You are on page 1of 10

1

Filipino 7-Q1-W1
Aralin Kuwentong-bayan at Wastong Pahayag sa
Pagbibigay ng mga Patunay
1
Mga Inaasahan

Sa araling ito malalaman mo ang pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa


kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan nito.

Pag-aaralan mo rin ang paggamit ng mga wastong pahayag sa pagbibigay ng mga


patunay.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang sumusunod na


kasanayan:
1. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan
ng kuwentong-bayan. (F7 PN-Ia-b-1)
2. Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.
(F7NG-Ia-b-1)

Alam kong gusto mo nang magsimula sa pagbabasa ngunit kinakailangan mo


munang malampasan ang unang gawain.

Paunang Pagsubok

Basahin at unawain ang kuwentong-bayan at sagutin ang mga tanong.


Piliin ang letra ng tamang sagot.

Manik Buangsi
(Kuwentong-bayan mula sa Zamboanga)
Noon ay may isang sultan na may pitong anak na dalaga. Ang bunso ang
pinakamaganda sa lahat. Ang kaniyang pangalan ay Tuan Putli. Nang magdalaga si
Tuan Putli ay maraming dugong bughaw ang lumigaw sa kaniya. Ngunit hindi niya
pinansin ang mga ito, sapagkat sa kaniyang panaginip ay nakita na niya ang lalaki na
kaniyang iniibig. Siya ay si Manik Buangsi. Datapwat si Manik Buangsi ay hindi isang
pangkaraniwang tao. Siya ang nilalang na walang kamatayan at nakatira sa pook ng
mga bathala. Sa panaginip lang niya dinadalaw si Tuan Putli.

Dumating ang araw na hindi na matiis pa ni Manik Buangsi ang kanyang pag-
ibig kay Tuan Putli kung kaya’t kinausap niya si Allah. Pumayag naman si Allah na
bumaba si Manik Buangsi sa lupa

Modyul sa Filipino 7
Unang Markahan: Unang Linggo
2

______ 1. Ano ang patunay na pinakamaganda si Tuan Putli sa pitong magkakapatid?


A. Siya ang unang nakapag-asawa sa lahat.
B. Sadyang kakaiba ang kaniyang kagandahan.
C. Siya ang may pinakamagandang mukha at kutis.
D. Tunay na maraming dugong bughaw ang nanligaw sa kaniya.
______ 2. Ano ang ipinahihiwatig kapag dugong bughaw ang mga manliligaw ni Tuan
Putli?
A. Mabait at matalino
B. Karaniwang tao lamang
C. Simpleng mamamayan at tagasunod lamang.
D. Nabibilang sa pamilya ng mayayaman, mga hari at reyna.
______ 3. Anong klase ng mangingibig ang ipinakikita ng pangunahing tauhan sa
akda?
A. Makasarili B. Masigasig C. Matiisin D. Pihikan
______ 4. Ano sa palagay mo, tatanggapin kaya ng Sultan bilang kasintahan ng
kanyang anak ang isang hindi pangkaraniwang tao?
A. Oo, dahil makisig at marangal ang binata.
B. Hindi, dahil ayaw niyang mag-asawa si Tuan.
C. Hindi dahil mayaman ang nais niya para sa kanyang anak.
D. Oo, dahil maiintindihan ng Sultan kung sino ang mahal ng kanyang anak.
______ 5. Saan matatagpuan ang isang di pangkaraniwang pag-iibigan nina Manik
Buangsi at Tuan Putli?
A. Davao B. Maranao C. Siargao D. Zamboanga

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa kuwentong-bayan bilang isang anyo


ng sinaunang panitikan.

A. Kuwentong-bayan Yaman ng Panitikan


Ito ay tuluyang kuwento na nagsasalaysay ng tradisyong Pilipino. Panitikang
sumasalamin sa kultura ng ating lahi. Bago pa man dumating ang mga Espanyol ay
naging bahagi na ito ng ating katutubong panitikan.

Ginawa ang kuwentong-bayan upang maging libangan at magkaroon tayo ng


kabatiran tungkol sa mga paniniwala, tradisyon at kaugalian ng isang lugar. Ito ang
mga karaniwang kuwento na nagpasalin-salin sa ating mga ninuno. Bagamat ito ay
isang likhang-isip lamang, dapat itong pahalagahan at pag-aralan. Ito ay may apat na
uri:

a. Alamat - kuwentong tumatalakay kung saan nagmula ang isang bagay o hayop.
b. Pabula - kuwentong pumapaksa sa mga hayop na inihahambing sa mga tao
dahil sa mga pag-uugali at katangiang taglay ng bawat isa.
c. Parabula –kuwento kung saan ang mga pangyayari ay galing sa mga aral sa
Bibliya.

Modyul sa Filipino 7
Unang Markahan: Unang Linggo
3

d. Mito – kuwento patungkol sa mga Diyos at Diyosa.

Maraming kuwentong-bayan ang matatagpuan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Ito


ay nagkakaiba lamang sa tauhan, tagpuan, at sa ilang banghay ngunit magkatulad ang
karamihan. Tunay na mahalaga ang ganitong mga akda sa panitikan dahil ito ay
nagpapasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon.

Ngayong naunawaan mo na ang pinagmulan ng kuwentong-bayan ay maaari mo


ng basahin ang halimbawa nito mula sa Mindanao.

Ang Alamat ng Mindanao


Si Sultan Kumpit ay isa sa mga naging pinuno ng isang malaking pulo. Siya ay
matalino ngunit ang mga Muslim ay takot sa kaniya dahil sa siya raw ay masungit. Ang
sultan ay may kaisa-isang anak na dalaga. Ang pangalan niya ay Minda.

Si Minda ay ubod ng ganda. Dahil sa kagandahan ng prinsesa ay marami ang


nanliligaw dito. Kabilang na ang mga sultan, raha, datu at prinsipe ng iba’t ibang pulo.
Bawat manliligaw ni Prinsesa Minda ay may kani-kaniyang katangian kung kaya’t
nagpasiyang magbigay ng tatlong pagsubok si Sultan Kumpit. Ang mananalo sa tatlong
pagsubok na ito ang siyang mapalad na makakaisang dibdib ng kaniyang anak. Ang
unang pagsubok ay kung sino ang makapagsasabi ng kasaysayan ng kaniyang angkan
hanggang sa ikasampung salin nito. Ang ibig sabihin nito ay kung sino at ano ang
naging buhay ng ama, nuno, ama ng nuno, nuno ng nuno at mga kanunununuan
hanggang sa ikasampung salin.

Ang ikalawang pagsubok naman ay kinakailangang malagpasan ang kayamanan


ng hari upang maging daan patungo sa ikatlong pagsubok. Ngunit ang higit na
mayaman ang siyang magmamay-ari ng kayamanang natalo.
Marami ang nakipagsapalaran at natalo sa unang pagsubok ngunit natalo sa
ikalawang pagsubok sapagkat ang kaniyang tatlong tiklis na ginto ay nahigitan
ng apat na tiklis na ginto ng hari. Lalong yumaman si Sultan Kumpit. Alam ng lahat na
marami pang ginto si Sultan Kumpit at ngayon nga ay nadagdagan pa ng tatlong tiklis
na tinalo kay Prinsipe Kinang.

Isang matalinong prinsipe ang nais na sumubok. Ngunit bago niya ito gawin ay
nag-isip siyang mabuti kung papaano niya matatalo ang kayamanan ng Sultan.
Nanghiram siya ng ginto sa kaniyang mga kaibigang maharlika hanggang sa makatipon
siya ng labintatlong tiklis ng ginto.

Nagbihis at nag-ayos nang buong kakisigan si Prinsipe Lanao. Una niyang


nakausap si Prinsesa Minda. Sa unang pagkikita pa lamang ay sumang-ayon agad ang
prinsesa sa binatang prinsipe. Lihim na natuwa ang puso ni Prinsipe Lanao sapagkat
nasiguro niyang may pagtingin din sa kaniya ang Prinsesa.

“O, ano ang masasabi mo sa iyong angkan?” Ang unang pagsubok ng sultan kay
Lanao. Mabilis na isinalaysay ni Lanao ang kaniyang lahi ngunit muntik na itong
mabuko sa ikasampung salin. Nakaisip siya ng pangalan at nag-imbento ng kagitingan
nito. Laking pasasalamat niya nang siya ay makapasa sa unang pagsubok. Sa
ikalawang pagsubok ay, “Ilang tiklis na ginto ang dala mo, mayroon akong pito, iyon ba
ay iyong mahihigitan?” Ang pagmamalaking tanong ng sultan. “Mayroon akong

Modyul sa Filipino 7
Unang Markahan: Unang Linggo
4

labintatlong tiklis ng ginto rito ngayon ngunit kung kulang pa ito ay handa akong ilabas
ang mga nakatago pa sa aming kaharian,” ang tugon ni Prinsipe Lanao.

“Hindi na bale, iyo na ang pitong tiklis ko. Ganito naman ang ikatlong pagsubok.
Ikaw ay tutulay sa isang lubid sa may malalim na bangin. Pag ito’y nagawa mo ay
ikakasal kayo ng aking mahal na prinsesa sa pagbibilog ng buwan,” ang sabi ng sultan.
“Ang ikatlong pagsubok ay kinabukasan na natin itutuloy.”

Umalis si Lanao na punong-puno ng pag-asa. Nagsanay siyang tumulay sa baging


na sampayan. Ngunit lingid sa kaniya ay may masama palang balak ang sultan sa
pagtulay niya sa lubid. Natunugan ito ni Minda at dahil sa laki ng kaniyang pag-ibig sa
binata ay gumawa siya ng paraan. Inutusan niya ang kaniyang katulong na putulin ang
matibay at manipis na sinulid na nakakabit sa tulay na tatawiran ni Lanao. Ang sinulid
palang ito ay hahatakin upang malaglag sa bangin si Lanao. Mabilis na natupad ang
ipinag-utos ni Minda sa kaniyang katulong.

Kinabukasan ay maluwalhating nakatawid si Lanao sa lubid at ang kanilang kasal


ni Prinsesa Minda ay naganap. Namuno ang mag-asawa sa kaharian ni Sultan Kumpit.
Dahil sa kabaitan ay napamahal sa mga tao ang dalawa kaya’t ang malaking pulong
iyon ay pinangalanang Minda-Lanao na di nagtagal ay naging Mindanao.

Gintong-aral.com/mga alamat/ang-alamat-ng-mindanao/

Mula sa binasa mong kuwentong bayan, ano ang mahihinuha mo sa


kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-
bayan? Bago mo iyan sagutin, alamin mo muna kung paano ang pagbuo ng
paghihinuha.

B. Pagbuo ng Paghihinuha
Ang paghihinuha ay kasanayan sa pag-iisip ng mga preliminary na ideya
na nagpapahayag ng mga pala-palagay batay sa mga pahiwatig na
nakalimbag sa teksto. Mahalaga ang pagkakaroon ng malawak na
talasalitaan, kakayahang magpakahulugan sa mga patalinghagang
pagpapahayag at katalasan ng isip sa mga pahiwatig ng may-akda ay
makatutulong sa pagbuo ng hinuha sa dakong huli ay natutuklasan niya ang
katotohanan. Ang paghihinuha ay tinatawag sa Ingles na “inferencing”.
(Alcaraz, 2005)

Ang paghihinuha ay maaaring batay sa mga hudyat, bakas, palatandaan,


ebidensya o mga implikasyong ipinapakita sa isang kuwento, akda o
pangyayari.

Narito ang ilang batayan sa paghihinuha:

1. Ano ang aking hinuha?

Modyul sa Filipino 7
Unang Markahan: Unang Linggo
5

2. Ano ang mga impormasyon na aking ginawang batayan sa aking


hinuha?

3. Gaano ako kagaling mag-isip?

4. Kailangan ko bang baguhin ang aking iniisip?

Ngayon naman ay pag-aaralan mo ang paggamit ng mga pahayag sa


pagbibigay ng mga patunay.

C. Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay


May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang
bagay. Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo ay makapagpatunay at ang
ating paliwanag ay maging kapani-paniwala sa mga tagapakinig. Karaniwang ang mga
pahayag na ito ay dinurugtungan na rin ng datos o ebidensiya na lalo pang
makapagpapatunay sa katotohanan ng inilahad.

Ang mga pahayag na maaaring gamitin sa pagbibigay ng patunay : sa totoo at sa


katunayan.

Halimbawang pangungusap :

1. Sa totoo lang ubod ng ganda ni Minda kung kaya‘t marami ang nanliligaw sa kaniya.

2. Sa katunayan matalino ang binata kung kaya’t nakaipon siya ng maraming tiklis
ng ginto.

Inaasahan kong naunawaan mo ang ating mga tinalakay. Kung may bahaging hindi
mo lubos na naunawaan ay huwag kang mag - atubiling magtanong sa iyong guro.
Maaari mo ng sagutin ang mga gawain sa kasunod na bahagi.

Mga Gawain

Gawain 1 Pagpapalawak ng Talasalitaan


Balikan ang binasang kuwentong-bayan at pagkatapos ay piliin sa loob ng kahon
ang kahulugan ng mga nakasalungguhit na salita sa pangungusap. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.

______ 1. Kung kulang pa ang tiklis ng ginto ni Lanao ay handa siyang ilabas pa
ang mga nakatago sa kanilang kaharian.

______ 2. Si Sultan Kumpit ay pinuno ng isang malaking pulo sa Mindanao.

______ 3. Mabilis na natupad ng katulong ang ipinag-uutos ni Prinsesa Minda.

______ 4. Ang angkan na pinagmulan ni Prinsipe Lanao ay mabilis niyang

nailahad sa hari.

Modyul sa Filipino 7
Unang Markahan: Unang Linggo
6

______ 5. Mahirap mabuko ni Sultan Kumpit si Lanao dahil baka siya ay

maparasuhan nito.

isla

nakalilito

naisagawa

kamag-anak/ kapamilya

isang uri ng basket na gawa sa kawayan


Gawain 2 Pag-unawa sa Binasa
Basahin at unawain ang sumusunod na tanong na mayroong kaugnayan sa
binasang kuwentong-bayan.

1. Anong katangiang taglay ni Prinsesa Minda bilang isang mangingibig?


____________________________________________________________________________

2. Bakit ganun na lamang ang pagmamahal ni Sultan Kumpit sa kaniyang anak?

_____________________________________________________________________________

3. Paano pinatunayan ni Lanao ang pag-ibig niya kay Prinsesa Minda?


____________________________________________________________________________

4. Bakit gumawa ng paraan si Prinsesa Minda upang mailigtas si Lanao sa ikatlong


pagsubok ng kaniyang ama?
___________________________________________________________________________
5. Anong kaisipan ang nais ipahatid ng pag-iibigang Minda at Lanao?

___________________________________________________________________________

6. Batay sa kuwentong bayan na iyong binasa, ano ang mahihinuha mo sa


kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwento?
_____________________________________________________________________________

Gawain 3 Pagsasanay Panggramatika

Magbigay ng mga patunay o ebidensya sa sumusunod na pangyayari. Gumamit ng mga


pahayag sa pagbibigay patunay tulad ng sa totoo/sa katunayan.

1. Matamlay ang negosyo sa bansa bunga ng pandemic.


_______________________________________________________________________________
2. Marami ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa Covid 19.
________________________________________________________________________________
3. Humina ang turismo hindi lamang sa Pilipinas maging sa buong mundo.
________________________________________________________________________________
4. Maraming kabataan ang hindi makapag-aaral sa taong ito dahil sa pandemya.
________________________________________________________________________________
5. Ang mga drayber sa Metro Manila ay nawalan ng ikabubuhay.
_________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 7
Unang Markahan: Unang Linggo
7

Mahusay! Natapos mo ang mga gawaing ibinigay. Patuloy mo pang


palawakin ang iyong kaalaman.

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang kuwentong-bayan at paggamit ng wastong mga


pahayag sa pagbibigay ng mga patunay, narito ang mga dapat mong tandaan.

✔ Ang kuwentong- bayan ay isang kuwentong tuluyan na nagsasalaysay ng mga


tradisyong Pilipino.
✔ Ito ay isang uri ng libangan na bagamat likhang-isip lamang ay dapat
pahalagahan at pag-aralan.
✔ Makabubuo ka ng hinuha kung bibigyan ng pansin ang mga pahiwatig na
ginamit ng may-akda
✔ Ang mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ay katotohanan ng isang bagay.
✔ Karaniwan ang mga pahayag na dinurugtungan ng datos o ebidensya ay lalo
pang patunay sa katotohanan.

Mayroon pang isang gawaing inilaan para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga
natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Magsaliksik at manood ng iba pang kuwentong-bayan. Iminumungkahi ko sa iyo na


panoorin sa you tube ang kuwentong-bayan mula sa Pilipinas na pinamagatang “Alamat
ng Pilipinas”, na matatagpuan sa hhttps.//www.pinterest.ph>pin o
www.youtube.com/ChannelNAKONIalamatngpilipinas. Mula sa nasaliksik at
napanood na kuwentong-bayan, sumulat ng paghihinuha sa kaugalian at kalagayang
panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwento.

Sundin ang pamantayan sa kasunod na bahagi:

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 7
Unang Markahan: Unang Linggo
8

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

Mga Pamantayan Puntos

Nakabuo ng paghihinuha - 5
Ang paghihinuha ay naaangkop sa mga
pangyayari - 5
Maayos ang pagkakabuo ng pangungusap - 5

Kabuoang Puntos - 15

Iskala ng pagbibigay ng puntos

5 - Napakahusay

3 - Mahusay

2 - Nangangailangan ng pagsasaayos

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin at unawain ang kuwentong-bayan na pinamagatang “Kung Bakit


Umuulan”. Pagkatapos sagutan ang mga tanong. Isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot.

Kung Bakit Umuulan


(Isang Kuwentong-bayan)

Bakit kaya umuulan? Noong bago magkaroon ng panahon, walang anumang


mundo. Walang araw. Walang buwan. Walang buhay. Walang kamatayan. Ang mayroon
lang ay sina Tungkung Langit at Alunsina. “Huwag kang malungkot, mahal kong
Alunsina, lilikhain ko ang kalawakan para sa iyo. Araw, mga bituin, planeta, buwan,
ulap, hangin…” “Ako rin, “sabi ni Alunsina.” Gusto ko rin maglikha ng mga bagay.”
Ayaw ni Tungkung Langit na mapagod si Alunsina kaya hindi siya pumayag. “Ang aking
mga nililikha ay regalo ko sa iyo.” “Hindi ba ako’y Diyosa at mayroon ding
kapangyarihang lumikha?” tanong ni Alunsina. Nagalit si Tungkung Langit. “Ang nais
ko ay hindi ka mapagod. Umupo ka lang diyan at magpaganda at ako’y maglilikha.
Nayamot si Alunsina. Gusto niyang lumikha ng mga bagay. “Huwag kang mag-alala,
Alunsina. Para hindi ka mayamot, lilikhain ko ang panahon! Ang oras!” At sa pagsabi
nang ganoon ni Tungkung Langit, biglang nagkaroon ng oras! Pagkalikha ng oras,
nagkaroon ng alaala. At naalala ni Alunsina ang nakalipas - noong wala pang
kalawakan. Nanaig sa kanya ang pagnanasa na lumikha. Siya’y umiyak.

______ 1. Bakit ayaw ni Tungkung-langit na lumikha ng mga bagay si Alunsina?

A. Dahil ang nais niya ay hindi ito mapagod.


B. Gusto niyang ipakita kay Alunsina na mahina ito.

Modyul sa Filipino 7
Unang Markahan: Unang Linggo
9

C. Gusto ni Tungkung-Langit ay siya ang masunod sa paglikha.


D. Nais ni Tungkung-Langit na siya ang maging mas makapangyarihan.

______ 2. Ano ang nais likhain ni Tungkung-Langit upang hindi mayamot sa


pagkainip si Alunsina?

A. buwan B. halaman C. kidlat D. panahon at oras

______ 3. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ni Tungkung Langit kay Alunsina


“Ang aking mga nililikha ay regalo ko sa iyo.”?

A. pagkabigo B. pagkamalikhain C. pang-iinis D. labis na pagmamahal

______ 4. Paano ipinakita ni Alunsina ang kaniyang pagkabigo sa pagnanasa


niyang lumikha ng mga bagay?

A. natulog B. tumahimik C. nilibang ang sarili D. umiyak

______ 5. Gaano kahalaga ang paglikha ng mga bagay kay Tungkung Langit?

A. Nais niyang lumikha ng mga bagay lamang.


B. Gusto niyang magkaroon ng libangan si Alunsina.
C. Gusto niyang ipakita na siya ay makapangyarihan sa iba.
D. Gusto niyang bigyan ng buhay ang mundo para kay Alunsina.

Pagninilay

Bumuo ng islogan tungkol sa mga sumusunod na paksa:

1. pagmamahal ng magulang sa anak


2. pagmamahal ng anak sa kasintahan

Modyul sa Filipino 7
Unang Markahan: Unang Linggo
10

Sundin ang sumusunod na pamantayan:

Mga Pamantayan Puntos

Kaugnayan sa paksa - 5

Maayos ang pagkakabuo ng mga salita - 5

Pagkamalikhain sa paggawa - 5

Kabuoang Puntos - 15

Iskala ng pagbibigay ng puntos

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung mayroong bahagi


sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring makipag-ugnayan ka sa iyong
guro. 5 – Napakahusay 3 – Mahusay 2 – Nangangailangan
ng pagsasaayos

Modyul sa Filipino 7
Unang Markahan: Unang Linggo

You might also like