You are on page 1of 8

Bayan Ng Lunggati, Bayan Ng Pighati

sumasayaw-sayaw sa hangin
1 Lunggati pataas
pataas
Huwag malungkot, mga mahal kong supling
Kahit hindi na ninyo ako makapiling
Baka naman bukas ako'y palarin pa rin
unti-unti kaming mga migrante
umusad ang eroplano sanay sa sidecar
dahan-dahan muna bus, dyipni
katunog ng aming mga kaba at karag-karag na barko
susukot-sukot
naninibago
tila iba ang eroplano
medyo lumiko saka sumibad nakatali ka na
parang saranggolang itinakbo nakatali ka pa
sa malayo ng isang kaalyado sa pupuntahan
binitawan pagkaraan
kaya humaginit paitaas

kami lukot na lukot


ang noo
may ilang pumalakpak nagpapakiramdaman
may ilang pumaswit sa isip
ang iba nagkasya sa pagtanaw nagbibilang ng utang
sa maliit, biluhabang bintana puhunan
hindi naman madungaw nagbibilang ng sisiw
wala pa ang tinaling
sa inahing gigiliw

sa silong ng mga mata


kalawanging bubungan
maiitim na estero inukit namin
di makilalang dagat ang pangalan
isang dipang lupa at pinanggalingan
sa maleta, bag, polder
kahit na sobreng kakikilanlan
ng tao't pagkatao
sa likuran
sa nakaraan
luhang natapakan
kirot na nais kalimutan inukit namin
kasawian sa isip
ang hangad
(sana’y magapas)
ang siphayo
parang buntot ng saranggola (sana’y malimot)
ang mga pangarap namin dinadasal
bumalik nawa sa Gitnang Silangan
bumalik nawa ibabagay ang tainga
ang lantay na tuwa ng kamusmusan sa dila ng iba
bagong awitin
ang hihimigin
mata'y itutuon
sasalok si Gaspar sa bagong tanawin
ng tubig sa Saudi
maglilingkod si Lydia
sa isang sheik
magiging yaya sa Singapore si Delia isasanib ang kayumanggi
bartender naman sa Hongkong si Tina sa puti
magiging entertainer daw sa dilaw
sa Japan si Olivia sa itim
mekaniko si Juan sa pula
sa Lebanon hanggang ang kayumanggi'y
iyong dalawa mabura
magtuturo daw sa Saipan
natanggap na desk clerk
si Casey sa Marianas
samantalang tsimay ang karamihan Huwag malungkot, mga mahal kong supling
(na para disimulado Kahit hindi na ninyo ako makapiling
d.h. turingan) Baka naman bukas ako'y palarin pa rin
sa Iran, Malaysia, Taiwan
o iba pang bansang
ma/y yaman
ibukod pa
ang mga Pilipinang
mag-aasawa/magpapaasawa 2 Papel
kung kani-kaninong dayuhan
Sa ibayong lupaing itong lahat
Ng galawin ay banyaga,
Kanino magtatapat,
kailangan naming Magsusuplong o magsusumamo?
kumalat Anong wika ang gagamitin
sa daigdig Sa pagdaing ng sinapit at sasapitin?
upang maabot-tanaw ang langit lumakad ako
pangalanan ang lupang sa basbas ng papel
sa suwelas ng sapatos nakadikit
maanggihan ng liwanag
sa kakaunting buhay
nagsisiksik papel ang nagsasabi
ng ngalan ko
papel ang nagpapatunay
ng Pagkatao
bibitawan namin papel ang katunayan
ang rosaryo ng binyag
ng eskuwela
sa Frankfurt
ng kasal binusisi ang passport
ng paglisan huwad
katakut-takot na papel hanggang kamatayan hindi ako
ako
sabi ng kung sino
sabi ng mga tao
akala ko dala ko na ang lahat sa wikang di ko maantilo
sa pasaporte
naroon ang retrato
(ako iyon)
naroon ang tirahan sumablay
(totoo iyon) ang Ingles ko
naroon ang pirma sumablay
(tapos ako ng hayskul) ang katwiran
sigurado rin ako sa visa sumablay
(naisanla ko na yata pati pati buhay
magiging apo
sa halaga nitong libu-libo)

isinakay ako
sa isang trak
panatag ako sa paglisan isinakay ako
kahit bangkay ko sa isang
magkakapangalan madilim na trak
isinakay ako
sa isang karanasan
banyaga kahit sa pandamdam
ngunit
hindi pala ako
ako
napatunayan ko ito walang kadala-dala
puwede palang walang kapali-paliwanag
sigurado ka walang katingin-tingin
kung sino ka ni hindi ko naitanong
pero di mo ang demanda
mapatutunayan ang sentensiya
sakaling pagdudahan

una
lumakad ako tinatawag kong lahat
sa basbas ng papel ang santo
ipinagkanulo ako hanggang maubusan
ng aking papel ng kakilala
hanggang mapudpod
ang dila
sa litanya
saka sabi ng tsuper
puwede nang bumaba
ako nagalit ang bilin
tumiim ang paniwala pumasok sa gusaling
ganoon na sa bayang iniwan matatanaw
ganoon din pala sa daratnan salamat
puwede nang ibunton
ang pinigil na paghinga

nagsanib ang gutom


pangamba pangungulila
pagod at antok maraming babae roon
pero pati pag-idlip (nakapagtataka)
nakakatakot pero hindi na bale
baka basta
di na ko gumising bukod sa akin
pag mata’y sumara may ibang kaluluwa
baka kamalayan
mabura

sigawan sila
pagkakita sa akin
(kahit sisinghap-singhap (parang nakakita ng liwanag
kapit-tuko pa rin sa buhay) matapos mabuyo sa dilim
nang pagkatagal-tagal)

umiyak ako nang umiyak


sa takot ako
sa lungkot di man
sa awa sa sarili makasigaw
hanggang di na makaiyak nilapitan
bandang huli Pinay
hindi na ako Bombay
makaiyak Thai
minura na lang Sri Lankan
ahensiya pulis dayuhan gobyerno
pati santo
sa palad na napagsapit
ng aking pangalan tinanong
ninakaw yata ano ang pangalan mo
nilustay yata tagasaan ka
ipinagbili yata

lumakad ako
huminto ang trak sa basbas ng papel
di pala lahat
kaya ng papel
at ngayon
sindilim ng mukha ni Inang
pinagpaalaman
ang islang hinantungan
dito kami babasalin
3 Dugo dito raw papalihin
bago dalhin sa mga putahan
Dugo ang kasabay ng pagkamulat at pagluluwal sa Copenhagen Paris Italya
Duguan tayong naglalakbay sa mga buwan at Gresya Alemanya
panahon Waikiki
Binabagta s ang mababalasik na pagkakataon. maging sa mga isla
ng dagat-Pasipiko

unang binyag ng paglisan


ang dugong umagas sindilim ng kamatayan
sa aking pagitan ang oras
ngunit simpula ng dugong
umaagas
ang liyab
banyagang bayan ng pangungulila
banyagang kalinangan

binigyan ako
lahat ng bagong pangalan
kailangang pag-aralan binigyan ako
(sa palikuran) ng bagong kariktan
basahing grapiti ito ang templo
ang mga lihim ng mga pangarap ko
at liham maikakalasag kaya
krimeng nakakubli ng kaluluwa
sa mga tagong lunan
pintong magbubukas
ng sugat/sugatan)
nakatundos ang mga paa
sa dayuhang lupa
nilalasap ng dila
buhat-buhat ko ang lumipas
ang katawan ngunit
palibot sa mundo isinusumpa
luwad na may katamtamang bigat ang dugong
luwad na nagsisimpan idinidilig
ng kahapon sa pangarap
at bukas sa mababalasik na pagkakataon
ng maraming tao/taon

4 Apoy hindi lamang manok tupa baka


ang idinadarang
. . . Marami naman akong maiiwan: kahit laman
Mga anak na tutulala sa kinabukasan at
Isang mag-anak na binistay ng kapalaran pag-asa

ano ang pangalan mo gusto nila


bakit narito ka masalab
kailan ka pa rito walang wakas
walang wakas
nakaririmarim
na paghihirap
tagaluto ako
mahirap ilarawan
ang kulay ng apoy
hindi mapapantig gabi-gabi
ng dila ari'y nilulusaw
ang iyak na nasa aking mata sa kape
isinasawsaw
parang pandesal

sapat na sigurong sabihin


sa katawan ko
umaaso gabi-gabi
asin ako'y binabalatan
luha balbas at buhok
dugo itinitirintas
laway sa pandamdam
tamod tumatakas
opyo apoy ng kaluluwa

nangarap lang ako nag-ipon ako


tumakas ng kaunting tatag
dahil nagpaampon
ipinataw nila sa kaunting liwanag
sa aking balikat kay amo ng apoy
sa balikat ng aking mga anak kay amo ng apoy
ang inubos sa buong magdamag
lakas tinapos agad
oras ang lahat kong hirap
ano ang pangalan mo bakit narito ka
kailan ka pa rito saan ko mahahanap
ang aking sugat
paano ko masasalat
ang pangarap
. . . Marami naman akong maiiwan:
Mga anak na tutulala sa kinabukasan
Isang mag-anak na binistay ng kapalaran
mga anak
kaanak
kaibigan
nakabaybay sa langit
ang inyong pangalan
5 Pighati isinulat iyon
ng aking mga layon
Saka-sakali mang maiuwi kahit labi ng buto ko, inaruga't dinilig
Sakali mang makaahon, kahit kapiraso ng ng pagsisikap
bungo, tinighaw ko
Ihahagkis ko sa inyo, "mga minamahal kong ang alimpuyo ng alab
kababayan," nang makaibayo tayo
Na wala, walang buhay na maalwan. sa paghihirap

Wala, kailanma'y walang buhay na maalwan mainam lumaban


Kung walang mapagpalang lupang tinubuan. nang parehas
mas marangal
mas marangal
lalo't nanggagaling
muli sa giti ng pawis
umusad ang sasakyan ang kakanin
sa paliparan mas marangal
sumibad pakalawakan mas marangal
mabilis kaysa itatwa ang aral
mabilis ng Maykapal
simbilis ng iglap mas marangal
agad nagkahon mas marangal
sa aking labi

alin ang una


tinawid ko ang dagat sa mito ng sisihan
ulap parusa ba
gubat o gantimpagal
lupa-lupain
at pulu-pulong hirap

huwad ba ang pangalan


mulang paglisan
o huwad ang lupang
pinagsimpan

alin ang mas dakila


magsamantala
mapagsamantalahan
mauna
maunahan
maging malamya
o maging malaswa
ibilad
hanggang mamanhid
ang katawan at tatag
sa kaunting dinar
sa kaunting riyal
sa kaunting dolyar
o huwag inuhin
ang gutom
hanggang bituka�y manguluntoy
at manikit sa buto ang balat

huwag malungkot, kabayan,


di gaya ko
pighati'y may pangalan
lumbay ay may kakikilanlan
may lasa ang kabiguan

wala man akong kabaong


huhukay sa lupang nilisan
may lapida ako sa mga pahayagan
ililibing ako ng mga supling
sa mga gunita nila't
damdamin
huwag malungkot, kabayan,
bayaang ang buhay kong
nalapastangan
maging pataba ng paglisan
ng iyong paglisan
dahil dito
sa ating bayan
walang buhay na maalwan

You might also like