You are on page 1of 7

Grade 8 Filipino/1QTR

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


10. Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggang pag-uulat.
(F8PN-Ii-j-23)
11. Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa binasang
datos. (F8PB- Ii-j-25)
12. Nagagamit sa pagsulat ng resultang pananaliksik ang awtentikong datos na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino. (F8PS-Ia-c-20)
13. Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos. (una, isa pa,
iba pa). (F8WG-Ii-j-23)

II. Paksang Aralin / Lunsaran

Pananaliksik

▪ Pagpapalawak ng Talasalitaan
▪ Pagbabahaging sariling opinion o pananawbataysa napakinggang pag-
uulat
▪ Mga hakbang sa Paggawa ng Pananaliksik ayon sa binasang datos
▪ Paggamit ng mga pahayag sa pag-aayos ng datos
▪ Pagsasagawa ngpananaliksik tungkol sa Pagpapahalaga sa katutubong
kulturang Pilipino.

Sanggunian:
Ikalawang Edisyon, Pinagyamang Pluma 8
Phoenix Publishing House
pp. 93-113; 120-140

Kagamitan:
Para sa face to face
Mga larawan
Video
Kopya ng materyal
Para sa Modular Distance Learning (MDL):
Kopya nitong Modyul
Para sa Online Distance Learning (ODL):

Maaaring bisitahin ang mga sumusunod na link:


https://drive.google.com/file/d/1U24goL3TSG9FcSUFgZayPkct2-m35eCA/view?usp=sharing
https://www.youtube.com/watch?v=iDDPnRU37aQ
https://drive.google.com/file/d/1CeWtE7auF8ef9H5gYF8KENZxA2vBAJ8s/view?usp=sharing

A. Pagsisimula ng Bagong Aralin

Para sa ODL:
https://drive.google.com/file/d/1U24goL3TSG9FcSUFgZayPkct2-m35eCA/view?usp=sharing

52 | OPM S.Y. 2020-2021


Grade 8 Filipino/1QTR

Para sa MDL:
Isang mapagpalang araw! Ako ay nagagalak sapagkat napagyaman
mo ang iyong mga kasanayan sa iba’t ibng mga Gawain sa mga
nagdaang aralin. Isa na namang malaking hamon ang iyong
haharapin at alam ko na matiwasay mo rin itong
mapagtatagumpayan.`Sa araling ito ay makatutuklas ka ng mga
kasanayang pangwika na hahasa sa iyong kritikal na pagsusuri at
pag-iiimbistiga sa mga isyung may kinalaman sa ating kultura..

Bilang panimula, narito ang gawaing magbibigay hudyat sa isa na


namang makabuluhang talakayan.

PANUTO: Sagutin ang crossword puzzle sa ibaba.

Pahalang
1 mga napapanahong pangyayari, napapanahon, sariwang kaganapang maaaring pasalita o
pasulat
2 tagapag-ulat ng mga natatanging pangyayari sa isang lugar sa pamamagitan ng telebisyon
o radyo (news ___ )
7 istasyon sa wikang Ingles (___ work)
8 tv b____ _ang tawag sa pag-uulat na telebisyon ang daluyang ginagamit
PABABA
3 isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng mga impormasyon, patalastas at balita
4 uri ng media na tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila
ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual
na komunidad at mga network. (__ ) Ingles
5 isang paraan ng pagpapabatid ng mahahalagang balita sa pasalita o pasulat man na
pamamaraan gamit ang telebisyon at radyo (pag-__ _)
53 | OPM S.Y. 2020-2021
Grade 8 Filipino/1QTR

6 tawag sa uri ng balitang walang basehan at masasabing huwad na impormasyon at malayo


sa katotohanan. (___ _news)

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Ang aktibiti na iyong sasagutan ay magbibigay sa iyo ng kahandaan sa ating paksang


payayabungin sa araling ito.

Para sa ODL
https://www.youtube.com/watch?v=iDDPnRU37aQ

Pakinggang mabuti ang pag-uulat at pagkatapos ay ibahagi ang iyong sariling opinyon o
pananaw ukol dito.

Para sa MDL

Basahing mabuti ang pag-uulat at pagkatapos ay ibahagi ang iyong sariling opinyon
o pananaw ukol dito.

Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa
COVID-19
12 March 2020

Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong


coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi
malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa
mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang
na maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.

Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng mga ito kung ikaw
ay nakatira sa lugar na may COVID-19.
1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay
Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o
hugasan gamit ang sabon at tubig.

Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na
maaaring kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na maghawak natin ng ating
mukha, nailipat na ang virus sa mata, ilong at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang
mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong
coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit
ng hand sanitizer na may alkohol.

2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig


Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan. Maging
mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.

Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha ng mga virus.
Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong at bibig at maaaring
pumasok sa katawan at magdulot ng sakit.

54 | OPM S.Y. 2020-2021


Grade 8 Filipino/1QTR

3. Takpan ang iyong ubo at bahing


Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, at sumusunod sa tamang respiratory
hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu
kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at
maghugas ng kamay.

Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong
at bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat
ng mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong kamay –
sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet sa iyong kamay.
Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay.
4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo
Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung and iyong edad ay 60 pataas o may dati nang
karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser. Panatilihin ang
hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at sa kung sinumang may lagnat o ubo.

Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula


sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas sa mga matataong
lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1 metro) mula sa mga taong maaaring
may COVID-19 o sinumang may iba pang may sakit.

5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit


Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang.

Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa trabaho o iba pang lugar,
gagaling ka ng mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao.
6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit
tawagan mo muna ang health facility
Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta ng maaga – kung
kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center para masabihan ka kung saan ka
pupunta.
Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay sayo, ikaw ay
maituro sa tamang health facility, at maiwasan mong makahawa sa iba.
7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad
Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang
artoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang mga tagapagsalita – ang
Department of Health, World Health Organization (WHO), o iyong lokal na health worker.
Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat
at tuyong ubo.
Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong
impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas nakakaalam
kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao
ang kanilang sarili

Para sa karagdagang impormasyon:


WHO COVID-19 main page
Advice for the public
When and how to use masks
COVID-19 myth-busters
Q&A videos

55 | OPM S.Y. 2020-2021


Grade 8 Filipino/1QTR

Travel advice
Training and e-learning
Sa bahaging ito ay ibabahagi mo ang iyong sariling opinyon o pananaw ukol sa iyong
nabasa. Isulat mo sa loob ng ulap sa ibaba.

C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin


Para sa ODL
https://drive.google.com/file/d/1CeWtE7auF8ef9H5gYF8KENZxA2vBAJ8s/view?usp=sharing
Para sa MDL:
#HULATAUHAN PANUTO: Suriing mabuti ang sumusunod na larawan. Kilalanyo ba
sila? Sikaping Isulat ang kanilang ngalan at sikaping makapagbigay ng mga salitang mag-
uugnay sa kanila.Gawin mo nang buong husay ang gawain sa ibaba.

56 | OPM S.Y. 2020-2021


Grade 8 Filipino/1QTR

Magaling, Magaling!!

Binabati kita sa matagumpay na pagbiibigay ng


pangalan sa mga larawan

Ngayon naman ay pumili kayo ng tatlo mula sa anim na


larawan na kailangan mai-flex ang inyong pagkakilala sa
kanila

#FLEX Ko LANG
1._____
_____
_____
2._____
_____
_____
3._____
_____
_____
_____

TANONG KO LANG?
Batay sa gawaing iyong isinagawa ano-ano ang mga bagay na
iyong natutunan?
Paano ka makakakalap ng impormasyong kapakipakinabang
kung nais mong tuklasin ang pinagmulan ng katangian ng
isang bagay o pangyayari?
SAGOT KO…..
A.
_____
_____
_____
_____
B.
_____
_____
_____
_____

57 | OPM S.Y. 2020-2021

You might also like