You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

POLITEKNIKONG PAARALANG PAMBAYAN NG LUNGSOD COTABATO


KOLEHIYO NG PAGTUTURO
Kahabaan ng Sinsuat, Lungsod ng Cotabato

Pangalan : PONSIAN, RUVENA T. Taon at Kurso: Ika-4 na taon-BSED Filipino


Guro : NIDA S. TOÑACAO

Reaksyon at Implikasyon sa “Lupang Tinubuan” ni Narciso Reyes

Reaksyon

Ang Lupang Tinubuan ay isang kwentong pagbabalik kung saan man ipininganak at
nagkaisip ang isang tao. Ito ay lugar na kung saan nahubog ang ating pagkatao sa mga mabuti at
magagandang karanasan. Pinadama ng kwento ang katiwasayan sa pag-uwi sa kinamulatang
nayon o bayan. Si Danding ay malugod na tinanggap ng kaniyang kamag-anak kahit siya ay bago
pa lamang sa lugar ng kaniyang ama ganun din kapag tayo ay umuwi sa ating kinagisnang
probinsya. Siya ay sinagian ng lungkot, bagama’t kailanma’y di niya nakita ang namatay na
kamag-anak. Nakaramdam siya nang pananabik na masilyan ang nayon ng Malawig sapagkat ito
ang nayong sinilangan ng kanyang ama. Ang Malawig ay walang kaibahan sa alinmang nayon sa
kalagitnaan ng Luzon. Naunawaan ni Danding kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay
mabigat na parusa, kung bakit ang mga nawawalay na anak ay sumasalunga sa bagyo at baha
makauwi lamang sa Inang Bayan at kung bakit ibinuwis ng mga bayani tulad ni Rizal ang
kanyang buhay para sa ating bansa. Naramdaman niya ang tinatawag na pag-ibig sa lupang
tinubuan. Ang kwentong ito ay nagpapaalala sa atin na kahit saan man tayong dako maparoroon
ay babalik at babalik pa rin tayo kung saan tayo nanggaling. Ang pagbalik sa lupang tinubuan ay
siya pa ring mabibigay sa atin ng kaginhawaan at katiwasayan ng puso’t isipan.

Implikasyon

Ang akin implikasyon ay pahalagahan ang ating lupang kinagisnan at patuloy nating
pagyamanin sapagkat kung saan man tayo ipinanganak doon din tayo babalik at mahihimlay
kapag tayo ay namatay. Naging mapait man at matamis ang ating naging karanasan sa ating
lupang tinubuan tiyak akong hahanap-hanapin at babalik-balikan saan mang dako ng mundo tayo
naroon.

You might also like