You are on page 1of 17

Pagganyak

ANO ANG NAKIKITA NYO SA LARAWAN?


Pagganyak
Pagtalakay

ANG ALAMAT NG LINDOL


Noong unang panahon, may isang higanteng naninirahan sa isang
malaking kuweba sa Bulubundukin. Siya si Indol. Kinatatakutan siya dahil
sa napakalaki niyang pangangatawan. Lubos siyang mapang-api at
mahangin. Kapag nainis siya sa isang nilalang, bubuhatin at ibabalibag
niya ito. Masuwerte na kung sa putikan ito. Kung sa batong nakausli, ay
magkakabali-bali ang kaawa-awa nitong katawan. Nakikisama na lamang
ang mga tao kay Indol, sa takot nilang mapagbalingan at mapaaga ang
kanilang kamatayan. Para makaligtas ay pinalalampas na lang nila ang
pang-aapi sa kanila ng higante.
Pagtalakay

Araw-araw dinadalhan si Indol ng mga napanang usa, nasibat na baboy-


ramo, nasungkit na prutas, at inaning gulay. Kailangan ay palaging
maraming handog ang mga tao na nakahain sa mesang kainan upang
hindi magalit si Indol.

“Ako ang pinakamakapangyarihan dito!” Sigaw niya sa mga tao. “Lahat ng


maibigan ko ay kailangang sundin ninyo! Wala akong kinatatakutan.
Babaliin ko ang leeg ng sinumang hindi magdala ng handog sa aking
hapag kainan. Ako ang bathala ninyo dito sa bulubundukin. Kapag
sumuway kayo ay makikita ninyo ang hinahanap niyo! Gigibain ko ang
mga tirahan niyo at ibabalibag ko kayo mula sa pinakamatarik na bundok
Pagtalakay

Bumuhos ang malakas na ulan. Matatalim na kidlat ang gumuhit sa


kalawakan na sinundan ng nakatutulig na dagundong ng kulog. Noon
lamang nakakita ng matatalim na kidlat ang mga mamamayan.

Kung takot sila sa higante ay higit silang takot sa kislap ng mga kidlat na
sa tingin nila’y tatama sa kanila sa isang iglap. Nagsipagdasal sila sa
kanilang mga anito upang papalayuin ang matatalim na kidlat.

Nang humupa ang malakas na ulan ay nakarating kay Indol ang labis na
pagkatakot ng mamamayan.
Pagtalakay

“Ako lang dapat ang kanilang katakutan!” galit na sigaw na naiinggit na


higante. Sa sobrang pagkainis, hinintay na muli ni Indol ang malakas na
ulan. Matagal siyang naghintay kinabukasan. Lumabas siya sa kuweba
nang bumuhos ang malakas na ulan. Nang makita niya sa kalawakan ang
pagguhit ng matalim na kidlat ay hinabol niya ang mga ito. Nababali ang
mga punongkahoy na kaniyang natitisod. Nagkakagiba-giba ang mga
bahay na kaniyang nasasagi. Nakikitil ang buhay ng mga baboy-damong
kaniyang natatapakan. Takbo rito, takbo roon. Pero kahit anong bilis ang
gawin niya ay wala ring saysay. Hindi niya mahuli-huli kahit isa man lang
sa mga kidlat na kumikislap sa kaitaasan.
Pagtalakay

Sa sobrang galit ay lalong binilisan ni Indol ang paghabol. Sa kasamaang


palad ay napatid ang paa niya sa isang nakatumbang puno ng mangga at
nahulog siya sa isang malalim na hukay. Pinilit ni Indol na makaahon sa
hukay pero lagi siyang dumudulas sa batong tinutungtungan niya. Sa
tuwing magpipilit siyang sumikad at lumundag ay yumayanig ang lupa na
ikinahihilo ng mga tao sa kanilang bahay.
“Si Indol yan na nahulog sa hukay. Nagdadamba siguro kaya para tayong
dinuduyan.”
Pagtalakay

Sinasabing hanggang sa kasalukuyan ay naroon pa rin sa malalim na


hukay si Indol. Kapag naramdaman na ng mga taga-bundok ang
idinuduyang kapaligiran ay sasabihin nilang, “Si Indol! Si Indol!” na nang
lumaon ay naging Lindol! Lindol!

Hanggang ngayon, sa tuwing umuuga ang lupang kinatatayuan natin o


kinatitirikan ng bahay natin ay sumisigaw rin tayo ng “Lindol! Lumilindol!”

Sa lalawigang bulubundukin nagsimula ang alamat ng lindol.


Aralin 1

Alamat at mga
Elemento Nito
ALAMAT - ay isa sa mga tradisyong pasalaysay na
naglalayong ipaliwanag ang pinagmulan ng iba’t ibang
bagay-bagay at lugar sa daigdig.

Ang salitang “alamat” ay nagmula sa salitang latin na


“legendus” kaya ang alamát ay kuwento tungkol sa
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Pagtalakay

Elemento ng Alamat
Banghay
- ay ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ito ay binubuo ng
Ang banghay ay binubuo ng simula, gitna, at wakas.
Simula - ipinakikilala ang mga tauhan at anong ugali mayroon sila.
Tauhan
- ang kumikilos o magsisiganap sa kuwento at kung anong papel ang
gagampanan ng bawat isa.
Tagpuan
- ang lugar na pinangyayarihan ng aksiyon o mga eksena gayundin ang
panahon
Pagtalakay

Elemento ng Alamat
Gitna
Saglit na Kasiglahan
- ay nagpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
Suliranin
- bahagi isinasaad ang problemang kahaharapin ng pangunahing tauhan.
Tunggalian
- tahasang ipinakikita ang labanan o pakikitunggali ng pangunahing
tauhan sa suliranin. Maaari itong pakikitunggali sa sarili, sa kapwa, o sa
kalikasan.
Kasukdulan
- ipinapakita ang pinakasasabikang bahagi ng kuwento
Pagtalakay

Wakas Elemento ng Alamat


Kakalasan
- bahagi ang unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting
na pangyayari sa kasukdulan.
Katapusan
resolusyon ng kuwento, maaring maging masaya o malungkot, pagkatalo,
o pagkapanalo ng pangunahing tauhan sa kaniyang suliranin.
Mahahalagang Tanong
Paglalapat

● Bakit sa pagbasa ng alamat ay mahalagang mabatid pa rin kung


taglay nito ang mga elemento ng alamat?
● Kung ikaw ay susulat ng isang alamat, paano mo mapatitingkad
ang aral na nais mong ihatid sa mga mambabasa?
● Paano mo wawakasan ang isang isusulat na alamat upang higit
itong tumimo sa isipan ng mga mambabasa?
● Sa alamat na “Alamat ang Lindol” ano ang sa iyong palagay ang
dapat ayusin upang higit na maging maganda ang daloy ng
kuwento nito?
● Kung dudugtungan mo ang kuwento ng “Alamat ng Lindol” ano
ang nais mong maging takbo ng istorya nito? Bakit?
Paano mo higit na mapahahalagahan ang mga
sinaunang porma ng panitikan, gaya ng alamat
maliban pa sa pagbabasa ng mga ito?
Inaasahang Pagpapahalaga
Ang kalikasan ang pinanggagalingan ng halos lahat na ating
pangangailangan kung kaya kailangang ito ay ating pangalagaan. Dagdag
1 pa, maaaring maiwasang tayo ay singilin ng kalikasan sa paraan ng mga
kalamidad.
Maaari isulong ang pangangalaga sa kalikasan kung atin mismo itong
sisimulan sa ating sarili at manghikayat ng iba pa sa tulong social
2 media. Maaari ding magsimula ng panawagan ng panghihikayat ng
pagasasagawa ng mga proyekto.
Sa tuwing sumasapit ang mga sakuna at kalamidad ay napatutunayan
nating kaya pala ng mga Pilipino na magkaisa upang matugunan ang
3 4 pangangailangan ng ating mga kababayan. Nagkakaroon din tayo ng
malalim na pag-unawa sa kung paano natin pangangalagaan ang ating
kalikasan.
Paglalagom

• Ang tagpuan ay ang pinangyarihan ng kuwento. Sakop nito ang lugar


at panahon.
• Ang tema ay tumutukoy sa pangkalahatang kaisipan na nais ihatid o
ipaunawa sa mga mambabasa.
• Ang banghay ay ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
• Ang banghay ay binubuo ng simula, gitna, at wakas. Sakop ng mga
ito ang pagpapakilala sa mga tauhan, ay saglit na kasiglahan,
tunggalian, kasukdulan, kakalasan, at katapusan ng kuwento.

You might also like