o lagumin sa kinapanayam ang mga
naitala mong impormasyon upang matiyak na wasto ang nakuha
mo.
o Magpasalamat at magpaalam nang maayos pagkatapos ng iyong
pakikipanayam.

6. Isaayos ang nakuhang impormasyon

You might also like