You are on page 1of 23

MODYUL 11

PAGSUSURI SA PANINGIN
Maikling kwento at Nobela
Sa panulat ni :
PROF. ROSALINDA C. DE GUZMAN
Mga layunin

1. Nasasabi ang kahulugan ng Paningin sa


maikling kwento at Nobela
2. Natutukoy ang mga paraan sa
paglalahad ng paningin
3. Naiisa-isa ang mga Kategorya sa
Paningin
4. Nakapagsusuri ng Paningin sa Maikling
Kwento at Nobela
PANINGIN
• Ang paningin sa maikling kwento ay
tumutukoy sa pananaw na pinagdaraanan
ng mga pangyayari sa isang katha.
• Sa pamamaraan ng pagsasalaysay , ayon
kay Percy Lubbock, ang paningin ay
kaugnay ng nagsasalaysay sa kwento,
kung sino ang nakakakita at kung gaano
ang nakikita.
• Sa pamamagitan ng paningin nakikilala ng
bumabasa ang nilikhang naglalahad , ang
lugar at ang panahong sumasaklaw sa
paglalahad.
APAT NA PARAAN NG PAGLALAHAD NG
PANINGIN
1. Paningin sa Unang Panauhan- ang
ganitong paglalahad ay karaniwang
tungkol sa karanasan ng nagsasalaysay-
ni ako . Ang ako ang kumakatawan sa
tauhang nagsasalaysay kaya ang kwento
ay lumilitaw na personal niyang karanasan
at iyon ay mula sa kanyang pananaw
lamang.
Dalawang paraan na maaaring gamitin sa
paningin ng unang panauhan
1. Si "Ako" ang gumaganap na bayani at
pangunahing tauhan sa kwento
Halimbawa " Sa aking mga kapatid,
Requiem" ni Domingo G. Vargas
2. Hindi si Ako ang pangunahing tauhan. Sa
ganitong paningin , ang pangyayari ay
isinasalaysay ng isa ring tauhang
nakamasid ,ngunit hindi gaanong aktibong
kasangkot sa pangyayari
Halimbawa " Bituin ng Rosales" ni Juan SP
Hidalgo Jr.
MGA LIMITASYON KAKAHARAPIN NG
MANUNULAT SA PANINGIN NG UNANG
PANAUHAN

1. Nahihirapan ang mga mambabasa na


makilala ang mga katangian ng
pangunahing tauhan
2. Limitado ang kalagayan ng manunulat na
magpasok ng sariling kaisipan sa kwento.
3. Ang mga pangyayari ay karaniwang
maligoy sa ganitong paningin
Halimbawa

Narinig ko ang mga tinig na yaon .


Mga
tinig na iba't iba .Sinu- sino ba ang nasa
kabila? Kailangan kong malaman .
Unti-unti kong tinantiya ang taas ng
pader.Kaya kong igpawin . Kumuha ako
ng isang tipak na batong matutungtungan
upang maabot ng isa kong kamay an itaas
ng pader.......
2. Paningin sa pangatlong panauhan

Ang pagsasalaysay ng paninging ito ang


siyang pinakapalasak.
Ang mga pangyayari sa ganitong uri
ng paningin ay dumaraan sa panauhang
"siya" na maaaring simuman.
Sa ganitong pagsasalaysay ang isip
ng awtor ay maaaring sumanib at kumalas
sa isip ng pangunahing tauhan. Ang
pagsasanib na ito ng awtor at ng
pangunahing tauhan ay tinatawag na
daloy ng kamalayan
Halimbawa

Panginoon! Nakita ni Lazaro ang


nakalupasay na katawan ni Veronica, tigmak
ng dugo ang damit pambahay. Buhay
pakaya siya? Pinulsuhan niya iyon, at
pinangko mula sa sahig at inilagak sa
ibabaw ng kama. Kailangan niyang
tumawag ng manggagamot , ng sinumang
maaaring sumaklolo. Mabilis syang
lumabas ng bahay at ang tinig ni Lazaro
ay pumunit sa karimlan. Hanggang sa
maramdaman niyang siya ay napagod na
hindi mawari.
Mga katangian ng kwentong dumaraan sa
paningin sa pangatlong panauhan

1. Epektibong maipapakita dito ang


personalidad ng tauhan.
2. May kalagayan ang awtor na
makahiwalay at makasanib sa katauhan
ng bayani.
3. Magiging matipid ang salitang gagamitin
4. Hindi makasisira sa kwento kung ang
awtor ay makapagpapahayag ng
pansariling kaisipan.
3. PANINGING LAGUMAN

Sa ganitong uri ng paningin,inihahayag ng


awtor ang pangyayari sa pamamagitan ng
pag-angkin niya sa isa sa mga tauhan ng
kwento at sa pagsasanib dito ng kanyang
paglalarawan sa kanyang mga
nasasaksihan. Ang pagtatambal na ito ng
ng dalawang paningin ay nakakatulong
upang higit na maging malaya ang awtor
sa pagdadala ng mga pangyayari sa
kwento.
4. PANLAHAT NA PANINGIN

Sa ganitong uri ng paningin, ang mga


pangyayari ay dumaraan sa paningin ng
awtor na maaaring magpalipat-lipat sa
katauhan ng iba't ibang tauhan sa kwento.
KATEGORASYON NG PANINGIN AYON
KINA JAMES MOFFETT AT KENNETH
McELHENY
1. Panloob na Monologo ( interior monologue)-sa
pamamaraang ito ang isang karakter ay
nagsasalita sa kanyang sarili habang nag-iisip.
Halimbawa: " But the One on the Right" ni Dorothy
Parker:
Narito na ang isda. Mabuti,mabuti, may
isda na kami. Ibig kaya niya ang isda? Oo,ibig
niya ;sabi nya ay ibig niya ng isda. A, mainam.
Gusto ko iyon sa isang lalaki. Aba nagsasalita
siya. Itinatanong niya kung ibig ko ng isda.
2. DRAMATIKONG MONOLOGO

• Sa pamaraang ito , ang karakter ay


nagsasalita nang malakas sa isang tao.
Halimbawa "Musmos" ni Rosario Tolentino
Hoy, Nenet, alam mo ba namatay ang
Tiya Ligaya ko kagabi. Talaga tutuo, peks
man ,iyak nga ng iyak ang lola ko kagabi
e. Di mo ba narinig, nagkagulo silang lahat
? Hiyaw ang lola ko, nagising ako sa tili
niya e.Ikaw, hindi ka ba nagising?
3.PALIHAM NA PAGSASALAYSAY

• Ito ay pagsasalaysay ng mga


pangyayaring pangkwento sa
pamamagitan ng liham
Halimbawa
1. "Balat kayo" ni Carmen Acosta
2. " Mahal kong Luis" ni Zenaida Liamzon
4. PATALAARAWANG
PAGSASALAYSAY( DIARY narration)
• Sa ganitong pamamaraan ang mga pangyayari
ay isinusulat ng awtor parang sa talaarawan ng
may kalakip na petsa ng kaganapan. Ang mga
pangyayaring ito ay nakasulat ayon sa
pagkakasunod-sunod ng petsa.
Halimbawa
1."Uhaw ang tigang na lupa" ni Liwayway Arceo
2. " Talaarawan ng Isang Isisilang" ni Catalina
Santos
5. SUHETIBONG PAGSASALAYSAY

• Sa pamamaraang ito, isang tauhan sa kwento


ang nagsasalaysay ng mga pangyayari
Halimbawa: " My Sister's Marriage" ni Cynthia
Marshall Rich
Nang mamatay ang aming ina, ang iniwan
niya ay si Olive at ako upang mag-alaga kay
Tatay. Kahapon nang sunugin ko ang mga sulat
ni Olive ay ako na lamang ang naiwan. Alam ko
na kakampi kayo sa aking kapatid sa lahat ng ito
sapagkat kayo ay iba.........
6. TIWALAG NA AUTOBIOGRAPIYA

• Ang nagsasalaysay ay nagkukuwento ng isang


nakaraang karanasan.Ngunit ang panahon ng
kanyang pagsasalaysay ay pangkasalukuyan
kung kaya't ang nakaraang karanasan ay
hinog ang kintal sa isip ng nagsasalita.
Halimbawa NITO AY mga akda ni Genoveva
Edroza Matute
1. Paglalayag 2. Sa Puso ng isang bata
3. Kwento ni Mabuti 4. Walong Taong Gulang
7. PAGSASALAYSAY NG ISANG ALAALA
O ISANG OBSERBASYON

• Ang pagsasalaysay sa ganitong


pamamaraan ay isinasagawa ng isang
tauhan na walang mahalagang papel sa
kwento.
Halimbawa
1. "How my brother Leon Brought Home a
wife" ni Manuel Arguilla
2. " The Killers" ni Hemmingway
8. PAGSASALAYSAY NG ISANG
BIOGRAPIYA SA PANINGIN NG ISANG
KARAKTER
• Ang awtor sa ganitong pamamaraan ay
hindi tumutukoy sa kanyang sarili.
Halimbawa " Ulan" ni Simplicio P.Bisa
Sa pagpihit niya sa kabila ng higaang
papag, naramdaman niya ang dantay ng
hangod sa kanyang likod. Dumura siya.
May bahid ng pulang dura.Mahabang
sandali iyon , walang hanggang mga
sandali.Huminingal siyang lumapat sa
pagkakahiga.Pumikit siya..............
9. DI BINANGGIT NA PAGSASALAYSAY
SA PANINGIN NG DALAWANG
KARAKTER

Dito ay nagmumula ang mga karanasan sa


isang kasamang tauhan o isang saksi sa mga
pangyayari . Maaaring ang bahagi rito ng
nagsasalaysay ay isang kapalagayang loob,
na siyang nagsasalaysay sa buhay ng
dalawang tauhan.
Halimbawa: " Kamatayan sa Gulod" ni Manuel
Ocampo
10. DI BINANGGIT NA PAGSASALAYSAY
SA PANINGIN NG MARAMIHANG
KARAKTER O TAUHAN

• Sa ganitong uri ng pamamaraan , ang


kwento ay dumadaan sa iba't ibang
paningin. Ngunit habang sumusulong ang
balangkas ng kwento , ang paninging nais
na pangibabawin ng awtor ang siyang
magiging maliwanag sa mga bumabasa.
PAGSASANAY 5 -iPAKITA SA ONLINE
CLASS
1. Pumili ng mga kuwentong naisulat na at
magpapakita ng iba't ibang paningin sa
pagsulat ng kwento.
a. Ibigay ang Pamagat ng kwento at awtor
b. Isulat ang bahagi ng kwento na
nagpapakita ng iba't ibang uri ng paningin.

You might also like