You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

MASBATE COLLEGES
COLLEGE OF EDUCATION
Rosero St., Masbate City

Malikhaing
Pagsulat
(Elective 2)
Inihanda ni:

DARWIN C. BAJAR, LPT


Instructor

MGA TULANG
MAY
KATUTUBONG
ANYO
Halimbawa ng oral na panulaan ang epiko, awiting bayan, at maiikling anyo ng
katutubong tula tulad ng bugtong, talinghaga, kasabihan, at salawikain. Masigla na rin ang
panulaan sa mga rehiyon tulad ng ambahan (Mangyan), dallot (Iluko), daman (Tausug),
hurubaton (Hiligaynon), at gindaya (Bagobo).
Bago pa tayo sakupin ng mga kolonisador, may umiiral nang iba’t ibang paraan ng
pagtula sa Pilipinas na ang malaking porsiyento ay pasalita. Halimbawa ng oral na panulaan
ang epiko, awiting bayan, at maiikling anyo ng katutubong tula tulad ng bugtong, talinghaga,
kasabihan, at salawikain. Masigla na rin ang panulaan sa mga rehiyon tulad ng ambahan
(Mangyan), dallot (Iluko), daman (Tausug), hurubaton (Hiligaynon), at gindaya (Bagobo).
Bukod sa mga ito, umiral din ang tanaga, dalit, at diona.
Tanaga
Binubuo ito ng apat na taludtod at ang bawat isa ay may pitong pantig. Ang
sinaunang anyo ng tanaga ay may tugmaang isahan (a-a-a-a). Ngunit sa kasalukuyan,
ginagamit na rin ang mga tugmaang a-b-b-a, a-b-a-b, at a-a-b-b. Sa limitadong sukat dapat
ay ganap na naipahahayag ng makata ang kaniyang mensahe gamit ang talinghaga.
Ayon sa Vocabulario nina Sanlucar at Noceda, ang tanaga ay may mataas na
pagpapahalaga sa lipunang Tagalog.
Halimbawa:

Nang ualang biring guinto


doon nagpapalalo;
nang magcaguinto guinto,
noon nanga songmoco.

Ang halimbawang tanaga ay maituturing na pinaghalong bugtong at tula na


nagbibigay-aral. Bugtong ito tungkol sa palay at aral naman tungkol sa huwad at totoong
katarungan. Dito, inihahalintulad ang “taong hindi marunong” sa palay na papatubo pa
lamang na mayabang na tinitingala ang langit. Samantala, kabaligtaran ang “taong
marunong” at may karanasan na sa buhay na inihahalintulad naman sa uhay na maraming
butil, yumuyuko at mababa ang boob.

Dahil sa pagsakop ng mga Espanyol at ang pagtanggap at pagyakap ng mga Pilipino


sa dala nilang relihiyon, unti-unting nawala sa kamalayan ang tanaga at iba pang katutubong
anyo ng panitikan (Panganiban, Panganiban, Matute, at Kabigting, 1993). Muli lamang itong
binuhay noong dekada 1960 at 1970 ng mga makatang tulad nina Virgilio Almario, Lamberto
E. Antonio, at Rogelio G. Mangahas (Almario, 2003).

Noong 2003, higit na naging popular ang tanaga nang ilunsad ng National
Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang timpalak na TEXTANAGA (Almario,
Baquiran, at Nadera, 2003). Dito, ipinadadala ang lahok na tanaga sa pamamagitan ng text
message sa cellphone.

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng tanaga:

Sige lang sa paghataw


sa cha-cha ang Gahaman;
`wag tayong magpaduyan
sa saliw ng Halimaw.

Sa lupa isinulat
ang dalumat ng sugat;
sinukat, sumambulat,
gubat ng pagkamulat.
Dalit
Binubuo ito ng apat na taludtod at ang bawat isa ay may walong pantig. Sa Compendio
del arte de la lengua tagala (1703) ni Fray Gaspar de San Agustin, nakasaad na popular ang
dalit sa mga Tagalog at ginagamit nila ito upang ipahayag ang kanilang “matatayog na kaisipan
at mabibigat na damdamin” (Almario, 2006, p. 91).
Halimbawa:

Caloloua co’y, hogasan


pacalinisi’ t sosian
pauian mori’t, alisan
domi’t, libag casalanan.

Sa halimbawang dalit, ipinababatid nitong pansamantala lamang ang buhay ng tao sa


mundo kaya marapat nating linisin ang kaluluwa bilang paghahanda sa buhay na walang
hanggan. Ang nasa ibaba naman ay halimbawa ng kontemporaneong dalit:

Silang mga kumakayod


sa syudad ng mga uod,
pawiin kanilang pagod
ibigay tamang pasahod.

Diona

Binubuo ito ng tatlong taludtod na may tigpipitong pantig. Umiiral na ang dalit bago pa
man dumating ang mga Espanyol at isa rin ito sa mga awit (kasama ang talingdaw at oyayi) na
nabanggit sa Vocabulario nina Sanlucar at Noceda. lisa ang tugmaan sa sinaunang diona,
ngunit dahil sa mga pag-eeksperimento, ginagamit na rin ang salitan, sunuran, at inipitang
tugmaan. Iba-iba na rin ngayon ang paksa ng diona. Ang sumusunod na halimbawa ng diona
(isang awit pangkasal) ay mula sa Vocabulario:

Mayag aco sa masiguing


ang malubay na ang aquin
malayo ang madarating

Ang diona sa itaas ay isang awit pangkasal. Sinasabi ng nagsasalita na handa niyang
tanggapin ang isang matapang na tao. Gayunman, mas gugustuhin niyang doon na lamang
siya sa mahinahon dahil malayo ang mararating niya rito. Ang nasa ibaba ay isa pang
halimbawa ng diona:

Ang maton, nakaidlip


At hilik pa nang hilik
Sa higaang masikip.

Haiku

Orihinal
(Kanji at Orihinal Salita sa Ingles ni Salita sa Filipino ni
Hiragana) (Romaji) Barczikay Añonuevo

年暮れぬ  Toshi kurenu Another year is gone; Lipas ng taon;


笠きて草鞋  Kasa kite waraji and I still wear suot ko’y sambalilo’t
はきながら Hakinagara straw hat and straw sandal saping nilala

Ang tanaga, dalit, at diona ay karaniwang inihahalintulad sa haiku ng kulturang Hapones.


Bagaman nagkakahawig sa estruktura at sa pananalinghaga, mahalagang linawin na may
katangian ang haiku na kaiba sa katangian ng mga katutubong anyo ng tula sa Pilipinas.

Ang haiku ay binubuo ng tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay binubuo ng limang
pantig, ang ikalawa ay pitong pantig, at ang ikatlo ay limang pantig. Si Matsuo Basho ang isa sa
mga pinakakilalang makata sa panahong Edo sa Japan. Siya ay kilala sa buong mundo dahil sa
kaniyang mga haiku. Ang mga sumusunod ay salin sa Filipino ni Roberto Añonuevo (2009) ng
isa sa mga haiku ni Basho (batay sa tekstong Ingles ni Zoltan Barczikay):

Makikita sa aklat na Gagamba sa Uhay (2006) ni Rogelio G. Mangahas ang


magagandang halimbawa ng mga haiku sa Filipino. Suriin natin ang halimbawa mula rito:
Lingkaw ko’y pigil:
may gagamba sa uhay,
bilot ang balang.
– NI ROGELIO MANGAHAS

Ang tula ay “hindi lamang nagninilay hinggil sa siklo ng tag-ani, kundi inaalingawngaw rin
ang karunungan ng kalikasang may sarili mang karahasan ay likas na umiinog upang
magpatuloy ang buhay” (Sanchez & Abrahan, 2012, p. 237).

Sa pagsulat ng tanaga, dalit, diona, at haiku, maaaring talakayin ang kahit na anong
paksa—pag-ibig sa kapuwa o sa bayan, pamilya, pag-aaral, pag-asa, kamatayan, at iba pa.
Tandaan lamang na sa loob ng limitadong anyo ng mga tulang ito (mahigpit na tuntunin sa
sukat at tugma), siguraduhing maipahahayag nang malinaw ang mensaheng ibig ipabatid sa
pamamagitan ng paggamit ng matatalinghagang salita.

Masasabing malihim ang mga tulang ito dahil sa pagkakaroon ng matitimping anyo. Dahil
dito, kailangang gumamit ng makata ng mga kongkretong imahen para sa masidhing
pagpapadama. Bukod dito, kailangan ding malinaw na masalamin sa mga tula ang karanasan
at kultura.

MGA MOTIBASYON SA PAGSULAT NG MALIKHAING AKDA

1. Pagpapahayag ng damdamin.
Sinubukan o binalak mo na bang magsulat ng tula para sa iyong crush? Ibinigay mo
ba ito sa kaniya o itinago mo lamang sa iyong shoebox? May ilan namang isinusulat nila sa
kanilang diary o journal ang kanilang nararamdaman at naiisip. Ginagawa mo rin ba ito, o sa
social media mo na inilalabas ang iyong saloobin? Ano pa man ang midyum na gamitin,
naipahahayag natin ang ating damdamin sa pamamagitan ng pagsulat. Madalas, dahil sa
kakulangan ng karanasan at kawalan ng muwang sa mga nangyayari sa kapaligiran, ang
kabataang manunulat ay nagsisimula sa mga romantikong akda. Siya ay nagsusulat lamang
upang isiwalat ang kaniyang nararamdaman; at ang ekspresiyong ito ay hinuhugot niya
lamang sa karanasang hiwalay sa salimuot ng kaniyang kapaligiran.

2. Prestihiyo
May mga nagsusulat ng malikhaing akda na ang layunin ay makilala sa mundo ng
panitikan. Totoo, may prestihiyo sa pagsusulat. Kapag nalaman ng iba na nakapaglathala ka
ng koleksiyon ng mga tula o kuwento, tiyak na tataas ang tingin sa iyo ng marami.
May mga nangangarap na susunod na Virgilio Almario, F. Sionil Jose, Cristina
Pantoja-Hidalgo, at iba pang maituturing na kasalukuyang pundasyon ng panitikang Filipino.
May mga nagsusulat upang makilala tulad nina Egay Samar, Allan Popa, Bob Ong, at iba
pang bagong henerasyon ng manunulat. May mga nag-aambisyong maging international
superstar sa panitikan tulad nina J.K. Rowling, Haruki Murakami, Maya Angelou, at iba pa.

Isa sa mga paraan upang makilala ay ang pagsali sa mga paligsahang pampanitikan.
Ang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang itinuturing na
pinakaprestihiyosong patimpalak sa panitikan sa bansa. Para sa maraming manunulat, ang
pagkapanalo sa Palanca ay patunay ng kanilang kahusayan bilang manunulat. Bagaman
may mga naniniwalang hindi dapat pinagsasabong ang mga manunulat, hindi maikakailang
nagbubukas ang ganitong mga patimpalak ng pinto para sa mga bagong manunulat.

3. Kabuhayan
Hanapbuhay para sa maraming manunulat ang pagsulat ng malikhaing akda. Ito ang
pangunahing kabuhayan ng ilang nagsusulat ng romance novels, komiks, teleserye, at mga
malikhaing akda sa blog at online writing community. Totoo naman ito sa ibang bansa kung
saan buhay na buhay ang kultura ng pagbasa. Ibig sabihin, may populasyong talagang
nagbabasa hindi dahil pinuwersa sila ng mga magulang o guro, kundi dahil gusto nila.
Nalilibang sila sa pagbasa. Ibig sabihin din, may populasyong regular na bumibili ng mga
aklat. Dahil sa mataas na demand, palagiang kumakatha ang mga manunulat dahil may mga
publikasyong maglalathala ng kanilang akda. Bagaman nahuhuli pa rin kumpara sa ibang
bansa sa Asya kung pagbasa ang pag-uusapan, unti-unting sumisigla ang kultura ng
pagbasa sa Pilipinas. Ito ay nagbibigay ng motibasyon sa mga manunulat na ituloy at
paghusayan pa ang kanilang pagsulat.

4. Pagmulat at pagkilos
Sa kabila ng mga napakalaking hamon sa pagsulat ng akda, bakit marami pa rin ang
nagsusulat? Bakit sila nagpapagod at gumugugol ng panahon para sa pagsulat ng isang
akda na maaaring kaunti lamang ang makababasa? Isa sa mga dakilang layunin ng ilang
manunulat ang imulat ang mga mambabasa sa mga nangyayari sa kanilang kapaligiran.
Ipinakikita nila sa kanilang mambabasa ang mga bagay na karaniwang hindi nakikita
sapagkat ikinukubli at binibigyan nila ng boses ang mga tinanggalan ng boses sa lipunan. Sa
pamamagitan ng panitikan, umaasa ang ilang manunulat na mapakikilos nila ang mga
mambabasa tungo sa mga pagbabago sa Iipunan.

PAGSULAT AT KARANASAN
Ang makathaing pagsulat ay malikhaing pagsasatitik ng nakikita, naaamoy, naririnig,
nalalasahan, at nadarama. Masasabing nagtagumpay ang manunulat kapag naidadala niya
ang mambabasa sa mundo ng tula o kuwento.
Ang makathaing pagsulat ay malikhaing pagsasatitik ng nakikita, naaamoy, naririnig,
nalalasahan, at nadarama. Masasabing nagtagumpay ang manunulat kapag naidadala niya
ang mambabasa sa mundo ng tula o kuwento.

Halimbawa:

 Nakikita ng mambabasa ang mga detalyeng nakikita ng tauhan o persona.


 Napapatakip siya ng ilong sa sangsang ng imburnal na halos magpahimatay sa
tagapagsalaysay sa kuwento.
 Sumasabog ang kaniyang pandinig sa bulung-bulungan sa simbahan na pinapaksa ng
tula.
 Nalulukot ang kaniyang mukha sa manggang kinain ng tauhan sa binasang dula.
 Dama niya ang luwalhati o pighati sa binasang akda.

Isa sa malalaking hamon sa manunulat ang lumikha ng kapani-panivvalang mundo


(kahit na pantasya, sci-fi, o kababalaghan ang isinusulat) at dalhin (hatakin, itulak,
kaladkarin, akayin, isama) dito ang mga mambabasa. Sa mundong ito, kailangan nilang may
maramdaman—saya, lungkot, galit, gulat, takot, kaba, at iba pa. Hindi epektibo ang isang
akda kung hindi ito kapani-paniwala at hindi nito naantig ang damdamin o napupukaw ang
isip ng mambabasa. Paano hinaharap ng manunulat ang mga hamong ito?

Upang maging kapani-paniwala ang kaniyang akda—ang manunulat (maging


baguhan man o batikan), humuhugot siya sa sariling karanasan o karanasan ng iba.
Nakabatay ang kaniyang karanasan sa realidad kaya nagiging mas makatotohanan ang
mundong nilikha niya. Kaya nga may mga mambabasang laging iniuugnay ang mga
nangyayari sa binasang akda sa buhay ng nagsulat nito. Sa kaniyang aklat na Pagsalunga:
Piniling Kuwento at Sanaysay, sinabi ni Rogelio Sicat (1992) na hindi nakukuntento ang mga
mambabasa sa pagbasa lamang; interesado silang malaman kung ano ang inspirasyon ng
akda. Interesado sila sa buhay ng manunulat. Laging may mga tanong na bumubukal sa
kanilang isipan:

 Sino ang manunulat sa kaniyang sinulat?


 Sino kaya ang modelo niya sa bida ng kuwento?
 Ano-ano kayang personal na karanasan ng manunulat ang masasalamin sa tula?
Kahit na malayo sa karanasan ng manunulat ang paksa o tema ng kaniyang likha—
sci-fi, erotika, kuwentong detective, lcuwentongkatatakutan o kababalaghan—masasabing
humuhugot pa rin siya sa sariling karanasan. Kung mas malapit sa kaniyang karanasan ang
paksa, maaaring mas mapadali ang pagsulat niya dahil alam na alam niya ito. Kung malayo
naman sa kaniyang karanasan ang paksa, masusubukan ang kakayahan niyang lumikha ng
kapani-paniwalang akda dahil kailangan pa niyang magsagawa ng karagdagang
pananaliksik.

Ngunit kailangang linawin na iba ang makata sa persona sa kaniyang tula, ang
kuwentista sa tagapagsalaysay sa kaniyang katha, at iba ang mandudula sa pangunahing
tauhan sa kaniyang dula. Kaya hindi ibig sabihing kung may pagkakatulad man sa pisikal na
anyo ang manunulat sa serial killer sa kaniyang kuwento, halimbawa, ay mamatay-tao na rin
siya. Ibang usapin naman ang personal na sanaysay, awtobiyograpiya, memoir, at mga
katulad na akda na hayagang nagpapakita ng karanasan ng manunulat. 

May ilang manunulat na naniniwalang pag-aari na ng mambabasa ang isang teksto


sa oras na mabasa nila ito. Hindi na nila hawak kung ano ang kahulugan ng mga salitang
iniluwal nila; ang mga mambabasa na ang nagbibigay-kahulugan sa mga salita. Sabi nga ni
Roland Barthes (1997) sa “The Death of the Author,” ang kaisahan ng teksto ay hindi
matatagpuan sa pinanggalingan nito (awtor), kundi sa destinasyon nito (mambabasa). Kaya
para sa mga manunulat na ito, hindi na mahalaga kung hango ba sa kanilang karanasan ang
akda. Ang mahalaga ay kung paano ito babasahin at tatanggapin ng kanilang mambabasa.

You might also like