You are on page 1of 33

FILIPINO 8

RACHELL ANN MANGOSING-MAYA


SUBJECT TEACHER
Kaligirang Kasaysayan
ng Florante at Laura
Balikan
Panuto: Dugtungan ang mga parirala sa ibaba upang mabuo
ang katuturan ng sumusunod na kontemporaryong
panitikan. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

• A. Tatangkilikin ko ang mga popular na babasahin dahil ____________.


• B. Makikinig ako ng mga dulang panradyo sapagkat ____________.
• C. Manonood ako ng mga pelikulang Pilipino upang ____________.
Tuklasin

• A. Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban,


Ang kulay at tatak ay ‘di s’yang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman.

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok,


‘Di matatapos itong gulo.
(Bahagi ng awit na “Tatsulok”)
Tuklasin
• B. Nang dahil sa pag-ibig, natutong magtiis,
Nang dahil sa pag-ibig, nagmahal nang lubos
Ang puso kong ito Nang 'di umaasang tumbasan mo ang pag-ibig ko,
Nang dahil sa pag-ibig, sunod-sunuran ako sa lahat ng gusto mo
Nang dahil sa pag-ibig…
(Bahagi ng awit na “Nang Dahil sa Pag-ibig”)
Pag-unawa sa Binasa

• 1. Ano ang mahihinuha sa awit na Tatsulok?


• 2. Sa iyong palagay, ano o sino ang tinutukoy na “tatsulok at sila ang
nasa tuktok”?
• 3. Paano sumasalamin ang awit A sa kasalukuyang panahon?
• 4. Sa awit B, ano-ano ang magagawa nang dahil sa pag-ibig?
• 5. Bakit nagagawa ang mga ito dahil sa pag-ibig?
Kaligirang Kasaysayan ng Florante at
Laura
• “Pinagdaanang Buhay ni FLORANTE at ni LAURA sa
Kahariang Albanya: Kinuha sa madlang ‘cuadro historico’ o
pinturang nagsasabi sa mga nangyayari nang unang panahon sa
Imperyo ng Gresya, at tinula ng isang matuwain sa bersong
Tagalog” o kilala ng nakararami sa sikat na pinaikling pamagat,
ang Florante at Laura. Ito ay hitik sa magagandang kaisipan,
matulaing paglalarawan, at mga aral sa buhay.
Kaligirang Kasaysayan ng Florante at
Laura
• Ang akdang Florante at Laura ni Balagtas ay
magpapakita na siya ay may kamalayang panlipunan.
Nangangahulugan ito na mulat siya sa mga nagaganap
sa kaniyang lipunan. Bagamat hindi siya nagmungkahi
ng paraan kung paano babaguhin ang mga sistemang
tinutulan ng kaniyang Florante at Laura, ang kaniyang
akda ay nakaimpluwensiya sa ibang manunulat.
Kaligirang Kasaysayan ng Florante at
Laura
• Naging inspirasyon ng dalawang bayaning Pilipino, sina Jose Rizal at
Apolinario Mabini, ang Florante at Laura. Laging dala-dala ni Rizal
saan man siya makarating ang kaniyang sipi ng Florante at Laura.
Katunayan dito ang ilang linya mula sa Florante at Laura na mababasa
sa Noli Me Tangere at El FIlibusterismo. Samantalang, noong ipatapon
si Apolinario Mabini sa Guam noong 1901, hinamon siya ng isang
kapitang Amerikano na magbigay ng halimbawa ng kadakilaan ng mga
Pilipino sa larangan ng panitikan. Kaya kumuha si Mabini ng papel at
isinulat ang buong Florante at Laura. Ang bersiyong ito ang isinalin
naman ni Tarrosa Subido sa Ingles.
Talambuhay ni Francisco “Kiko” Balagtas
Y dela Cruz
Talambuhay ni Francisco “Kiko” Balagtas
Y dela Cruz
• Isinilang si Francisco Balagtas sa Panginay, Bayan ng
Bigaa (ngayo’y Balagtas), Bulacan noong Abril 2,
1788. Ang mga magulang niya ay sina Juan Balagtas at
Juana dela Cruz. Kilala rin siya sa pangalang Francisco
Baltazar o Kikong Balagtas. Ang kaniyang asawa ay si
Juana Tiambeng na taga-Orion, Bataan at nagkaroon ng
pitong anak.
Talambuhay ni Francisco “Kiko” Balagtas
Y dela Cruz
• Bata pa si Kikong Balagtas ay naging utusan na siya ni Donya
Trinidad, isang mayaman at malayong kamag-anak, upang
makapag-aral. Sa kabila nito, mahilig na talaga siya sa kalikasan
tulad ng pagmamasid sa mga luntiang kapaligiran, pakikinig sa
mga pagaspas ng mga dahon at awit ng mga ibon. Mahilig din
siyang magkumpara ng mga bituin sa mga alipato at apoy na
nagmumula sa pagpapanday ng kaniyang ama, at ang tunog ng
sapatos ng mga kabayo na para sa kaniya ay inihambing niya sa
musika.
Talambuhay ni Francisco “Kiko” Balagtas
Y dela Cruz
• Sa murang edad, hindi maikaila kay Kiko ang
mga pagmamalupit ng mga Espanyol sa
kababayan niyang Pilipino. Hindi siya mapakali
sa nararamdaman na may hindi magandang
nangyayari sa kaniyang bayan ngunit ‘di niya ito
lubos na maunawaan.
Talambuhay ni Francisco “Kiko” Balagtas
Y dela Cruz
• Noong siya ay nag-aaral na sa Colegio de San
Juan de Letran, naging guro niya sa Pilosopiya si
Padre Mariano Pilapil. Taong 1812 nang matapos
siya sa pag-aaral ng Batas sa Corones, Kastila,
Latin, Pisika, Doctrina Cristiana, Humanidades,
Teknolohiya at Pilosopiya.
Talambuhay ni Francisco “Kiko” Balagtas
Y dela Cruz
• Naging makulay ang buhay ni Balagtas noong siya ay
magbinata na. Nananaludtod na ng mga tula ng
pananambitan at pagsamo. Dito niya nakilala ang unang
nagpatibok sa kaniyang puso, si Magdalena Ana Ramos.
Dito siya humingi ng tulong sa pagsulat at pagsasaayos ng
tula kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na pinakabantog na
makata sa Tondo. At ‘di kalaunan, nahigitan ito ni Francisco
sa larangan ng panulaan.
Talambuhay ni Francisco “Kiko” Balagtas
Y dela Cruz
• Hanggang sa siya ay natutong umibig nang tunay kay Maria
Asuncion Rivera o mas kilala sa tawag na Celia. Ngunit ang
pag-iibigang ito nina Kiko at Celia ang nagbigay ng gulo sa
kaniyang buhay. Siya ay ipinakulong nang walang
kasalanan at katarungan ng kaniyang karibal na Espanyol na
si Nanong Kapule. Ito ay may mataas na katungkulan sa
bayan noong panahon ng Kastila. Doon niya naunawaan ang
mga nangyayari at nararamdaman ng kaniyang kababayan.
Pagyamanin
• Gawain 1. #NuhaLaga (Hinuha at Halaga)
• Panuto: Gamit ang tsart sa ibaba, bigyang hinuha ang
kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa
babasahing talata.Kopyahin at gawin sa hiwalay na papel.
Gawain 1. #NuhaLaga (Hinuha at Halaga)

• Noong ipatapon si Apolinario Mabini sa Guam noong 1901, hinamon


siya ng isang kapitang Amerikano na magbigay ng halimbawa ng
kadakilaan ng mga Pilipino sa larangan ng panitikan. Kaya kumuha si
Mabini ng papel at isinulat ang buong Florante at Laura.
• May dala kaya siyang kopya? Kung mayroon, bakit? Katulad kaya siya
ni Rizal na hindi maiwan ang kopya ng Florante at Laura saan man siya
magpunta? Kung wala naman siyang kopya, ano ibig sabihin nito?
(magkaroon lamang ng repleksyon sa mga tanong)
Gawain 1. #NuhaLaga (Hinuha at Halaga)
Gawain 2. #Lagay-Akda
Panuto: Tiyakin ang kaligirang kasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong
naisulat ang Florante at Laura. Gawin sa hiwalay na papel.
Gawain 3. #Layuni’tEpekto
Panuto: Tukuyin ang layunin ni Balagtas kung bakit isinulat niya
ang Florante at Laura, at suriin kung ano ang epekto ng akda
pagkatapos maisulat. Kopyahin ang tsart sa ibaba at gawin sa
hiwalay na papel.
Isaisip
Panuto: Bumuo ng tatlong (3) hashtag (#) upang
maipakita ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at
Laura.
Halimbawa: #DakilangAkda
#FloranteAtLaura
#TaluktokNgPanulaangTagalog
Isagawa

Panuto: Sumulat sa hiwalay na papel ng isang sanaysay na magbibigay-


hinuha sa kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura kaugnay sa
kaligirang pangkasaysayan nito ayon sa:
A. kalagayan ng lipunan noong maisulat ito,
B. layunin ng pagsulat, at
C. epekto ng akda pagkatapos maisulat ito.
Isagawa
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan.
Isulat sa hiwalay na papel ang letra ng tamang
sagot.
1. Mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura sapagkat ito ay maituturing
na walang kamatayan. Ito ay _________________.
• A. walang namamatay na tauhan
• B. nilikha ng taong walang kamatayan
• C. buhay dahil buhay pa ang may-akda
• D. sumasalamin sa lipunan mula noon hanggang ngayon
2. Binabasa ng mga Pilipino ang Florante at Laura
magpasahanggang ngayon sapagkat ______________.
A. narito ang lahat ng katotohanan
B. malaki ang bayad sa pagpapalimbag
C. narito ang kaisipan at kasaysayan ng Pilipinas
D. malaki ang ambag nito sa ekonomiya ng Pilipinas

3. Ang akdang Florante at Laura ay mahalaga kaugnay sa


kasaysayan ng Pilipinas dahil ito ay ______________.
A. nailimbag sa kasalukuyang panahon lamang
B. nalikha bago pa man ang pagdating ng mananakop
C. naisulat sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol
D. nabuo sa panahon pagkatapos dumating ang mananakop
4. Mahihinuhang mahalaga ang Florante at Laura kay Apolinario Mabini
dahil ______________.
A. saulado niya ito C. ipinagbibili niya ito
B. mabuti siyang bayani D. ipinasa sa kaniya ito ni Kiko

5. Ipinagmamalaki at pinahahalagahan ang akda ni Francisco bilang


_______________.
A. pinakabasahing kuwento
B. pinakapaborito ng lahat ng Pilipino
C. pinakataluktok ng panulaang Tagalog
D. pinakamaraming naimprenta sa panulaang Tagalog
6. Ang lagay o antas ng lipunan ng mahihirap sa panahong naisulat ang
Florante at Laura ay _______________ ng mayayaman.
A. mas angat sa lahat ng larangan
B. kapantay na kapantay ang antas
C. ‘di nahuhuli sa antas ng edukasyon
D. aping-api sa pag-aalipusta at pagpapahirap

7. Isinulat ni Kiko ang kaniyang walang kamatayang akda dahil sa


pagmamahal kay_______________.
A. Juaning Asuncion C. Maria Asuncion Rivera
B. Juana Tiambeng D. Magdalena Ana Ramos
8. Itinago ni Francisco ang tunay na kahulugan ng kaniyang isinulat na akda
kaugnay sa kalagayan ng Pilipinas upang _______________.
A. hindi ipagbawal ng mga Espanyol
B. maaliw ang mga Pilipinong nagbabasa
C. itago ang husay niya sa pagsulat ng tula
D. maidokumento ang kalagayan ng Pilipinas noon

9. Noong maisulat ang akda ni Francisco, nagdulot ito ng epekto sa mga


Pilipinong nakabasa nito sa pamamagitan ng _____________.
A. paglaban sa pang-aapi ng mga Espanyol
B. pagpumiglas ng mayayaman sa mahihirap
C. pagsunod ng mga mahihirap sa pamunuan
D. pagsang-ayon sa kagustuhan ng mayayaman
10. Sa kasalukuyan, sa pagsusuri ng akdang Florante at Laura
matapos itong maisulat daang taon na ang nakaraan, masasabing
ito ay _______________.
A. kakaiba sa kasalukuyan
B. nagbago na sa kasalukuyan
C. hindi na makikita sa kasalukuyan
D. sumasalamin pa rin sa kasalukuyan
Karagdagang Gawain

• Panuto: Talakayin ang mahahalagang pangyayari sa


buhay ni Kiko ayon sa yugto ng kaniyang buhay upang
maipakita ang kaligirang kasaysayan nito. Gawin ito sa
hiwalay na papel.

You might also like