You are on page 1of 4

LONG QUIZ NO.

Pangalan: _______________________________________________ Iskor: ______________

Lagda ng Magulang: _______________________________________

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Bilugan ang tamang sagot.
1. Ano ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng mahiwagang ibon?
A. Nagiging bato B. Nahihilo C. Nakatutulog D. Namamatay
2. Anong bagay ang hiningi ni Don Juan sa ama bago siya umalis sa kaharian?
A. Bendisyon C. Pagkain at tubig
B. Karwahe D. Salapi o yaman
3. Anong mensaheng taglay ng pagtulong ni Don Juan sa matanda?
A. Nagpapakitang-tao lamang si Don Juan.
B. Likas na maawain at mapagkawanggawa si Don Juan.
C. Alam ni Don Juan na may maitutulong ang matanda kaya niya tinulungan ito.
D. Hindi na kailangan ni Don Juan ang bagay na hinihingi ng matanda kaya ibinigay na
lang niya.
4. “Ikinalungkot ng buong kaharian ang pagkakasakit ng kanilang hari.” Ano ang motibo ng
may-akda sa paglalagay ng bahaging ito?
A. Dahil lahat ng tao ay nagkakasakit.
B. Para maging kaawa-awa ang kalagayan ng hari.
C. Upang mapasakamay kay Don Pedro ang kaharian.
D. Upang ipakita ang pagmamalasakit at pagmamahalan sa isang pamilya o kumunidad.
5. “Pinagbilinan ng matanda si Don Juan na huwag masilaw o mahumaling sa kinang ng
mahiwagang puno upang makaiwas sa kapahamakan.” Alin sa mga sumusunod ang
motibo ng may-akda sa paglalagay ng bahaging ito?
A. Upang mapahamak si Don Juan.
B. Ipinapaalam ng may-akda na nakakasilaw ang puno.
C. Ang may-akda ay gusto lamang niyang ilagay ang bahagi ito.
D. Pahahalaanin ang mga mambabasa na huwag magpasilaw sa kayamanan.
6. Ilan ang pantig sa bawat taludtod sa Korido?
A. 8 B. 9 C. 11 D. 12
7. Ano ang tawag sa himig na mabilis ng musika sa korido?
A. Allegro B. Amdante C. Andante D. Aplero
8. Tungkol saan ang paksa ng korido?
A. Alamat, bayani, at kababalaghan.
B. Bayani, kababalaghan, at mandirigma.
C. Bayani, mandirigma, at pananampalataya
D. Alamat, kababalaghan, at pananampalataya.
9. Ang Ibong Adarna ay isang uri ng ___________.
A. Awit B. Epiko C. Korido D. Soneto
10. Ano ang dahilan ng patuloy na pagbasa at pag-aaral ng Ibong Adarna?
A. Kahusga-husga C. Nakakatawa
B. Nakakatakot D. Kariktang taglay nito
11. Ano ang kahalagahan ng pagbasa at pag-aaral ng Ibong Adarna?
A. Magpabago sa buhay ng mga tao.
B. Maaaring kapulutan ng aral sa buhay.
C. Magbigay solusyon sa mga problema.
D. Magbahagi ng kaalaman tungkol sa mga Espanyol.

Para sa bilang 12-15. Tukuyin ang angkop na solusyon sa mga suliraning nabanggit at
bilugan ang titik ng tamang sagot.

12. Ano ang magandang solusyon sa labis na kahirapan sa bansa.


A. Droga B. Pagnanakaw C. Panloloko D. Trabaho
13. Ano ang maaaring dahilan ng paghihirap ng mga buhay ng tao?
` A. Edukasyon B. Kurapsyon C. Trabaho D. Tradisyon
14. Pagiging suwail ng ilang kabataan sa mga tagubilin sa kanila.
A. Ipahiya sa mga tao.
B. Paluin ang mga suwail na kabataan.
C. Murahin o pagsabihan ng mga masasakit na salita.
D. Disiplinahin ng mabuti at pangaralan ang mga kabataan.
15. Pagiging mapusok ng ilang kabataan sa larangan ng pag-ibig.
A. Sang-ayunan kung may mga kasintahan.
B. Hayaan silang gawin sa mga bagay na gusto nila.
C. Pahintulutan silang sumama sa mga hindi kilalang tao.
D. Paggabay at pagbibigay ng mga paalala sa mga kabataan.
Para sa bilang 16-18. Tukuyin ang kahulugan ng mga salkitang may salungguhit.

16. Labis na nalumbay si Haring Fernando dahil sa paglisan ng anak upang hanapin ang
lunas sa kanyang karamdaman.
A. Nabahala B. Nalungkot C. Natakot D. Natuwa
17. Matagal na humimlay ang hari sa kanyang higaan dala ng kanyang matinding
karamdaman.
A. Humiwalay B. Namahinga C. Bumangon D. Umupo
18. Bantog sa magkakapatid si Don Juan dahil sa labis nitong kakisigan at kabaitan.
A. Taksil B. Tanyag C. Tamad D. Totoo
Para sa bilang 19-20. Suriin ang mga sumusunod na bahagi ng akda at bilugan ang titik ng
tamang sagot na naglalahad ng angkop na solusyon.

19. “Kaya po kung pipigilan


Itong hangad kong magaling
Di ko maging sala mandin
Umalis nang palihim.”
A. Maging makasarili.
B. Suwayin ang utos ng mga magulang.
C. Huwag pipigilan ang taong hangad ay kabutihan
D. Huwag magpaalam sa magulang kung may pupuntahan
20. Anang matanda may dusa
“ Maginoo, Maawa ka
Kung may baon kayong dala
Ako po ay limusan na”.
A. Sarili lamang ang iniisip
B. Labis na kahirapan sa bansa.
C. Marami ang naggugulang sa kapwa
D. Madamot sa mga taong mahihirap Marami ang naggugulang sa kapwa

Para sa bilang 21-22. Basahin at unawain ang teksto. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Nanalong Kapitan ng Barangay,
Pinatay ng Sariling Kapatid na Tinalo Niya sa Posisyon

Wala na sigurong hihigit pa sa karahasang dulot ng nagdaang barangay elections sa


nangyari sa pamilya Arcenas na nauwi sa patayan ng magkakapatid ang resulta ng halalan sa
barangay Manapao sa Pontevedra, Capiz nitong lunes.
Matapos matalo ang incumbent barangay chairman na si Manuel Arcenas sa kaniyang
kapatid na si Ramon Arcenas, pinagbabaril ng una ang huli.
Bukod dito, idinamay din ni Manuel ang dalawa pa niyang kapatid na babae ba sina
Jeniffer Nuyles at Evelyn Espinar.
Bukod sa politika, tinitingnan din ng pulisya ang anggulong mana ng magkakapatid bilang
motibo sa krimen.
-Mula sa GMA News Online

21. Paano nahahawig o nagkakapareho ang mga kapatid ni Don Juan na sina Don Pedro at
Don Diego sa mga kapatid na nabanggit sa binasang teksto?
A. Iniwanan nila Don Pedro at Don Diego si Don Juan sa bundok
B. Nag-aalala sina Don Pedro at Don Diego sa kalagayan ni Don Juan.
C. Tinulungan nila Don Pedro at Don Diego ang kanilang kapatid na si Don Juan.
D. Sa pagtatangka sa buhay ni Don Juan dahil sa hindi matanggap na kabiguan at
gustong pag-angkin ng trono nila Don Pedro at Don Juan.

22. Ano sa inyong palagay ang karaniwang dahilan sa pag-aaway-away ng magkakapatid?


A. Gutom C. Maling akala
B. Kasakimaan at inggit D. Walang Tiwala

23. Ano ang dahilan ng pagkakasakit ni Haring Fernando?


A. SIya ay nanaginip C. May lumason sa kanya
B. May epidemya sa kaharian D. Siya ay isinumpa

24. Ano ang planong ginawa ni Don Pedro kay Don Juan?
A. Nilason
B. Iniwan sa bundok
C. Inihulog sa bangin
D. Ipinain sa mga mababanghis na hayop

25. Bakit nabigo si Don Pedro na hulihin ang Ibong Adarna?


A. Siya ay naging bato C. Siya ay nakatulog
B. Siya ay nahulog sa bangin D. Siya ay umalis sa burol

26. “Noon niya napagsukat


ang sa tao palang palad
magtiwala ay mahirap
daan ng pagkahamak.”
A. Nawalan ng takot C. Nawalan ng sigla
B. Nawalan ng pag-asa D. Nawalan ng tiwala

27. “O marilag na Prinsesa,


Ang sa araw na ligaya’t
Kabanguhan ng sampaga
Sa yapak mo’y sumasamba.”
A. Matinding paghanga C. Matinding pagkatuwa
B. Matinding pagkalito D. Matinding pagdududa

28. Sino ang makisig, matapang, at may mabuting kalooban na anak ni Haring Fernando?
A. Don Diego B. Don Juan C. Don Pedro D. Don Salermo
29. Sino ang mabagsik, malakas, at malupit na tagapagbantay ni Donya Juana?
A. Don Diego B. Don Pedro C. Higante D. Serpiyente

30. Sino ang butihing hari ng kahariang Berbanya na nagkaroon ng malubhang


karamdaman?
A. Haring Elias C. Haring Salermo
B. Haring Fernando D. Haring Solomon

You might also like