You are on page 1of 1

Ang pelikulang “ABNKKBSNPLAKO?!

” ay isang pelikulang nagpapatungkol sa buhay ng isang


estudyante na sa simula ay hindi alam ang kahalagahan ng pag-aaral ngunit ng lumaon ay unti-
unting nagkaroon ng realisasyon sa buhay na ang pagiging isang estudyante ay ang pinakaunang
hakbang at simula pa lamang ng isang mahaba habang paglalakbay.

At batay sa pelikulang napanood mayroong nakapaloob na istilo ng paglalahad na nakakatulong


upang mapalitaw ang kaisipan, kaugalian ng mga tauhan at tema/paksa ng bawat pangyayari sa
pelikulang ito.

Una na dito ang “Pagbibigay ng katarungan”


Ipinapakita sa pelikulang ito ang naging buhay ni Ulo na isang pangkaraniwan na kabataan na sa
una ay walang interes sa pag-aaral at di naiintindihan ang kahalagahan ng edukasyon. At
inilahad din dito ang mga pangarap, masasaya at di masasayang pangyayari at mga problemang
hinaharap ng isang estudyante.

Pangalawa ang pangulong Tudling/Editoryal


Sa pelikulang ito pinakita ni Bob Ong ang kanyang malawak na kaisipan para lang maiugnay nya
sa pangkaraniwang na problema/ o isyu na na minsan ng kinaharap ng bawat estudyante. Kaya
ginawa nya ang pelikulang “abnkkbsnplako” upang sa ganon ay maipaintindi nya sa kaniyang
manunuod ang nais nya maipabatid at magkaroon ng koneksyon ang bawat estudyante na
nakapanuod ng pelikulang ito.

At ang huli ang Sanaysay


Ipinakita sa pelikulang ito ang mga tunay na karanasan ng isang estudyante sa eskwelahan
mula sa elementarya, sekondarya at maging kolehiyo. Nais ipamulat sa atin ng pelikula na ito
Ang hirap, pagsisikap at katanyagan ng isang estudyante katulad na lang ni Ulo. Tunay na
maiiugnay ito sa buhay ng estudyante. At ito ay tunay na karanasan ni Bob Ong na siyang
gumawa ng nobela/ at naging basehan ng pelikula na ito para ng magbigay aral sa mga
kabataan o estudyante.

You might also like