You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

POLITEKNIKONG PAARALANG PAMBAYAN NG LUNGSOD COTABATO


KOLEHIYO NG PAGTUTURO
Kahabaan ng Sinsuat, Lungsod ng Cotabato

Pangalan : PONSIAN, RUVENA T. Taon at Kurso: Ika-4 na taon-BSED Filipino


Guro : NAZRIAH P. TARRAYO Petsa : Oktubre 19, 2020

Aktibidad 1
Panuto: Tumukoy ng isang obra maestrang Filipino at paano ito naging obra maestra ng
Filipino?

Isa sa mga obra maestrang Filipino ay ang “Ibong Adarna” na ang orihinal na titulo ay “Korido
at Buhay na Pinagdaanan ng Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na anak ng Haring Fernando at
ng Reyna Valeriana sa Kahariang Berbania”. Ang Ibong Adarna ay isang halimbawa ng korido.
Ang korido ay tulang pasalaysay na ang bawat taludtod ay may sukat at tugma. Dinala ito ng
mga Kastila muna sa Europa. Ito ay akda na umiikot sa pananampalataya, alamat at
kababalaghan. Karaniwang paksa ay pag-ibig at pakikipagsapalaran ng bayaning tauhan na
sasaniban ng kapangyarihang may kababalaghan. Ang sukat nito ay aapating taludtod bawat
saknong at wawaluhing pantig bawat taludtod. Isahan ang tugma nito. Ito ay isang uri ng
tulasinta (metrical romance). Binubuo ito ng 1,034 saknong. Ang sumulat ng Ibong Adarna ay
walang iba kundi si Jose dela Cruz na kilala rin sa bansag na Huseng Sisiw bagamat hindi ito
nakasulat sa libro. Siya ang tinaguriang pinakabantog na makata noon sa Tondo. Siya rin ang
nagturo kay Francisco Balagtas na gumamawa at bumigkas ng tula kaya naging napakahusay ni
Balagtas sa larangan ng pagsulat dahil naging inspirasyon din niya si Jose dela Cruz.

Ang ibong Adarna ay tungkol sa buhay ng tatlong Prinsipe na anak nina Haring Fernando at
Reyna Valeriana na sina Prinsipe Pedro, Diego at Juan. Nilalaman nito ang kanilang masalimuot
na pinagdaanan na sumubok sa kanilang tapang at katatagan sa pakikipagsapalaran upang
mahanap ang Ibong Adarna na sinasabing siya lamang makakagamot sa kanilang mahal na
amang hari na si Haring Fernando. Bagamat sila ay magkakapatid ngunit meron silang ibat-ibang
ugali, na siyang mas lalong nagpatingkad sa magandang korido na naging dagdag sa kasabikan
ng mga mambabasa. Dagdag pa dito ang mga naging kwento ng pag-iibigan ng kanilang mga
napangasawa. Halaw ito sa isang lumang Europeong alamat. Ang kasaysayan ng Ibong Adarna
ay maaaring hango sa mga kwentong-bayan ng iba't ibang bansa tulad ng Alemanya, Denmark,
Romania, Austria, Finland, Indonesia at iba pa.

Noong una ay tradisyon nang mga makata na ialay ang kanilang mga kurido sa Birheng Maria.
Ito ay katangian na ng panulaan noong panahon ng Espanyol na ang layunin ay palaganapin ang
pananampalatayang katoliko. Kaya naman sinimulan ng manunulat ang kanyang akda sa sa
pagpuri sa Mahal na Birheng Maria, Para sa kanya si Birheng Maria ay nagbibigay liwanag ng
isip para siya ay hindi magkamali, sapagkat inaamin ng manunulat na siya ay isang hamak
lamang na mayroong mahinang katawan at isipan. Siya raw ay tila naglalayag ng mag-sa at ng
siya ay mapalayo na ay hindi na niyang kayang bumalik pa. Humingi rin siya ng gabay sa
pagpaplano ng kayang buhay, hiniling din niya na asana ay pakinggan ng mahal na Birhen ang
kanyang nilikhang korido.

Ang Ibong Adarna ay isang obra maestrang Filipino sapagkat ito ay isang tula, madalas na
nagmula sa sinaunang Oral Tradisyon, na nagtatala ng mga nakamit at mga karanasan ng
kabayanihan at maalamat sa kasaysayan ng bansa. Isinulat ng isang makatang Filipino at
kakapulutan ng mabubuting aral. Ito rin ay isang masining na pagpapayahag ng kwento na
idinaan sa patulang pasalaysay.

You might also like