You are on page 1of 9

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

(Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao)


(Marso 15, 2022)

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

I. Mga Layunin:
Sa pamamagitan ng pagtalakay sa akda, ang mga sumusunod ay inaasahan sa mga
mag-aaral:
1. Natutukoy ang diwang nakapaloob sa kwento.
2. Naibabahagi ang mga karanasan kaugnay sa kwentong nabasa.
3. Naisasaayos ang sumusunod na pangyayari upang mabuod ang kwentong binasa.

II. Paksang Aralin:


Mga Paksa: Elemento ng Maikling Kuwento (Sandaang Damit ni Fanny A. Garcia)
Mga Sanggunian: Ailene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Mary Grace Del Rosario,
Alma M. Dayag, Pinagyamang Pluma, Phoenix Publishing House.,
Quezon Avenue., Quezon City.
K12 KALINANGAN Workers sa Filipino (wika at panitikan) para sa
hayskul (pp.81-82)
https://www.slideshare.net/mobile/cli4d/elemento-ng-kuwento
Mga Kagamitan: yeso, manila paper, pentel pen, at makukulay na papel.
Kahalagahang Moral: Pagpapahalaga sa karapatang pantao lalo na sa mga kapus-
palad.

III. Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Panimulang Gawain
Panalangin (Spiritual Intelligence)

Hingin muna natin ang patnubay ng


Panginoon, tumayo ang Lahat para sa
panalangin. (Tatayo ang lahat para sa panalangin.)

G.______, pangunahan ang panalangin. (Mananalangin ang lahat.)

Magandang umaga Klas! Magandang umaga din po G. Vitug.

Umayos na ng upo, klas monitor iulat ang


liban o mga liban sa klase. (Iuulat ang liban/ mga liban sa klase.)

Mahusay at walang liban sa inyo,


ipagpatuloy ninyo iyan klas!

B. Motibasyon
(Spatial Intelligences at Verbal-
Intelligences)

Gusto niyo bang maglaro? Opo

Ngayon klas ay may inihanda akong laro.


Makinig kayo ng mabuti sa panuto upang
magkaroon kayo ng ideya kung tungkol saan
ang ating laro.
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7
(Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao)
(Marso 15, 2022)

Hahatiin ko muna kayo sa dalawang


pangkat.

Maliwanag ba klas? Opo

Panuto: Tangkaing sagutin ang 4 Pics One


Word sa pamamagitan ng ng mga letra na
bubuo sa ideya na may kinalaman sa
akdang ating tatalakayin sa araw na ito.

Naunawaan ba klas? Opo

SANDAANG DAMIT
Sa tingin ninyo, ano ang kinalaman ng nabuo
ninyong mga salita sa talakayan natin
ngayong araw? Sa tingin po namin ang akdang tatalakayin
natin ay may kinalaman sa mga damit.
Tumpak klas!

Basahin ng sabay-sabay ang mga layunin sa


araw na ito. Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng topikong ito ang mga
mag-aaral ay inaasahang:
 Natutukoy ang diwang nakapaloob
sa kwento.
 Naibabahagi ang mga karanasan
kaugnay sa kwentong nabasa.
 Naisasaayos ang sumusunod na
pangyayari upang mabuod ang
kwentong binasa.

Paghahawan ng Sagabal

Bago tayo tumungo sa mito na tatalakayin


natin ngayong araw, maghahawan muna
tayo ng sagabal.
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7
(Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao)
(Marso 15, 2022)

Pakibasa klas ang panuto ng sabay-sabay. Panuto: Hanapin


tumindi ang kasingkahulugan
madalas ng
bawat salitang may salungguhit sa damit
na nakadikit sa pisara. Idikit ang
kahulugan sanakita
puwang bago ang bilang.
pabulong
Naunawaan ba klas? Opo

nag-alala
(Hahanapin ng mga mag-aaral ang
kasingkahulugan ng bawat salita)

1. Sa isang paanas na tinig ay ipinahayag


ng batang mahiyain ang kanyang
damdamin.
2. Lalong sumidhi ang kanyang
nadaramang pagkaawa sa sarili
3. Hindi tanggap ng kanyang mga kamag-
aral ang kanyang kahirapan kung kaya't
siya'y malimit na nag-iisa.
4. Sa pagtungo ng kanyang mga kaklase
sa kanilang munting barong-barong ay
nasilayan nila ang kanilang karukhaan.
5. Lubhang nabahala ang guro ng batang
mahirap dahil sa matagal na pagliban nito
sa klase.

Opo
Tama ba klas ang kanilang sagot?

G.________, gamitin sa pangungusap ang Paanas na sinabi ang utos ni Anna.


salitang paanas.

Bb._______, gamitin sa pangungusap ang Lalong sumidhi ang pagnanasa niyang


salitang sumidhi. makaalis.
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7
(Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao)
(Marso 15, 2022)

Bb. _______, gamitin sa pangungusap ang Malimit na pumunta sa simbahan si Ryan.


salitang malimit.

G._________, gamitin sa pangungusap ang Huling nasilayan ni Eya ang kanyang


nasilayan. asawa noong nasa bansa pa ito.

Mukhang nabahala ang mga residente sa


At sa panghuli, G. __________. paparating na bagyo

Magaling klas at nalaman ninyo ang


kasingkahulugan ng mga salita at nagamit ito
sa sariling pangungusap.

C. Pagtalakay sa Topiko
( Interaktibong Pagtatalakay)
Ngayong araw klas ay may inihanda akong
akda na isang maikling kuwento. Pero ano
nga ba ang maikling kuwento? Basahin ng
sabay-sabay ang katuturan nito. Ang maikling kuwento ay isang uri ng
masining na pagsasalaysay na maikli ang
kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa
isang buo, mahigpit, at makapangyarihang
balangkas na inilalahad sa paraang
mabilis ang galaw.

Samakatuwid, ang maikling kuwento ay


isang maikling kathang pampanitikang
nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay
na may isa o ilang tauhan, may isang
pangyayari, at ay isang kakintalan. Opo

Naunawaan ba klas?

Ang kuwentong babasahin natin ngayong


araw ay pinamagatang Sandaang Damit ni Fanny A. Garcia
Fanny A. Garcia. Ngayon ay kilalanin natin Si Fanny A. Garcia (ipinanganak noong
siya/ Pebrero 26, 1949 sa Malabon, Rizal) ay
siyang guro, manunulat, mananaliksik,
editor, at tagapag- salin. Siya ay nagwagi
ng National Book Award para sa
Autobiography ng Manila Critics` Circle
para sa librong Erick Slumbook.

Sa kuwentong ito ay inyong masasaksihan


tungkol sa isang batang babae na inapi ng
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7
(Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao)
(Marso 15, 2022)

kanyang kamag-aral dahil sa pagiging (Babasahin ng mag-aaral ang akda.)


mahirap. Bibigyan ko kayo ng limang minuto
para basahin ang akda.
Opo

Tapos na ba ninyong basahin ang akda?

Kung gayon klas ay may inihanda akong


mga katanungan upang masukat ko kung
naunawaan niyo ang inyong binasa.
Naging tampulan ng tukso ang batang
Bb. ________, bakit naging tampulan ng babae dahil sa kanyang kalagayan na
tukso ang babaeng tauhan sa kuwento? siya’y mahirap.

Tama!

G. _________, paano mo ilalarawan ang


mga kamag-aral ng batang babae? Sa iyong Mailalarawan ko sila bilang batang walang
palagay bakit ganito ang naging pag-uugali magandang pakikitungo at walang
nila? disiplina. Dahil magkaiba ang kanilang
kalagayan ang isa ay mayaman at ang
isa’y mahirap.

Maraming salamat G. ________.

Bb. ________, kung ikaw ang naging Kung ako ang isa sa mga kamag-aral niya,
kaklase ng batang babae, paano mo siya ang gagawin ay iintindihin ko ang kaniyang
pakikitunguhan? kalagayan dahil una sa lahat ay mahirap
ang maging kapus-palad.

Maraming salamat Bb. ________.

G. ________, kung ikaw ang nasa


sitwasyong ng batang babae na tinutukso ng
iyong kapwa kaklase. Ano ang gagawin mo o Ang gagawin ko po ay ipagbibigay alam ko
anong paraan ang gagawin mo para harapin po ito sa aking guro at sa aking magulang
ang ganitong suliranin? para mabigyan ng leksiyon ang mga
kamag-aral na nanunukso sa akin.

Mahusay!

Bb. ________, paano natuklasan ang lihim


ng sandaang damit ng bata? Sa iyong
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7
(Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao)
(Marso 15, 2022)

palagay, ano kaya ang naging damdamin ng Natuklasan nila ito ng bumisita sila sa
kanyang kamag-aral para sa kanya nang maysakit na batang babae. Para sa akin,
matuklasan nila ang katotohanan? ay magugulat sila dahil hindi nila inaakala
na ang sandaang damit na na sinabi ng
batang babae ay iginuhit lamang.

Magaling! Ngayon klas ay kuhanin ninyo ang


inyong kuwaderno at sagutan ang mga
sumusunod.

Pangkatang Gawain:
Sa puntong ito ay magkakaroon tayo ng
pangkatang gawain. Bumalik sa dating
grupo at pumunta sa harapan ang lider para
kuhanin ang inyong gawain. Magtalaga rin
ng isang taga-ulat bawat grupo. Bibigyan ko (Makikinig ang mga mag-aaral sa guro.)
kayo ng walong minuto sa paghahanda at
apat na minuto sa paglalahad.
Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman- 30%
Narito ang pamantayan sa pagmamarka. Malinaw na konsepto- 20%
Kagandahan ng presentasyon- 30%
Partisipasyon ng bawat na
miyembro- 20%

KABUUAN- 100%

PANGKAT I:
Mula sa napakinggang akda, itala ang
mga pagbabago o transpormasyong
naganap sa pangunahing tauhan sa
kanyang ugali, pananaw niya sa kanyang
sarili at sa pagtingin niya sa kaniyang
kalagayan sa buhay. Gamitin ang paraang
talkshow sa paglalahad.

PANGKAT II:
Mula sa napakinggang akda, itala ang
mga pagbabago o transpormasyong
naganap sa pangunahing tauhan sa
kanyang ugali, pananaw niya sa kanyang
sarili at sa pagtingin niya sa kaniyang
kalagayan sa buhay. Gamitin ang paraang
“Q&A” na tulad ng sa isang “pageant” sa
paglalahad.
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7
(Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao)
(Marso 15, 2022)

(Magbibigay ng pidbak at input ng


guro.)

Panuto: Ayusin ayon sa pagkasusunod-


D. Paglalapat sunod ang mga pangyayari sa binasang
Basahin ang panuto ng sabay-sabay. akda. Gamitin ang mga bilang I hanggang
X sa pagsasaayos ng mga pangyayari at
isulat ito sa patlang bago ang bilang.

1. At nakita nila ang sira-sirang bahay ng


bata, ngunit hindi siya ang kaagad
nilang hinanap kundi ang sandaang
damit ng bata, at nakita nila itong
nakadikit sa dinding, isandaang damit
na pawing mga drowing lamang
2.  At isang araw biglang nagkatinig ang
bata, nagmamalaking sinabi na
mayroon siyang isandaang damit.
Ikinuwento niya sa kanila ang bawat
detalye ng kanyang damit. At simula
noon ay naging malapit na siya sa
kanyang mga kaklase.
3.  At ang mga bagay na ito ang dahilan
kung bagit siya inaasar ng kanyang
mga kaklase. At naiintindihan niya ang
sitwasyon ng kanilang pamilya.
4. May isang batang mahirap na tahimik
lang palagi sa kanyang klase. Ang
kanyang damit ay luma na at tinapay
lamang ang kanyang baon palagi
5. Ngunit nang magsimulang lumiban sa
klase ang bata, nagtaka ang kanyang
mga guro at ka-eskwela kaya
napagdesisyunan nilang puntah an ang
bata sa kanilang tahanan.
6. nakita nila ang sira-sirang bahay ng
bata, ngunit hindi siya ang kaagaAt d
nilang hinanap kundi ang sandaang
damit ng bata, at nakita nila itong
nakadikit sa dinding, isandaang damit
na pawing mga drowing lamang
7.  At isang araw biglang nagkatinig ang
bata, nagmamalaking sinabi na
mayroon siyang isandaang damit.
Ikinuwento niya sa kanila ang bawat
detalye ng kanyang damit. At simula
noon ay naging malapit na siya sa
kanyang mga kaklase.
8.  At ang mga bagay na ito ang dahilan
kung bagit siya inaasar ng kanyang
mga kaklase. At naiintindihan niya ang
sitwasyon ng kanilang pamilya.
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7
(Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao)
(Marso 15, 2022)

9. May isang batang mahirap na tahimik


lang palagi sa kanyang klase. Ang
kanyang damit ay luma na at tinapay
lamang ang kanyang baon palagi
10. Ngunit nang magsimulang lumiban sa
klase ang bata, nagtaka ang kanyang
mga guro at ka-eskwela kaya
napagdesisyunan nilang puntah an ang
bata sa kanilang tahanan.

Opo!

Maliwanag ba klas?

E. Paglalahat

(Gagawinng ilang mag-aaral ang


gawain.)

F. Pagtataya:
ligpit ang mga nakapatong sa inyong
mesa, maliban sa inyong panulat at papel.

Maliwanag ba klas? Opo.

Basahin ang panuto G. __________. Panuto: Tukuyin at Lagyan ng ✓ kung


ang pahayag ay nagsasaad ng
katotohanan at ✕ naman kung hindi.

1. Ang batang babae ang nanunukso sa


kanyang kamag-aral.
2. Ang suliranin ang mensahe o aral ng
kuwento
3. Ang mga tauhan ang nagsisiganap sa
kuwento.
4. Nakita ng kamag-aral ang kaniyang
isandaang damit sa cabinet.
5.Ang Kakalasan ang tulay sa wakas.

Mga Sagot:
1. ✕
2. ✕
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7
(Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao)
(Marso 15, 2022)

3. ✓ 
4. ✕
5. ✓ 

(Ibabalik ang papel sa may-ari.)

Ibalik sa may-ari ang papel.


(Ipapasa ang papel batay sa markang
Sino ang nakakuha ng nakuha)
15....14....13.....10.....1....

G. Takdang Aralin

Kuhanin ang kuwaderno at isulat ang


takdang aralin.  Bilang kabataan,paano mo
maipapakita ang iyong
paggalang at pagtanggap sa
mga taong iyong
nakasasalamuha anuman
ang kanilang kalagayan sa
buhay.

Gawan ito ng sanaysay at isulat sa isang


buong papel. Maliwanag ba klas? Opo.

Paalam na klas. Paalam din po.

Dominique D. Vitug
Tagapakitang-turo

You might also like