You are on page 1of 25

Bahagi ng Pananalita

A. Pangngalan. Tumutukoy sa mga salitang sumisimbolo sa ngalan ng tao, bagay,


hayop, lugar, pangyayari, katangian, at kalagayan. (ang, ang mga, ng, ng mga,
sa, sa mga, si, sina, ni, nina, kay, kina)

Mga marker:
1. Panandang ang(nominatib) - pananda ito ng simuno ng pangungusap.
2. Panandang ng (Posesib) - pananda ito ng pagpapakilala ng pagmamay-ari.
3. Panandang sa (objektib) - pananda ito sa layon ng pang-ukol, pook,
direksyon, tuwirang layon o tagaganap ng pandiwang di-aktor pokus.

Uri ng Pangalan
a. Ayon sa Konsepto
Kongkreto o tahas (kung material na bagay ang tinutukoy)
kompyuter telebisyon radio paaralan
insekto hayop ilaw kwarto

Abstrakto o basal ( kung hindi material ang tinutukoy tulad ng diwa,


kaisipan, damdamin)
ganda katuwan hinanakit pag-unlad
tagumpay dilim pagkatakot pagsayaw

b. Ayon sa Katangian
Pambalana Pantangi
ospital Quezon Medical Hospital
guro Prof. Michael Nada
aklat Istruktura ng Wika
asignatura Filipino
bolpen Pilot/Panda
kendi Fox’s/Halls

c. Ayon sa Kasarian
Panlalaki Pambabae Di-tiyak
maestro maestra guro
doktor doktora manggagamot
pari madre alagad ng simbahan
senador senadora mambabatas
relihiyoso relihiyosa
tatay nanay magulang
tandang inahin manok

Walang Kasarian
aklat damit
lapis sapatos
baso papel
pinggan kendi

d. Ayon sa Kailanan
Isahan (ang, ng sa, si, ni, kay)
si Mateo ni Estella
kay Maricon ang ama

Dalawahan (mag-, at pamilang na dalawa)


magkapatid dalawang masanas
magpinsan dalawang aklat
mag-ina dalawang bolpen

Maramihan (mga, sina, nina, kina)


mga estyudante ang mga kababayan
magkakamag-anak mag-aama
sina Marco nina Arleen
kina Apple may mga kasama
limang dosena maraming tao

B. Panghalip. Panghalili sa pangngalan


1. Panghalip Panao
a. Panghalip Panao sa anyong ANG. Inihahalili ito sa pangngalang
pinangungunahan n gang o si. Nominatib ang kaukulang panghalip na
nasa ganitong anyo.
Isahan Dalawahan Maramihan
Panauhan:
Una Ako kata, kita tayo, kami
Ika-2 ikaw, ka Kayo
Ika-3 Siya Sila

Ang unang panauhan ang nagsasalita, ang ika-2 panauhan ang kausap at
ika-3 panauhan ang pinag-uusapan
b. Panghalip Panao sa anyong NG. ito ay inihahalili sa pangngalang may
panandang ng o ni.
Isahan Dalawahan Maramihan
Panauhan:
Una Ko Nita namin, natin
Ika-2 Mo ninyo
Ika-3 Niya nila

c. Panghalip Panao sa anyong SA. Pampalit ito sa pangngalang


pinangunguhanan ng sa o kay.
Isahan Dalawahan Maramihan
Panauhan:
Una Akin Atin Amin
Ika-2 Iyo Inyo
Ika-3 Kanya Kanila

2. Panghalip Pamatlig/Demonstratib
a. Panghalip Pamatlig sa anyong ANG. Inihahalili ito sa pangngalang
pinangunguhanan ng ang kaya simuno rin ang gamit nito sa
pangungusap.
b. Panghalip Pamatlig sa anyong NG. Inihahalili ito sa pangangalang
pinangungunahan ng ng kaya ito’y sumusunod sa gamit ng pangngalang
pinapalitan.
c. Panghalip Pamatlig sa anyong SA. Inihahalili sa pangangalang
pinangungunahan ng sa. Samakatwid, ang gamit nito ay tulad din ng
pangngalang nasa anyong sa.
anyong anyong NG anyong SA
ANG
Malapit sa nagsasalita ito nito dito
Malapit sa kausap iyan niyan diyan
Malayo kapwa sa iyon niyon doon
nagsasalita at kausap

3. Panghalip Pananong. Ginagamit ito sa pagtatanong tungkol sa tao, bagay,


hayop, pook, Gawain, katangian, panahon, at pangyayari.
a. Pananong para sa tao
Sino ang kumuha ng bag ko?
Kanino ninyo ibinigay ang sukli?

b. Pananong para sa bagay, hayop, gawain, katangian, pangyayari o idea


Anong uri ng aso ang inaalagaan ni Madel?
Ano ang binili mo sa Ongville?
Ano ang ginagawa mo riyan?
Ano ang hitsura niya?

c. Pananong para sa panahon o petsa


Kalian ka luluwas ng Maynila?
Kailan makikita ang resulta ng LET?

d. Pananong para sa pook


Saan siya pupunta?
Tagasaan ka ba?
Nasaan ang cellphone mo?

e. Pananong para sa paraan at dahilan


Paano niya nasagot ang tanong sa matematika?
Bakit siya bumagsak sa Filipino?

f. Pananong para sa dami, presyo


Gaano karami ang bibilhin mo?
Ilan ang kukunin mo?
Magkano ang petsay?

C.
D.
C.Pang-uri
Ito ay naglalarawan ng tao, bagay, hayop, pook at pangyayari. Ito ay ginagamit
na panuring sa pangngalan at panghalip at ginagamit din bilang pangngalan.
Payat si Apple.
Maganda ang mga bulaklak sa hardin.
Matatalino ang mga mag-aaral sa aming paaralan.
Masipag si Mike sa mga gawaing pampaaralan.

Kayarian ng Pang-uri
a. Payak (berde, galit, asim, lunti)
b. Maylapi (malasutla, mapusok, kaibigan, kasimputi)
c. Inuulit (pulang-pula, oras-oras, galit nag alit)
d. Tambalan (ngiting-aso, kapit-tuko, hilong-talilong)

Kailanan ng Pang-uri
a. Isahan
Maputi ang bata.
Mataas ang bahay.
b. Dalawahan
Magkasingganda ang mag-ina.
Parehong matalino ang magkapatid na Cruz
Magsingsarap ang kanilang niluto.
c. Maramihan
Matatalino ang mga mag-aaral sa ikalawang pangkat.
Napakaganda ng mga tanawin ang iyong makikita sa Taiwan.

E. Pandiwa
Nagsusulat ako ng tula.
Naglilinis ang nanay ko sa hardin.
Nagluluto ang tatay ko ng masarap na ulam.
Nagbabasa ang mga bata ng kanilangleksiyon.
Kumakain ang mga panauhin.

Aspekto ng Pandiwa
1. Perpektibo/pangnagdaan
Kumain siya ng minatamis na saging.
2. Perpektibong katatapos
Kakakain lang niya ng minatamis na saging.
3. Imperpektibo/pangkasalukuyan
Kumakain ang mga bisita ng minatamis
4. Kontemplatibo/panghinaharap
Kakain kami mamaya ng niluto ni tatay na minatamis.
Pokus ng Pandiwa
1. Aktor/Tagaganap
Naglalaba si Aling Marta ng damit ni Melissa.
Kumuha ang bata ng laruan.
Sumusulat si Rosa ng tula.
Nasa pokus na tagaganap ang pandiwa kapag ang paksa ng pangungusap ang
gumaganap ng kilos na isinasasaad ng pandiwa. –um-, mag-, mang- ma-

2. Layon
Nilalabhan ni Aling Marta ang damit ni Melissa.
Iniluto ng nanay ang tinola.
Binili niya ang laruan.
Kapag ang layon o object ang paksa ng pangungusap. –in-/ -hin, i-

3. Direksyunal
Puntahan mo si Anna sa kanyang opisina.
Dalawin natin si Arnel sa Mt. Carmel.
Pinuntahan namin iyon.

Pinagtutuunan ng pandiwa ang direksyon o tinutungo ng kilos. –an/-han

4. Ganapan/Lokatib
Pinaglalabhan ni Aling Marta ang batya.
Pinaglutuan niya ng pinakbet ang palayok.
Pinaglalaruan nila ang kwarto ko.

Nasa pokus na ganapan ang pandiwa kapag ang paksa ng pangungusap ay ang
lugar na pinagganapan o pinangyarihan ng kilos.
Pag-, Pinag- + -an, -han.

5. Kagamitan
Ipinanlaba ni Aling Marta ng damit ang Surf.
Ipinanlinis niya ng kasangkapan ang malinis na basahan.

Ang bagay na ginamit o naging kagamitan sa pagganap ng kilos ang


pinagtuunan ng pandiwa. Ipang-, ipan-, ipam-

6. Sanhi/Causative
Ikinapagod ni Aling Marta ang paglalaba.
Ikinalungkot niya ang pagkawala ng kanyang paboritong kwintas.
Ang sanhi o dahilan ng kilos ang paksa ng pandiwa. Ika-, iki-

7. Tagatanggap/beneficiary
Ipinaglalaba ni Aling Marta si Melissa.
Ipinagluto ng nanay ng pusit ang bisita.
Ipagluluto ng nanay ng masarap na tinola si Beth.
Ikinuha ko si Arlene ng malamig na tubig.

Ang pandiwang nasa pokus na tagatanggap ay tumutuon sa tao o bagay na


nakikinabang sa resulta ng kilos na isinasaad ng pandiwa. i-, ipag-, ipa-

F. Pang-abay
Ito ay nagbibigay-buhay sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. Ang pag-abay
ay makikilala dahil kasama ito ng pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay na
bumubuo ng parirala.

Uri:
1. Pamaraan
Mahusay umawit si Janet.
Lumakad nang banayad ang bata.
Bakit siya umalis na umiiyak?
Naglalakad na nakapayong ang matanda.

2. Pamanahon
Kanina pa umalis sina Nene.
Kaninang hapon sila umalis.
Kahapon lang ay nandito sila.
Dumating sila kagabi
Palagi rito si Bert.
Araw-araw sila rito.

Ang ilan sa mga pananda sa pang-abay na pamanahon: yaong, buhat,


kapag, hanggang, umpisa, noon, sa, nang, muna, na/-ng

3. Panlunan
Sa Maynila nag-aaral ang kuya ko.
Sa aming eskwelahan siya dyanitor.
Sa eskwelahan siya kumakain.

Tinatawag na pariralang sa. Kumakatawan ito sa lugar kung saan


ginagawa ang kilos.
G. Pangatnig
Kataga o salitang gamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, parirala
sa kapwa parirala, at sugnay sa kapwa sugnay. Kataga o particle: na, man
lamang, yata, kaya, ba, daw, din, lamang, lang, pa, po, nga, sana, yata, pala

Uri ng Pangatnig Pangatnig


Pagdaragdag o Adisyon si Marcus at si Rose, ako saka
siya, si Rene pati si Bimbo
Pagbibigay-eksepsiyon puwera, bukod kay, maliban,
huwag lang, kundi lang
Pagbibigay-sanhi o dahilan dahil sa, sapagkat, palibhasa’y
Paglalahad ng bunga/resulta kaya, tuloy, bunga nito, kaya
naman
Pagbibigay-layunin sa ganon/gayon, nang, upang,
para
Pagbibigay kondisyon Kung, kapag, sakaling, sandaling,
basta’t
Contrast/Pagsalungat pero, ngunit, sa halip, datapwat,
subalit
Pagbibigay-kongklusyon Samakatuwid, kung, kung gayon,
anupat, kaya
Pagpapatotoo sa totoo lang, sa katunayan

H. Pang-angkop/Linker.
Katagang ginagamit sa pagdurugtong ng modifier o panuring sa salitang
tinuturingan. Maaaring pagdugtungin ang pangngalan at pang-uri, pang-uri at
panghalip, pang-abay at pandiwa, pang-abay at pang-uri, pang-abay at pang-
abay.

Mga Uri ng Pang-angkop Pang-angkop


Pang-angkop na “ng” batang mabait, maikling pagsulat,
mabisang sandata, pusong mamon
Pang-angkop na “na” singsing na bago, malikot na bata,
matamis na prutas, mataas na
gusali

Sintaksis

Ang sintaksis ay ang kombinasyon ng mga salita upang makabuo ng mga prase
at ang pagsasama-sama ng mga praseng ito upang makabuo ng pangungusap o
sentenci8e.

Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salitang nagpapahayag ng buong


diwa at kaisipan. Mayroon itong simunong pinag-uusapan at may panaguri na siyang
nagsasabi tungkol sa simuno.
Halimbawa:
Talaga?
Himala!
Naglilinis ng kuwarto si Bing.

May dalawang kaayusan ang pagbuo ng mga pangungusap.


1. yaong nauuna ang panaguri kaysa simuno, tinatawag itong nasa karaniwang
ayos.Sa Filipino, karaniwan o normal sa mga ordinaryong usapan o dayalogo
ang pagsasabi muna ng panaguri kasunod ang paksa.
Aalis kami.
Kumakanta si Nona.
Bahagi ng ating kultura ang ating mga kaugalian.

2. yaong nauuna ang simuno o paksa kaysa panguri, tinatawag itong di-karaniwang
ayos.
Si Nona ay kumakanta.
Kami ay aalis.

Dalawa ang pangunahing komponent o bahagi ng pangungusap sa Filipino: ang


panaguri at paksa o simuno.

Panaguri
Ito ang bahagi ng pangungusap na kumakatawan sa impormasyong sinasabi o
iniuugnay sa paksa. Matatawag din itong predicate. Ang panaguri ng pangungusap ay
maaaring:
1. Pangngalan:
Maestra si Nanette.
Inhinyero ang tatay ko.
2. Panghalip:
Siya si Nanette. (Panao-siya,kami,sila,tayo,ako)
Ako si Michael.
Sila ang hinihintay ko.
Siya ang kapatid ko.

Iyan ang gusto ko. (Pamatlig-dito, diyan, doon, iyan, iyon, ito)
Ito ang bahay namin.
Iyon ang dala ko.

3. pang-abay
Mahusay umawit si Janet. (Pamaraan)
Lumakad nang banayad ang bata.
Bakit siya umalis na umiiyak?
Naglalakad na nakapayong ang matanda.

Kanina pa umalis sina Nene. (Pamanahon)


Kaninang hapon sila umalis.
Kahapon lang ay nandito sila.
Dumating sila kagabi
Palagi rito si Bert.
Araw-araw sila rito.

Sa Maynila nag-aaral ang kuya ko. (Panlunan)


Sa aming eskwelahan siya dyanitor.
Sa eskwelahan siya kumakain.

4.
5.
4.pang-uri
Payat si Apple.
Maganda ang mga bulaklak sa hardin.
Matatalino ang mga mag-aaral sa aming paaralan.
Masipag si Mike sa mga gawaing pampaaralan.

6. pandiwa
Nagsusulat ako ng tula.
Naglilinis ang nanay ko sa hardin.
Nagluluto ang tatay ko ng masarap na ulam.
Nagbabasa ang mga bata ng kanilang leksiyon.
Kumakain ang mga panauhin.

7. mga parirala
May boses ang batang iyan. (eksistensyal)
Mayroon nang kapatid na lalaki sina Anthony.
Wala na bang pera ang kapatid mo?

Gusto ko iyan. (Modal)


Kailangan natin ang mga papel na ito.
Pwede sa amin ang libong iyan.

Nasa harap ng klase ang mesa. (prepositional – nasa, ukol sa,


Para sa iyo ito. para sa,hinggil sa,tungkol sa)
Nasa mesa ang aklat.

Paksa
Isa rin itong pangunahing komponent ng batayang pangungusap na matatawag
ding simuno o topic ng pangungusap.

Ito ang pinag-uusapan o sentro o pokus ng usapan sa pangungusap na


inihuhudyat ng panandang ANG o ANG MGA para sa mga karaniwan o pmbalanang
pangalan, o SI/SINA para sa mga tangi o personal na pangalan. Maaari rin itong
maging panghalip panao o pamatlig na nasa anyong “ang” ang paksa.

Ang paksa ng pangungusap ay maaaring:


1. Pangngalan
Tawagin mo na si Mike.
Nagbabasa ang bata.

2. Pang-uri
Siya ang pinakamatalino sa klase.
Pararangalan ang mahusay sa pagsulat.
Maygantimpala ang matitiyaga.

3. Pandiwa
Maraming kakilala at kaibigan ang matatalino at tanyag.
Hilig niya ang magsulat.

4. Pang-abay
Pararangalan ang mahusay sumulat.
Pinasasalamatan ko ang mga naririto.
Katangi-tangi ang mga naririto.

5. Pariralang Modal
Ito ang gusto ko.
Iyan ang pwede sa akin.

6. Pariralang Eksistensyal
Silid niya ang mayroong pintura.
Bahay naming ang may tao.

7. Pariralang Preposisyonal
Ibibigay ko ang para sa inyo.

8. Panghalip Panao
Kaklase ko siya.
Aalis tayo.

Ang simuno at panaguri ng isang pangungusap ay hindi na laging payak o iisa.


Maaaring ang isang pangungusap ay magkaroon ng isa o mahigit na simuno o isa o
mahigpit na panaguri, kaya nga may:
a. payak na simuno at payak na panaguri
Ang kultura ay isang manang sosyal ng tao.
b. tambalang simuno at tambalang panaguri
Ang wika at panitikan ay sangkap at bahagi ng ating kultura.
c. payak na simuno at tambalang panaguri
Ang panitikan ay buhay at salamin ng ating nakaraan.
d. tambalang simuno at payak na panaguri
Ang dula at tula ay mga anyo ng panitikan.

Uri ng Di-Ganap na Pangungusap


May dalawang uri ang pangungusap: ganap at di-ganap. Ganap ang
pangungusap kung nagtataglay ng 2 bahagi: simuno at panaguri. Di-ganap ang
pangungusap kung hindi lantad ang paksa. Mga uri ng di-ganap na pangungusap:

Uri ng Di Ganap na Pangungusap Halimbawa


a. Temporal. Nagsasaad ito ng mga Miyerkules ngayon.
kalagayan o panahong panandalian. Ikalima lamang ng umaga.
(Oras, petsa, araw,panahon, Ika-12 ng Enero.
selebrasyon) Tag-ulan na.
Piyesta sa Sabado.
b. Penominal. Pangungusap na tumutukoy sa Umuulan!
mga kalagayan o pangyayaring Bumagyo kamakalawa.
pangkalikasan o pangkapaligiran.
Lilindol daw.
Aaraw na yata.
Kumikidlat at kumukulog na.
Mainit!
c. Modal. Nangangagulugang hangad, Gusto kong matulog.
gusto, ibig, nais, puwede/maaari, o Ibig kitang halikan.
dapat /kailangan. Pwedeng magbaon?
Dapat kang mag-aaral na mabuti.
d. Eksistensyal. Nagsasaad ng pagka- May kapatid ka ba?
mayroon o pagka-wala. May pasok ba ngaon?
Wala pang dumarating?
Wala ka bang baon?
e. Ka-pandiwa. Nagsasaad ng Kakain ko lamang.
katatapos na kilos o pangyayari. Kagigising lang niya.
Malimit itong may kasunod na Kalilinis ko lang ng aking silid.
lang/lamang. Kababasa ko lang ng aklat.

f. Pambating Panlipunan. Magagalang Magandang umaga/tanghali/hapon/gabi.


na pananalita. Nakikiramay po.
Tao po! Halika, tuloy.
Nakikiraan po.
Salamat sa inyo.
Pasensya ka na.
Huwag kang mag-aalala.
Kamusta ka na? Mabuti, salamat.
g. Pantawag. Hoy! Hello! Nene!
Tatay! Nanay! Psst!
Ssst! Tena! Kuya! Ate!
h. Padamdam. Naghahayag ng Aray ko! Ow, talaga! Aba, sobra!
matinding damdamin. Sunog! Talagang nakakainis!
Nakakatuwa, ano? Nakakabuwisit!
Ku, yabang! Ay, siyanga?

Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit

a. Pasalaysay ang pangungusap kung nagbabadya ng isang bagay o


nagpapahayag ng isang katotohanan. Karaniwang ito ang binubuo ng simuno at
panaguri at ginagamitan ng batas na tuldok.
b. Patanong ang pangungusap na nagnanais ng tungkol sa isang bagay na nais
malaman. Ginagamitan ito ng bantas na pananong sa hulihan.
c. Padamdam ang pangungusap na nagpapahayag ng masidhing damdamin.
Ginagamitan ito ng bantas na panamdam sa hulihan.
d. Pautos ang pangungusap na nakikiusap o nag-uutos. Ginagamitan ito ng kuwit,
kung may patawag at ng tuldok sa hulihan.

Pagpili ng Tumpak na Salita ng Pangungusap


1. Tiyaking ang salita ay angkop sa ibig sabihin.
2. Tiyakin na angkop ang panlapi ng salitang ginamit.
3. Tiyakin na timbang ang ideya ng mga salitang ginamit.
4. Tiyaking nagkakaisa ang aspekto ng mga pandiwang ginamit.
5. Iwasan ang labis na panghihiram ng salitang Ingles lalo na’t hindi pa iyon
lubusang tinatanggap ng marami at mayroon namang katumbas na katutubong
salita sa atin ang mga iyon.

Kaisahan ng Pangungusap
1. Huwag pagsamahin sa pangungusap ang hindi magkaugnay na kaisipan.
2. Ang pagtataglay ng maraming kaisipan sa pangungusap ay labag sa kaisahan
ng pangungusap dahil lumalabo ang pangunahing isipang ipinahahayag.
3. Gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang pangunahing sugnay at ang
panulong na sugnay.
4. Gamitin ang tinig na balintiyak ng pandiwa kapag ang simuno ng pangungusap
ay hindi siyang gumaganap ng kilos.
5. Huwag ilayo ang salitang panuring sa tinuturingang salita.
6. Ilapit ang panghalip na pamanggit sa pangngalang kinakatawanan nito.
7. Sa Filipino, nauuna ang panaguri kaysa sa simuno sa karaniwang ayos ng
pangungusap.

Semantiks

Sentro ng pag-aaral ng komunikasyon ang semantiks. Pag-aaral din ito ng


kahulugan. Pinag-aaralan ang relasyon ng mga salita sa pangungusap. Sentro ito ng
pag-aaral ng iba’t ibang proseso ng pagkakamit at pagbubuo ng kaalaman. Sa
madaling sabi ang sematiks(Gonzales, 1992:122) ay proseso ng pag-iisip, kognisyon at
koseptwalisasyon. Ang mga ito’y masasabing magkakaugnay sa pag-uuri’t
pagpapahayag ng karanasan ng tao sa daigdig sa pamamagitan ng wika. Ayon pa rin
kay Dr. Lydia Fer Gonzales-Garcia, ang semantiks ay itinuturing na sentro ng daluyan
ng iba’t ibang larangan ng isipan at disiplina ng pag-aaral, tulad ng linggwistika,
pilosopiya at sikolohiya. Ang linggwistiks ay pag-unawa sa wika at mga wika o ito’y
masasabing masyensyang paraan ng pag-aaral ng mga katangian at kalikasan ng wika.
Ang pilosopiya ay nangangahulugan ng pag-unawa kung paano nalalaman ng isang tao
ang kanyang nasasaisip, gayundin ang tuntunin ng tamang pag-iisip at ng ebalwasyon
ng katotohanan o kabulaanan; at ang sikolohiya naman ay nangangahulugan ng pag-
unawa sa isipan(Semorlan, Naval at Restituto,1997,p 48).

Ang Linggwistiks at Semantiks


Ang sintaks at ponologi ang pag-aaral ng istrukturang ipinahayag na posibilidad
sa wika. Ang semantiks ay pag-aaral ng kahulugang ipinahahayag kaya ang semantiks
ay matitingnan bilang disiplina ng linggwistiks at siyang pinakamabunga at kawili-wiling
pag-aaral ng ating panahon (Lydia Gonzales-Garcia, 1999, p135).

Mas unang nabuo at napagtibay ng mga linggwist ang mga teorya para sa
istruktura ng mga wika kaysa teorya para sa pag-aaral ng kahulugan. Sa palagay ng
mga naunang linggwist noong mga 1950, hiwalay ang sematika sa gramar dahil ang
gramar daw ay iyong pormal na patern lamang ng wika(Matthews 1993). Tulad ng
sinabi ni Harris(1951), sakop ng ibang disiplina ang pag-aaral ng kahulugan dahil ang
deskriptiv-linggwistikas ay isang partikular na larangang tumutukoy sa pag-aaral lamang
ng mga regularidad sa wika, hindi ito tumutukoy sa kabuuang sakop ng pagsasalita. Sa
pahayag na ito, maiintindihan kung bakit tinugunan mun ng mga naunang linggwist ang
pag-aaral ng wika sa fonetiks, fonoloji, morfoloji bago pa sa sintaksis na tinutukan lang
noong panahon ni Chomsky (Paz, Hernandez at Peneyra, 2003, p.123).

Sumilang ang salitang sematiks noong dakong huli ng labinsiyam na siglo.


Noong una, hindi ito pinapansin at pinahahalagahan ng mga lingwist o dalubwika at ito’y
iniiwan na lamang sa mga antropolohista at pilosopo. Ngunit noong napapanahon na
ito, masasabing naging sentro ng kontribusyon sa linggwistiks ang semantiks lalo na sa
pagpapakita nito ng relasyon sa sintaks (Semorlan, Naval at Restituto,1997,p 48).

Layunin ng pag-aaral ng wika ang pagkakaroon ng kompitens sa linggwistika ng


katutubong tagapagsalita ng wika, iyon ang probisyon ng alituntunin at istruktura na
tumitiyak ng kailanganin ng tao upang malaman niya ang nabanggit na wika. Isang
ebidensya ng kaalaman sa semantiks ng wika ng isang tao ang pagkilala niya sa mga
pahayag kung sematik o hindi kahit na hindi naman sa gramatikal na tuntunin. Walang
nakatatalos sa wika kaya kailangang pag-aralan ang relasyon sa loob ng pagganap
tulad ng tinatawag na parapreysing o sinonim(pareho ng kahulugan).
Aytem Leksikal
Ang aytem leksikal ay maaaring dalawa o tatlong magkakaibang salita, maaaring
may iba’t ibang anyo at maaari ring dalawang hiwalay na aytem. Ngunit sa ating pag-
aaral mahalagang malaman kung ano ang salita. Halimbawa sa salitang grado. Maaari
itong grado sa mata, grado sa pag-aaral o grado sa test. Kaya tatlong magkakaibang
salita ito. Sa ganitong paraan matatawag itong aytem leksikal. Kaya ang term na salita’y
gagamitin lang sa kompleks na ponolohikal. Ang aytem leksikal o lexem ay makikita sa
paradigm na lumakad, lumalakad, at lalakad. Isang aytem leksikal lang ito na may iba’t
ibang anyo. Samantalang kapag may pangungusap na: Siya ang lumakad ng papeles
at lumakad siya, dalawang hiwalay na aytem leksikal ito. Bawat siya’y iba ang
pagkakalagay sa diksyunaryo. Ang ponemang ito ng maraming ambiquity o kabuuan o
maipakakahulugan ng salita(ponolohikal) ay tinatawag ng homonimi, tradisyunal para
sa mga di-magkaugnay na kahulugan ng mga salita. Aytem na leksikal, hindi salita ang
nasa leksikon(teoretikal na diksyunaryo). Nasa bawat leksikon ang espisipikasyon ng
bawat aytem, leksikal na kontribusyon ng bawat leksikal aytem na nagpapatotoo sa
lahat ng pangungusap na kinapapalooban nito.

Masasabi nating may leksikal aytem na kosnistent, na ito’y komon sa lahat ng


pahayag. Halimbawa ang salitang tao. Masasabing kinakatawan sa dalawang
magkaibang aytem leksika ang tao. Mortal ang tao at - Sinuntok siya ng tao. Dalawang
lapit ang masasabi natin dito:1) hindi konstant ang leksikal aytem at nagbabago ito sa
konteksto at 2) konstant ang leksikal aytem ngunit may dalawang magkaibang leksikal
ayem itong tao at tao. Kapag kinuha natin ang nauna tila umiiwas tayo sa paglalagay ng
bilang. Kapag ikalawa naman, magiging higit na malawak ang leksikal aytem dahil ang
penomena ng magkaugnay o ekstended senses ng leksikal aytem ay komon.

Istrukturang Leksikal
Ano ang representasyong semantik ng leksikal aytem at ang relasyon ng mga
representasyon? Nabanggit ni de Saussure ba may mga relasyong sintaktik ang mga
salita sa loob ng wika; at isa sa problema ng linggwistiks tungkol sa kahulugang leksikal
ay ang karakterisasyon ng mga relasyong ito. Halimbawa ang set na mama, ale, adult,
at bata. Lahat ng ito’y tao. Ang relasyong ito ay tinatawag na hiponimi. Hiponimi ang
relasyon ng kahulugan ng isang leksikal aytem na napapaloob sa kahulugan ng iba.
May mga relasyon namang tinatawag na inkompatibol tulad ng upuan at sigaw.
Maigugrupo ang upuan sa silya, bangko, sofa, at ang sigaw sa bulong, anas, yakyak.
Kapag magkasalungat ang relasyon tinatawag itong antonimi, ngunit maraming paraan
ang pagsasalungatan kaya mahahati ito sa apat:
1) pagkakasalungat ng buhay at patay - tunay na antonimi;
2) Maaaring kasalungat tulad ng mga kulay, uri ng gamit sa bahay, maaaring pula’t puti,
pula’t itim, pinggan at kutsara, kutsara’t tinidor;
3) Pagpapares - gradableng antonimi tulad ng mainit at malamig(may maligamgam o
maginaw ngunit hindi isinasama sa mainit). Ginagamit ito sa klima at di sa tubig;
4) Pagpapares tulad ng bumibili’t nagbibili (buy and sell) tinawag din itong “converse” na
pares dahil konbers ang relasyon ng mga pares itaas-ibaba.

Pagpapayaman ng Talasalitaan

1. Ano-ano ang uri ng Pag-ibig?

a. Pag-ibig (love). Pinakakaraniwan at panlahat; kasamahan ng pangingibig o


“paniningalang-pugad” at mangingibig (lover).
b. Pagliyag. May dalang kahulugang mataimtim at masidhing pag-ibig na nakapupuno
sa katauhan ng lumiliyag. Ang liyag ay kamag-anak ng luyag sa Hiligaynon. (Naluyag
ako sa imo: Iniibig kita, anang mga taga-Iloilo.)

c. Pagsinta. Hiram sa salitang Malay na tyinta at may kahulugang pag-ibig ng lalaki sa


babae o ng babae sa lalaki; pag-ibig ng tao sa Diyos at mga Santo; pag-ibig ng
mamamayan sa Sariling Bayan o Lupang Tinubuan o sa Watawat ng Sariling Bansa.

d. Pagmamahal. Galing salitang Malay at Sanskritong mahal. Nangangahulugan itong


mataas na halaga.

e. Pagkasi. Galing sa salitang Malay na Kaseh (love). Ang pagkasi ay pag-ibig at


pagmamahal na may kahalong pananangkilik, pagtatanggol at pag-aadya. Karaniwang
ang pagkasi ay damdamin ng isang makapangyarihan sa mga nasasakupan, gaya ng
Diyo sa tao o ng asawang lalaking naghahanapbuhay sa asawang babaeng nakatira sa
bahay at sa mga anak na hindi pa nakapag-iisa o napakapananarili.

f. Pag-irog

g. Paggiliw. Kapag nagigiliw tayo sa kanino man o sa mga bagay, ang damdamin ay
pagkasabik. Kaya, ang paggiliw ay pag-ibig na pinatitimyas ng pagkasabik na laging
mapasapiling ng ginigiliw o makita lamang siya.

h. Pagsuyo. Ang salitang suyo ay galing sa Intsik (soy yoh) na maaaring magkaroon ng
patayutay (figurative) o pahiwatig na kahulugang “pasarap” o “pampagana.” sinusuyo
natin (nireregaluhan o binibigyan ng nagugustuhan) ang taong nais na mahingan ng
biyaya o may kapangyarihang makapagkaloob ng ating hinahangad. Ang pagsuyo ay
damdaming pag-ibig na ipinakikilala ng panunuyo ng umiibig.

i. Pagtatangi. Ang ugat nitong tangi ay nangangahulugang “hiwalay at iba sa lahat” o


espesyal. Ang pagtatangi ay damdaming pag-ibig na nagpapalagay na ang itinatangi ay
higit sa iba. Kapag nagtangi ay iisa lamang ang itinatangi.

j. Pagmumutya. Salitang Malay na mutya na ibig sabihin ay PERLAS. Sinasabing ang


perlas ay palaging nag-iisa sa loob ng talaba. Kaya ang pagmumutya ay malapit na
kasingkahulugan ng pagtatangi sa pag-ibig na nagpapahayag na iisa lamang ang
minumutya.

k. Paghanga(admiration). Ito ay simula ng pag-ibig. Maaaring masabing lahat ng pag-


ibig ay may kasamang paghanga.

l. Pamamaraluman. Ang paraluman ay handugan ng paghanga at pag-ibig. Ito ay


damdaming may paghanga at pag-ibig.

m. Pagsamba (worship). Taglay ng sumasamba ang pag-ibig sa sinasamba.


n. Pagtingin (esteem). Damadaming may kasamang pagtatangi at pagmamahal.
o. Pamimintuho. Ang namimintuho, bukod asa may paghanga at paggalang, ay may
pagmamahal sa pinipintuho.

2. Ano-ano ang mga salitang nagpapahayag ng PAGDADALA?


a. abubot, carried in small pieces;
b. Akibat,as an emblem across front from shoulder to side;
c. Alakbat, on a slung from right shoulder to right side;
d. Ambiyang, over enlaced arms of two persons;
e. (anod) - naanod, by the current or flow of river;
f. Baba, piggy-back;
g. Baktot, slung across shoulder with the load resting on the back(as a bag or
knapsack)
h. (bagisbis) - nagbagisbis, by the wind (inilipadng hangin; payid);
i. Balagwit, on two ends of a pingga the middle of wich is balanced on the shoulder of
the carrier;
j. Bitbit, dangling from finger or hand;
k. (bitin) - nakabitin, held dangling or hanging;
l. Kaladkad, or pulled by dragging along floor or earth’s surface;
m. Kalong, held on one’s lap, cf. Kandong;
a. Kandong, or held on one’s lap or on the lap of a skirt or apron, cf. Kalong;

b. Karga, as a load, cf. Lulan;

c. Kayumkom, inside a closed fist, cf. Kimkim, kuyom;

d. Kalungkong, in a protective embrace(to cover from cold, as a mother does to a baby);

e. Kayungkong, pressed by the arms against the chest;

f. Kilik, against the hips (with arms supporting the load);

g. Kimkim, held in the fist (ussually a small thing as coin);

h. Kipkip, under the armpit, cf. Kipit;

i. Kipit, pressed by arm against the side;


3. Ano-anong mga pang-uri ang nagpapahayag ng iba’t ibang uri ng
KAGANDAHAN?

a. Maganda, beautiful, pretty;

b. Maalindog, extremely beautiful, very charming;

c. Maluwalhati, glorious;

d. Mainam, nice, pretty;

e. Kaibig-ibig, lovely;

f. Kalugud-lugud, agreable, pleasant;

g. Maaya, kaaya-aya, pleasant;

h. Nakararahuyo, enticing;

i. Kapuri-puri, praiseworthy;

j. Kahanga-hanga, admirable;

k. Magara, elegant, finely dressed;

l. Makisig, elegant, graceful;

m. Marilag, gorgeous;

n. Makislap, sparkling;
o. Makinang, glowing, shining;
p. Maningning, bright, brilliant;
q. Malungining, scintillating;
r. Marikit, radiant
s. Maringal, refulgent, solemn;
t. Marangya, magnificent;classy, showy;
u. Mapanghalina, fascinating;
v. Mapanggayuma, bewitching;
w. Mapamalani, magnetic;
x. Mapamighani, entrancing;
y. Mapamihag, captivating;
4. Ano-ano ang mga salitang nagpapahayag ng LIIT?
a. maliit, small in size;
b. malinggit, quite small;
c. munti, small, little;
d. munsik, tiny, diminutive;
e. munsing, quite tiny;
f. pandak, short in stature;
g. pasiti, small in stature;
h. bulilit, tiny;
i. bansot, stunted, arrested in growth;
j. unano, dwarf
k. manipis, thin;
a. payat, thin (of body);

b. pino, finely powdered or crushed

5. Ano-ano ang mga salitang nagpapahayag ng LAKI?

a. malaki, big or lagre in size;

b. malawak, extensive, spacious;

c. maluwang, wide;

d. malapad, flat and wide;

e. makapal, thick;

f. mataba, fat;

g. bilugan, plump, rotund;

h. buyunin, paunchy;

i. pusunin, big-bellied;

j. namamaga, swollen;

k. malaman, fleshy, substantial;


l. matangkad, tall in stature, lanky;

m. mahagway, tall and well-proportioned (in body);

n. matipuno, stalwart

6. Ano-ano ang mga salitang maaaring magamit sa paglalarawan ng PAGKA-


PANGIT?

a. pangit, ugly;

b. masamang itsura, unsightly;

c. di-maganda, unbeautiful;

d. malupit, cruel-looking;

e. may matigas na mukha, hard-featured;

f. mukhang bangkay, cadaverous;

g. mukhang patay,mukhang kamatayan, death-like;

h. tabi-tabingi, disproportioned;

i. walang hugis, shapeless, formless;

j. karima-rimarim, abhorrent;

k. kasuklam-suklam, repulsive;

l. nakapandidiri, loathsome;

m. nakapangingilabot, horrible;

n. nakakatakot, fearful;

o. nakasisindak, frightful

7. Ano-ano ang mga salitang nagpapahayag ng Kalungkutan?

a. Pighati, sorrow anguish;

b. Dalamhati, extreme or deep sorrow;


c. Hapis, kahapisan, despondency, dejection;

d. Lumbay, kalumbayan, downcast feeling, loneliness;

e. Galimgim, pagkahidlaw, loneliness, nostalgia;

f. Galimlim, pagkahidlaw, disconsolate feeling;

g. Daing, karaingan, hinaing, plaint, complaint;

h. Habag sa sarili, self-pity;

i. Buntong-hininga, sigh;

j. Himutok, outcry of extreme disappointment or distress

k. Malungkutin, prone to sadness;

l. Kabiguan, pagkabigo, disappointment, frustration.

8. Mag salitang nagpapahayag ng kaligayahan


a. Ligaya, kaligayahan, happiness;
b. Galak, kagalakan, joy, gladness;
c. Lualhati, kalualhatian, glory, bliss;
d. Saya, kasayahan, cheer, cheerfulness, gayety;
e. Tagumpay, victory, success;
f. Lugod, kaluguran, delight, pleasure;
g. Tuwa, katuwaan, delectation, pleasurable, excitement, trill;
h. Aliw, kaaliwan, comfort, consolation;
i. Kasiyahan, kasiyahang-loob, satisfaction, contentment;
j. Sigla, kasiglahan, enthusiasm, activeness of spirit
k. Ginhawa, kaginhawahan, physical comfort, ease of living;
l. Alwan, kaalwanan, relief from difficulties or hardships.

9. Mga salitang nagpapahayag ng GALIT


a. Mainit ang ulo ,hot of temper;
b. Galit, angry, anger;
c. Bugnutin, pikon, easily piqued;
d. Poot, pagkapoot, hatred, indignation;
e. Ngitngit ng loob, resentment;
f. Pait ng loob, bitter resentment;
g. Pagkamuhi, animosity, hatred;
h. Sulukasok, loathing, disgust;
i. Pagngitngit, deep resentment;
j. Pagngangalit, rage, fury;
k. Hinanakit, grudge;
l. Sama ng loob, ill-feeling;
m. Kabuwisitan, irritation, annoyance;
n. Pagkayamot, vexation, annoyance

You might also like