You are on page 1of 14

Long Quiz

Grade 9
5. Ito ay isang uri ng akdang
pampanitikan na ang kadalasang
tauhan ay mga hayop na nagtataglay ng
katangian ng isang tao?
A. Tanka B. haiku
C. pabula D. parabula
6. Bakit mahalaga ang kohesiyong gramatikal na
pagpapatungkol sa pagbuo ng mga pahayag o
diyalogo?
A. binibigyang-turing nito ang mga pangngalan
B. iniiwasan nito ang pag uulit ng pangngalan
C. napaiikli nito ang mga pangungusap
D. napapalawak nito ang mga pangungusap
7. “Siya ang Ina ng Demokrasya, hindi
matatawaran ang kontribusyon ni dating
pangulong Cory Aquino sa
sambayanang Pilipino”. Sa
pangungusap, anong kohesiyong
gramatikal ang ginamit?
A. sa B. hindi C. siya D. ni
8. Tila nagdilang—anghel ang ina sa kaniyang sinabi. Parang
isang panaginiop ang nangyari sa buhay ng kaniyang anak.
Ang pangungusap ay nangangahulugan na?
A. nagkatotoo ang kaniyang sinabi at tila isang himala sa
nangyari sa anak
B. isang anghel ang nagsabi na mangyayari ang lahat
C. may nakitang anghel ang kaniyang anak
D. may dumilang anghel sa kanyang anak
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong!
Ni ayaw ko nang makita ang anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa’y magkatotoo n asana iyan, Kulas
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako
magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay
Kumareng Kikay upang bumili ng sabon.
(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ni kulas ang natitirang
kalahati ng sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at
papadyakan. Pupunta sa isang silya at uuponng may kalumbayan.)

Hango sa dulang: Sa Pula, Sa Puti


ni Francisco Soc Rodrigo
9. Ano ang senaryong ipinakita sa bahagi ng dulang “Sa Pula,Sa Puti”?
A. pagsisisi sa huli B. panghihinayang sa pagkatalo

C. pagkahilig sa sugal D. pag-aaway

10. “Talagang buwisit ang sabong! Isinusuma ko na ang sabong!”


Kung isasaayos mo ang pahayag na ito at gagamitan ng kohesiyong
gramatikal na pagpapatungkol, anong kohesiyong gramatikal na
pagpapatungkol ang angkop?
A. ito B. iyan C. sila D. siya
IBIGAY ANG IBAT-
IBANG ELEMENTO
NG ISANG DULA
IBIGAY ANG 3
BAHAGI NG DULA
ANO-ANO ANG MGA
SANGKAP NG ISANG
DULA? MAGBIGAY NG 5
HALIMBAWA NITO.

You might also like